AE…REMEMBER ME?
(HOW PRISTINE TRUTH PUT YOU IN BIG SHAME)
PART 15
AE, REMEMBER
THIS
Ang artikulong ito ang hindi talaga kinibo ni “Antonio
Ebangelista” sapagkat dito ay sinuri natin sa liwanag ng Banal Na Kasulatan
kung sino talaga ang nasa likod ng kanilang kilusan. Ipinakikita sa aryikulng
ito na sa “bunga” makikilala kung tama ba o mali ang kanilang kilusan, at kung
sino talaga ang nasa likod ng kanilang kilusan. Ang “bungang” nagbibigay “tisod”
sa mga kapatid sa pagsunod sa mga utos ng Diyos na nakasulat sa Biblia ay
sasang-ayunan ng Diyos sapagkat ang hinihingi nga Niya sa mga tao ay ang lubos
na pagsunod, kundi ang diablo ang may layunin na alisin ang salita ng Diyos sa
puso ng tao.
___________________________
Sa
"Bunga" malalaman kung tama o mali at ang tunay na nasa likod ng
ganitong kilusan
First posted last 23 May 2015
ANG “Kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia” ay ginamit ang Social Media at dito ipinagsisigawan na diumano’y “may corruption sa Iglesia ngayon.” Ang kahulugan ng sinasabi nilang “may corruption sa Iglesia ngayon” ay “may nagaganap (daw) na pagnanakaw sa mga handog o abuloy ng mga kapatid.” Kaya, kabilang sa ipinagsisigawan nila ay wala na raw transparancy sa pananalapi ng Iglesia ngayon na gaya noon. Ang totoo’y hindi humangga diyan ang kanilang pagbatikos. Sa Social Media ay patuloy pa rin nilang binabatikos ang mga isinasagawang “mga handugan” ng Iglesia.
[Bagamat lagi
nilang itinatanggi na sila’y lumalaban sa Pamamahala ng Iglesia, subalit ang
kanilang ipinagpipilitan at ipinagsisigawan sa social media na “may corruption
sa Iglesia” ay tahasang paglaban sa ipinahayag ng Tagapamahalang Pangkalahatan,
ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, na “Walang corruption” sa Iglesia. Dahil
dito, tama lamang po na tawagin sila na “Kumakalaban sa Pamamahala” kahit ano
pang pagtanggi ang kanilang gawin.]
Ang artikulong ito na may
pamagat na “May Corruption ba sa Iglesia Ngayon” ay hinati natin sa apat na
bahagi na kalakip ang pagsiyasat sa mga ibinibigay nilang mga diumano’y mga
katibayan sa kanilang paratang na ito. Sa bahaging ito ay talakayin muna natin
kung “tama ba o mali” ang ginagawa o paraan ng mga kumakalaban sa Pamamahla”
(ang paggamit sa social media at doon ipinagsisigawa ang kanilang mga
pagpaparatang) sa liwanag ng pagtuturo ng Banal Na Kasulatan.
ANG “BUNGA” NG KANILANG GINAGAWA
Sinasabi nilang ang “layunin”
daw nila sa ginagawang ipinagsisigawan sa social media na “may corruption daw
sa Iglesia” o “ninanakaw lamang daw ang handog ng mga kapatid ay para daw
manumbalik ang “linis” ng Pananalapi ng Iglesia. Subalit, ito ba talaga ang “ibinubunga”
ng kanilang ginagawang ito?
Ang tunay na ibinunga ng kanilang
ginagawa o ng kanilang “pamamaraan” (ang ipagsigawan sa social media ang isyung
ito) ay dalawa: (1) nakapagpapahina o nakapagbibigay “katitisuran” sila sa mga
kapatid; at (2) nakapagbibigay “katitisuran” sila sa mga minimisyon o nais
magsuri sa Iglesia.
