Pages

08 August 2015

Naghahayag ng Katiwalian o Nagpaparatang lamang ang mga Kumakalaban sa Pamamahala?



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
part 7

BAKIT HANGGANG  NGAYON AY WALA PA RIN ANG IPINANGAKO NINYONG EBIDENSIYA NG SINASABI NINYONG KATIWALIAN


TATLONG buwan na ang nakakaraan nang ilathala ng grupo ng mga Kumakalaban sa Pamamahala sa pamamagitan ng blog ng fictitious na si “Antonio Ebangelista” ang kanilang HAMON sa Sanggunian. Ganito ang binanggit nilang "HAMON" sa artikulo nilang pinamagatang “HOW TO EXPLAIN AN UNEXPLAINED WEALTH – PART 1” na nailathala noong Mayo 5, 2015:

“Other members of the illustrious Sanggunian (notorious is the more appropriate term)… sunud-sunod na po kayo. Kaya magmadali na pong mag-close ng mga bank accounts, maglipat sa mga dummy bank accounts, magtago ng mga luxury cars at mga mansion na bahay at mga condo, tawagan na lahat ng inyong mga “BAG MAN” at bilinan ng mahigpit na walang pipiyok, burahin na lahat ng mga online accounts, ire-trace lahat ng mga money trails at paper trails at pagtatanggalin lahat, tiayakin na nakaready na ang mga deed of sale ng mga di-umanoy mga bahay na binili ninyo sa murang halaga lamang o kaya ay mga mamahaling high-end na sasakyan sa murang halaga lamang o kaya ay hindi naman sa inyo kung sa kapatid/kamag-anak/kaibigan lamang ninyo at pinahiram lang namang sa inyo, katunayan nga ay eto ang mga OR/CR na wala sa pangalan ninyo, bilinan lahat ng mga kasambahay, kaibigan at kamag-anak na kapag may nagtanong kung sino ang may ari ng ganito at ganyan ay alam na nila ang sasabihin nila, tiyaking malinis lahat ng inyong ginawa at walang anumang ebidensyang makukuha laban sa inyo… In other words, simulan nyo na pong linisin ang dungis na ibinigay ninyo sa malinis at marangal na pangalan ng Pamamahala at ng banal na Iglesia. Dahil sa ang mga kapatid na mismo ang mga nagpapadala ng ebidensya ng katiwalian laban sa inyo, hindi na po ninyo ito mapipigil kahit pa magmalinis kayo.” (Antonio Ebangelista, “HOW TO EXPLAIN AN UNEXPLAINED WEALTH – PART 1” Mayo 5, 2015, Iglesia Ni Cristo Silent No More, Wordpress]

Ano ang hamon nila? Kahit pa raw magmadali na mag-close ng mga bank accounts, maglipat sa mga dummy bank accounts, magtago ng mga luxury cars at mga mansion na bahay at mga condo, tawagan na lahat ng inyong mga “bag man” at bilinan ng mahigpit na walang pipiyok, burahin na lahat ng mga online accounts, ire-trace lahat ng mga money trails at paper trails AY ISA-ISA RAW NILANG IBUBUNYAG ANG MGA ITO. Natupad ba nila ang kanilang hamong ito?


WALA PA RING BANK ACCOUNT, DUMMY ACCOUNT, ONLINE ACCOUNT, MONEY TRAILS AT PAPER TRAILS

Nagsimula sila ng full blast na paggamit ng social media sa pag-akusa na may kurapsiyon o katiwalian daw sa Iglesia ngayon noon pang April, 2015, ginawa nila ang hamon na ilalabas nila ang kanilang mga ebidensiya noon pang May 5, 2015, ngayon ay Agosto na, subalit may nailabas ba silang bank account, dummy account, online account, money trails at paper trails ng mga miembro ng Sanggunian? WALA, WALA KAHIT ISA.

