06 September 2014

Ang Iglesia Katolika ang Nakakatulad ng mga Iglesiang Tatag Lamang ng Tao



Ang Pagbubunyag sa Iglesia Katolika
Ikatlong Bahagi

ANG IGLESIA KATOLIKA
ANG NAKAKATULAD NG MGA
IGLESIANG TATAG LAMANG
NG TAO AT HINDI ANG
IGLESIA NI CRISTO



KUNG ikukumpara ang Iglesia Katolika at ang Iglesia Ni Cristo sa mga iglesia na tatag lamang ng tao ay makikita na malaki ang pagkakaiba ng Iglesia Ni Cristo sa mga iglesiang tatag lamang ng tao, at ang Iglesia Katolika ang tunay na kapareho lamang ng mga iglesiang gawa lamang ng tao.


ANG TATAG LAMANG NG TAO

Maliwanag sa Biblia na iisa lamang ang tunay na Iglesiang itinayo ng ating Panginoong Jesucristo (cf. Mat. 16:18; Roma 16:16). Subalit, pinatutunayan din sa atin ng Banal Na Kasulatan na may mga itinatag lamang ng tao. Ganito ang pahayag ni Apostol Pablo:

“Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala. Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.” (Roma 10:2-3)

Sinasabi sa atin ng Biblia na may mga taong nagsumakit na magtayo ng sariling kanila. Sinasabi rin sa atin ng Biblia na ang “nagtayo ng sariling kanila” ay bagamat may pagmamalasakit sa Diyos datapuwa’t hindi ayon sa pagkakilala at hindi napasakop sa katuwiran ng Diyos. Ganito pa ipinakilala ng Biblia ang tatag lamang ng tao:

“Mapatutunayan kong sila'y nagsisikap na maging kalugud-lugod sa Diyos, subalit mali ang kanilang batayan. Sapagkat hindi nila nakilala ang pagpapawalang-sala na kaloob ng Diyos, at nagsikap silang magtayo ng sarili nilang pamamaraan sa halip na sundin ang pamamaraan ng Diyos.” (Roma 10:2-3, MB)

Samakatuwid, ang tatag lamang ng tao ay: (1) sila-sila lamang ang nagsikap na magtayo; (2) ang pinagsumakitang itayo ay sariling kanila; (3) gumawa ng sariling pamamaraan; at (4) mali ang kanilang batayan sapagkat hindi sinunod ang pamamaraan o kalooban ng Diyos. Ito ang makikita natin sa kaasaysayan ng iba’t ibang iglesia. Narito ang halimbawa ng mga iglesiang tatag lamang ng tao:


PAGSASANIB NG MAGKAIBANG SAMAHAN
UPANG BUMUO NG ISANG IGLESIA

Ang tatag lamang ng tao ay natayo ayon lamang sa pagsisikap ng mga tao. Ang isang halimbawa nito ay ang denominasyon o iglesia na bumangon bunga lamang ng pagsasanib ng magkakaibang samahan. Ang isang halimbawa nito ay ang samahang Disciples of Christ:

“In 1832 the Christians and the Disciples merged, both names are still used, but usually and officially the body is known tofay as The Christian Church (Disciples of Christ).” (Mead, p. 80.)

Salin sa Pilipino:

“Noong 1832 ang mga Christians at mga Disciples ay nagsanib, kapuwa ang mga pangalang ito ay nananatili pang ginagamit, subalit ang pangkat ay karaniwan at opisyal na kilala ngayon bilang The Christian Church (Disciples of Christ).”

Marami pang mga iglesia ang nasa ganitong uri na bumangon o natatag bunga ng pagsasanib ng magkakaibang samahan. Ang isa pang halimbawa nito ay ang samahang United Methodist Church na bunga ng pagsasanib ng mga samahang Methodist Episcopal Church at Evangelical United Brethren (Alekandro, p. 10).

Maging sa Pilipinas ay may nasa ganitong uri rin ng iglesia. Ang samahang United Churches of Christ in the Philippines (UCCP) ay maihahanay din natin dito sapagkat ang igleisiang ito ay bunga rin ng pagsasamanib ng iba’t ibang iglesia tulad ng Iglesia Presbiteriana, Disciples of Christ at Philippine Methodist Church (Alejandro, pp. 159-161).

