11 December 2014

SAGOT SA TANONG UKOL SA "CHRISTMAS BONUS"



TANONG:

Bakit ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay tumatanggap ng “christmas bonus” samantalang bawal sa inyo ang mamasko?

SAGOT:


Ang “christmas bonus” ay hindi “pamasko”kundi bonus sa mga empleyado. Katunayan ay hindi tinatawag na “christmas bonus” ang ibinibgay ng isang employer sa mga HINDI naman empleyado sa kanilang kumpanya. Ang gayon ang pamasko o “christmas gift.”

Ang “chrismas bonus” ay “bonus” sa mga empleyado o trabahador na kaya tinawag na gayon ay sapagkat ibinigay sa panahon ng “christmas season” (na tinatawag ding “holiday season”).Kung sa gitna ng taon ay tinatawag na “mid-year bonus,” kung sa sumer ay “summer bonus,” etc.

“Bonus” sapagkat ito ay “reward” sa kanilang achievements, labors at katapatan.

Samakatuwid, hindi namamasko ng isang kanib sa Iglesia Ni Cristo kung tinatanggap ang “christmas bonus” kundi tinatanggap lang nila ang sa ganang kanila (ang karapatan bilang empleyado dahil sa kanilang mga pagpapagala na nagkataong ibinigay sa panahon ng Disyembre o “christmas season.”

Kung ang pag-uusapan ay ang karapatan ng isang manggagqwa ukol sa kaupahan sa kaniya ay ganito ang sinasabi ng Biblia:

Lukas 10:7
7At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay: sapagka't ANG MANGGAGAWA AY MARAPAT SA KANIYANG KAUPAHAN...

Kahit pa tinatawag na “christmas bonus” subalit iyon ay “bonus” (kaupahan) sa kanila dahil sa kanilang tapat na pagagawa bilang empleyado ng kumpanya kaya karapatan lang nilang tanggapin iyon sapagkat ang sabi ng Biblia ay “ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan.”


No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)