HISTORICAL
FACTS BA O
“KUWENTONG-KUWENTO”
LAMANG PALA?
Hindi natin
dapat agad-agad na tanggapin na ang isang “kuwento” kundi dapat muna natin
itong siyasating mabuti kung isang “historical fact” o isa lamang “alamat”
("legend" o "myth ") lalo na ang mga lumalabas na “mga kuwento”
ukol kay Kapatid na Felix Y. Manalo.
MARAMING mga “kuwento” na
maririnig tayo lalo na mula sa “mga nakatatanda” ukol sa isang kilalang tao ng
kasaysayan, subalit, dapat tayong maging maingat. Hindi natin dapat agad-agad
na tanggapin na ang isang “kuwento” kundi dapat muna natin itong siyasating mabuti kung isang “historical fact” o isa lamang “alamat” ("legend" o "myth ").
PAPAANO NATIN MATITIYAK KUNG
ANG ISANG “KUWENTO” AY ISANG “HISTORICAL FACT” (KASAYSAYAN) O ISANG “MYTH” (ALAMAT)
LAMANG?
UNA, suriin natin ang
pinagmulan (source) ng “kuwento” – primary source ba o secondary source lamang?
Higit ang kredibilidad ng “primary source” kung ikukumpara sa “secondary
source.” Bagamat may pagkakataon na maaari rin na gamitin ang “secondary source,”
subalit kung umiiral naman ang “primary source” – naiisantabi ng”primary source”
ang “secondary source.” Hinding-hindi mapapantayan ng “secondary source” ang kahalagahan
at kredibilidad ng “primary source.”
Ang “primary source” ay salaysay o sulat mismo ng
taong kinauukulan o isang tuwirang saksi. Ang secondary souce ay salaysay o
sulat ng isang taong hindi naman siyang taong kinauukulan o hindi naman
tuwirang saksi sa pangyayari, kundi narinig lamang niya sa iba o naikuwento
lamang sa kaniya. Kaya, sa “mga kuwento” ukol kay Kapatid na Felix Y. Manalo,
kung ito ay mula mismo kay kapatid na Manalo, maituturing itong “primary
source.” Subalit, kahit pa sabihin na kuwento ito na mula sa “matatanda,”
ngunit kung ang nagkukuwento ay narinig lamang din niya ito sa iba, ang gayon
ay “secondary source” lamang – dito tayo dapat mag-ingat.
Halimbawa, may “kuwento” na
ang kapatid na Felix Y. Manalo ay tumira sa kaniyang amaing pari na si Mariano
de Borja kung saan niya binasa ang Biblia o Banal Na Kasulatan. Ang sabi ng
ibang “matatanda”ito raw ay sa Sampaloc, Maynila.
SUBALIT, alam ba ninyo na sa isang recorded sermon ni Kapatid na Felix Y.
Manalo mismo ay sinabi niya na siya ay tumira sa bahay ng kaniyang amaing pari
sa Numero 48, Kalye Salcedo, STA. CRUZ, Maynila:
“Ginoong
Manalo hindi po ba kayo Katoliko? Katoliko ako noong araw. Saan po ba kayo
nakatira noong kayo’y bata hanggang sa kayo ay lumaki? Kalye Salcedo, numero
48. Aba’y wala pong Kalye Salcedo sa Maynila? Ngayon wala, pero noong araw. Iyong
Avenida Rizal at Dulumbayan ay pinagsama kaya lumaki ang Avenida Rizal. Saan po
ang inyo? Tabi ng State na kung ang State ay nakaharap ng ganiyan sa Ideal,
kaliwa ang amin. Siyang pinaglagyan ng tinatawag na American Bible Society o Methodist
Publishing, ang nakalagay doon noong araw. Iyan ang sa amin.” (Manalo, Felix Y., “Ang Iglesia ng
Kaaway ng Diyos,” Recorded Sermon.)
Isa pang halimbawa ng “kuwento” na “secondary source” lamang pala at sumasalungat pa sa “primary source” ay ang kuwento ng “mga matatanda sa Tipas" na hindi raw natapos ni Kapatid na Felix Y. Manalo
ang elementarya. Subalit, si Kapatid na Felix Y. Manalo mismo ang nagsabi na
siya ay nag-aral sa kolehiyo:
“Ako
ang umaakay sa kapatid ng aking ama sa ina, na siyang nagpalaki sa akin at
nagdala sa akin sa Colegio de San Javier.” (Manalo, Felix Y., “Ang Tahanan ng Demonyo,” recorded Sermon.)