Ang pagsasanib ng magkakaibang samahan upang bumuo ng isang iglesia ay masasabi nating nasa uring sila-sila lamang ang nagtayo o nagsikap na magtayo ng sariling kanila. Ganito ang sinasabi sa atin ng Biblia:

“Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala. Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.” (Roma 10:2-3)


BUNGA NG PAGKAKABAHA-BAHAGI

May mga iglesia naman na bunga ng paghihiwalay ng dating magkasama o iisang samahan. Kapansin-pansin na ang samahang Disciples of Christ na bunga ng pagsasanib ng dalawang grupo ay pagkalipas ng ilang panahon ay nabahagi rin sa tatlong iglesia:

“As irony has often has its way in history, these men did start a new church, even though was not their intention. Even more ironical is that their unity effort resulted not only in one church, but eventually in three churches, ussually identi-fied as Christian Churches (Disciples of Christ), Christian Churches, and Churches of Christ, and there are subgroups within these, especially among the latter. This book tells the story of how all these happened, a kind of traversty in history, that the only church ever in the entire history of Christianity with the express pur-pose of uniting all belivers would itself become so divisive.” (Garret, pp. 1-2)

Salin sa Pilipino:

“Habang ang irony ay laging may paraan sa pagpasok sa kasaysayan, ang mga  lalaking ito ay talagang nagpasimula ng isang bagong iglesia, bagamat hindi ito ang kanilang nilalayon. Ang lalong ironical ay ang kanilang pagsisikap ukol sa pagkakaisa ay nagbunga hindi lamang ng isang iglesia, kundi nagkagayun ng tatlong mga iglesia, na karaniwan ay nakilala bilang Christian Churches (Disciples of Christ), Christian Churches, at Churches of Christ, at may mga subgroups sa loob ng mga ito, lalo na sa huli. Ang aklat na ito ay nagpapahayag ng kasaysayan kung paano ang lahat ng ito ay nangyari, isang uri ng sagwil sa kasaysayan, na ang tanging iglesia kailanman sa buong kasaysayan ng Cristianismo na may pahayag na layuning magkaisa ang lahat ng mananampalataya na siya mismo ay naging bahabahagi.”

Noong 1906 ay naghiwalay ang Christian Church (Disciples of Christ) at ang Churches of Christ. Pagkalipas ng ilang dekada ay muling nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa Disciples of Christ kaya humiwalay naman sa kaniya ang Christian Church/Churches of Christ. Totoo rin ito sa maraming iglesiang Metodista, Baptista, Presbiteriano at iba pa.

Ang iglesiang bumangon bunga ng pagkakabaha-bahagi sa dating samahan ay kabilang din sa mga natatag bunga lamang ng pagsusumikap o kalooban ng tao. At ang bunga lamang ng pagkakabahabahagi o kaguluhan ay hindi maaaring maging sa Diyos sapagkat ang sabi ng Biblia ay:

“Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan. Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo. Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.” (Santiago 3:14-16)


SILA-SILA LAMANG ANG BUMUO NG
KANILANG SAMAHAN AT PANGALAN

Tatag din ng tao ang sila-sila lamang ang bumuo ng kanilang samahan at ng pangalan ng kanilang samahan.Ganito ang naging kasaysayan ng pagbangon ng Iglesia Metodista. Nangaral muna si John Wesley ng kaniyang “ebanghelyo” na natagpuan:

“The turning point in his life came when, at a prayer meeting in Aldersgate Street, London, on May 34, 1738, he learned what Paul had discovered, that it is not by rules and laws, nor by our own efforts at self-perfection, but by faith in God’s mercy as it comes to us in Christ, that man may enter upon his life and peace…”
“The gospel which Wesley thus found for himself he began to proclaim to others, first to companions who sought his counsel, including his brother Charles, then in widening circles that took him throughout the British Isles.” (The Book of Discipline, p. 8)

Nagpasimula ang grupo ni John Wesley sila bilang isang “kilusan” lamang sa loob ng Iglesia ng Inglatera (Church of England):

“Wesley did not plan to found a new church…” (The Book of Discipline of the United Methodist Church, p. 8)

Nang malago na ay saka lamang natatag sila na hiwalay na denominasyon sa Iglesia ng Inglatera:

“Methodism originated as a renewal movement within the Church of England in the mid-eighteenth century. It sought to bring genuine evangelical fervor and social reform to England. The movement later spread to Ireland, the American colonies, and other parts of the world. Methodists began to organize into churches in 1784 with the formation of the Methodist Episcopal Church in America.” (An Encyclopedia of Religions in the United States, p. 212)

Noon lamang 1784 nang maging isang bukod na denominasyon sila sa Amerika ay saka nila napagkasunduan na tawagin ang kanilang denominasyon na “Iglesia na Metodista Episcopal.”

