ANGEL AND LOTTIE'S VIDEO:
A PROOF OF HUMILITY
OR HYPOCRISY?
Nothing new from AE, just recycled arguments already answered by
Pristine Truth
IN the current post of “Antonio
R. Ebangelista” (dated 19 September 2016), he accused BROTHER EDUARDO V. MANALO
as bot following the doctrine to "set aside HIS MOUNTAIN OF A PRIDE just
to resolve the misunderstandings within his family or even with his brother or
sister in the faith?” Then he praise Angel and Lottie for “did try so many
times to approach their own brother and talk to him personally for years.” AE
claims that this act of Angel and Lottie exhibit humility, and further claims
that this proves that Angel and Lottie tried to submit themselves to the
authority of the Church Administration. IS THIS TRUE? WAS THEIR ATTEMPT TO TALK TO BROTHER EVM EXHIBIT
HUMILITY? ARE THEY REALLY READY TO SUBMIT THEMSELVES TO THE AUTHORITY OF THE
CHURCH ADMINISTRATION?
Actually, this video was
first uploaded by Lottie Hemedez in her FB timeline last 2015. THE TRUTH IS, WE
ALREADY ANSWERED THIS VIDEO.
Please watch this video:
AE again recycled an old and already answered argument. Truly, he
don’t have anything new to present. This is the related post of our video posted in our blog last 03 August 2015. Please read:
SINSERO NGA BA ANG PAGTUNGO NINA ANGEL AT LOTTIE SA CENTRAL NOONG PEBRERO,
2015?
MAY isa pang video na
ini-upload sina Angel Manalo at Lottie Manalo-Hemedez sa Youtube na ito ang ukol
sa pagtungo nila sa Central noong nakaraang Pebrero, 2015. Ipinangangalandakan
nila ngayon na ito raw ang katibayan na diumano’y “hindi ang pag-agaw sa
karapatan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo ang isyu o ang layunin nila Angel at
Lottie kundi ang siya’y makausap nila.” Bago po tayo magkonklusyon ng sang-ayon
sa sinasabi nilang ito batay sa video na kanilang ikinakalat sa social media ay
nais po muna naming pag-isipan ninyong mabuti ang katanungang ito: SINSERO NGA
BA SINA ANGEL AT LOTTIE SA PAGTUNGO NILA SA CENTRAL NOONG PEBREO, 2015?
(1) Batid nating lahat na sa
panahon pa ni Kapatid na EraƱo G. Manalo (“Ka Erdy”) ay ipinagbabawal na ang
pagpapapasok ng cellphone, camera at iba pang gadget na tulad nito sa loob ng
Central Office complex. Kaya nga sa panahon pa ni Ka Erdy nang itayo ang VCO na
kung saan ay may metal at electronic detector upang masaway ang mga maydala at
i-surrender sa VCO upang balikan na lamang sa pag-uwi. Isa nang matagal na
tuntunin o patakaran ito mula pa sa panahon ni Ka Erdy. Hayag sa kanila mismong
“video” na nagpasok sila ng camera at kinukunan ang paglakad, pagpasok at ang
pakikipag-usap nila. Ang maliwanag na makikitang ito sa kanila mismong “video”
na pagpasok nila ng camera sa loob ng Central ay hindi ba’t pagpapakita na AYAW
TALAGA NILANG SUMUNOD AT PASAKOP? Kung talagang sinsero sila sa pagtungo sa
Central ay bakit ayaw nilang sumunod sa tuntunin na ipinatutupad mula pa sa
panahon ni Ka Erdy?
(2) Kung ang isang tao ay
magtutungo sa isang lugar (sa isang “hostile” na dako o sa lugar na
kinaroroonan ng “hindi kasundo”) at magdadala siya ng “camera” at kukunan ang
lahat ng pangyayari ay tiyak na “may ibang nilalayon” ang gayong tao – ang
makapangalap ng magagamit niya laban sa iba. Kung talagang “sinsero” sila sa
pagtungo sa Central upang kausapin lamang ang kanilang kapatid na si Ka Eduardo
at wala silang “hidden agenda” o
“masamang layunin” ay bakit sila “nagpasok ng camera” (na paglabag sa tuntunin
na ipinatutupad mula pa sa panahon ni Ka Erdy) at “kunan ang lahat ng mga
pangyayari”? Hindi maaaring maitanggi na kaya “kinukunan” ang mga pangyayari ay
upang pagdating ng araw ay magamit nila laban sa kanilang pinuntahan. Iyan ba
ang walang “hidden agenda”?
