Pages

07 June 2015

Still No Concrete Evidences: No Bank Accounts, No Dummy Accounts, No Online Accounts, No Money Trails, No Paper Trails



STILL NO BANK ACCOUNTS, DUMMY ACCOUNTS, MANSION, CONDO, ONLINE ACCOUNTS, MONEY TRAILS AT PAPER TRAILS

Higit ba tayong maniniwala sa mga taong hindi mailantad ang kanilang identity, hindi natin kilala, na nagsasabing may corruption daw ngayon sa iglesia kaysa sa ating mahal na tagapamahalang pangkalahatan na nagsabing walang katiwalian ngayon sa iglesia?

SA ating artikulo na may pamagat na “THE UNEXPLAINED WEALTH? Bakit pagkalipas ng isang panahon ay wala pa rin silang nailabas na konkretong ebidensiya?” na inilathala natin sa blog na ito noong Hunyo 5, 2015 ay ibinunyag natin ang “KAWALANG LAMAN” ng hamon ni Antonio Ebangelista na binanggit niya sa kaniyang artikulo na may petsang Mayo 5, 2015. Narito ang nasabing ating artikulo para sa mga hindi pa nakabasa:


Sa kaniyang hamon na inilathala niya noong Mayo 5, 2015, ibig palabasin ni Antonio Ebangelista na kahit na magmadali sa pag-close ng bank accounts, maglipat sa mga dummy accounts, magtago ng mga luxury cars, mansion, condo, burahin na ang lahat ng online accounts, money trails at paper trails ay ILALABAS pa rin niya ang lahat ng mga ito. Binigyan natin siya ng ilang panahon para magawa o matupad ang kaniyang hamon (eksaktong isang buwan), SUBALIT WALA RIN SIYANG NAILABAS na bank accounts, mga dummy accounts, mansion, condo, online accounts, money trails at paper trails, kundi mga lawarawan lamang ng “mga mamahaling sasakyan.” Naipakita rin natin na WALA SIYANG HAWAK NA EBIDENSIYA NANG SABIHIN NIYA ANG HAMONG ITO, KAYA LAMANG SIYA MATAPANG SA PAGHAHAMONG ITO AY DAHIL NANINIWALA SIYANG MAY MAGPAPADALA SA KANIYA NG MGA EBIDENSIYA UKOL DITO. Kaya hindi maling sabihin na ang pagsasabing may unexplained wealth ang mga miembro ng sanggunian ay isang pag-aakusa lamang at “speculation” lamang, na wala namang hawak ang mga kumakalaban sa pamamahala na wbidensiya kundi naniniwala lang sila na may mga kapatid na pagpapadala sa kanila ng ebidensiya.

Nag-akusa muna, tinawag na magnanakaw ang inakusahan, at saka lamang magkakalap ng ebidensiya laban sa inaakusahan? Gawa po ba ito ng isang mabuting Cristiano?

Subalit, ang mga Kumakalaban sa Pamamahala ay nabigo sa kanilang paniniwala na may mga kapatid na magpapadala sa kanila ng ebidensiya sa mga ito. ANUPA’T ISANG KATOTOHANAN NA WALA SILANG NAILABAS NA bank accounts, maglipat sa mga dummy accounts, magtago ng mga luxury cars, mansion, condo, burahin na ang lahat ng online accounts, money trails at paper trails.

Bilang “response” sa artikulo natin noong Hunyo 5, 2015, may artikulo na inilathala si Antonio Ebangelista ngayong Hunyo 7, 2015. Sa kanilang “madamdaming” artikulo noong Hunyo 7, 2015 ay sinimulan nila sa “masinop na pag-aalaga sa mga kapatid” sa panahon ng Ka Felix at Ka Erdy, subalit ipinaparatang nila na hindi na gayon sa panahon ni Ka Eduardo. Ito po ba ay hindi mga pananalitang paglaban sa kasalukuyang Pamamahala? Kaya tunay na nagtatago lamang sila atnagkukunwaring hindi raw sula lumalaban sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia.


NAGSASABI NG TOTOO O NAGBIBINTANG LAMANG?