Ganito rin ang kasaysayan ng pagbangon ng Seventh-Day Adventist Church na sinasabing matatalunton ang panimula sa kilusang Adventismo ni William Miller noong 1840s:

“By far the largest single Adventist body in point of numbers, both in the United States and particularly throughout the world, is the Seventh-day Adventist Church traces its beginnings back to the 1840’s.” [Mead, p. 19]

Noong nabigo ang itinakda nilang petsa na ikalawang pagparito raw ni Cristo, ang kilusan ni Miller ay nagkawatak-watak. Noong 1844, ang isang maliit na grupo na naging kabilang sa kilusan ni Miller na nagkawatak-watak ay nagpasimulang ipangaral at ipalaganap ang mga prinsipyo ng adventismo at ang pangingilin ng sabath:

“As early as 1844, a small group of these Adventists near Washington, New Hamshire, had begun observing the Sabbath on the seventh day. A pamphlet written by Joseph Bates in 1846 gave the question wide publicity and created interest. Shortly after this, Bates, together with James White, Ellen Harmon (later Mrs. James White, whose writings Seventh-Day Adventists hold ‘in highest esteem…(they) accept them as inspired counsels from the Lord’), Hiram Edson, Frederick Wheeler, and S.W. Rhodes, set out with the aid of regular publications to champion the seventh-day Sabbath, along with imminence of the advent. Hence their name – Seventh-Day Adventists…” (Ibid.)

Pagkatapos lamang ng dalawa at kalahating dekada ay saka lamang pormal na itinatag ang kanilang samahan bilang isang “iglesia” na pinangalanan nilang “Seventh-Day Adventist Church”:

“In 1869, they officially adopted the name Seventh-day Adventists, and in 1903 they moved their headquarters to its present location in Washington, D.C.” (Ibid.)

Pansinin na ang tatag lamang ng tao at pinagsumikapan lamang ng tao na itayo ang sariling kanila ay sila lamang din ang may gawa ng pangalan ng kanilang samahan o iglesia.


HINDI TINATAWAG SA PANGALANG
“IGLESIA NI CRISTO” KUNDI SA
PANGALANG SILA KANG ANG MAY
GAWA AT NAGPALIT-PALIT
PA NG PANGALAN

Ang isang kapansin-pansin sa mga iglesiang bumangon bunga lamang ng kalooban ng tao o tatag lamang ng tao ay ang pangalan ng kanilang samahan ay sila-sila lamang ang may gawa o pinagkasunduan lamang nila. Sapagkat sila lang ang may gawa o pinagkasundaan lamang nila, hindi ito ang nakasulat o itinuturo ng Biblia na pangalan ng tunay na Iglesia. May pangalan nga ba na itinatawag sa tunay na Iglesia na itinayo ng Panginoong Jesucristo? Sa Juan 17:11:

“At ngayon, ako'y papunta na sa  iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila.  Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay  mo sa akin, upang sila'y maging isa, kung paanong tayo'y iisa.” (Juan 17:11, MB)

Ang pangalan ng tunay na Iglesia ay ang pangalan na ibinigay ng Diyos sa ating panginoong Jesucristo. Gaano kahalaga na tinatawag sa pangalang ito na ibinigay ng Diyos sa Panginoong Jesus? Sa gawa 4:12 ay ganito naman ang sinasabi:

“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” (Gawa 4:12)

Maliwanag ang pahayag ng Biblia na “sa kanino mang iba ay walang kaligtasan.” Napakahalaga na tinatawag sa pangalang ibinigay ng Diyos sa Panginoong Jesucristo sapagkat “walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” Kung papaano itinatawag ang pangalan ni Cristo sa tunay na Iglesia ay ganito ang mababasa sa Biblia:

“Magbatian kayo ng banal na halik.  Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.” (Roma 16:16, NPV)
Pinatutunayan maging ng mga awtoridad Katoliko na “Iglesia Ni Cristo” ang pangalan ng Igleisiang itinayo ni Cristo noong unang siglo:

“5. Did Jesu Christ established a Church?
   “Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, we learn that Jesus Christ established a Church, which from the earliest times has been called after Him the Christian Church or the Church of Christ.” (Cassily, pp. 442-443.)

