KUNG BAKIT
ANG IGLESIA NI CRISTO AY NAGKAKAISA SA PAGBOTO
ANG mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay
bumuboto upang tuparin ang kaniyang tungkulin at karapatan bilang mamamayang
Pilipino, subalit bumuboto rin ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo upang tuparin
ang kalooban o aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia. Ano ang aral ng Diyos
nanakasulat sa Biblia na sinusunod ng bawat Iglesia Ni Cristo kapag bumuboto?
Ganito ang sinasabi ng Biblia sa Colosas 3:17:
“At anomang
inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, GAWIN NINYONG LAHAT SA PANGALAN NG
PANGINOONG JESUS, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.”
Kung ang mga karaniwang
mamamayan ay bumuboto sa pangalan ng kandidado, partido, kamag-anak, kaibigan at
maaaring dahil sa pakinabang na panlaman. Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo kapagbumubuto
ay tinutupad ang isinasaad ng Biblia na “gawin
ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus.” Kaya, ang mga kaanib sa
Iglesia NiCristo ay bumuboto sa pangalan ni Cristo o alang-alang sa
pagka-Iglesia Ni Cristo. Ang isa pang aral ng Biblia na sinusunod ng mga kaanib
sa Iglesia Ni Cristo kapag bumuboto ay isinasaad naman sa I Pedro 4:11:
“Na kung
ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga aral ng Dios: kung ang sinoman ay
nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: upang ANG DIOS AY
PAPURIHAN SA LAHAT NG MGA BAGAY SA PAMAMAGITAN NI JESUCRISTO, na sa kaniya ang
kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man.
Siya nawa.”
Kaya, ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay bumuboto
upang tuparin ang kaniyang tungkulin at karapatan bilang mamamayang Pilipino,
subalit bumuboto rin upang tuparin ang aral ng Biblia na gawin ang lahat sa
pangalan ni Cristo at upang mapapurihan ang Diyos sa lahat ng mga bagay.
Papaano magagawa ang paboto sa pangalan ni Cristo at sa ikaluluwalhati ng
Diyos? Sa I Corinto 1:10:
“Ngayo'y
ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating
Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at HUWAG
MANGAGKAROON SA INYO NG MGA PAGKAKABAHABAHAGI; KUNDI KAYO'Y MANGALUBOS SA ISA LAMANG
PAGIISIP AT ISA LAMANG PAGHATOL.”
Maliwanag ang aral ng Biblia na ang mga tunay na
Cristiano ay mangalubos sa isa lamang pag-iisip at isa lamang paghatol na huwag
magkaroon sa kanila ng pagkakabaha-bahagi. Sa ating pagiging isa o pagkakaisa
ay nabibigyan natin ng kaluwalhatian ang Diyos:
“Loobin
nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, na KAYO AY MAGKAISA ng pagiisip sa isa't
isa ayon kay Cristo Jesus: Upang KAYO NA MAY ISANG PAGIISIP SA PAMAMAGITAN NG
ISANG BIBIG AY LUWALHATIIN NINYO ANG DIOS AT AMA ng ating Panginoong
Jesucristo.” (Roma 15:5-6)
Kaya, ang malubos sa isa lamang pag-iisip at isa lamang
paghatol, at ang huwag magkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa pagboto ay nagagawa
ang pagboto sa pangalan ni Cristo at sa ikaluluwalhati ng Diyos.
SAMAKATUWID, KALOOBAN NG DIYOS AT HINDI KALOOBAN LAMANG
NG TAO ANG SINUSUNOD NG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO KUNG NAGKAKAISA SA
PAGBOTO. Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay bumuboto upang tuparin ang
kaniyang tungkulin at karapatan bilang mamamayang Pilipino, subalit bumuboto
rin upang tuparin ang aral ng Biblia na gawin ang lahat sa pangalan ni Cristo
at upang mapapurihan ang Diyos sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng
mangalubos sa isa lamang pag-iisip, isa lamang paghatol at huwag magroon ng
pagkakabaha-bahagi o ang malubos sa pagkakaisa.
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.