Buod ng
Leksiyong Itinuro ng
Pamamahala ng Iglesia sa
Ika-32 Pagtatapos ng mga Mag-aaral
sa Pagka-Ministro
Pamamahala ng Iglesia sa
Ika-32 Pagtatapos ng mga Mag-aaral
sa Pagka-Ministro
By Brother Arnel A. Tumanan
Bahagi ng leksiyong itinuro ng
TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, KAPATID NA EDUARDO V. MANALO, sa Tanging Pagsamba
kaugnay ng Graduation ng mga nagsipagtapos ng pag-aaral sa pagka-manggagawa sa IGLESIA
NI CRISTO (CHURCH OF CHRIST) SCHOOL FOR MINISTERS. Ang pagbubuod ay ginawa ni
KAPATID NA ARNEL A. TUMANAN.
“PAPAANO
PINATUNAYAN NG MGA TUNAY NA LIDER SA BAYAN NG DIYOS ANG KANILANG INTEGRIDAD SA
PANGUNGUNA SA IGLESIA?”
1. Nakahandang
magtiyaga at manindigan nang may pagtitiis at pagbabata.
" Kaya ako [ay nakahandang] magtiyaga at manindigan nang may pagtitiis at pagbabata ng lahat ng bagay alang-alang sa mga inihalal [hinirang ng Diyos], upang tamuhin din nila [ang] kaligtasang na kay Cristo Jesus, na may [gantimpalang] walang hanggang kaluwalhatian. " (II Timoteo 2:10 AMP)
2.
Ipinagmalasakit at minahal ang Iglesia anupa’t nakahandang ibigay pati ang
buhay.
" Ipinagmalasakit namin kayo nang labis, at kayo ay napamahal sa amin, anupa’t nakahanda naming ibigay ang aming buhay para sa inyo nang ibigay namin sa inyo ang mensahe ng Diyos." (I Tesalonica 2:8 CEV)
3. Dahil sa
malaking pagkahabag.
" At nang lumabas si Jesus ay nakita Niya ang isang dakilang karamihan; at Siya ay nakilos ng pagkahabag para sa kanila, at pinagaling [Niya sila] sa kanilang mga sakit." (Mateo 14:14 NKJV)
Ang Payo at
Paala-ala ng TAGAPAMAHALNG PANGKALAHATAN, ang KAPATID NA EDUARDO V. MANALO, sa lahat ng mga Ministro at Manggagawa:
“Kaya, kahit ano
ay aming sasagupain alang-alang sa malaking kahabagan at pagmamahal namin sa
Iglesia. Kahit buhay namin ay ibibigay kung kakailanganin. Ito ang damdamin na
umaakay sa lahat ng mga tunay na ministro at manggagawa sa loob ng Iglesia Ni
Cristo.”
IKA-32
PAGTATAPOS NG MGA MAG-AARAL
IGLESIA NI CRISTO (CHURCH OF
CHRIST) SCHOOL FOR MINISTERS
Philippine Arena
Martes, Hulyo 19, 2016
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.