Pages

13 June 2015

Ano ba ang Tunay na Layunin ni Antonio Ebangelista?



ANO BA TALAGA ANG LAYUNIN NI ANTONIO EBANGHELISTA?





ANG madalas nating marinig kay Antonio Enaghelista ay ipinanganganladakan niya na hindi naman daw siya lumalaban sa Pamamahala kundi sa katiwalian ng Sanggunian. Ang haNgad daw niya ay ang maibalik ang Iglesia sa kalinisan at kabanalan. SUBALIT ITO NGA BA ANG TUNAY NA LAYUNIN NI ANTONIO EBANGHELISTA?


ANG TANONG KAY ANTONIO EBANGHELISTA NG ISANG SIMPLENG KAPATID
NA HINDI NIYA MASAGOT

May mga kaPatid na hindi makatiis dahil sa nakikita nilang pamiminsala na ginagawa ng mga Kumakalaban sa Pamamahala kaya sa mismong FB account NI Antonio Ebanghelista AY nagpo-post sila ng kanilang “objection” sa ginagawa ng grupong ito. Ang nasa ibaba ay ang pagpost ng isang simpleng kapatid sa FB account ni Antonio Ebanghelista at ang kanilang naging conversation (kasama ang iba pang mga kagrupo ni AE:

21 mins · Edited ·
“Ano ang magiging kahihinatnan ng ipinaglalaban nyo G. Antonio Ebangelista? Ito bang ginagawa ninyo ay para sa kabutihan ng Iglesia o para ba kahihiyan at ikatitisod ng maraming kapatid lalo na sa mga di kapananampalataya? Kayo po ba ay nakakatulog pa sa ginagawa ninyo? Nalalaman ba ninyo na kalat na sa social media ang pagsisiwalat mo na diumanoy katiwalian na wala namang konkretong ebedensya? Nagtatanong lang.. kc apektado ang mga kapatid sa mga ginagawa mong ito. lalo't kaisahan ng iglesia ang nasisira mo.”

NOTE: Ang nag-post na ito ay isang simpleng kapatid lamang at wala po siyang kaugnayan sa amin ni hindi po namin siya kilalang personal. Nakita lamang po namin ang kaniyang account nang mag-post sa account ng mga Kumakalaban sa Pamamahala. Ang siumusunod po ay ang conversation na naganap sa pagitan ng kapatid na ito at ng grupo ni Antonio Ebanghelista. Dito ay makikita ninyo kung ano ang talagang tunay nilang “kulay” (kung papaano sila makipag-usap sa mga kapatid sa Iglesia at kung ano talaga ang kanilang “nilalayon.” Ang unang nag-comment sa post ng kapatid na ito ay ang kilalang kasamahan nila (hindi maaaring itanggi ni G. Antonio na ito’y kasamahan nila) na may account name na “Claire Fuentes Dela Cruz”:


M. Palamos, mag abuloy ka nalang para mas maraming manakaw ang mga communistang sanggunian.

Wala po kaming ini-edit sa kanilang conversation. Iyan po mismo ang kanilang sinabi at naging usapan. Ito ang tugon ng kapatid sa kanila:

nag aabuloy ako hindi para sa tao kundi para sa Dios. At ang Dios na ang bahala sa handog ko. Ngayon kung meron kayong ipakikita na konkretong ebedensya nang katiwalian.. lumatad kayo at iharap nyo ang ipinaglalaban nyo

Ganito naman siya sinagot ng isa sa kumakalaban sa Pamamahala:

payag ka pala na ang abuloy mo sa Dios e ninanakaw lang ni Jun Santos...hehe! un naman pala e, gawin mo kung ano gusto mo. mag tanung tanong at magbasa ka kasi, para mabuksan yang isip mo.

Ganito ang naging sagot ng tunay na sumasampalataya:

para saan? para panigan yang walang kabuluhang mga paratang at magdulot ng pagkakabaha bahagi? Ano ba ang ikinasasakit ng kalooban nyo? Kung totong anak kyo ng Dios bakit kayo nababahala sa inihahandog nyo? may tiwala pa ba kayo sa Dios o tagilid na kayo?

Ito ang sagot sa kaniya ng isa sa mga Kumakalaban sa Pamamahala:

hindi yan paratang, di mo ba nakikita inday marietta na may mga evidence na. kaya nga may ganitong nangyayari kasi kailangang maalis ang mga tampalasan sa INC, para bumalik ang dating dalisay at malinis na INC.