Salin sa Pilipino:

“5.Si Jesucristo ba ay nagtatag ng Iglesia?  Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa panlupa at hindi pangkabanalan, gayundin mula sa Biblia na kinikilalang isang makataong kasulatan, ating nalaman na si Jesucristo ay nagtatag ng isang Iglesia, na mula sa kauna-unahang panahon ay tinawag na sunod sa Kaniyang pangalan ang Iglesia Kristiana o ang Iglesia ni Cristo.”

Kaya, “Iglesia Ni Cristo” ang pangalan ng tunay na Iglesia at ang sabi ng Biblia ay “walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.”

Ang mga iglesiang tatag lamang ng tao ay hindi tinatawag sa pangalang ito kundi sa ibang pangalan. Hindi ang “Iglesia Ni Cristo” ang kanilang ipinangaral. Ang pangalan ng kanilang samahan ay gawa lamang ng tao o pinagkasunduan lamang nila. Ang iba ay nagdaan pa sa mga pagbabago hanggang sa taglayin nila ang kasalukuyang opisyal nilang pangalan.

Ganitong-ganito ang samahang “Ang Dating Daan” na maraming beses nang nagpalit ng pangalan at sa pangalang sila-sila lang naman ang may gawa at sila-sila lang ang nagkasundo na iyon ang itawag sa kanila.



HINDI NAIIBA ANG IGLESIA KATOLIKA
SA MGA IGLESIANG TATAG LANG NG TAO

Ang Iglesia Katolika ay hindi naiiba sa mga iglesiang bumangon o natatag lamang sa kalooban ng tao o tatag lamang ng tao.


ANG IGLESIA KATOLIKA ROMANA NGAYON
AY BUNGA RIN NG PAGHIHIWALAY

Lingid sa kaalaman ng  lahat, ang Iglesia katolika Romana ay bunga rin ng pagkakaroon ng dibisyon o ng paghihiwalay sa isang iglesia. Ganito ang pag-amin mismo ng mga awtoridad Katolika:

“The Church developed along two divergent lines: East and West. The emperor and the bishop of Constantinople, who was called a patriarch, shared the leadership in the East. But the bishop of Rome acted as both civil and religious leader in the West...
“The East and the West differed on more than leadership and language. Increasing disagreements in theology and ideology were compounded by personality conflicts. Moreover, spirituality in the East and the West had distinctly different flavors. The East concentrated on the mystical and symbolic approach to faith. The West stressed properness and uniformity.
“This difference in perspective along with political and geographic preferences, split Christianity (Catholicism) in 1054 into the Eastern Orthodox Church and the Western Roman Catholic Church.” (Altemose, Sr. Charlene, MSC. Why Do Catholics...? Makati, Philippines: Salessians Publishers, Inc., 1989, pp. 2-3.)

Nagkaroon ng matinding hidwaan ang “silangan” (east) at ang “kanuluran (west), kaya nagkaroon ng pagkakabahagi o paghihiway sa “matandang Iglesia Katolika” oong 1054 AD – nabahagi sa dalawa: ang Iglesia Katolika Romana (kanluran) at ang Iglesia Ortodoksiya (silangan). Hindi pala ang Iglesia Katolika Romana lang ang kumakatawan sa “matandang Iglesia katolika” kundi dalawa sila ng Iglesia Ortodoksiya.

Hindi pala makapagmamalaki ang Iglesia Katolika sa mga denominasyong Protestante na bunga lang ng paghihiwalay (schism o division). Ang Iglesia Katolika ay kutulad din ng Disciples of Christ, Churches of Christ at Christian Church/Churches of Christ. Katulad din sila ng mga Metodista, baptista, Episcopal, at iba pang mga iglesia.


ANG IGLESIA KATOLIKA ROMANA NGAYON
AY BUNGA RIN NG PAGSASANIB

Ang isa pang kahayagan na gawa lamang ng tao ang mga iglesia ngayon ay sapagkat natatag sa sariling pagsisikap lamang na ang isang katunayan nito ay marami sa kanila ay bunga lamang ng pagsasanib (agsasama). Ganitong-ganito rin ang Iglesia Katolika. Ito ang pag-amin ng mga awtoridad Katoliko:

“Most people are familiar with the largest Rites of the Catholic Church which is called the Latin, Western, or Roman Rite. But the Church also includes a number of ancient and vital Eastern Rites, whose existence and heritage cannot be ignored.” (Altemose, Sr. Charlene, MSC. Why Do Catholics...?, p. 1.)

