AE…REMEMBER ME?
(HOW PRISTINE TRUTH PUT YOU IN BIG SHAME)
PART 14
Mula noong Abril 1, 2016 ay
inire-repost po namin ang mga naging sagutan nina “Antonio Ebangelista” at
“Pristine Truth” noong 2015 upang ipaala-ala kay AE, at sa kaniyang mga napapaniwala,
at upang malaman ng madla na noon pa ay sinagot na si AE sa kaniyang mga
paratang laban sa Iglesia at KUNG PAPAANO SIYA NALAGAY SA MALAKING KAHIHIYAN.
AE, REMEMBER
THIS
Hindi lang pala kay Pristine Truth nalagay si
“Antonio Ebangelista” sa matinding kahihiyan, kundi sa mga simpleng kapatid
lamang. Naalala mo ba ito “AE” ang conversation mo sa isang simpleng kapatid na
hindi mo masagot-sagot ang kaniyang simpleng katanungan, at binastos pa at
kinutya ng mga grupo ninyo. Dito ay nahayag ang tunay na “kulay” ng grupo ni
“Antonio Ebangelista.” Tunghayan kung papaano napahiya si “AE” sa isang
simpleng kapatid lamang:
___________________________
TANONG NG
ISANG SIMPLENG KAPATID AY HINDI MASAGOT NILA ANTONIO EBANGELISTA, KUNDI
BINASTOS PA AT KINUTYA
First posted last May 25, 2015
MAY mga kapatid na
hindi makatiis dahil sa nakikita nilang pamiminsala na ginagawa ng mga
Kumakalaban sa Pamamahala kaya sa mismong FB account ng mga Kumakalaban sa
Pamamahala ay nagpo-post sila ng kanilang “objection” sa ginagawa ng grupong
ito. Ang nasa ibaba ay ang pagpost ng isang kapatid sa FB account ni Antonio
Ebangelista:
M.PALAM > ANTONIO EBANGELISTA
21 mins
· Edited
·
“Ano
ang magiging kahihinatnan ng ipinaglalaban nyo G. Antonio
Ebangelista? Ito bang ginagawa ninyo ay para sa kabutihan ng Iglesia
o para ba kahihiyan at ikatitisod ng maraming kapatid lalo na sa mga di
kapananampalataya? Kayo po ba ay nakakatulog pa sa ginagawa ninyo? Nalalaman ba
ninyo na kalat na sa social media ang pagsisiwalat mo na diumanoy katiwalian na
wala namang konkretong ebedensya? Nagtatanong lang.. kc apektado ang mga
kapatid sa mga ginagawa mong ito. lalo't kaisahan ng iglesia ang nasisira mo.”
Ang nag-post na ito ay isang
simpleng kapatid lamang at wala po siyang kaugnayan sa amin ni hindi po namin
siya kilalang personal. Nakita lamang po namin ang kaniyang account nang
mag-post sa account ng mga Kumakalaban sa Pamamahala. Ang siumusunod po ay ang
conversation na naganap sa pagitan ng kapatid na ito at ng grupo ni Antonio
Ebanghelista. Dito ay makikita ninyo kung ano ang talagang tunay nilang “kulay”
(kung papaano sila makipag-usap sa mga kapatid sa Iglesia at kung ano talaga ang
kanilang “nilalayon.” Ang unang nag-comment sa post ng kapatid na ito ay ang
kilalang kasamahan nila (hindi maaaring itanggi ni G. Antonio Ebangelista na ito’y
kasamahan nila) na may account name na “Claire Fuentes Dela Cruz”:
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ M. Palam, mag abuloy ka nalang para mas maraming
manakaw ang mga communistang sanggunian.
17 mins
Wala po kaming ini-edit sa
kanilang conversation. Iyan po mismo ang kanilang sinabi at naging usapan. Ito
ang tugon ng kapatid sa kanila:
M. PALAM nag aabuloy ako hindi para sa tao kundi para sa Dios. At ang Dios na ang bahala
sa handog ko. Ngayon kung meron kayong ipakikita na konkretong ebedensya nang
katiwalian.. lumatad kayo at iharap nyo ang ipinaglalaban nyo
14 mins
· Edited
Ganito siya sinagot ng isa sa mga kumakalaban sa Pamamahala:
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ payag ka pala na ang abuloy mo sa Dios e ninanakaw
lang ni Jun Santos...hehe! un naman pala e, gawin mo kung ano gusto mo. mag
tanung tanong at magbasa ka kasi, para mabuksan yang isip mo.
13 mins
Ganito ang naging sagot ng
tunay na sumasampalataya:
M. PALAM para saan? para panigan yang walang kabuluhang mga paratang at magdulot ng
pagkakabaha bahagi? Ano ba ang ikinasasakit ng kalooban nyo? Kung totong anak
kyo ng Dios bakit kayo nababahala sa inihahandog nyo? may tiwala pa ba kayo sa
Dios o tagilid na kayo?
12 mins
Ito ang sagot sa kaniya ng isa
sa mga Kumakalaban sa Pamamahala:
CLAIRE
FUENTES DELA CRUZ hindi yan paratang, di mo ba nakikita inday na may
mga evidence na. kaya nga may ganitong nangyayari kasi
kailangang maalis ang mga tampalasan sa INC, para bumalik ang dating
dalisay at
malinis na INC.
9 mins
Ito ang tugon sa kaniya ng
tunay na kapatid:
M. PALAM nasaan? bakit di nyo mailantad? asan? yung madramang pagsusulat ba sa blog? at
yung maduming istilo ng pangungutya sa tao? ganon ba ebedensya nyO?