Hindi maaaring maitangi na may
ilang mga kapatid na nakabasa sa social media ng kanilang mga paratang ay
naka-“damage” o nakapagdulot ng pinsala sa kanilang pananampalataya. Bilang
katibayan, may isang kapatid na nag-send sa amin ng ganito:
“That
was my first message to AE. To be honest po, hindi ko alam ang magiging
kahihinatnan ng pakikipag ugnayan ko kay AE at sa inyo…Aaminin ko pong
sinusubaybayan ko ang mga post ni AE and aaminin kong nag aantay ako ng
paliwanag ng mga kinauukulan (Sanggunian) . Naiiyak po ako habang sinusulat ko
ito sapagkat alam ko po KUNG PAANONG NA DAMAGE ANG SPIRITUAL SIDE KO SA ISYU NG
PANANALAPI SA IGLESIA. Masyado pong mahalaga sa akin ang doktrina ng kusa at
bukas sa loob na paghahandog. Isang bagay na naipamana ng nasira kong Ama. Kung
kaya't naging pagsubok talaga sa akin ang isyung ito…”
Ang sinasabing “damage” o
“pinsala” sa pananampalataya ng ilang mga kapatid ay ang magkaroon ng “tisod”
sa kanilang puso ukol sa gawang paghahandog, at pag-alinlanganan at maging
mabigat sa kanilang loob ang pagtupad sa “kautusang” ito.
ANG KAUTUSAN NG DIYOS
ANG KAUTUSAN NG DIYOS
Ang lahat po ng ipinatutupad
ngayon sa Iglesia ay naaayon sa kautusan ng Panginoong Diyos na nakasulat sa
Biblia. Sa marami nang pagkakataon ay naituro sa atin ang mga bagay na ito bagi
pa man tayo bautismuhan sa loob ng Iglesia. Hayaan po ninyong sariwain natin
ang mga ito:
Hebreo 13:15-16
“Sa pamamagitan
nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, samakatuwid
baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't
ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa
mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.”
Patuloy pa rin na ang ating
paghahandog ay ang karawaning pag-aabuloy sa pagsamba ng Miercoles/Huwebes at
Sabado/Linggo; Tanging Handugan at ang Ukol sa Pasalamat (lagak). Ito lamang
ang ating handugan. Ang binabanggit na “Lingap, “ “Lokal,” “Distrito” ay mga
alokasyon lamang ng Tanging Handugan. Nasa Biblia ba ang Tanging Handugan?
Ganito ang nakasulat sa Banal Na Kasulatan:
II Kronika 24:8,10,12-14
“Sa gayo'y
nagutos ang hari, at sila'y nagsigawa ng isang kaban, at inilagay sa labas sa
pintuang daan ng bahay ng Panginoon.
“At ang lahat na
prinsipe at ang buong bayan ay nagalak, at dinala, at inilagay sa kaban,
hanggang sa natapos.
“At ibinigay ng
hari at ni Joiada sa gumagawa ng gawaing paglilingkod sa bahay ng Panginoon; at
sila'y nagsiupa ng mga kantero at ng mga anluwagi upang husayin ang bahay ng
Panginoon, at ng nagsisigawa naman sa bakal at tanso upang husayin ang bahay ng
Panginoon. Sa gayo'y nagsigawa ang mga manggagawa, at ang gawa ay nayari sa
pamamagitan nila, at kanilang itinayo ang bahay ng Dios sa kaniyang kalagayan,
at pinatibay. At nang kanilang matapos, kanilang dinala ang labis ng salapi sa
harap ng hari at ni Joiada, na siyang mga ipinagpagawa ng mga sisidlan sa bahay
ng Panginoon, sa makatuwid baga'y mga sisidlan upang ipangasiwa, at upang
ipaghandog ng hain, at mga sandok, at mga sisidlang ginto, at pilak. At sila'y nangaghandog na palagi ng mga
handog na susunugin sa bahay ng Panginoon sa lahat ng mga kaarawan ni Joiada.”
Maaaring ikatuwiran ng mga
Kuamakalaban sa Pamamahala na “hindi naman kami tutol sa mga nabanggit ninyo
sapagkat iyan ay itunuro sa atin sa panahon pa ng Sugo. Bakit po ngayon ay may
tanging handugan para sa sentenaryo at iba pa?” Hayaan nating Biblia po ang
sumagot sa katanungang iyan:
II Corinto 9:7-8, 12-13
“Magbigay ang
bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil
sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. At maaaring
gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na
mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa:
“Sapagka't ang
pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang TUMATAKIP SA
PANGANGAILANGAN NG MGA BANAL, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming
pagpapasalamat sa Dios; Palibhasa'y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng
ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong
pagkilala sa evangelio ni Cristo, at DAHIL SA KAGANDAHANG-LOOB NG INYONG AMBAG
SA KANILA AT SA LAHAT.”
