16 December 2016

Panata o Taimtim na Pangako Natin sa Diyos ang Magpasalamat



PANATA O TAIMTIM NA PANGAKO NATIN ANG PAGPAPASALAMAT SA PANGINOONG DIYOS




MULA pa noong una, sa panahon pa ng Kapatid na felix Y. Manalo, hanggang sa panahong ito, sa panahon ng kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, ay patuloy at walang tigil ang pagsasagawa natin ng tanang pagpapasalamat sa ating Panginoong Diyos. Ito ay sapagkat itinuturing ng mga lingkod ng Diyos ang pagpapasalamat bilang kanilang panata o taimtim na pangako sa atingPanginoong Diyos gaya ng binabanggit ng unang mga lingkod ng Diyos sa Awit 30:12:

“Di ko titigilan Yaring pagpupuri, di ako titigil sa aking pag-awit, Ang pasasalamat sa iyo, O Yahweh, ay di mapapatid.” (MB)

Hindi tayo titigil sa pagpupuri at pagpapasalamat sa Panginoong Diyos sapagkat pinayayaman ng Diyos ang Kaniyang kagandahang-loob sa atin:

“Yamang kayo'y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob, na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios.” (II Corinto 9:11)

Tunay na habang tumatagal tayo sa loob ng Iglesia ay lalong pinayayaman o pinasasagana ng Panginoong Diyos ang Kaniyang kagandahang-loob sa atin. Ang katibayan nito ay tulad ng naranasan ng mga unang lingkod:

“Dadakilain kita, Oh Panginoon; sapagka't itinindig mo ako, At hindi mo pinagalak sa akin ang aking mga kaaway. Oh Panginoon kong Dios, Dumaing ako sa iyo, at ako'y pinagaling mo. Oh Panginoon, iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol: Iyong iningatan akong buhay, upang huwag akong bumaba sa hukay. Magsiawit kayo ng pag-puri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya, At mangag-pasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan. Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; Ang kaniyang paglingap ay habang buhay: Pag-iyak ay magtatagal ng magdamag, Nguni't kagalakan ay dumarating sa kina-umagahan.” (Awit 30:1-5)

Ito rin ang karanasan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ngayon – patuloy ang pag-iingat ng Diyos sa atin: bagamat nakaranas tayo sa nagdaan ng matinding pag-uusig a bumangon ang mga kaaway ng ating pananampalataya, lakip pa ang mga paninira at pagkutya sa atin ay patuloy tayong ipinagtanggl ng Diyos sa mula sa ating mga kaaway, at hindi nahadlangan ang pagtataumpay ng gawain ng Iglesia Ni Cristo; dumating man ang mga kahirapan, panganib at kalamidad, iningtan tayong buhay ng ating Panginoong Diyos; at nang tayo’y dumalangin sa Kaniya ay sinagot Niya tayo. Nagkamali man tayo, ngunit sapagkat ang kaniyang paglingap ay habang-buhay, ang Kaniyang galit ay sandali lamang. Tunay na sagana ang kagandahang-loob ng Diyos sa atin, kaya tinuturuan tayo at natuto tayo na sumagana sa pagpapasalamat sa Diyos:

“Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pag-katuro sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.” (Colosas 2:7)

Hiding-hindi mapapatid ang ating pagpapasalmat sa Diyos sapagkat batid natin na ito’y dapat lamang na patuloy nating tuparin sapagkat ang ating pinupuri at pinasasalamatan ay ang Panginoong Diyos na hindi matapos-tapos ang kabutihan at kagandahang-loob sa atin.

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)