Nang maghiwalay ang Iglesia Katolika Romana at ang Iglesia Ortodoksiya noong 1054 AD, sa paglipas ng panahon, may mga maliliit na iglesia na dating kasanib sa Iglesia Ortodoksiya na naghangad na makisanib sa Iglesia Katolika Romana. Ito po ay may labin-anim (16) na maliliit na “eastern churches.” Pansinin ninyo, HINDI SILA SUMANIB KUNDI SILA AT ANG IGLESIA KATOLIKA ROMANA AY NAGSANIB. Ano ang nagpapatunay na ang mga eastern churches na ito ay hindi “sumanib sa Iglesia Katolika Romana” kundi “nagsanib sila ng Iglesia Katolika Romana”?

“What the Latin Church calls the sacraments are mysteries in the Eastern Church. While in essence the name, they differ in externals and theological emphasis.
“Baptism which admits one to the faith, is followed by confirmation (chrismation) the sealing of baptism in the Spirit, and by Communion. These Sacraments of Initiation establish a total rebirth and so are given at the same time.
“Eastern Rite Catholics have their own clergy who are ordained by the respective patriarchs. Eastern Church regulation regarding celibacy differs from the Roman Church rules. ‘Eastern Rites candidates for Holy Orders may marry before becoming deacons, and may continue in marriage thereafter, but marriage after ordination is forbidden...
“...Such individual Churches whether of the east or of the West, although they differ somewhat among themselves n what are called rites (that is, lithurgy, ecclesiastical discipline, and spiritual heritage) are, nevertheless, equally entrusted to the pastoral guidance of the Roman pontiff...” (Altemose, Sr. Charlene, MSC. Why Do Catholics...?, pp. 6-7.)

Nanatili pa rin ang doktrina, organisasyon at liturhiya ng mga eastern churches at hindi nila niyakap ang dokrtrina, organisasyon at lityrhiya ng Iglesia Katolika Romana. Kaya nga ngayon sa loob ng Iglesia Katolika ay may tinatawag na eastern rites at western rites.

Ano ngayon ang pinagka-iba ng Iglesia Katolika Romana sa mga iglesiang tatag lamang ng tao? Ang Iglesia Katolika ay bunga din ng pagsasanib ng iba’t ibang samahan.



ANG IGLESIA KATOLIKA ROMANA NGAYON
AY NAGPALIT-PALIT RIN NG PANGALAN

Dumaan din sila sa pagpapalit-palit ng pangalan at ang kanilang mga pangalang tinaglay ay gawa lamang ng tao at pinagkasunduan lamang nila tulad din ng mga iglesiang tatag lamang ng tao.

Inaamin din ng mga awtoridad katoliko na wala sa Biblia ang pangalang “Iglesia Katolika” kundi ito ay gawa lamang ni Ignacio na obispo ng Antioquia (gawa lamang ng tao):

“The name Catholic as a name is not applied to the Catholic Church in the Bible…St. Ignatius of Antioch, writing to the Christians of Smyrna about the year 110, is the first to use the name ‘The Catholic Church’…” (Conway, Bertrand L. The Question Box. Permissau Superiorum: John B. Harney, C.S.P., Sperior General. Nihil Obstat: Arthur J. Scanlan, S.T.D. Censor Librorum. Imprimatur: Patrick Cardinal Hayes, Archbishop of New York. New York: The Paulist Press, 1929, p. 132.)

Si Ignacio, Obispo ng Antioquia, ang nag-imbento ng pangalang “Iglesia Katolika” noong 110 AD. Ang pangalang “Katolika” ay karaniwang ginamit mula pa noong 155 AD:

“The name Catholic was soon commonly used. In the Martyrdom of St. Polycarp, written about A.D. 155, it occurs three times. It became the normal name for the Church in literature and popular usage, although it was not included in the Creed until the sixth century.” (Taylor, Edward K. Roman Catholic. England: Incorporated Catholic Truth Society, London, 1961, p. 4)

Mula ikawalang siglo ay palasak na ginamit lalo na sa mga literatura ang pangalang “Iglesia Katolika.”Ang pagtawag na ito sa pangalang “Iglesia Katolika” ay katuparan ng binabanggit ni Apostol Pedro na “itatatuwa ang Panginoon”:

“Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.” (II Pedro 2:1 )

Isa sa katibayan ng pagtalikod ng unang Iglesia ang pagpapalit sa pangalan nito. Inalis ang pangalang “Cristo” at pinalitan ng “Katolika.” Hindi maaaring alisin ang pangalan ni Cristo sa pangalan ng Iglesia at hindi maaaring tawagin ang tunay na Iglesia sa ibang pangalan sapagkat:

 “Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.” (Gawa 4:12, MB)

Samakatuwid, tulad ng ibang mga iglesiang tatag lamang ng tao na ang pangalan ng kanilang samahan ay wala sa Biblia at gawa-gawa lamang nila, gayundin ang pangalang “Iglesia Katolika” ay wala rin sa Biblia at gawa lamang din ng tao.

Isa pang matibay na nagpapatunay na walang pinakaiba ang Iglesia Katolika Romana sa mga iglesia na tatag lamang ng tao ay nagbago-bago rin ito ng pangalan. Dahil sa pagkakabahabahagi na naganap sa “matandang Igleia Katolika” noong 1054 AD na nagresulta sa dalawang denominasyon, ang Iglesia Katolika sa Silangan (na tinawag ang kanilang sarili na “Iglesia Ortodoksiya”) at ang Iglesia Katolika sa kanluran, paglipas ng ilang panahon ay idinagdag ng Iglesia Katolika sa kanluran ang pangalang “Romano”:

“The Caouncil of Trent made ‘Roman’ part of the official title of the Church…” (Roman Catholic, p. 7)

Ngunit, hindi rito natapos ang ginawa nilang pagbabago sa pangalan ng kanilang iglesia. Ang kanilang opisyal na pangalan ngayon ay “Iglesia Katolika Apostolika Romana”:

“In 1870, at the Vatican Council, the name ‘Roman Catholic Church’ was proposed but it was rejected. The bishops assembled unanimously decided upon this official name: ‘The Holy Catholic Apostolic Roman Church’...” (Crock, p. 191)

Tunay na hindi naiiba ng Iglesia Katolika Romana sa mga iglesia na tatag lamang ng tao sapagkat:

(1) bunga lamang din siya ng paghihiwalay o pagkakabaha-bahagi. Noong 1054 AD ay nabahagi sa dalawa ang matandang iglesia Katolika: ang Eastern Orthodox Church at ang Iglesia Katolika Romana;

(2) bunga lang din siya ng pagsasanib ng magkakaibang samahan: ang 16 na eastern churches at ang Iglesia Katolika Romana ay nagsanib;

(3) nagtataglay din siya ng pangalang wala sa Biblia sapagkat gawa lamang ng tao. Ang pangalang “Iglesia Katolika” ay gawa (coined) lamang ni Ignatio, obispo ng Antioquia. Ang pangalang "Katoliko" ay walang ipinagkaiba sa pangalang "Metodista," "Seventh-Day Adventist," "Baptista" at iba pa.

 (4) nagpalit-palit din siya ng pangalan. Mula ng ikalawang siglo ay “Iglesia Katolika” ang pangalan, noong ikal-16 na siglo ay naging “Iglesia Katolika Romana,” atnoong ika-19 siglo ay pinalitan ng “Iglesia Katolika Apostolika Romana.

Tulad ng iba pang mga iglesiang gawa o tatag din ng tao, natupad din sa Iglesia Katolika Romana ang sinasabi ng Biblia na:

“Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala. Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.” (Roma 10:2-3)

Napakalaki ng pagkakaiba ng Iglesia Ni Cristo sa Iglesia Katolika at saiba pang mga iglesiang pawang tatag lamang ng tao. Hindi ito bunga ng paghihiwalay, hindi ito bunga ng pagsasanib ng mgakakaibang samahan, hindi ito nagtataglay ng pangalang imbento lamang ng tao, at hindi ito nagpali-palit ng pangalan. Higit sa lahat, “ANG IGLESIA NI CRISTO AY BUMANGON HINDI SA KALOOBAN LAMANG NG TAO, KUNDI SA KALOOBAN NG DIYOS.” Ito ay isang bukod na artikulo na ilalathala din sa THE IGLESIA NI CRISTO.
   
Patuloy na subaybayan ang seryeng
ANG PAGBUBUNYAG SA IGLESIA KATOLIKA ROMANA


THE IGLESIA NI CRISTO
theiglesianicristo.blogspot.com



No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)