Ito ang tugon sa kaniya ng tunay na kapatid:

nasaan? bakit di nyo mailantad? asan? yung madramang pagsusulat ba sa blog? at yung maduming istilo ng pangungutya sa tao? ganon ba ebedensya nyO?

Wala namang isinagot ang Kumakalaban sa Pamamahala kundi lalo lamang niyang pinatunayan ang sinasabi ng kapatid na “puro lang sila pangungutya.” Ito ang sunod-sunod niyang pinost (talagang sunod-sunod po ito at hindi po ito edited):

hala, hahaha! wow!

asawa ka ata ni Jun Santos...hehehe!

mahirap talaga paliwanagan ang sarado ang isip at ung mga taong nakikinabang sa gawaing masama ni Jun Santos...hehehe!

Ganto siya sinagot ng kapatid:

Bka gusto mo ang posisyon ni Ka Jun? ha claire? ikaw din ba si Anton?

Ganito lang ang naging tugon ng isa sa mga Kumakalaban sa Pamamahala (inuulit po namin, hindi po ito edited):

hahaha! wow!

Gumawa ka nalang ng sarili ninyong page ni JS, at doon kayo mag sama sama...hahaha! asawa ka nya cguro o kabit...

kaya pinagtatangol mo kasi mawawalan ka ng sustento..hehehe!

Ang sumusunod ay mappansin ninyo na “nag-iba” ang time ng posting. Dahil kinokopya na namin agad dahil alam po namin na idi-delete nila agad ang pag-uusap na ito. Ganito pa nagpatuloy ang kanilang usapan:

sa pananalita mong yan.. amoy kambing ka.

hahaha!

iligo nyo na lang yan.. dami mong Dummy Acount ha.. multiple personality teh? hehe.

hahahaha!

Pagkatapos nito’y sumabat na si Antonio Ebanghelista (ang kaniyang account):

Ka Marietta Palamos hindi po ako nagpost dito para makipagtalo o makipagaway. Kung talagang gusto ninyong malaman ang sagot ko sa tanong nyo, narito po, pakibasa na lang po (pinost niya ang link ng kaniyang blog).

Pagkatapos na pagkatapos ng comment ni Antonio Ebanghelista ay ganito ang sabat ng kaniyang kasama:

meeee....meeee,...

Ganito siya tinugon ng kapatid:

Puro kadramahan mo lang naman ang nakalagay sa blog mo G. Antonio Ebangelista.. Ginagawa mo ito para sa kasiraan at hindi para sa ikatitibay sa hanay ng mga kapatid at sa mga dapat pang maakay sa loob ng Iglesia. Nakakalungkot isipin kung bakit mo ito ginagawa. Kumakalat na itong blog na ito sa hanay ng mga kaibayo. at ang nakataya dito ay ang kabuuan ng iglesia at hindi sa iisang tao lang. Buhay ang Dios ng INC. Yan lang ang masasabi ko G. Antonio Ebangelista.

Sumabat naman ang isa pa sa kanilang kilalang kasamahan (sina “Claire” at “Eddie” ay kasamahan ni Antonio Ebangelista, kung another account niya ay hindi ko po alam?):

Get out Palamos...

Tumugon tuloy ang kapatid nang ganito:

Another Dummy Account Eddie Sy Santos? iisang tao lang iba ibang personalidad

Si Antonio Ebanghelista po muli ang sumagot (o iyong account niya na nakapangalan sa kaniya):

At kung marunong lang po sana kayong magbasa ay mababasa ninyo ang paliwanag kung bakit dito sa social media inilabas ito at kung paanong no-bearing kahit pa gamitin ito ng nga kaibayo sa pananampalataya. Nagtanong kayo, sumagot ako. Ayaw nyong basahin at unawain ang sagit ko, wala na po akong magagawa kung sakaling nagsasalita na lang kayo ng bagay na wala kayong pagkaunawa. Salamat po.

Pagkatapos nito ay sumabat muli ang isang pang kasamahan nila (o isa pang account):

Get lost palamos...

Hindi na pinansin ng kapatid iyong isang nambabastos sa kaniya. Ito ang naging tugon niya sa sinabi ni Antonio Ebanghelista:

Iminamatuwid nyo po ba na tama ang ginagawa nyo G. Antonio Ebangelista? na tamang mabasa ito ng kaibayo at pagpiyestahan sa ibat ibang forum? sa ganoong paraan po ba kayo natutuwa? ito ba ay para sa ikalulugod ng Dios ginoong Antonio Ebangelista?