Patuloy pang pinatunayan ni
Kapatid na Felix Y. Manalo mismo na nag-aral siya ng pagkatitser sa Colegio de
San Javier, ngunit hindi niya ito natapos dahil sa pagpapasiya niyang iwan ang
kinagisnang relihiyon, sapagkat sa pagpapasiya niyang iwan ang Iglesia Katolika
ay kasama ring iniwan niya ang tahanan ng kaniyang amaing pari na siyang nagpapa-aral
sa kaniya sa Maynila.
KAYA, Dapat mag-ingat ang
sinumang maglalabas ng “mga kuwento” patungkol kay Kapatid na Felix Y. Manalo sapagkat
may mga mapanghahawakan tayo ngayon na mga impormasyon na mula mismo kay
Kapatid na Felix Y. Manalo na recorded at documented.
IKALAWA, suriin natin kung
sinusuportahan o confirmed ng “historical facts”? May kolaborasyon ba sa ibang sources o documents? Ang totoo, kahit pa pahayag ng nagsasabing isang saksi sa
pangyayari o nag-aangking isang “primary source” ("kamag-anak" pa raw) ay dapat pa ring suriin kung
may “confirmation” ba ng “historical facts.” Sa madaling salita ay “confirmed”
ba ng ibang witnesses o saksi?
Halimbawa, kung may magsasabing si Rizal ay sumakay sa eroplano nang magtungo sa Amerika. Tiyak natin na
hindi ito totoo sapagkat hindi ito kinumpirma ng “historical facts” bagkus ay sinasalungat pa. Ang "historical fact" ay naimbento ang eroplano ilang panahon na ang nakalipas nang mamatay si
Rizal.
Sa panig ng “mga kuwento”
patungkol sa Kapatid na Felix Y. Manalo, may nagsasabing hindi raw “kasal” sina
Mariano Ysagun at Bonifacia Manalo (ang magulang ni Kapatid na Felix Y. Manalo).
Subalit, isang “historical fact” na hindi binibinyagan sa simbahan ang hindi
kasal ang mga magulang. Samantalang sa lathalain na isinulat ng paring Katoliko
na si Joseph Kavanagh ay pinatutunayan niya na nakita niya ang records ng
simbahan sa Sta. Ana, Taguig ng bautismo o binyag ni Praxedes (ang nakakabata ng
dalawang taon lamang kay Kapatid na Felix Y. Manalo). Sinasabi ni Kavanagh na
sa kasawiang-palad ang records ng simbahan nang taong 1886 ay nasira dahil sa naganap
na lindol noon sa dakong iyon kaya hindi niya nakita ang record mismo ni
Kapatid na Manalo. Subalit, ang “historical fact” na nabinyagan ang kaniyang
nakababatang kapatid, atisa ring "historica fact" na hindi binibinyagan noon ang hindi kasal ang mga magulang, at isinasaad din ng kasaysayan ng Iglesia na si Kapatid na Manalo ay nabiyagan sa paglaipas ng 4-5 araw mula sa kapanganakan, ay nagpapakitang kasal ang kanilang mga magulang.
BAKIT MAY MGA GANITONG “MGA KUWENTO”
NA LUMITAW SA TIPAS PATUNGKOL KAY
KAPATID NA FELIX Y. MANALO? SI KA FELIX DIN ANG NAGPALIWAG:
“…Kung
hindi lamang dahil sa aking pananagutan sa Diyos na aking pinagmulan at Siyang
lumalang ng aking buhay ay hindi ako aalis sa Katoliko. Ngayon, sapagkat dapat
maipaibabaw sa lahat ang pagtingin at pagkilala ng tao sa Diyos, higit
kaninuman, mabigat man sa loob ko iyon sapagkat nawalay ako sa aking mga
kamag-anak at ako’y pinaratangan at ginawan ng sari-sari at inusig sa
paniniwala nilang kung ako’y usigin ako’y hihiwalay (babalik sa Katoliko),
tiniis ko iyan.” (Manalo,
Felix Y., “Kung Nasaan ang mga Patay,” Recorded
Sermon.)
Samakatuwid, ang isang “kuwento”
ay “kuwentong-kuwento” lamang kung hindi ito “confirmed” ng historical facts o
walang anumang colaboration sa mapanhahawakang dokumento o saksi. Maituturing pa ngang “alamat”
lamang kung sumasalungat pa sa “historical facts.”
Kaya, dapat mag-ingat ang
maglalabas ng anumang “kuwento” sapagkat baka ito ay magdulot ng “confusion” o “misinformation”
sa halip na makatulong. Sa panahon natin ngayon, ang ating mga Church
Historians ay higit na maraming pinanghahawakang “primary sources” (mga kuwento
na mula mismo kay Kapatid na Felix Y. Manalo o mga dokumento ng Iglesia).
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.