Pansinin natin ang “hamon” nila na kahit daw itago pa ang mga ito ay isa-isa nilang ilalabas ang mga ito. Nag-rally na sila noong July, 2015, ilan beses na silang nag-press conference si Angel Manalo, ilang ulit nang nagpa-interview sa media si Joy Yuson, Ruel Rosal, Lito Fruto, Louie Cayabyab, at ngayon ay sumama na si Farley De Castro, subalit NASAAN ANG IPINANGAKO NINYO NA ILALABAS NINYONG BANK ACCOUNT, DUMMY ACCOUNT, ONLINE ACCOUNT, MONEY TRAILS AT PAPER TRAILS?

Sa nangyari noong July, 2015 at sa pagpapainterview ay pakikipag-ugnayan nila sa trimedia, at lalo na sa hangarin nilang makumbinsi ang lahat ng mga kapatid na kumampi sa kanila,  kung talagang mayroon silang ilalabas, sa palagay ninyo ay hindi nila sasamantalahin ang pagkakataong iyon? Sa palagay ninyo kung may hawak nga sila ay hindi nila isisiwalat sa pagkakataong iyon? May nailabas nga ba sila? HANGGANG NGAYON AY SALITA'T SALITA LANG SILA NA MAY KURAPSIYON, MAY KATIWALIAN, MAY ANOMALYA SA IGLESIA, SUBALIT HANGGANG NGAYON AY WALA SILANG NAIPAKITANG KONKRETONG EBIDENSIYA (Please nasaan na ang sinasabi ninyo sa hamon na kahit itago pa ay ilalabas ninyo isa-isa ang mga bank account, dummy account, online account, money trails at paper trails ng mga miembro ng Sanggunian? WALA, WALA PA RIN KAHIT ISA).

Kaya tama ang sinabi ni Kapatid na Eduardo V. Manalo sa kaniyang pangangasiwa ng tanging pagsamba sa Sacramento, Metro Manila South, na inaakusahan nila ng kurapsiyon ang kaniyang mga pangunahing katulong sa pangangasiwa sa Iglesia subalit WALA SILANG MAIPAKITANG EBIDENCIA.

Tinututulan nila ang sinasabing ito ng Pamamahala at ng buong Iglesia na hanggang salita lang sila sa pagsasabing may kurapsiyon sa Iglesia subalit wala silang ebidensiya. Mayroon daw. NASAAN NGA?

Para patunayan ninyo na may kurapsiyon o katiwalian sa panig ng Sanggunian na binansagan pa ninyong “tiwaling Sanggunian” subalit ang tanong ng lahat ng mga kapatid ay nasaan ang ebidencia? Kayo ang nagbigay ng hamon noon pang Mayo5, 2015 na kahit itago ng Sanggunian ang kanilang mga bank account, dummy account, online account, money trails at paper trails na magpapatunay daw ng kanilang katiwalian, subalit tatlong buwan na ang nakalipas, ang tanong ng Iglesia ay NASAAN NA?

Nag-rally na kayo, nagpa-interview sa trimedia, nag-upload ng video sa Youtube, gumawa ng mga FB page at blog, subalit NASAAN NA ANG IPINANGAKO NINYONG ILALABAS NINYONG BANK ACCOUNT, DUMMY ACCOUNT, ONLINE ACCOUNT, MONEY TRAILS AT PAPER TRAILS NG SANGGUNIAN NA MAGPAPATUNAY NG KANILANG KATIWALIAN?