PAGKA-POST NG KAPATID SA COMMENT NIYANG ITO, MAYA-MAYA AY BINURA NA NI ANTONIO EBANGHELISTA ANG THREAD NA ITO. Binura na lamang niya sapagkat hindi niya nasagot ang simpleng tanong ng isang simpleng kapatid na:

“Iminamatuwid nyo po ba na tama ang ginagawa nyo G. Antonio Ebangelista? na tamang mabasa ito ng kaibayo at pagpiyestahan sa ibat ibang forum? sa ganoong paraan po ba kayo natutuwa? ito ba ay para sa ikalulugod ng Dios ginoong Antonio Ebangelista?”

Bakit hindi masagot ni Antonio Ebanghelista ang simpleng tanong na ito ng isang simpleng kapatid? Saagkat tunay na wala naman siyang pakialam kung “maiskandalo” ang Iglesia, para kaniya at sa kaniyang mga kasama kahit ma-iskandalo ang Iglesia basta mangyari ang “gusto” nila, ang maalis ang mga miembro ng Sanggunian sa kanilang posisyon. Ganito ang pahayg mismo ni Antonio Ebanghelista:

“Ang pagsisiwalat na ito ay masasabi kong “NECESSARY EVIL”, kinakailangang gawin KAHIT PA MANGAHULUGAN na maaari itong maglabas ng maseselang bagay ukol sa Iglesia na maaaring gamitin laban sa atin.“

Napansin ba ninyo ang pahayag mismo ni Antonio Ebanghelista? Ang ginagawa niyang ito ay “necessary evil” ayon mismo sa kaniya. Kaya pala hindi Niya masagot ang tanong ng kapatid sapagkat kahit siya ay amindo na “evil” o masama ang kaniyang ginagawang ito. ALAM NAMAN NG LAHAT NG HINDI NALULUGOD ANG DIYOS SA ANUMANG GAWANG MASAMA! Mga kapatid, sasang-ayunan ba ng Diyos ang “necessary evil”?

Ang sabi pa niya “kahit pa mangahulugan.” Hindi ba’t ang katumbas ng mga salitang ito ay “wala aking pakialam kung lumabas mang ang mga maseselang bagay ukol sa Iglesia,” at “eh ano kung malagay sa kahihiyan ang Iglesia.”



ANG MARAMI PANG SIMPLENG KATANUNGAN NG
MGA SIMPLENG KAPATID NA HINDI MASAGOT
NI ANTONIO EBANGHELISTA

Ito ay “pinost” sa bilang comment sa timeline ng kanilang page na “Iglesia NI Cristo Silent No More by Antonio Ebangelista”:

Pero aminin po natin at sa hindi na sa bandang huli ANG KATAWAN ANG NASUSUGATAN KARANIWANGKAANIB LANG PO AKO.PERO ANG TANUNG KO LANG PO KUNG SAKALI NA NALINIS NYO NA ANG BUONG SANGUNIAN SA PANGUNGUNA NG KA EVM. MAIBABALIK PA PO BA ANG DAMAGE NA GINAWA.? MA BUBURA PA PO BA SA NET ANG LAHAT? PARANG KAGAYA NG MGA KASO NA LAGING IBINABATO SA INC BAGAMAT NILINAW NA.AY PILIT PARING GINAGAMIT SA PAG ATAKE NG KUMAKAAWAY SA INC.DEBATE ATIBP. KASO SA R.TRILIANES , T.ORA ,KA EGM BILYONARYO ,MGA KAPATID NA SANGKOT SA PAGPATAY SA COMPOUND NG KAPILYA. ATIBP.TAPOS NGAYUNG ISSUE NA ITO.SIGURADO NA ME MGA KOPYA NA SILA NITO. TANUNG KO LANG PO PAANO PO TAYO MAKAPAG AAKAY NG MAAYOS NITO.? CIGURADO IBABALIK ITO LAHAT SA ATIN. ANG KABUOAN NG KATAWAN ANG NAPINSALA NG HUSTO.BAGAMAT IILANG TAO LANG ANG PINARARATANGAN. PARA SA AKIN Akoy patuloy na mag lilinkod akoy patuloy na susunod sa Dios at sa pamamahala na sya ang naglagay. WALA TAYONG KARAPATANG HUMATOL DAHIL ANG AMA LANG ANG HAHATOL SA SARILI NATING MGA GAWA ............ GOD BLESS IGLESIA NI CRISTO dito tayo sinanay dito hinasa sanay na tayo sa hirap at pag uusig.ANG HINDI LANG TAYO SANAY AY KUNG WALA SYA............
3 hrs ago

Hindi nila ito  kinibo at tiyak na hindi na talaga nila kikibuin. Samakatuwid, hindi rin masagit ni Antonio Ebanghelista ang tanong na:

“Kung natupad na ang inyong ipinaglalaban at naalis na ang lahat ng mga sinasabi ninyong tiwaling sanggunian, papaano ninyo lilinisin ang kalat na iniwan ninyo?”

