The Official
Statement of the IGLESIA NI CRISTO read by General Evangelist Brother
Bienvenido C. Santiago. The press conference is called by the Church's Sanggunian
as a reply to the Department of Justice bias treatment on the case of the
expelled members of the Church on August 26, 2015.
IGLESIA NI
CRISTO
INC Central
Office, No. 1 Central Avenue, New Era, Quezon City
Gusto po naming
magbigay ng ilang pahayag tungkol sa ginawang pagsasampa ni Isaias Samson Jr.
ng reklamong illegal detention laban sa mga ministro ng Iglesia Ni Cristo na
bumubuo sa Sanggunian nito. Ito ay kaugnay ng bumangong suliraning panloob sa
Iglesia Ni Cristo dahil sa ilang tao na noon ay kaanib at ang iba'y ministro pa
sa Iglesia -- kasama roon si Samson -- na nagtangkang maghasik ng
pagkakabaha-bahagi at gumawa ng mga paninira laban sa Administrasyon ng
Iglesia. Natural lamang na kailangan ipatupad ng Iglesia ang mga disiplina,
ayon sa mga aral at mga tuntuning itinataguyod ng organisasyong ito mula pa noong
una, na nakasalig sa Banal na Kasulatan o Biblia. Karapatan naman ng
organisasyong ito, at marahil ng alinmang organisasyon, na dumipensa laban sa
sinumang organisasyong ito, at marahin ng alinmang organisasyon, na dumipensa
laban sa sinumang nais puminsala rito.
Kaya, may mga
pagsisiyasat na kinakailangang gawin, may mga pagsuspinde sa pagtupad ng
tungkulin ng iba, at may mga kailangang itiwalag. At iyan naman ay
naiintindihan at itinataguyod noon ng mga taong inalis na sa Iglesia.
Sapagkat iyon
ang paraan para mapanatili ang pagkakaisa ng Iglesia - dalhin sa labas ng
Iglesia ang mga nanggugulo at nagtatangkang maghahasik ng pagkakabaha-bahagi.
Ang pagsulong ng
reklamong inihain ni Samson ay napag-alaman naming nagawa sa ilalim ng patnubay
ni Sec. Leila de Lima, sapagkat labis at di-pangkaraniwan ang atensyon na
iniukol niya -- Ano kaya ang motibo niya? -- siya pa mismo ang personal na
nag-asikaso sa nasabing reklamo.
Pag-aasikaso at
atensiyon na hindi nakita ng Sambayanang Pilipino at Kalihim ng Katarungan sa
usapin ng pagkakapaslang sa apatnapu't-apat na sundalo ng Special Action Forces
(SAF) ng Philippine National Police sa Mamasapano ilang buwan na ang
nakakaraan. Bagaman ang dalawa (2) sa mga napaslang doon ay mga kapatid namin
sa Iglesia subalit matahimik kaming naghintay sa mga gagawin ng Department of
Justice (DOJ) para tugisin at usigin ang mga may kagagawan sa madugong
pangyayarin yaon. Gayundin sa kung sino sa panig ng Pamahalaan ang dapat
pananagutin sa mga pagyayaring iyon. Hanggang ngayon, gaya ng alam ng marami,
ay wala pang napananagot.
Nakarating po sa
aming kaalaman na may ilan pong inaalagaan ang DOJ na mga inalis na sa Iglesia
at mga kabilang sa nais na manggulo sa Iglesia.
Bakit hindi
bigyan ng atensiyon ng DOJ ang kaso ng apatnapu't-apat na sundalong napatay sa
Mamasapano na kasing-tindi ng ibinigay nila sa mga taong naghain ng reklamo sa
kanilang Tanggapan kahapon? Kumpara sa apatnapu't apat na sundalo na napatay sa
Mamasapano -- dito sa inirereklamo ni Samson ay wala ni isang lamok na napatay.
Halata namang Kasinungalingan ang sinasabi ng mga nagrereklamo.
Gusto naming
paratingin kay Secretary de Lima at sa mga nag-uutos sa kaniya na hinihiling
namin ngayon -- sa ngalan ng mga naulila ng dalawang sundalong nasawi sa
Mamasapano na mga kapatid namin sa Iglesia -- na pag-ukulan din niya ng kasing
sigasig na pag-aasikaso ang kaso ng Fallen 44. Sa madaling sabi, ay dapat
maging parehas at walang bias ang Kagawara ng Katarungan.
The least we can
expect from the Department of Justice -- is justice.