Kayo po mga kapatid, batid po ba ninyo ang pagkakaiba ng nagsasabi ng totoo sa nagbibintang lang? Alam po naming buong pagkakaisang isasagot ninyo ay “ang nagsasabi ng totoo ay may konkretong ebidensiya” samantalang ang nagbibintang walang batayan, walang basehan, bagkus ay may mga katibayan na hindi sila sinasang-ayunan.”

Kaya ang mga pahayag nilang “hindi masinop na naaalagaan” ngayon ang mga kapatid, na higit na mataas daw ang porsiento ngayon ng mga hindi sumasamba, at hindi na naaalagaan ng mga maytungkulin ang mga kapatid at hindi nakatutupad ng tungkulin dahil daw puro na lamang “pagtitinda” at iba pang anilang sinasabi ay pawang “paratang” lamang sapagkat “sabi’t sabi” lamang at wala namang naipakitang konkretong katibayan. Mga kapatid, HIGIT BA TAYONG MANINIWALA SA “MGA” TAONG HINDI MAILANTAD ANG KANILANG IDENTITY, HINDI NATIN KILALA NA NAGSASABING MAY CORRUPTION DAW NGAYON SA IGLESIA KAYSA SA ATING MAHAL NA TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NA NAGSABING WALANG KATIWALIAN NGAYON SA IGLESIA?

Ang totoo ay paulit-ulit lamang po sila sa maraming isyu, subalit ang totoo ay nasagot na po ang mga ito at napatunayang sila po ay “nagsisinungaling” tulad sa isyu sa coffee table books. Sa mga hindi pa po nakababasa ay tingnan ang mga artikulo namin sa blog na ito ukol po sa aming sagot sa mga isyu na kanilang ibinabato.

HAYAG ANG MULING PANDARAYA

Para ipakita na “tiwali” ang mga katuwang ng Pamamahala ng Iglesia (ang tinatawag na Sanggunian) ay muli nilang inilathala ang mga larawan ng mga mamahaling sasakyan. Subalit, mukha pong may dalawang "Antonio Ebangelista" at HINDI SILA NAG-USAP KAYA NAGKASALUNGATAN. 

Ang “HULING Antonio Ebangelista” ay nagparatang na ang ipinambili sa mga sasakyan ng mga miembro ng Sanggunian ay “mula sa pondo ng Iglesia.” Ngunit pansinin na “boka” lamang ito ng “HULING AE” sapagkat NASAAN ANG KONKRETONG EBIDENSIYA NA ANG IPINAMBILI SA MGA SASAKYANG ITO AY MULA SA PONDO NG IGLESIA? IKALAWA, SINALUNGAT niya sa bagay na ito ang “UNANG AE” sapagkat ang “una” ay may pag-amin na ang mga sasakyang ito ay may “deed of sale” na nabili sa murang halaga lamang. Ganito ang pahayag ng unang AE sa kaniyang artikulo noong Mayo 5, 2015:

“…tiayakin na nakaready na ang mga deed of sale ng mga di-umanoy mga bahay na binili ninyo sa murang halaga lamang o kaya ay mga mamahaling high-end na sasakyan sa murang halaga lamang…”

Pansinin ninyo na ALAM NG UNANG ANTONIO EBANGELISTA na may “deed of sale” ang mga inaakusahan nilang miembro ng Sanggunian (anupat SILA ANG BUMILI) at nabili sa murang halaga lamang ang mga sinasabi niyang high-end na sasakyan (anupat SILA ANG GUMUGOL AT HINDI MULA SA PONDO NG IGLESIA). Samantalang, ang HULING ANTONIO EBANGELISTA ay nagsabing mula raw sa pondo ng Iglesia ang ipinambili sa mga sasakyang ito.

Unexplained wealth ba? KAHIT ANG UNANG ANTONIO EBANGHELISTA AY AMINADO NA MAY DEED OF SALE AT NABILI SA MURAG HALAGA LAMANG. ANG TOTOO AY ALAM DIN NIYA KUNG BAKIT NABILI SA MURANG HALAGA LAMANG, PILIT LANG ITINATAGO KAPUWA NG UNA AT huliNG “AE” PARA MAKAPANDAYA AT MAPAPANIWALA ANG KANILANG MGA MAMBABASA NA  “TIWALI” ANG MGA KAANIB SA SANGGUNIIN.

