ANG DAPAT NA
PANINDIGANAN AT ANG MGA TUNAY NA NANININDIGAN
ANG madalas nating marinig sa
“mga tiwalag” ay sila raw ang “naninindigan” kaya tinawag pa nila ang kanilang
mga sarili na “defenders” na ipinagtatanggol daw nila ang dapat na
panindiganan. Subalit, kung ang tunay na dapat pnindiganan ay hindi naman
siyang pinaninindigan bagkus ay kanila pang nilalabanan, sila ay mga huwad na
“defenders.” Hayaan nating huwag opinyon o haka-haka lamang ang ating
pagbatayan kundi ang itinuturo ng Banal Na Kasulatan. Ayon sa Biblia, alin ba
ang dapat nating panindiganan?
“Ang tanging
kondisyon ay lubos ninyong sampalatayanan ang Katotohanan, matatag at mahigpit
na pinaninindigan ito, matibay sa Panginoon, naniniwala sa Mabuting Balita na
namatay si Jesus para sa inyo...” (Colosas
1:23(a) TLB, salin sa Pilipino)
Maliwanag sa Biblia na ang
KATOTOHANAN ang dapat na MAHIGPIT NA PANINDIGANAN. Ang sabi ng talata, “lubos ninyong sampalatayanan ang
Katotohanan, matatag at mahigpit na pinaninindigan ito.”
Ang “katotohanang” dapat na
panindiganan ay hindi ang “katotohanang” inaangkin lamang ng iba, kundi ANG
KATOTOHANAN NA ITINUTURO NG BIBLIA. Ang tama pala ay defender ng katotohanan ng
Biblia at hindi ng “katotohanang” inaangkin lamang at salig pa sa paratang at
akusasyon lamang.
ANG KATOTOHANAN NG BIBLIA NA DAPAT PANINDIGANAN
Ang Banal Na Kasulatan ang may
pahayag na ang Katototohanan ang dapat na matatag at mahigpit na panindiganan.
Kaya, ang sinumang hindi naninindigan sa Katotohanan na itinuturo ng Biblia ay
hindi nila maaangkin na sila’y tunay na naninindigan o defender ng katotohanan.
Alin ang Katotohanan na dapat
nating panindiganan at i-depensa? Ito ang katotohanang itinuro ng Panginoong
Jesucristo:
“Kaya muling
nagsalita si Jesus: Buong katotohanang sinsabi Ko sa inyo, Ako ang pintuan ng
kulungan ng mga tupa…Ako ang pintuan: ang sinumang pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan Ko ay maliligtas.” (Juan
10:7 at 9 REB, salin sa Pilipino)
Ang sabi ng Panginoong Jesus,
“Buong KATOTOHANANG sinasabi Ko sa inyo.”
Alin ang buong katotohanan na Kaniyang sinasabi? “Ako ang pintuan: ANG SINUMANG PUMASOK SA LOOB NG KAWAN ng kawan sa
pamamagitan Ko AY MALILIGTAS.” Alin
ang tinutukoy ng Panginoong Jesus na “kawan” na isang buong katotohanan na ang
pumasok sa kawang ito ay maliligtas?
“Ingatan ninyo
kung gayun ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala upang pakanin ang iglesia
ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.” (Gawa 20:28 Lamsa, salin sa
Pilipino)
Ang kawan ay ang Iglesia Ni
Cristo at pinatunayan sa talata na ang Iglesia Ni Cristo ang binili o tinubos
ni Cristo ng Kaniyang dugo. Ang Panginoong Jesus ang may sabi na isang BUONG
KATOTOHANAN na ang pumasok sa kawan ay maliligtas. Kaya, isang katotohanan na
itinuro ng Biblia na ang pumasok sa Iglesia Ni Cristo ang maliligtas. Dahil
dito, ano ang itinuturo ng Panginoong Jesus upang malubos ang ating
pagkaligtas?
“Subalit kung kayo ay nananatiling [tapat, mga tunay
na mananampalataya] hanggang sa [katapusan o kamatayan] kayo ay maliligtas.” (Mateo 24:13 CEV, salin sa Pilipino)
Bakit tayo inuutusan ng
Panginoong Jesus na manindigan sa ating pagka-Iglesia Ni Cristo hanggang
katapusan o hangang kamatayan para maligtas? Ano naman ang katotohanan na
itinuro ni Apostol Pablo patungkol sa tunay na Iglesia Ni Cristo?
“Ano ang
karapatan kong humatol sa mga taga-labas ng iglesya? Hindi ba kayo ang hahatol sa mga nasa loob?
13Ang Dios ang hahatol sa mga nasa labas. "Itiwalag ninyo ang masama
ninyong kasamahan.” (I Corinto 5:12-13
NPV)
Maliwanag na itinuro ni
Apostol Pablo na ang nasa labas ng Igesia ay may hatol ng Diyos. Kaya hindi
lamang inuutusan tayo ng panginoong Jesus na pumasok sa Iglesia Ni Cristo,
kundi tinuturuan din tayo na manatili hanggang katapusan o hanggang kamatayan.
SINALUNGAT NG MGA DIUMANO’Y “DEFENDERS”
ANG KATOTOHANAN NG BIBLIA
Ang Katotohanan na itinuturo
ng Biblia ay maliwanag na sinalungat ng mga diumano’y “defenders”. Ang
paghikayat nila na umalis tayo sa Iglesia Ni Cristo ay maliwanag na pagsalungat
sa katotohanang itnuro ni Cristo na manatili hanggang katapusan o kamatayan
upang maligtas. Sinasabi nila na hindi na raw ito ang “katotohanan” ngayon na
“ang nasa loob ng Iglesia Ni Cristo ang maliligtas.” DI BA’T ITO’Y TAHASAN NANG
PAGLABAN SA KATOTOHANANG NAKASULAT SA BIBLIA?
Hindi kung gayon ang
katotohanan ng Biblia ang pinaninindiganan o idinidepensa ng mga diumano’y
“defenders” kundi lumalaban pa sila sa katotohanan ng Biblia.” Alin ang
kanilang pinaninindiganan at idinidepensa? Ang mga akusasyon at ma paratang
laban sa Pamamahala at sa Iglesia Ni Cristo. Samakatuwid, HINDI SILA MGA “DEFENDERS
OF BIBLICAL TRUTH” KUNDI MGA “DEFENDERS OF THE ACCUSATION AGAINST THE IGLESIA
NI CRISTO, MGA HUWAD NA “INC DFENDERS.”
KONKLUSYON
Ang tunay na na “INC Defenders”
ay ang naninindigan sa katotohanan ng Biblia, naninindigan sa kanilang
pagka-Iglesia Ni Cristo na mananatili hanggang katapusan o kamatayan, kaya
hindi kailanman pahihikayat sa “katuparan” ng sinasabi ng Banal Na Kasulatan
na:
“Samantalang
para sa inyo, mga minamahal, alalahanin [ninyo] ang mga pahayag na sinalita
nang una ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo, kung paano nila sabihin
noon sa inyo [na]: Sa huling panahon magkakaroon ng mga manlilibak na sinusunod
ang sarili nilang mga paghahangad sa mga bagay na laban sa Diyos.” (Judas 1:17-18 NWT2013, salin sa Pilipino)
PATULOY KAMING KAISA NG PAMAMAHALA NG
IGLESIA NI CRISTO
Maninindigan hanggang sa wakas. kaisa ng Pamamahala Ipagtatangol maninindigan, Iglesia Ni Cristo hangang wakas. Barangka Mandaluyong MMEast.
ReplyDelete