Ayon sa Biblia, ang
pag-aabuloy o paghahandog ay isinasagawa ng Iglesia na ang isa sa dahilan ay
upang “tumakip sa pangangailangan ng mga banal.” Kaya, wala pong nalalabag
kundi nasusunod pa ang itinakda ng Banal Na Kasulatan na magkaroon tayo ng
handugan para sa KASALUKUYANG pangangailangan ng Iglesia. Itinuro din sa atin
ng Biblia kung papaano po natin ito dapat isagawa. Ang sabi sa talata, “Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya
ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob.”
Samakatuwid, ang sinumang
pipigil o sisira sa pananampalataya ng isang kapatid sa pagtupad sa kautusang
ito ng Diyos (pigilang tuparin ang utos na “magbigay ang bawat isa” at ang utos
na isagawa ito ng “ayon sa pasiya ng puso” at na “huwag mabigat sa loob”) ay
humahadlang sa mga kapatid na tuparin ang utos ng Diyos o “naglalagay ng
katitisuran.” Tama ba na maglagay tayo ng “katitisuran” sa pagtupad ng utos ng
Diyos? Ganito po ang pahayag sa atin ng Biblia:
I Corinto 10:32
“Huwag kayong
magbigay ng dahilang ikatitisod, sa mga Judio man, sa mga Griego man, o sa
iglesia man ng Dios.”
Kaya, ayon kay Apostol Pablo,
kung ang iyong pagkain o paginom ay magiging katitisuran” ay ano ang kaniyang
sinasabi?
I Corinto 8:13
“Kaya, kung ang
pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailan man ay hindi ako kakain ng
lamang-kati, upang ako'y huwag makapagpatisod sa aking kapatid.”
Kaya, kahit pa anong sabihin
ng isang tao para ma-justify ang kaniyang ginagawa o paraan, subalit hindi ito “justifiable”
sa harap ng Diyos kung nagiging dahilan ito ng pagkatisod ng isang kapatid
upang masuway niya ang kautusan ng Diyos. Kung bakit, ganito ang paliwanag pa
sa atin ng Biblia:
Santiago 2:10
“Sapagka't ang
sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa isa, ay
nagiging makasalanan sa lahat.”
ANG TUNAY NA NASA LIKOD NG
GANITONG “KILUSAN”
Kung ang
ginagawa ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ay sumisira sa pananampalataya ng
isang kapatid at nagkakaroon sa kaniya ng katitisuran sa pagtupad sa utos ng
Diyos, masasabi ba na ito’y gawa ng Diyos? Maaangkin ba na ito’y kalooban ng
Diyos? Sino ang tunay na nasa likod ng isang gawain, paraan, kilusan na
sumisira o pumipinsala sa pananampalataya upang huwag matupad ang kautusan ng
Diyos? Ganito po ang pahayag sa atin ng Banal Na Kasulatan:
Lukas 8:12
“At ang mga sa
tabi ng daan, ay ang nangakinig; kung magkagayo'y dumarating ang diablo, at
inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at
mangaligtas.”
Ang gusto ng
Diyos ay tuparin ang Kaniyang utos kaya hindi maaaring maging mula sa Kaniya
ang anumang sumisira ng pananampalataya at naglalagay ng katitisuran sa
pagsunod sa Kaniyang mga utos. Ang diablo ang may gawa o kilusan na alisin ang
salita ng Diyos sa puso ng tao upang huwag siyang sumampalataya, upang huwag
siyang sumunod, upang huwag siyang maligtas.
Noong una ay
ang Tagapamahalang Pangkalahatan ang tuwirang binabatikos at sinisiraan ng mga
kinakasangkapan ng kaaway ng pananampalataya. Hindi ba’t ganito po ang nangyari
sa panahon ng Kapatid na Felix Y. Manalo at ng Kapatid na Erano G. Manalo? Alam
din natin na hindi sila nagtagumpay. Bakit ngayon ang pinupulaan at pinipilit
ng kaaway ng ating pananampalataya ay ang mga katuwang ng Tagapamahalang
Pangkalahatan ang katisuran ng mga kapatid? Sapagkat alam niyang nabigo na siya
nang ang paninira ay ituon niya sa mismong Namamahala sa Iglesia, kaya ngayon
ang paninira ng diablo ay itinuturuon niya sa mga katuwang ng Pamamahala. Bakit
sa kanila? ALAM NATIN NA SILA ANG KATUWANG NG PAMAMAHALA SA PAGBALANGKAS NG MGA
LEKSIYON NA ITINUTURO SA PAGSAMBA. KUNG ANG ISA NGA NAMANG KAPATID AY TISOD SA
KANILA AY TIYAK NA HINDI NA NIYA TATANGGAPIN ANG MGA SALITA NG DIYOS NA
ITINUTURO. KUNG SIRANG-SIRA NA NGA NAMAN SILA SA SOCIAL MEDIA, AT MANGASIWA
SILA NG PASAMBA AT LALO NA NG PAMAMAHAYAG, TIYAK NA HINDI NA MAKIKINIG SA
KANILA ANG MGA KAPATID AT ANG MGA MINIMISYON.
