ANG
KATOTOHANAN UKOL SA
“CONTROVERSIAL
YOUTUBE VIDEO”:
Nanganganib nga ba talaga ang buhay
nina Ka Angel at Ka Lottie?
NOONG hatinggabi ng July 22, 2015 ay
ini-upload sa Youtube ang isang video kung saan ay nagsalita si Angel Manalo na humihingi ng tulong sapagkat ang kanila raw
buhay ay nasa panganib. May kalakip itong “audio” ni Ka Tenny (Cristina V.
Manalo) na humihingi ng tulong para sa kaniyang mga anak na sinasabi ring nasa
panganib ang kanilang buhay.
Kanina namang hapon (July 23,
2015) ay mayroong naglabas ng papel sa labas ng bintana at pinalalabas na sila’y
“hostage.” Upang gawing lalong “sensational” ay nagpost ang isa nilang
kasamahan ng ganito:
Ano talaga ang katotohanan
ukol sa videong ito? Tunay bang nasa panganib ang buhay nina Ka Angel at Ka
Lottie na ginamit pa nila ang kanilang ina na si Ka Tenny para palabasin na
nanganganib nga ang kanilang buhay?
Pagdating nang maghahating-gabi
ng July 24, 2015 ay dumating si General Pagdilao ng Quezon City Police
Department upang mag-imbestiga at tiyakin kung ano talaga ang kanilang kalagayan.
Bago magsagawa ng attempt si Gen. Pagdilao na makapasok sa compound ng tirahan
nina Ka Angel at Ka Lottie ay dumating muna si Kapatid na Edwil Zabala at
nagsagawa ng maikling press conference.
Kaharap ang mga tao ng media
ay ipinahayag ni Ka Edwil na “Ang compound na ito ay property ng Iglesia Ni
Cristo. Subalit, gaya ng inyong nakikita ay wala sa control ng Iglesia Ni
Cristo sapagkat ito’y housing para sa mga natiwalag na miembro ng pamilyang
Manalo. Ngunit gaya ng inyong nakikita ay wala kaming control sa gate at sa
property na nasa loob ng compound na ito.” Idinagdag pa niya na, “Narito po si
Gen. Pagdilao upang mag-imbistiga at tiyakin ang tunay na sitwasyon. Sapagkat
ang properties na ito’y pag-aari ng Iglesia Ni Cristo kaya binibigyan po ng
pahintulot si Gen. Pagdilao na pasukin ang nasabing compound upang makapag-imbistiga.”
Bago mag-attempt si Gen.
Pagdilao na pumasok sa compound ay sinabi pa ni Ka Edwil na, “Dito po ninyo
malalaman kung totoo bang sila’y hostage o abducted o nasa panganib na gaya po
ng kanilang isinaad sa video at sa sinabi nila kaninang hapon. Saksi po ang mga
pulis at kayong mga taga-media upang malaman kung nagsasabi ba sila ng totoo o
nagsisinungaling. Kung nagsisinungaling sila sa pagsasabing sila’y abducted o
hostage o nanganganib ang buhay ay paano pa natin ngayon papaniwalaan na totoo
ang iba pa nilang mga sinasabi.”
Pagkatapos nito ay kumatok na
si Gen. Pagdilao sa gate ng compound na kinaroroonan nina Ka Angel at Ka
Lottie. Habang kumakatok si Gen. Pagdilao na nasa likod niya ang mga tao na
mula sa iba’t ibang media firm ay nag-post ng nagpost si Ka Lottie at si “Sher
Lock” sa social media (FB) na kesyo papasukin na raw sila ng mga pulis, na
kesyo naglagay na raw ng mga hagdan sa bakod ang mga pulis, na kesyo nagpadala
na raw ng Sanggunian ng mga pulis para sila pasukin, na kesyo si Ka mat Pareja
raw ang nagbigay ng order sa mga pulis na sila’y pasukin, kaya humingi raw sila
ng tulong sa mga kapatid na protesiyunan ang “pamilya ni Ka Erdy”.
Pansinin na una: wala si Mat
Pareja sa vecinity, wala siya roon kundi ang kausap ng media at mga pulis ay si
Ka Edwil Zabala; ikalawa, naroon ang mga pulis hindi dahil sa utos ng
Sanggunian kundi dahil sa pagresponde dahil sa kanilang “claim” na nanganganib
ang kanilang buhay; at itaklo, isang tambak ang media sa likod ni Gen. Pagdilao
kaya tiyak na naroon ang mga pulis hindi sapagkat may masamang layunin kundi
upang makita ang tunay na sitwasyon at kung sakali ay sila’y matulungan.
Kumatok ng kumatok si Genb.
Pagdilao, subalit walang sumasagot. Hanggang paglipas ng ilang minuto ay
nakipag-usap si Ka Angel kay Gen. Pagdilao (na nasa likod ang maraming
taga-media), subalit hindi binuksan ang gate, kundi nakipagpusap sa maliit na
butas lamang ng gate. Ipinakiusap ni Ka Angel kay Gen. Pagdilao na bigyan sila
ng privacy dahil nais na nilang magpahinga dahil sila raw ay pagod na. Nang
hilingin ni Gen. Pagdilao na kung maaaring makapasok (na ilang beses niyang
hilingin) ay tumanggi si Ka Angel. Nang tanungin kung sila ba’y hostage o may
panganib ba sa kanila, sumagot si Ka Angel na hindi sila hostage at walang
panganib sa kanila roon (nakalimutan ata ni Ka Angel ang sinabi niya sa video
na humihingi siya ng tulong dahil sa nanganganib raw ang kanilang buhay).