Alam ba ni Antonio Ebangelista na may “deed of sale”? Alam kapuwa ng una at huling “AE”. Alam ba nila na nabili sa murang halaga lamang? Alam nila. Alam ba nila kung bakit nabili sa murang halaga lamang? Alam din nila, subalit bakit itinago nila ang dahilan kung bakit nabili sa murang halaga lamang? Dahil kung hindi nila ito itatago, papaano nila mapapaniwala ang kaniyang mga mambabasa na ang mga miembro ng Sanggunian ay may katiwalian? Samakatuwid, dito’y kitang-kita natin ang kanilang pandaraya sa kanilang mga mambabasa.

Kung may “deed of sale” na inaamin naman ng “mga" Antonio Ebangelista na nakapangalan sa mga kinauukulan – kaya isa ring pag-amin ito na HINDI GALING SA PONDO NG IGLESIA ANG IPINAMBILI RITO.

Mga kapatid, ang isa pang pandaraya nila ay pagpapakita ng larawan ng “mamahaling sasakyan” ni Glicerio Santos IV (GP). Hindi po ito si Ka Jun Santos (Glicerio Santos Jr.), ito ang kaniyang anak at hindi po siya ministro, at lalong hindi siya miembro ng Sanggunian, kundi isang abogado. Samakayuwid, ano ang kinalaman niya sa paratang ni Antonio Ebangelista na "tiwali" raw ang mga miembro ng Sanggunian? WALA. Kung mayroon man siyang "mamahaling sasakyan" nasaan AE ang ebidensiya mo na ang ipinambili roon ay mula sa pondo ng Iglesia o ang Iglesia ang nagbayad? WALA. Subalit, bakit bakit isinangkot at isinama ni Antonio Ebangelista sa kaniyang artikulo? PARA MANDAYA, DAHIL SA KANIYANG PANGALAN NA "GLICERIO SANTOS" (BAGAMAT SIYA "IV" NNGUNIT HINDI ITO INILAGAY NI ANTONIO EBANGELISTA) DAHIL PARA NGA NAMAN ISIPIN NG KANIYANG MGA MAMBABASA NA ITO AY SI KA JUN SANTOS. Talagang isang MALAKING MANDARAYA si Antonio Ebangelista.

Ang alam ko si Antonio Ebangelista ay may BMW na isang high-end luxury car.
 

ISA PANG HAYAG NA PANDARAYA

Para maibangon ang kanilang “sarili” sa kahihiyan na tinamo dahil napatunayang “walang laman” ang kanilang hamon noong Mayo 5, 2015 dahil WALA NAMAN SILANG NAILABAS na bank accounts, maglipat sa mga dummy accounts, mansion, condo, online accounts, money trails at paper trails ng mga miembro ng Sanggunian, sa artikulo nila nitong Hunyo 7, 2015 ay inulit lang naman nila ang paglalathala ng larawan ng “mga mamahaling sasakyan” (na nandaya pa dahil inilakip ang larawan ng isang mamahaling sasakyan ng hindi namn miembro ng Sanggunian), subalit ang isa pang hayag na pandaraya ay “kunwa’y may nailabas na pag-aaring condo” ng mga miembro ng Sanggunian. Naglakip sila ng larawan ng “list na nakabili ng unit sa Fort Victoria.” ITO PO ANG PANDARAYA NILA, ganito ang sinabi ni Antonio Ebangelista:

“O itong iba’t ibang high-end condo units ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. na ipinapangalan pa niya kay JUNGAR na nagkakahalaga ng 180 Million…”

Ito ang tanong po namin sa inyo G. Antonio Ebangelista: Ano ang katibayan ninyo na ang mga high-end condo units ay pag-aari ni Kapatid na Glicerio Santos, Jr. na ipinangalan lamang kay Dominador Garcia, Jr.? Nasaan ang ebidensiya ninyo o may enidensiya po ba kayo? WALA RIN KUNDI ISA NA NAMANG HAYAG NA PAGPAPARATANG LANG!