Sa palagay po
ninyo, kaninong “gawa” ang pati ang mga leksiyon sa pagsamba ay “pinupulaan”?
Sino nga ang nasa likod ng kilusan na ang ibinubunga ay ang hindi pagtanggap sa
mga salita ng Diyos o ang matisod sa pagtupad sa mga kautusan ng Diyos? Muli
nating basahin ang Lukas 8:12:
Lukas 8:12 MB
“Ang mga binhing
nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga nakinig, ngunit dumating ang diyablo at
inalis sa kanilang puso ang salita upang hindi sila manalig at maligtas.”
Kung sa
Diyos ang kanilang “kilusan” bakit po ganito ang ibinubunga sa iba sa pagbasa
ng kanilang “mga ibinubunyag”? Muli po nating sipiin ang pahayag ng isang
kapatid:
“That
was my first message to AE. To be honest po, hindi ko alam ang magiging
kahihinatnan ng pakikipag ugnayan ko kay AE at sa inyo…Aaminin ko pong
sinusubaybayan ko ang mga post ni AE and aaminin kong nag aantay ako ng
paliwanag ng mga kinauukulan (Sanggunian) . Naiiyak po ako habang sinusulat ko
ito sapagkat alam ko po KUNG PAANONG NA DAMAGE ANG SPIRITUAL SIDE KO SA ISYU NG
PANANALAPI SA IGLESIA. Masyado pong mahalaga sa akin ang doktrina ng kusa at
bukas sa loob na paghahandog. Isang bagay na naipamana ng nasira kong Ama. Kung
kaya't naging pagsubok talaga sa akin ang isyung ito…”
Hindi po kataka-taka
na mangyari ang mga bagay na ito na nangyayari ngayon (ang hindi lang ang mga
kaibayo sa pananampalataya ang pumupula sa aral na ating tinanggap at sinusunod
kundi maaaring may mga kapatid at ministro pa na nagagamit ng diablo na
kasangkapan upang sirain o pinsalin ang ating pananampalataya) sapagkat
ipinagpauna na ng Biblia ang bagay na ito:
Apocalipsis 12:7,17
“At nagkaroon ng
pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa
dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka;
“At nagalit ang
dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang
nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus.”
Ipinagpauna
na sa atin sa hulang ito ng Biblia na sa tindi ng galit ng diablo ay babakahin
niya ang “nalabing binhi” ang mga “nagsisitupad ng mga utos ng Diyos, at mga
may patotoo ni Jesus.” Hindi lamang ang kakasangkapanin ngayon ng diablo ay ang
mga kaibayo sa pananampalataya. Ganito rin ang ipinagpauna sa atin ni Apostol Pablo”
Roma 16:17-18
“Ngayo'y
ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan
ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong
nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila. Sapagka't ang mga gayon ay hindi
nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at
sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay
dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.”
May mga kabilang sa bayan ng
Diyos subalit panggagalingan ng pagkakabahabahagi at katitirusan laban sa mga
aral na ating tinanggap. Paano nila ito gagawin? Ang sabi ng Biblia ay “sa
pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at mainam na talumpati.” Ganito ang
katumbas nito sa saling Magandang Balita:
Roma 16:18 MB
“Ang mga gayong
tao ay hindi naglilingkod kay Cristo na ating Panginoon, kundi sa kanilang
makasariling hangarin, at sa pamamagitan
ng kanilang magaganda at matatamis na pangungusap ay inililigaw nila ang mga
mapaniwalain.”