8 mins
Wala namang isinagot ang
Kumakalaban sa Pamamahala kundi lalo lamang niyang pinatunayan ang sinasabi ng
kapatid na “puro lang sila pangungutya.” Ito ang sunod-sunod niyang pinost
(talagang sunod-sunod po ito at hindi po ito edited):
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ hala, hahaha! wow!
7 mins
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ asawa ka ata ni Jun Santos...hehehe!
6 mins
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ mahirap talaga paliwanagan ang sarado ang isip at
ung mga taong nakikinabang sa gawaing masama ni Jun Santos...hehehe!
5 mins
Ganito siya sinagot ng kapatid:
M. PALAM Bka gusto mo ang posisyon ni Ka Jun? ha claire? ikaw din ba
si Anton?
4 mins
Ganito lang ang naging tugon
ng isa sa mga Kumakalaban sa Pamamahala (inuulit po namin, hindi po ito edited):
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ hahaha! wow!
4 mins
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ Gumawa ka nalang ng sarili ninyong page ni JS, at
doon kayo mag sama sama...hahaha! asawa ka nya cguro o kabit...
2 mins
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ kaya pinagtatangol mo kasi mawawalan ka ng
sustento..hehehe!
1 min
Ang sumusunod ay mappansin
ninyo na “nag-iba” ang time ng posting. Dahil kinokopya na namin agad dahil
alam po namin na idi-delete nila agad ang pag-uusap na ito. Ganito pa
nagpatuloy ang kanilang usapan:
M. PALAM sa pananalita mong yan.. amoy kambing ka.
1 min
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ hahaha!
Just now
M. PALAM iligo nyo na lang yan.. dami mong Dummy Acount ha.. multiple personality teh?
hehe.
Just now
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ hahahaha!
1 min
Pagkatapos nito’y sumabat na
si Antonio Ebangelista (ang kaniyang account):
ANTONIO EBANGELISTA Ka M. Palam hindi po ako nagpost dito para makipagtalo o
makipagaway. Kung talagang gusto ninyong malaman ang sagot ko sa tanong nyo,
narito po, pakibasa na lang po (pinost niya ang link ng kaniyang blog).
Pagkatapos na pagkatapos ng
comment ni Antonio Ebangelista ay ganito ang sabat ng kaniyang kasama:
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ meeee....meeee,...
Just now
Ganito siya tinugon ng
kapatid:
M. PALAM Puro kadramahan mo lang naman ang nakalagay sa blog mo G. Antonio Ebangelista.. Ginagawa mo ito para sa kasiraan at
hindi para sa ikatitibay sa hanay ng mga kapatid at sa mga dapat pang maakay sa
loob ng Iglesia. Nakakalungkot isipin kung bakit mo ito ginagawa. Kumakalat na
itong blog na ito sa hanay ng mga kaibayo. at ang nakataya dito ay ang kabuuan
ng iglesia at hindi sa iisang tao lang. Buhay ang Dios ng INC. Yan lang ang
masasabi ko G. Antonio Ebangelista.
2 mins
Sumabat naman ang isa pa sa
kanilang kilalang kasamahan (sina “Claire” at “Eddie” ay kasamahan ni Antonio
Ebangelista, kung another account niya ay hindi ko po alam):
EDDIE SY SANTOS Get out Palam...
3 mins
Tumugon tuloy ang kapatid nang
ganito:
M. PALAM Another Dummy Account Eddie Sy Santos? iisang tao lang iba ibang personalidad
2 mins
Si Antonio Ebanghelista po
muli ang sumagot (o iyong account niya na nakapangalan sa kaniya):
ANTONIO EBANGELISTA At kung marunong lang po sana kayong magbasa ay mababasa
ninyo ang paliwanag kung bakit dito sa social media inilabas ito at kung
paanong no-bearing kahit pa gamitin ito ng nga kaibayo sa pananampalataya.
Nagtanong kayo, sumagot ako. Ayaw nyong basahin at unawain ang sagit ko, wala
na po akong magagawa kung sakaling nagsasalita na lang kayo ng bagay na wala
kayong pagkaunawa. Salamat po.
1 min
Pagkatapos nito ay sumabat
muli ang isang pang kasamahan nila (o isa pang account):
EDDIE SY SANTOS Get lost palam...
1 min
Hindi na pinansin ng kapatid
iyong isang nambabastos sa kaniya. Ito ang naging tugon niya sa sinabi ni
Antonio Ebanghelista:
M. PALAM Iminamatuwid nyo po ba na tama ang
ginagawa nyo G. Antonio Ebangelista? na tamang mabasa ito ng kaibayo at
pagpiyestahan sa ibat ibang forum? sa ganoong paraan po ba kayo natutuwa? ito
ba ay para sa ikalulugod ng Dios ginoong Antonio Ebangelista?
PAGKA-POST
NG KAPATID SA
COMMENT NIYANG ITO, MAYA-MAYA AY BINURA NA NI ANTONIO EBANGHELISTA ANG
THREAD
NA ITO. KAYA DITO AY HAYAG-HAYAG ANG TUNAY NA "KULAY" NG GRUPO NI ANTONIO EBANGELISTA.
Ang totoo po ay maraming mga kapatid ang nagsabi at nagpadala ng kopya ng kanilang conversation sa grupong ito na pinangungunahan ni Antonio Ebangelista na sila'y binastos at kinutya ng grupong ito.
Ang totoo po ay maraming mga kapatid ang nagsabi at nagpadala ng kopya ng kanilang conversation sa grupong ito na pinangungunahan ni Antonio Ebangelista na sila'y binastos at kinutya ng grupong ito.
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.