Noong Abril, 2015 nang magsimula ang blog ni “Antonio Ebangelista” (“AE”). Agad na sinagot siya ni “Pristine Truth” sa kaniyang mga paratang, alegasyon at paninira na ibinato laban sa Pamamahala ng Iglesia. Mula Abril 1, 2016 ay ire-repost po namin ang mga naging sagutan nina “Antonio Ebangelista” at “Pristine Truth” upang ipaala-ala kay AE, at sa kaniyang mga napapaniwala, at upang malaman ng madla na noon pa ay sinagot na si AE sa kaniyang mga paratang laban sa Iglesia at KUNG PAPAANO SIYA NALAGAY SA MALAKING KAHIHIYAN.
AE, REMEMBER THIS
AE naala-ala mo ba ang artikulo mong ito na inilathala mo sa iyong blog noong Abril 24, 2015 na may pamagat na “GRAVE PROBLEM: TAX EVASION CASE OF INC DISTRICT OF JAPAN”? Dito ay pinalalabas mo na ang isa sa diumano’y katibayan na may kurapsiyon ngayon sa Iglesia ay ang “hinaharap na Tax Evasion case ng Iglesia Ni Cristo sa Japan.” SINAGOT ka ni Pristine Truth noong Mayo 5, 2015. Ang katunayang “NAPAHIYA” ka sa SAGOT na ito sa iyo ni Pristine Truth ay tinugon mo ang SAGOT na ito, subalit ang tugon mo ay lalo lang naglublob sa iyo sa kahihiyan. Bakit hindi mo ngayon mairepost ang artikulo mong ito sa bago mong blog? TUNGHAYAN MUNA NATIN ANG SAGOT NI PRISTINE TRTUH SA PARATANG NI ANTONIO EBANGELISTA NA MAY TAX EVASION CASE DAW ANG INC SA JAPAN:
___________________________