15 December 2016

Locale of Calumpang, Marikina, Metro Manila East



Locale of Calumpang, Marikina
 Ecclesiastical District of Metro Manila East

 
Ang Lokal ng Calumpang ang isa sa pinakamatandang lokal ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas. Isinagawa ang kauna-unahang pagsamba ng Iglesia Ni Cristo sa Nayon ng Calumpang, Bayan ng Marikina, noong Marso 17, 1919, na siya ring pagkakatatag ng lokal na ito. idinaos ang kauna-unahang pagsamba sa tahanan ni Kapatid na Luis Senga na matatagpuan sa J. Rizal St., Calumpang, Marikina. Si Kapatid na Felix Y. Manalo ang nangasiwa ng unang pagsamba ng Lokal ng Calumpang.

Mula sa tahanan ni kapatid na Senga, inilipat ang pagsamba sa tahanan ni Kapatid na Pedro Marcelo. Ang pagsamba ay idinaos dito mula 1927 hanggang 1938. Pagkatapos ay inilipat sa tahanan ni Kapatid na Esteban Nepomuceno na nasa Tayug, Calumpang, Marikina. Ang pagsamba ay isinagawa rito mula 1938 hanggang 1942. Pagkatapos ay sa tahanan ni Kapatid na Gaudencio Nepomuceno (1942-1950). Muling inilipat ang dako ng pagsamba ngayon naman ay sa tahanan ni Kapatid na Felimon Tiamzon sa General Santos St., Calumpang, Marikina (1950-1951).

Sa kabila ng karukhaan ng panahon, ang lokal ay nakapagtayo ng isang semi-konkretong gusaling sambahan. Noong Disyembre 1951 isinagawa ang unang pagsamba dito. Ang bahay sambahang ito ay may sukat na 404 sq. meters, at may seating capacity na 50 katao. Ang paghahandog ng nasabing kapilya ay pinangasiwaan ni kapatid na Benito Simbillo Sr.

Noong 1988 ay inihiwalay sa Calumpang at naging bukod na lokal ang Lokal ang Santolan. Noong 1994 ay nakabili ang lokal ng lote upang mapagtayuan ng bagong gusaling samabahan. Ngayon ang Lokal ng alumpang ay mauyroon nang konkreto at maayos na gusaling sambahan sa M.A. Roxas Street, Calumpang, Marikina.
ADDRESS:
M.A. Roxas Street, Calumpang, Marikina City

CONTACT NUMBER:
(02) 369-6968

WORSHIP SERVICE SCHEDULE:
Thursday
5:45AM
TAGALOG
Thursday
7:45PM
TAGALOG
Sunday
6:45AM
TAGALOG
Sunday
3:45PM
TAGALOG

Be sure to confirm worship service schedules before attending. Worship service times may be temporarily or recently changed.

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)