Bakit hindi masagot ni Antonio Ebanghelista ang tanong na “Papaano nila lilinisin ang KALAT na kanilang ginawa?” HINDI NIYA MASAGOT ANG TANONG NA ITO SAPAGKAT MAY PLANO NGA BA SI ANTONIO EBANGHELISTA NA LINISIN ANG “KALAT” NA KANIYANG GINAWA AT IKINALAT SA SOCIAL MEDIA? Ganito ang sagot ni Antonio Ebanghelista mismo sa tanong na ito:

“Kapag dumating ang pagkakataon na naganap na ang paglilinis sa Iglesia, LALO NA SA HANAY NG MGA NASA SANGGUNIAN, NASIYASAT NA AT NAPATAWAN NA NG DISIPLINA O PARUSA ANG MGA NAGKASALA, hindi na po ninyo ako kailangang kumbinsihin na tumigil na sa pagsisiwalat ng mga katiwaliang ito, KUSA NA LAMANG MAWAWALA SI ANTONIO EBANGELISTA DAHIL NA NAGANAP NA ANG KANIYANG BAHAGI...Tapos na ang gamapanin ni Antonio Ebangelista.”

Ito ay mga salita mismo ni Antonio Ebanghelista. Ayon sa kaniya kapag naparusahan na ang mga miembro ng Sanggunian ay “KUSA NA LAMANG MAWAWALA SI ANTONIO EBANGELISTA.” Bakit kapag naparusahan na ang Sanggunian ay “kusa” na raw mawawala si Antonio Ebanghelista? Dahil “NAGANAP NA ANG KANIYANG BAHAGI...Tapos na ang gamapanin ni Antonio Ebangelista.

Para pala sa kay Antonio Ebanghelista ay “isiwalat lang ang diumano’y katiwalian ng Sanggunian ang kaniyang bahagi, isambulat sa Social Media ang “kasiraan,” “kahihiyan,” at “eskandalo” ang kaniyang gampani (o ang gampanin niya ay magkalat lang sa social media),  at pagka-naabot na niya ang kaniyang puntirya, ang maalis sa posisyon ang Sanggunian, MAGLALAHO NA SIYA. Paano Antonio Ebanghelista ang ginawa mong "kalat"? Basta, tapos na ang aniyang gampanin na maalis sa posisyon ang Sanggunian ay MAGLALAHO na siya! Papaano ang mga “kasiraang” ito na isinambulat mo sa social media? “Basta, nawala na ang mga miembro ng Sanggunian sa puwesto, MAGLALAHO na siya. Ngayon, mga kapatid, ayon mismo sa mga salita ni Antonio Ebanghelista, may layunin ba siyang maglinis pagnakuha na niya ang nais niya na ito ang maparusahan o maalis sa uwesto ang Sanggunian? Ang sabi mismo ni Antonio Ebanghelista, KUSA NA LAMANG MAWAWALA SI ANTONIO EBANGELISTA DAHIL NA NAGANAP NA ANG KANIYANG BAHAGI...Tapos na ang gamapanin ni Antonio Ebangelista.”

LUMALABAS NA ANG TUNAY NA KULAY NI ANTONIO EBANGHELISTA!

Sa artikulo nating pinamagatang “THANK YOU AE FOR CONFIRMING WHAT WE SAY IS TRUE” na inilathala natin sa blog na ito noong June 12, 2015, ay nakita natin na tinututulan niya ang pagbebenta ng mga “prime properties” ng Iglesia sa kabila na ito’y hindi na ginagamit o kailangan ng Iglesia at sa pag-maintain ang mga ito ay gumagastos ng malaki ang Iglesia na kinukuha sa abuloy ng mga kapatid KAYA ISANG KAHAYAGAN NA ANG IPINAGLALABAN NIYA AY HINDI ANG KAPAKANAN NG IGLESIA KUNDI ANG KAPAKANAN NG MGA NASA LIKOD NIYA.

