OPISYAL NA
PAHAYAG
MULA SA PAMAMAHALA
NG
IGLESIA NI
CRISTO UKOL SA
“CONTROVERSIAL
YOUTUBE
VIDEO”
Official Statement from the Church Administration regarding the
“controversial youtube video”
Please watch this video
BINASA na ngayon sa mid-week
pagsamba ng Iglesia Ni Cristo ang sirkular ukol sa pagtitiwalag sa kanila “Ka
Tenny” (Cristina V. Manalo), “Ka Angel” (Felix Nathaniel V. Manalo), “Ka Mark”
(Marco Erano V. Manalo) at “Ka Lottie” (“Lolita Manalo-Hemedez). Ang sirkular
na ito ay nilagdaan mismo ni Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Ginawa ng Tagapamahalang
Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ang desisyong ito pagkatapos na i-upload sa
youtube ang video na kung saan ang kaniyang kapatid na si Felix Nathaniel
(“Angel”) at ang kaniyang ina na si Cristina (“Ka Tenny”) ay humihingi ng
tulong dahil diumano’y nanganganib daw ang kanilang buhay. Ipinahayag ni
Kapatid na Bienvenido C. Santiago, ang Pangkalahatang Ebanghelista ng Iglesia
Ni Cristo ang pagtitiwalag sa kanila sa isang news conference ngayong Huwebes,
23 Hulyo 2015.
Sa nasabing news conference ay
ipinahayag ni Kapatid na Bienvenido ang sumusunod:
"Masakit
man sa loob ng Kapatid na Eduardo Manalo ay ipinasya nila na itiwalag yung mga
lumilikha ng mga pagkakabaha-bahagi sa Iglesia. Kaya sa mga pagsambang
isasagawa ng Iglesia ni Cristo, simula sa araw na ito ay ipaaalam iyon sa lahat
ng kapatid."
Ginawa nila ang videong ito
kaugnay ng pagnanasang makakuha ng simpatiya mula sa mga kapatid para maisulong
ang kanilang nilalayon na maiposisyon sa Pamamahala sa Iglesia ang nais nilang
mailagay sa posisyon.
Sa nasabing sirkular na binasa
sa mga pagsamba na nakalagda ang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng
Iglesia Ni Cristo ay binanggit niya ang sumusunod:
"Masakit
man sa loob ko subalit katungkulan ko na ipagpauna ang kapakanan ng Iglesia."
Dahil dito, maluwag din na
tinanggap ng buong Iglesia ang nasabing pagtitiwalag sa apat na kapamilya ni
Kapatid na Eduardo. Dito ay lalong hinangaan ng mga kapatid ang kasalukuyang
Tagapamahalang Pangkalahatan. Hayag na hayag ang kaniyang kagitingan sa
pagdadala ng tungkulin na nahanda siyang ipataw ang disiplina sa lahat, maging
sa kaniyang mga kaanak at malalapit sa kaniya.
Ang pangyayaring ito ay
kaugnay rin ng mga pangyayari sa nakaraan na may mga naglabasan sa social media
na paninira at pagbatikos sa Pamamahala ng Iglesia ng mga taong itinatago ang
kanilang pagkakakilanlan o gumagamit ng “dummy accounts.” Nagsagawa ang buong
Iglesia ng pagpapanata na mahayag ang mga gumagawa ng ganitong paninira at
pangugulo. Sumasampalataya tayo na ito’y itinulot ng Diyos upang mahayag kung
sino talaga ang nasa likod ng mga kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia.
Kung sa mga kapatid sa Iglesia
ay masakit sa atin ang nangyaring pagkatiwalag nina Ka Tenny, Ka Angel, Ka Mark
at Ka Lottie sapagkat sila’y minahal natin, kaya tiyak na higit na masakit ito
kay Kapatid na Eduardo V. Manalo sapagkat sila’y kaniyang mga kapamilya. Alam
nating ang hapis at pighati na nararamdaman ngayon ng Ka Eduardo. Kaya,
ipanalangin natin sa Diyos na palakasin at patuloy na gabayan ang ating mahal
na Tagapamahalang Pangkalahatan upang patuloy na matupad niya ang kaniyang
gampanin na maihanda ang buong Iglesia sa pagsalubong sa ating Panginoong
Jesucristo.
Talagang mahahayag ang mga taong lumalaban sa pangangasiwa. Masakit pero talagang magiting at kahanga hanga ang ka Eduardo Manalo. Mahal na mahal po namin kayo at lagi po namin kayong ipinapanalangin sa Ama na gabayan kayo sa lahat ng Inyong pasya sa Iglesia. Tunay po kayong alagad ng Dios. Salamat sa Ama.
ReplyDelete