Ang larawan ng list ng mga may-ari ng mga condo units ay hindi nila “ebidensiya” laban sa Sanggunian sapagkat WALANG PANGALAN ng kahit isang miembro ng Sanggunian roon kundi PAGPAPARATANG lamang na ang sinasabi nilang ang biniling condo units ng isang kilalang contractor na si Dominador Garcia, Jr. (JunGar) ay sa kaniya lamang daw ipinangalan. Kaya, ito man ay isa ring hayag na pandaraya ni Antonio Ebangelista. Ukol sa isyu ng Fort Victoria ay may bukod din tayong artikulo ukol dito.


KONKLUSYON

SAMAKATUWID, HANGGANG NGAYON AY WALANG NAILABAS NA BANK ACCOUNTS, MAGLIPAT SA MGA DUMMY ACCOUNTS, MANSION, CONDO, ONLINE ACCOUNTS, MONEY TRAILS AT PAPER TRAILS, KAYA WALANG UNEXPLAINED WEALTH.

Mag-ingat po tayo mga kapatid sapagkat ginagawa ng mga kumakalaban sa Pamamahala angpandaraya sa pamamagitan ng “matatamis” at “magagaling na salita. Ganito ang ibinabala sa atin ni Apostol Pablo:

Roma 16:17-18 MB
“Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, tandaan ninyo ang mga lumilikha ng pagkakampi-kampi at nagiging sanhi ng pagtalikod sa mga aral na tinanggap ninyo; iwasan ninyo sila. Ang mga gayong tao ay hindi naglilingkod kay Cristo na ating Panginoon, kundi sa kanilang makasariling hangarin, at sa pamamagitan ng kanilang magaganda at matatamis na pangungusap ay inililigaw nila ang mga mapaniwalain.”

Bakit gayon na lamang ang kanilang pagsisikap na masiraan o katisuran ang mga Katuwang ng Pamamahala ng Iglesia?

Noong una ay ang Tagapamahalang Pangkalahatan ang tuwirang binabatikos at sinisiraan ng mga kinakasangkapan ng kaaway ng pananampalataya. Hindi ba’t ganito po ang nangyari sa panahon ng Kapatid na Felix Y. Manalo at ng Kapatid na Erano G. Manalo? Alam din natin na hindi sila nagtagumpay. Bakit ngayon ang pinupulaan at pinipilit ng kaaway ng ating pananampalataya ay ang mga katuwang ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang katisuran ng mga kapatid? Sapagkat alam niyang nabigo na siya nang ang paninira ay ituon niya sa mismong Namamahala sa Iglesia, kaya ngayon ang paninira ng diablo ay itinuturuon niya sa mga katuwang ng Pamamahala. Bakit sa kanila? ALAM NATIN NA SILA ANG KATUWANG NG PAMAMAHALA SA PAGBALANGKAS NG MGA LEKSIYON NA ITINUTURO SA PAGSAMBA. KUNG ANG ISA NGA NAMANG KAPATID AY tISOD SA KANILA AY TIYAK NA HINDI NA NIYA TATANGGAPIN ANG MGA SALITA NG DIYOS NA ITINUTURO. KUNG SITANG-SITA NA NGA NAMAN SILA SA SOCIAL MEDIA, AT MANGASIWA SILA NG PASAMBA AT LALO NA NG PAMAMAHAYAG, TIYAK NA HINDI NA MAKIKINIG SA KANILA ANG MGA KAPATID AT ANG MGA MINISMISYON.

Sa palagay ninyo, kaninong “gawa” ang pati ang mga leksiyon sa pagsamba ay “pinupulaan”? Sino nga ang nasa likod ng kilusan na ang ibinubunga ay ang hindi pagtanggap sa mga salita ng Diyos o ang matisod sa pagtupad sa mga kautusan ng Diyos? Muli nating basahin ang Lukas 8:12:

Lukas 8:12 MB
“Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga nakinig, ngunit dumating ang diyablo at inalis sa kanilang puso ang salita upang hindi sila manalig at maligtas.”


PRISTINE TRUTH


YOU MIGHT ALSO LIKE:



 
 














 

1 comment:

  1. Maraming salamat po sa Pamamahala na walang kapaguran at walang sinisino sa pagpapatupad ng mga tunay na aral ng Diyos.

    Sana po magkaroon din tayo ng mga english translation ng mga sagot sa mga kumakalaban sa Iglesia.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.