Sa artikulo namang ito ay NAHAYAG NA ANG ISA PANG "HIDDEN AGENDA" NI ANTONIO EBANGHELISTA NA ITO'Y ANG MAALIS SA PUWESTO ANG MGA MIEMBRO NG SANGGUNIAN at pagkatapos nito ay “kusa” na raw siyang MAGLALAHO na iiwan na lamang niya nang gayon ang “KALAT” na ginawa niya at bahala na ang maiiwan. KAYA, HINDI ISANG KAMALIAN NA SABIHIN NA PANSARILING LAYUNIN LAMANG AT KAPAKANAN NG MGA TAONG NASA LIKOD NI ANTONIO EBANGHELISTA ANG IPINAGLALABAN NIYA AT WALA SIYANG PAKI-ALAM SA KAPAKANAN NG IGLESIA.


“KAYO MGA KAPATID, PAPAYAG BA KAYO NA SABIHING KAYO AY ISANG ‘ANTONIO EBANGELISTA’ RIN?

Isang Antonio Ebangelista na umaming ‘necessary evil’ ang inagawa niya? Isang AE na nahayag sa kaniyang mga pananalita na wala siyang pakundangan o pakialam kung malagay man sa kahihiyan ang iglesia? Isang AE na aminadong walang layunin na linisin ang kaniyang kalat na ginawa pagkatapos na makuha ang kaniyang gusto o nilalayon? Isang Antonio Ebanghelista na ang tunay na ipinakikipaglaban ay ang pansariling layunin at ang kapakanan ng mga nasa likod niya at hindi ang kapakanan ng iglesia?

Kaya kayo o ba ay mga Antonio Ebanghelista rin?



PRISTINE TRUTH



YOU MIGHT ALSO LIKE:



 
 














 



4 comments:

  1. kundi po ako nagkakamali sa aking pagkakaunaaa ay may post sya sa kanyang blog na kapag natupad na lahat ng gusto nya ay doon na lalantad kung sino si AE.. pero ngayon iba na ang sinasabi nya "MAGLALAHO NA SIYA" ...

    ang tanong ko para kay AE ,bakit paiba iba ka ng paninindigan?

    isa lang ang totoo.. DUWAG KA o DUWAG KAYO ANTONIO EBANGELISTA!

    ReplyDelete
  2. i just saw this comment on their fb page:

    Sis Donna! Tama po iyan! Totoo man o Hindi, manatili tayo sa paglilingkod dahil ang Iglesiang ito ang Totoo at nagkakaisa tayo doon. At hindi natin ikatitisod ang anumang mababasa natin dito dahil ang pananampalataya natin ay sa Diyos at hindi sa Tao. Anuman ang kaganapan ngayon at ipasa Diyos natin, but be open minded na merong gagawin kasangkapan ang ating Ama upang linisin niya ang dumudungis sa kanyang Iglesia!

    SO TALAGA PALANG NANINIWALA KAYO NA MAY IBANG KASANGKAPAN ANG DIOS..
    HINDI BA ANG TANGING KASANGKAPAN LAMANG NG DIOS SA MGA HULING ARAW AY ANG KANYANG SINUGO..PINAGPAHINGA NYA ANG SUGO MAYRON NAMAN HUMALILI PARA MANGALAGA AT ITO AY ANG PAMAMAHALA AT SILA LAMANG ANG BINIGYAN NG KARAPATAN NG DIOS UPANG MANGARAL AT MANGUNA SA HARAP NG IGLESIA AT HINDI SA SOCIAL MEDIA

    ReplyDelete
  3. Ang tungkulin po pala ni AE ay manira ta magkalat:)

    Necesarry evil?...
    Someone might argue, "If my falsehood enhances God's truthfulness and so increases his glory, why am I still condemned as a sinner?"

    ReplyDelete
  4. tisod at inggit lang yan si AE kay ka jun santos, hindi talaga siya nakatuon sa paglilingod sa Dios, nakatuon sya sa mga material na bagay na nakikita nya sa mga taong nakapaligid sa kanya. ang hindi nya nalalaman ay kinain na pala ng inggit ang buong kaluluwa nya. ang nananahan na sa puso nya ay ang ispirotu ng pagkainggit. tuluyan nang pinagdilim ng diablo ang puso nya kaya patuloy sya sa paggawa ng mga paninira sa iglesia at para makahikayat ng iba. na gaya gagawin ni satanas pag ibubuhos na ang imperno dito sa mundo.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.