ANG TUNAY NA
IGLESIA NI CRISTO AY NANANATILING SA DIYOS AT KAY CRISTO SA PARAANG
NANANATILING MAY PAKIKISAMA AT PAKIKIISA SA PAMAMAHALA NA INILAGAY NG DIYOS SA
IGLESIA
KAILANGAN DING
MANATILING SA AMA AT SA ANAK
UPANG
MANATILING TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO
Totoong kailangan muna na ang
tao’y masangkap, mapaanib at mapabilang sa Iglesia Ni Cristo, at hindi
maaangkin ng sinumang hindi kabilang o kaanib at hiwalay o tiwalag sa Iglesia
Ni Cristo na siya’y tunay na Iglesia Ni Cristo. Subalit, kailanman ay hindi
natin sinasabi na “sapat” na ang mapabilang lamang o mapaanib upang maging ganap
na Iglesia Ni Cristo. Kailangan ang pag-anib sa tunay na Iglesia Ni Cristo,
ngunit may kailangan pang matupad o gawin upang masabing isa ngang ganap na
tunay na Iglesia Ni Cristo – ang isang tunay na Iglesia Ni Cristo ay
nananatiling sa Diyos at kay Cristo. Itinuro sa atin ng Biblia kung papaano
tayo mananatiling sa Diyos at kay Cristo. Ganito ang pagtuturo sa atin ni
Apostol Juan:
“Pakaingatan
ninyo sa inyong puso ang narinig ninyo sa simula pa. Kung gawin ninyo ito, mananatili kayo sa Anak
at sa Ama.” (I Juan 2:24 MB)
Ang nananatiling sa Ama (sa Diyos)
at sa Anak (kay Cristo) ay ang pinakaiingatan sa kanilang puso ang mga narinig.
Maliban dito, ang isa pang itinuturo ni Apostol Juan na nananatiling sa Ama at
sa Anak ay ang may pakikisama o pakikiisa, ang tumatanggap sa nagbabalita o
nagtuturo ng aral na dapat pakaingatan sa puso:
“Yaong aming
nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay
magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa
kaniyang Anak na si Jesucristo.” (I Juan 1:3)
SAMAKATUWID, ang tunay na
Iglesia Ni Cristo ay nananatiling sangkap, kaanib o bahagi ng Iglesia Ni Cristo
at nananatiling sa Ama (sa Diyos) at sa Anak (kay Cristo) sa pamamagitan ng
pinakaiingatan ang mga aral na narinig sa kanilang puso at nananatili ang
pakikisama o nananatiling tinatanggap ang “nagbabalita” o ang binigyan ng
karapatan na magturo sa atin ng salita ng Diyos.
ANG SUGO AT
ANG PAMAMAHALA ANG DAPAT NATING
TANGGAPIN
UPANG MANATILING SA AMA AT SA ANAK
Ang tunay na Iglesia Ni Cristo
ay nananatiling sa Ama at sa Anak sa pamamagitan ng pagtanggap at pananatili sa
pakikisama at pakikiisa sa “nagbabalita” o binigyan ng karapatang magturo sa
atin ng salita ng Diyos. Ito ang ipinakikilala ni Apostol Pablo sa II Corinto
5:19-20:
“Sa makatuwid
baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagka-sundo ang sanglibu-tan sa kaniya
rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at
ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo. Kami nga'y mga sugo sa
pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y
pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.”
Ang Kapatid na Felix Y. Manalo
ang sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo na Sugo ng Diyos sa mga huling
araw. Ito ang dahilan kung bakit pinakaiingatan natin sa ating puso ang mga
aral ng Diyos na itinuro ni Kapatid na Felix Y. Manalo. Ang mga aral na itinuro
ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw ay itinaguyod ni Kapatid na Eraño G. Manalo noong nabubuhay
pa, at patuloy pa ring itinataguyod ng kasalukuyang Namamahala sa loob ng
Iglesia Ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Subalit, batid natin na
pinapagpahinga na ng Diyos ang Kapatid na Felix Y. Manalo. Sino ang patuloy na
kinakasangkapan ng Diyos sa pagpapahayag ng Kaniyang mga salita sa Kaniyang mga
hinirang? Ganito naman ang sagot ni Apostol Pablo sa Colosas 1:25:
“Na ako'y
ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin
para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios.”
Hindi ang kakasangkapanin ng
Diyos sa pagpapahayag ng Kaniyang mga salita o kalooban ay kung sino-sino
lamang. Maliwanag ang pahayag ng Biblia na “ayon
sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios.”
Sapagkat ang Pamamahala na
inilagay ng Diyos sa Iglesia ang binigyan Niya ngayon ng karapatan na magpahayag
ng Kaniyang mga salita, kaya kung papaanong tinanggap natin at pinakinggan ang
Kapatid na Felix Y. Manalo noong nabubuhay pa, at maging ang Kapatid na Eraño G. Manalo noong nabubuhay
pa, dapat din nating tanggapin at pakinggan ang kasalukuyang Namamahala sa Iglesia,
ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.
