Pages

17 June 2015

#04 Pagbilang sa Pandaraya, Kasinungalingan, Salungatan at Kamalian ng mga Kumakalaban sa Pamamahala



MALING-MALI SI ANTONIO EBANGHELISTA SA PAGSASABING MAY TAX EVASION CASE ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN

Pagbilang sa Pandaraya,
Kasinungalingan, Salungatan at Kamalian
ng mga Kumakalaban sa Pamamahala
#04




SA artikulo sa blog ng “mga kumakalaban sa Pamamahala” na pinangungunahan ni Antonio Ebanghelista na may pamagat na “GRAVE PROBLEM: TAX EVASION CASE OF INC DISTRICT OF JAPAN” na inilathala sa kanilang blog noong April 24, 2015 ay sinasabi nila ang ganito:

“PAKSA: PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL SA TAX EVASION AY NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS” [Antonio Ebanghelista, “GRAVE PROBLEM: TAX EVASION CASE OF INC DISTRICT OF JAPAN” April 24, 2015]

Maliwanag dito ang pahayag ni mga kumakalaban sa Pamamahala na ang Iglesia Ni Cristo (ang organisasyon) sa Japan ay nahaharap sa Tax Evasion case dahil daw sa hindi pagbabayad ng buwis ng Iglesia Ni Cristo sa gobyerno ng Japan.

ISA ITONG MALAKING KASINUNGALINGAN!

Isang malaking kasinungalingan na sabihing ang Iglesia Ni Cristo ay may kakaharaping Tax Evasion Case sa Japan sapagkat hindi nagbabayad ng buwis dahil ang Iglesia Ni Cristo ay may TAX EXEMPTED STATUS sa Japan. Ang mga relihiyon po sa Japan gaya sa Piliinas, ay exempted sa pagbabayad ng buwis. Ganito ang ating mababasa sa isang aklat na pinamagatang Handbook of Contemporary Japanese Religions:

“Local as well as national lawmakers and bureaucrats, starving for new forms of revenue, have ecouraged greater public scrutiny of religions, especially their tax-exempt status.” (Handbook of Contemporary Japanese Religions, edited by Inken Prohl, John K. Nelson, p. 168)

Marami pang mga referencia na makukuha na mga aklat at maging sa internet na nagpapatunay na gaya sa Pilipinas at sa Amerika, sa Japan man ay tax-exempted ang mga relihiyon. Sa postwar constitution ng Japan ay maliwanag na isinasaad ang separation of state and religion. Subalit, noong 1951 ay napagtibay na isang batas sa Japan ang Religious Corporation Law na may provision ukol sa tax-exemption ng mga religions sa Japan, kaya mula pa noong 1951 ay tax exempted na ang mga   relllihiyon sa Japan.

“PAPAANO MAGKAKAROON NG TAX EVASION CASE ANG EXEMPTED SA PAGBABAYAD NG TAX?”

Kaya, papaano magkakaroon ng tax evasion case ang isang tax-exempted? Ituturing ka bang absent kung exempted ka sa klase? Ibabagsak ka ba sa exam kung exempted ka rito? Dahil dito, isang malaking kasinungalingan ang pahayag na ito ni Antonio Ebanghelista na:


“PAKSA: PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL SA TAX EVASION AY NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS” [Antonio Ebanghelista, “GRAVE PROBLEM: TAX EVASION CASE OF INC DISTRICT OF JAPAN” April 24, 2015]

Basahin ang buong artikulo:
TAX EVASION CASE OF INC IN JAPAN?



ABANGAN ANG PAGBUBUNYAG NATIN NG MGA
PANDARAYA, KASINUNGALINGAN, SALUNGATAN AT KAMALIAN
NG MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA




YOU MIGHT ALSO LIKE:
 
 

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.