Ang madalas din na makita nilang kanilang ikinakatuwiran kapag tinatanong sila na kung nasaan na ang kanilang ebidencia ay “marami na raw silang nailabas.” Subalit, ang tinutukoy nila ay:

(1) Diumano’y “maraming prime properties ng Iglesia ang naibenta.” Subalit, maliwanag ang sagot natin sa isyung ito na walang katiwalian dito sapagkat tunay na may legal na karapatan ang Namamahala sa Iglesia sa pagbebenta ng mga ari-arian ng Iglesia, ang mga ibinenta ay hindi ginagamit at hindi na kailangan ng Iglesia, at kaya ibinenta ay sapagkat hindi naman siya ginagamit o pinakikinabangan ng Iglesia at kumakain pa ng “gugol” sa pag-maintain nito tulad ng bayaring taxes taon-taon, at gugol sa security, maintenance at upkeep. Narito ang ating bukod na artikulo ukol rito:


Part 1


(2) Diumano’y “naubos ang pondo ng Iglesia dahil sa pagpapatayo ng Philippine Arena.” Subalit kitang-kita natin na sa panahon na itinatayo ang Philippine Arena ay mahigit sa 800 na kapilya ang naitayo sa buong Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo. Narito ang ating bukod na artikulo ukol rito:


Part 2


 May sinasabi pa silang "mga ebidensiya" subalit  pawang "kuwento" pa rin (kaya "tismis" lang). Ang mga SInasabi nila o ipinakikita ay wala pa rin ang ipinangako nila at inihamon na ilalabas nilang mga bank account, dummy account, online account, money trails at paper trails ng mga miembro ng Sanggunian.
 
Tandaan na ang gumawa ng hamon na kahit daw itago ng Sanggunian ang kanilang bank account, dummy account, online account, money trails at paper trails ay isa-isa nilang ilalabas ay ang grupo ring ito ng mga kumakalaban ngayon sa Pamamahala, subalit lumipas na ang panahon, at dumaan na ang maraming pagkakataon (tulad ng kanilang press con at pagpapa-interview sa media), ngunit WALA PA RIN SILANG NAILABAS. Dahil dito, hindi isang kamalian na sabiihin na “hangin” lang pala ang laman ng “hamon” nila sapagkat mula nang ipahayag nila ang “hamon” nila at ang dami nang nangyari at "pagkakataong" dumaan sa kanila ay WALA PA RIN SILANG NAILABAS. Mga kapatid, maniniwala pa ba kayo na mayroon nga silang mailalabas?


KONKLUSYON

SAMAKATUWID, SA TUWING SASABIHIN NILA NA “MAY KATIWALIAN NGAYON SA IGLESIA” AT TATAWAGIN NILANG “TIWALI ANG SANGGUNIAN” AY NAGPAPARATANG LAMANG SILA AT PATULOY NA NAGKAKASALA NG PAGSISINUNGALING (ang pagpaparatang ng wala naman katunayan o hindi kayang patunayan ay katumbas din ng pagsisinungaling). DAHIL DITO, ANG SINASABI NILANG “NAGBUBUNYAG LANG SILA NG KATIWALIAN” AY ISA PA RING PAGSISINUNGALING. HINDI SILA “NAGBUBUNYAG NG KATIWALIAN” KUNDI “NAGPAPARATANG” LAMANG.

Mula pa sa Pagsamba ng Kabataan ay itnuro na sa atin na:

Apocalipsis 21:8
“Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-punto na pagsagot sa mga 
Kumakalaban sa Pamamahala

Part 1

Part 2

Part 3
 

 Part 4




Part 5

Part 6




1 comment:

  1. Hanggang kailan kaya tatagal ang mga dummy nayan? Hanggang kailan sila mag popost ng walang evidence? Sana man lang kahit isang proof makapag labas sila para convincing haha.

    Ano ba napapala nila sa pagpo post ng mga kasinungalingan? Alam na alam naman nilang walang mangyayari at walang action kung walang evidence. Edi WOW!! Script writer na kayo!! Hahaha push mo yang career mo!!
    Kaya lang sobra kayong amateur kasi, writing without any evidence is a childish way. Hindi rin kayo magiging successful writer.

    Hindi naman kayo p'wedeng mag edit dahil falsification yan. Kalaboso bagsak niyo. Haha

    Good luck mga BOGUS!!

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.