(3) Ang dahilan nga ba talaga
ng pagtungo ninyo roon sa Central ay para kausapin si Ka Eduardo upang
“makipagkasundo” sa kaniya at ipaabot ang sinasabi ninyo na diumano’y
katiwalian (gaya ng pinalalabas ninyo ngayon) O ANG KUWESTIYUNIN ANG PASIYA NG
PAMAMAHALA SA PAGTITIWALAG SA INYONG
“KASAMBAHAY”?
(4) Sa video na ipinanakakalat
sa social media nina Angel at Lottie ay nais nilang ipakita na “ayaw” silang
kausapin ni Ka Eduardo. Let us put ourselves in the pyschological shoes of Ka
Eduardo. Kung kayo si Ka Edurado, pumaroon sa Central ang inyong mga kapatid na
tahasang nagdala ng camera na hindi napasaway, anupa’t tahasang sinuway ang
tuntunin na ipinatutupad mula pa sa panahon ng kanilang ama na si Ka Erdy,
kinukunan ang lahat ng pangyayari, iisipin ba ninyo na sinsero ang
pakikipag-usap ng inyong mga kapatid? Alam na natin kung ganiyan ay tiyak na
hindi sinsero kundi nangangalap ng maaaring magamit nila sa hinaharap laban sa
iyo.
KUNG HINDI NAMAN SINSERO, KUNG
KINUKUWESTIYON PA ANG PASIYA NG PAMAMAHALA, AT KUNG NANGANGALAP PA NG MAAARI
NILANG MAGAMIT SA HINAHARAP LABAN SA IYO, MAAASAHAN BA NA HAHARAPIN SILA? Kaya
pala saglit lang sila kinausap ni Ka Rene at ang ipinasabi sa kanila ni Ka
Eduardo ay “Kung handa kayong sumunod ay umuwi na kayo.”
ANO PA ANG NAPATUNAYAN NATIN
SA VIDEO NA ITO?
(1) Hindi totoo na hindi sila
makapasok sa Central at pinipigilan sila ng mga security guard sapagkat
kapansin-pansin na walang magawa o hindi sila masaway ng mga security guard sa
paglabas ng camera o cellphone at kunan ang mga pangyayari.
(2) Hindi totoo ang sinasabi
nila na “wala nang galang” ang mga tao sa Central sa kanila at ipinagtatabuyan
daw sila at ayaw papasukin sa Central. Ang hindi nila pagdaan sa metal at
electronic detector ay nagpapatunay na tuloy-tuloy lang sila sa pagpasok, at
ang paglabas nila ng camera o cellphone para kunan ang kanilang pagpasok at
pakikipag-usap na walang naging “kumosyon” (sa video nila mismo ay walang
nakitang anumang pagsaway sa kanila o kumosyon na agawin sa kanila ang camera)
ay nagpapakitang “may paggalang pa sa kanila” ang mga security personnel at ang
mga tao sa Central.
(3) Nangangalap sila ng
“anumang” magagamit nila laban sa Pamamahala pagdating ng araw (na iyan nga ang
nakita natin ngayon na “ginamit” nila ang videong ito para pasamain ang Kapatid
na Eduardo V. Manalo na “kesyo” siya raw ang ayaw makipag-usap sa kanila).
(4) Ayaw nilang sumunod at
pasakop.
KONKLUSYON
SAMAKATUWID, ANG “VIDEO” NINA ANGEL AT LOTTIE NA PAGPAROON NILA SA
CENTRAL AY HINDI NAGPAPATUNAY NA “AYAW SILANG KAUSAPIN NI KA EDUARDO” KUNDI
AYAW PA RIN NILANG SUMUNOD AT NANGANGALAP SILA NG MAAARI NILANG GAMITIN LABAN
SA PAMAMAHALA, KAYA TIYAK NA MAY “HIDDEN AGENDA” NGA SILA.
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.