Huwag po tayo padadala sa “matatamis
nilang pangungusap” subalit ang tunay pa lang layunin ay ang tayo’y iligaw. Kunwa’y
hindi lumalaban, kunwa’y kakampi, kunwa’y nagmamalasakit, kunwa’y ang ginagawa’y
sa ating kapakanan, kunwa’y sa ating ikabubuti, subalit huwag po tayong padaya,
ang ganitong pamamaraan ay tulad din ng pamamaraan ng pandaraya ng ahas kay
Eba:
Genesis 3:1-5 MB
“Ang ahas ang
pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ni Yahweh. Minsa'y tinanong nito ang babae, "Totoo
bang sinabi ng Diyos na huwag kang kakain ng anumang bungangkahoy sa
halamanan?" Tumugon ang babae, "Hindi naman! Ipinakakain sa amin ang
anumang bunga sa halamanan, 3huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna
niyon. Pag kami raw ay kumain ng bunga nito o humipo man lamang sa punong iyon,
mamamatay kami." Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay, wika ng ahas. Gayon
ang sabi ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon,
magkakaroon kayo ng pagkaunawa. Kayo'y
magiging parang Diyos; malalaman ninyo ang mabuti at masama.”
Hindi ba’t ang isinisigaw po
nila na layunin nila ay para raw sa kapakanan ng Iglesia, para daw sa “panunumbalik
ng linis” ng Iglesia, para raw mamulat tayo sa katotohanan, para raw malaman
natin ang tama at mali, subalit ano naman ang ibinubunga ng mga ito – ang pagkasira
o pagkapinsala ng pananampalataya ng iba, ang pagkatisod sa aral tulad sa
paghahandog. Papaano masasabing “dalisay at malinis” ang “may katitisuran” o “may
pagkatisod” sa kautusan ng Diyos? Tama ang sabi ng Panginoong Jesus, pumaparito
ang diablo upang alisin ang salita ng Diyos sa puso upang hwag siumampalataya at huwag
maligtas.
Totoong napakalapit na ng araw
ng ating kaligtasan. Kaya itinulad ng Biblia ang diablo sa isang mabangis na
hayop (isang leong umuungal) na naghahanap ng kaniyang masisila dahil alam
niyang kakaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kaniya. Lahat na ng paraan
ay gagawin po niya at lahat na ng maaari niyang kasangkapanin ay
kakasangkapanin niya upang “maalis ang salita ng Diyos sa ating puso upang
huwag manalig at huwag maligtas.”
Subalit, gaya ng itnuro ng
Sugo, ng Kapatid na Erano G. Manalo at hanggang ng kasalukuyang Pamamahala, ang
Kapatid na Eduardo V. Manalo, IPAKIPAGLABAN NATIN ANG PANANAMPALATAYA – MANATILI
PO TAYO SA PAGSUNOD SA MGA KALOOBAN NG DIYOS sapagkat ito ang ating
ikaliligtas:
Apocalipsis 14:12-13 MB
12Kaya't
kailangang magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa utos ng
Diyos at nananatili sa pananalig kay Jesus. 13At narinig ko ang isang tinig
mula sa langit na nagsasabi, "Isulat mo ito: Mula ngayon, mapapalad ang
naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayan!" "Tunay nga," sabi
ng Espiritu. "Magpapahinga na sila
sa kanilang pagpapagal; sapagkat susundan sila ng kanilang mga gawa."
Ipanalangin po natin sa Diyos
na malagpasan natin ang mabigat na pagsubok na ito na ating painagdadaanan
ngayon. Ipakiusap natin sa Kaniya na panatilihin ang ilaw sa ating puso at
isipan upang manatili tauo sa panig Niya, manatili tayo sa panig ng Pamamahala.
Gabayan Niya tayo at tulungan na anumang paninira o lalang pa ng diablo ang
ating masagupa, kahit pa tayo magtiis at magsakit, makapanatili tayo sa
pagtupad sa mga utos ng Diyos na ating tinanggap.
Ipanalangin po natin ang
Tagapamahalang Pangkahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, na malagpasan
niya ang pagsubok na ito sa kaniya at sa kaniyang sambahayan, na patuloy siyang
gabayan ng Ama at patuloy na tuparin ng Diyos ang Kaniyang pangako sa Kaniyang
Sugo na:
“As for me, this is my covenant with them, saith the LORD; My spirit that
is upon thee, and my words which I have put in thy mouth, shall not depart out
of thy mouth, nor out of the mouth of thy seed, nor out of the mouth of thy
seed's seed, saith the LORD, from henceforth and for ever.” (Isaias 59:21 KJV)
Sa Pilipino:
“Para sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng PANGINOON: ang
aking Espiritu na nasa iyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong
bibig, HINDI HIHIWALAY sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong binhi, o sa
bibig man ng BINHI NG IYONG BINHI, sabi ng Panginoon, mula ngayon at
magpakailan pa man.”
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.