SAMAKATUWID, hindi maaaring
maangkin ng sinuman na siya’y tunay na Iglesia Ni Cristo kung lumalaban sa
Pamamahala na inilagay ng Diyos sa loob ng Iglesia. Ang tunay na Iglesia Ni
Cristo ay may pakikisama o pakikiisa at nakikinig sa Pamamahala na siyang binigyan
ng Diyos ng karapatan upang ipangaral o ihatid ang mga salita ng Diyos sa mga
tao.
TANGGAPIN ANG
PAGTUTURO NG PAMAMAHALA BILANG
KALOOBAN NG
DIYOS NA DAPAT NATING MATUPAD
Papaano natin dapat tanggapin
ang pagtuturo ng Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia? Ganito ang sagot
sa atin ni Apostol Pablo:
“Ito pa ang lagi
naming ipinagpapasalamat sa Diyos: nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang
salita, tinanggap ninyo ito bilang tunay na salita ng Diyos, at hindi ng
tao. Anupat ang bisa nito'y nakikita sa
buhay ninyong mga sumasampalataya.” (I Tesalonica 2:13 MB)
Sampalatayanan natin na ang
kinakasangkapan ngayon ng Panginoong Diyos sa paghahatid ng Kaniyang kalooban
sa mga tao ay ang Pamamahala na inilagay Niya sa loob ng Iglesia. Kaya dapat
nating tanggapin ang kanilang pagtuturo bilang kalooban ng Diyos at hindi sa
tao lamang. TUNAY NA WALA NAMANG ITINURO SA ATIN MULA PA SA PANAHON NG SUGO NG
DIYOS SA MGA HULING ARAW HANGGANG SA KASALUKUYANG NAMAMAHALA SA IGLESIA, ANG
KAPATD NA EDUARDO V. MANALO, NA SA GANANG KANILANG SARILI LAMANG, KUNDI PAWANG
KALOOBAN NG DIYOS NA NAKASULAT SA BIBLIA.
Ang isinasagawa nating
pagpapasalamat sa Diyos tuwing katapusan ng taon at anibersaryo ng Iglesia ay
kalooban ng Diyos:
“Sa lahat ng mga
bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo
tungkol sa inyo.” (I Tesalonica 5:18)
Ang ginagawa nating “Lingap sa
Mamamayan” ay kalooban din ng Diyos na nakasulat sa Biblia:
“Pagdating ninyo
sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, huwag ninyong pagkakaitan ng tulong ang
mga kapatid ninyong nangangailangan. Sa halip, ibukas ninyo sa kanila ang
inyong mga palad at pahiramin sila ng anumang kailangan.
“Kailanma'y
hindi kayo mawawalan ng mga kapatid na mangangailangan, kaya sinasabi ko sa
inyong ibukas ninyo ang inyong mga palad sa kanila.” (Deuteronomio 15:7-8 at 11
MB)
Maging ang ating
“paghahandugan para sa paglingap sa mga mahihirap at nangangailangan” ay
kalooban din ng Diyos na nakasulat sa Banal Na Kasulatan:
“Now at this
time some prophets came down from Jerusalem to Antioch. One of them named
Agabus stood up and began to indicate by the Spirit that there would certainly
be a great famine all over the world. And this took place in the reign of
Claudius. And in the proportion that any
of the disciples had means, each of them determined to send a contribution for
the relief of the brethren living in Judea. And this they did, sending it in
charge of Barnabas and Saul to the elders.” (Acts 11:27-30 NASU)
Maging ang ating mga
“puspusang pagpapalaganap” ng mga salita ng Diyos tulad ng ating isinasagawang
mga malalaking pamamahayag ay kalooban din ng Diyos na nakasulat sa Biblia:
“Ipapahayag ko
ang katuwiran sa malaking pagtitipon; hindi ko tatakpan ang mga labi ko, tulad
ng alam mo, O PANGINOON. Hindi ko kinukuyom sa aking puso ang 'yong katuwiran;
aking sinasabi ang 'yong pagtatapat at ang kaligtasan. Hindi ko ikinukubli ang iyong pag-ibig at
katotohanan sa dakilang kapulungan.” (Awit 40:9-10 NPV)
Atang paggamit ngayon ng
Pamamahala ng mga makabagong teknolohiya upang maabot ng patuturo ng mga salita
ng Diyos ang mga kapatid at hindi kapatid sa iba’t ibang parte ng mundo ay ISA
SA MGA GINAGAMIT NA PARAAN upang matupad ang iniutos ng Panginoong Jesus na:
“At sinabi niya
sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang
evangelio sa lahat ng kinapal.” (Marcos 16:15)
Anupa’t ganap na
sumasampalataya ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na ang itinuturo at ang mga
kilusang ipinatutupad ng kasalukuyang Pamamahala sa loob ng Iglesia, ang
Kapatid na Eduardo V. Manalo ay kalooban ng Diyos na nakasulat sa Biblia.
KAYA ANG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO AY
KAISANG LUBOS NG PAMAMAHALA NG IGLESIA SA PAGSULONG NG IKAPAGTATAGUMPAY NG
LAHAT NG GAWAIN NG IGLESIA.
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.