18 June 2016

SAGOT SA TANONG NA : “Maliligtas ba kahit tiwalag o nasa labas ng Iglesia ni Cristo?”



Sagot sa mga Tanong, Paratang at Paninira
sa Iglesia Ni Cristo
010
 
TANONG:

“Maaari bang ang tao ay makapaglingkod sa Diyos, makagawa ng kabanalan, at magtamo ng kaligtasan kahit siya’y tiwalag sa Iglesia Ni Cristo?”



SAGOT:
                        

Ito ang pinagpipilitan ng mga tiwalag ngayon sa Iglesia na kumakalaban sa Pamamahala – na kahit daw sila tiwalag ay makapagtatapat sila sa Diyos, makapaglilingkod sila sa Diyos, makagagawa sila ng kabanalan, pagging-dapatin sila at makapagtatamo rin sila ng kaligtasan. Subalit, batid natin na ito ay salungat sa pagtuturo ng Banal Na Kasulatan.

Ano ba ang katangian ng Iglesia ni Cristo na hindi kailanman matatagpuan sa iba o sa labas ng Iglesia? Ganito ang patotoo sa atin ni Apostol Pablo:

Efeso 5:23 at 25 MB
“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang  asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.
“Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya.  Inihandog  niya ang kanyang buhay para rito.”

Ang Iglesia” ay ang “katawan” ni Cristo, at si Cristo ang “ulo” ng Iglesia.  Kung papaanong iisa lamang ang katawan ng ulo, gayon din, iisa lamang ang tunay na Iglesia sapagkat iisa lamang ang katawan lamang ang Panginoong Jesus:

Efeso 4:4
“May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo.”

Ang “iisang Iglesia” na katawan ni Cristo ay ang “Iglesia ni Cristio”:

I Corinthians 12:12, NTME
“For just as the human body is one and yet has many parts, and all its parts, many as they are, constitute but one body, so it is with the Church of Christ.”

Kaya, ano ang katangian ng “Iglesia ni Cristo” na “katawan” ni Cristo? Sa “Iglesia ni Cristo” inihandog ni Cristo ang Kaniyang buay kaya Siya ang Tagapagligtas nito. May malinaw bang pahayag ang Biblia na ang “Iglesia ni Cristo” ang tinubos o binili ng dugo ni Cristo?

Acts 20:28, Lamsa
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock, over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood.”

Kung ang Iglesia Ni Cristo ang binili ng dugo ni Cristo at siyang pinaghandugan ni Cristo ng Kaniyang buhay, kaya ang nasa labas ng Iglesia Ni Crsto ay nasa labas ng tinubos, anupa’t hindi kabilang sa mga tinubos. Dahil dito, ang mga tiwalag o umalis sa Iglesia Ni Cristo, sapagkat nasa labas na ng Iglesia, hindi na rin sila kabilang sa mga tinubos ng mahalagang dugo ng Panginoong Jesus.


Anu-ano ang kahalagahan ng mapabilang sa tinubos ng
dugo ni Cristo o ang manatiling nasa loob ng Iglesia ni Cristo
(na siyang pinatutunayan ng Biblia na tinubos ng dugo ni Cristo)?


WALANG KARAPATANG MAGLINGKOD ANG HINDI KABILANG
SA TINUBOS O NASA LABAS NG IGLESI NI CRISTO

Ang pinatutunayan ng Biblia na may karapatang maglingkod sa Diyos ay ang tinubos ng mahalagang dugo ni Cristo:

Hebreo 9:13-14
“Sapagka't kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman: Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?”

Mula nang ang tao’y nagkasala ay nahiwalay sa Diyos at ang kasalanang ang nagpakubli ng mukha ng Diyos upang Siya’y huwag makinig sa tao (Isaias 59:2). Dahil sa kasalanan ang tao’y inalisan ng karapatan na maglingkod sa Diyos. Kaya, upang manumbalik ang karapatan ng tao sa paglilingkod sa Diyos ay dapat siyang malinis sa kaniyang kasalanan. Ang sabi sa Hebreo, “Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo…ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay…” Dhil dito, ano ang magagawa ng nalinis sa kasalanan sa pamamagitan ng pagtubos ng dugo ni Cristo? Ang sabi pa sa talata “maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay.”

Papaano kung nasa labas ng pagtubos ng dugo ni Cristo sapagkat nasa labas ng Iglesia Ni Cristo na siyang binili at tinubos ng dugo ni Cristo? Ganito ang sagot ng Biblia:

Hebreo 9:22
“At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.”

Kung ang pagkatiwalag o paghiwalay sa Iglesia Ni Cristo ay nangangahulugang hindi na kabilang sa tinubos (sapagkat ang Iglesia Ni Cristo ang pinatutunayan ng Biblia na tinubos), kaya hindi rin kabilang sa lininis ng dugo ni Cristo at walang karapatan na maglingkod sa Diyos. Ang sabi ng Biblia, “maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.” May kabuluhan pa ba ang anumang kanilang gagawing paglilingkod?

Juan 15:5
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.”


WALANG KALIGTASAN ANG NASA
LABAS NG IGLESIA NI CRISTO

Kung pag-uusapan naman ay kaligtasan, ano ang maliwanag na sinasabi ng Biblia sa mga tinubos ng dugo ni Cristo (ang “Iglesia Ni Cristo”)?

Roma 5:8-9 MB
“Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. At ngayong napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kanyang dugo, lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan niya.”
 
Ang nakinabang sa kamatayan ni Cristo o natubos ng dugo ni Cristo (pinawalang-sala sa pamamagitan ng dugo ni Cristo) ang lalo nang tiyak na maliligtas sa poot ng Diyos. Sapagkat maliwanag ang pahayag ni Apostol Pablo na sa Iglesia ibinigay ni Cristo ang Kaniyang buhay, kaya tiniyak din na si Cristo ang Tagapagligtas ng Iglesia:

Efeso 5:23 at 25 MB
“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang  asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.
“Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya.  Inihandog  niya ang kanyang buhay para rito.”

Dahil dito, maliwanag din na ipinahayag ni Apostol Pablo na MAY HATOL NG DIYOS SA MGA NASA LABAS NG IGLESIA:

I Corinto 5:12-13 NPV
“Ano ang karapatan kong humatol sa mga taga-labas ng iglesya?  Hindi ba kayo ang hahatol sa mga nasa loob? 13Ang Dios ang hahatol sa mga nasa labas. "Itiwalag ninyo ang masama ninyong kasamahan.”

KONKLUSYON

SAMAKATUWID, ang pagsasabing makapaglilingkod din ang tao na aaring dapat at makapagtatamo rin ang tao ng kaligtasan sa labas ng Iglesia ay nabatay lamang sa sariling pangangatuwiran, opinyon o haka-haka, subalit wala silang maipakikitang talata ng Biblia na ganito ang sinasabi. SAMANTALANG, kung Biblia ang sasangguniin, maliwanag sa Banal Na Kasulatan na ang may karapatang maglingkod sa Diyos at ang tiyak na maliligtas ay ang “Iglesia Ni Cristo” na siyang tinubos ng mahalagang dugo ni Cristo.

Marapat lamang na ang mga nais na maligtas at mahging apat sa Diyos ay magbalik-loob sa pamamagitan ng pagpasok (kung hindi pa kaanib) o panunumbalik (kung tiwalag o mahiwalay) sa Iglesia Ni Cristo.


THE IGLESIA NI CRISTO
Facebook.com/TheIglesiaNiCristo     theiglesianicristo.blogspot.com
Sagot sa Tanong, Pagtuligsa at Paninira sa Iglesia Ni Cristo
PART 010

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)