Pagkatapos ng maikling
pag-uusap ni Ka Angel at ni Gen. Pagdilao ay nagsagawa ng maikling press con
ang huli. Ipinahayag niya na nasa mabuting kalagayan, ligtas at walang panganib
sa kanila Ka Angel at Ka Lottie at sa kanilang mga kasama (teka,teka, pansinin
po natin na ipinahayag ni Gen. Pagdilao sa harap ng maraming taga-media na “Ka
Angel denies that there are threats against their lives” o itinanggi ni Ka
Angel na may panganib sa kanilang buhay).
Maya-maya ay dumating naman si
Mayor Herbert Bautista ng Quezon City. Siya naman ang nakipag-usap kay Gen.
Pagdilao at nagsikap na makapasok sa loob. Pagkalipas ng ilang minuto ay si
Mayor Herbert naman ang humarap sa media at nagpahayag na huwag nang mag-aalala
dahil wala naman daw panganib sa buhay nina Ka Angel, Ka Lottie at ng mga
kasama (teka, teka, pansinin natin ang ipinahayg ng mayor ng Queazon Ciy na
WALANG PANGANIB sa buhay nila).
Nagkaroon ng second attempt si
Gen. Pagdilao na makiupag-usap at upang papasukin siya sa loob ng compound.
Sandaling bumukas ang gate subalit hindi pala para ppasukin si Gen. pagdilao,
kundi upang papasukin ang pagkain. Kitang-kitang nagtawanan ang mga taga-media.
Ang lahat ng ito ay napanood
sa iba’t ibang istasyon ng TV gaya sa ABS-CBN 2 at sa ANC. Pagtapos nito ay
nakitang medyo nag-disperse na ang mga taga-media. SA PANGYAYARING ITO AY
KITANG-KITA NA WALANG KATOTOHANAN ANG PARATANG SA “CONTROVERSIAL YOUTUBE VIDEO
AT ANG IPINANGANGALANDAKAN NILA SA SOCIAL MEDIA NA “NASA PANGANIB” RAW ANG
KANILANG BUHAY.
Bilang katunayan, agad ay
mababasa natin na headline ito sa GMA News Online na kapo-post lamang ngayong
12:09 am (July 24, 2015):
QCPD chief Pagdilao: 'No abduction'
situation in Manalo compound
July 24, 2015 12:09am
“Police Chief Superintendent
Joel Pagdilao said he and his fellow police officers who went into the Manalo
housing compound late Thursday evening did not find any indication of any
"abduction" situation affecting the residents.
“Pagdilao,
director of the Quezon City Police District, told news media gathered outside
the Manalo residence that the occupants of the house are safe.
"Bale
nagpapasalamat tayo dahil dumungaw si Angel, at yun nga, medyo maliit lang yung
dungaw na ibinigay niya sa atin. Ang pinaka-importante ay nakausap natin
sila," he said.
“He repeatedly
said that the situation seemed to be an internal matter for the Iglesia ni
Cristo and the Manalo family.
“Mayor Herbert
Bautista, who said he was at the scene for a personal update, said that the
local government and the police will monitor the situation, but also repeatedly
said that it is an internal matter.
“Earlier, a
spokesman of the Iglesia ni Cristo said the church has "no control"
over the residential area, where the apparently estranged relatives of the
church's Executive Minister Eduardo Manalo had claimed they were held against
their will.
“The spokesman,
who identified himself as Kapatid Edwin Zabala, also said in a huddle with news
media along Tandang Sora Avenue in Quezon City, that they are posing no
objection or hindrance to Pagdilao's request to enter the housing compound to
ascertain the condition of the residents.
Ito ang makikitang headline ng
bawat “news online” na pinatutunayan na HINDI NANGANGANIB sina Ka Angel at Ka
Lottie:
Mappansin din na hindi
binabanggit sina Ka Marc at Ka tenny. Hindi rin po dapat mag-aalala sa kanila
dahil ayon po sa report ng iba’t ibang media firm ay sina Ka Angel at Ka Lottie
lang po ang nasa nasabing compound, at sina Ka Marc at Ka Tenny po ay wala po
sa nasabing compound, Sila po’y nasa ibang bansa (gaya nang amin na pong
naipahayag sa inyo ng una) kaya wala rin pong panganib sa kanilang buhay.
WALA PO PALA TAYONG DAPAT IPAG-ALALA MGA KAPATID DAHIL HINDI PO PALA
TOTOO ANG SINASABI NINA KA ANGEL AT KA TENNY SA CONTROVERSIAL YOUTUBE VIDEO NA
NANGANGANIB ANG BUHAY NINA KA ANGEL AT KA LOTTIE, SAPAGKAT ANG LAHAT PO NANG ITO AY
GAWA-GAWA LAMANG UPANG GALITIN ANG MGA KAPATID AT MAHIKAYAT NA SUMAMA SA KANILA
SA PAG-AAKLAS LABAN SA PAMAMAHALA.
Ano naman po itong sinasabi ni ka Jun Samson na "tumakas" daw sila sa compound? Di po kaya katunayan iyon na siya nga si AE? Dahil kung wala siyang kinalaman sa mga nangyari, bakit siya "tumakas"? At bakit sinasabi niyang mayroon ngang ministro na dinukot?
ReplyDeleteDoon pa lang sa "tumakas" huli na siya sa bibig.
DeleteWalang (hypothetical na) guard ang ganoong kadaling utuin na sasabihin mo lang na sasamba ka tapos papalabasin ka na. Ano yun, four years old? Halatang kuwentong barbero.