Pages

10 June 2015

Fort Victoria Anomaly? Answering the Fort Victoria Issue



FORT VICTORIA ANOMALY?

Maniniwala at kakampi ba kayo sa mga taong hindi ninyo kilala at ni ayaw magpakilala AT lalaban sa Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, na sa simula’t simula pa’y ibinigay na ang buhay at malaki na ang nagawa para sa ating kapakanan at ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan?



BAGAMAT marami na tayong nasagot sa paratang ng mga Kumakalaban sa Pamamahala at isang katotohanan na wala silang anumang response sa lahat ng ating nailathalang sagot, maliban sa sagot po natin sa diumano’y Tax Evasion Case ng INC sa Japan na gumawa sila ng response sa ating sagot subalit lalo lang po na napatunayan na siya’y nagsisinungaling, at dahil po sa malaking kahihiyan ay gumawa uli ng response, subalit lalo lang po siyang nalugmok sa kahihiyan sa kaniyang ikatlong artikulo ukol sa diumano’y Tax Evasion Case ng INC sa Japan.

Talakayin po natin ngayon ang sinasabi nilang “pinakamatibay daw nilang ebidensiya ukol sa pagkakaroon ng anomalya sa Pananalapi ng Iglesia” na ito po ang tinawag nilang “Fort Victoria anomaly.”

ANG “FORT VICTORIA”

Ang Fort Victoria ay isang “exclusive high-end Condominium na nasa 5th Avenue corner Rizal Drive, Global City, Taguig City (Fort Bonifacio) na naka-pangalan sa Iglesia Ni Cristo. Gaano ito kalaki? Ang Kumakalaban sa Pamamahala rin ang may pahayag na:

“Ang INC ang nagmamay-ari ng buong FORT VICTORIA CONDOMINIUM na mayroong ibinebentang High-End na 1,094 Residential Condo Units, 20 High End Commercial Units, 1,179 Parking Spaces.” [Antonio Ebanghelista, “IGLESIA NI CRISTO + SAN JOSE BUILDERS = FORT VICTORIA ANOMALY (HIGH-END CONDOMINIUM)” 14 May 2015]

Bakit raw ito anomalya? Una, ang pagmamay-ari daw ng Iglesia Ni Cristo ng condiminium ay isa ng anomalya:

“Wala ba talagang ANOMALYA kung ang nagmamay-ari ng isang Exclusive High-End Condominium sa 5th Avenue corner Rizal Drive, Global City, Taguig City (Fort Bonifacio) ay ang IGLESIA NI CRISTO. At ito ay naka-Joint Venture sa San Jose Builders Inc.” [Antonio Ebanghelista, “IGLESIA NI CRISTO + SAN JOSE BUILDERS = FORT VICTORIA ANOMALY (HIGH-END CONDOMINIUM)” 14 May 2015]

Ikalawa, isang anomlya daw na ang religious institution na non-commercial at non-profit organization ay “makipag-joint venture” sa isang commercial at profit-making company:

“Wala nga ba talagang anomalya kapag ang isang Religious Institution na non-commercial at non-profit organization ay makipag- JOINT VENTURE sa isang COMMERCIAL and PROFIT-MAKING COMPANY gaya ng SAN JOSE BUILDERS?” [Antonio Ebanghelista, “IGLESIA NI CRISTO + SAN JOSE BUILDERS = FORT VICTORIA ANOMALY (HIGH-END CONDOMINIUM)” 14 May 2015]


MAY ANOMALYA BA SA PAGMAMAY-ARI
NG IGLESIA NG MGA CONDO?

Ano ba ang isa sa kahulugan ng tinatawag na anomalya o “anomaly”? Ganito ang ibinibigay na kahulugan ng diksyunaryo:

“deviation from the common rule : irregularity” (http://www.merriam-webster.com/dictionary/anomaly)

Ang isang kahulugan ng anomalya ay “iregularidad” o “paglihis sa karaniwang tuntunin o patakaran” (“deviation from the common rule”).

Anomalya ba (o “paglihis sa karaniwang tuntunin o patakaran”) ang pagmamay-ari ng Iglesia Ni Cristo ng “condo”? Kung pagmamay-ari “perse” ng “condo” ay hindi ito paglihis sa sa karaniwang patakaran ng Iglesia Ni Cristo. Mula pa sa panahon ni Kapatid na Eraño G. Manalo at hanggang sa kasalukuyang Pamamahala ay nagpapatayo tayo at nagmamay-ari ng “condo.” Nariyan ang Hirise Condo sa may Tandang Sora Avenue na katabi ng New Era Elementary School, ang Pink Condo sa may Tandang Sora rin, ang Quarry Condo, ang Green Condo, at mayroon pang condo sa Doña Faustina at Sagana, at ang Cenral Condo sa may Central Avenue.

Tandaan na ang kahulugan ng “anomalya” ay paglihis sa karaniwang tuntunin o patakaran. Isang “patakaran” pala ng Iglesia ang pagpapatayo at pagbili ng mga “condo” para sa “housing” ng mga kusang-loob na naglilingkod sa Iglesia. Wala ring “rules” sa Iglesia at maging sa “batas” na nagbabawal sa Iglesia Ni Cristo o sa anumang religious corporation at non-profit organization  ang pagmamay-ari ng “condo.”

Itanong natin sa mga kumakalaban sa Pamamahala – May mailalabas ba kayo na batas ng Iglesia o ng gobierno na nagsasabing bawal sa Iglesia (sa anumang religious corporation at non-profit organization)  ang pagmamay-ari ng “condo”? Sabaga’y wala namang may matinong pag-iisip na magsasabi o maniniwala na may gayong batas.

HINDI PALA IISA LAMANG ANG CONDO NA PAGMAMAY-ARI NG IGLESIA, NOON PANG PANAHON NI KA ERDY AY NAGMAMAY-ARI NA ANG IGLESIA NG MGA CONDO PARA SA HOUSING NG MGA KUSANG-LOOB NA NAGLILINGKOD SA IGLESIA, AT HINDI ANOMALYA ANG PAGMAMAY-ARI NG IGLESIA NG MGA CONDO SAPAGKAT WALA ITONG NILALABAG NA ANUMANG TUNTUNIN O BATAS NG IGLESIA MAN O NG GOBIERNO MAN.


MAY ANOMALYA BA KUNG ANG NON-PROFIT 
ORGANIZATION AY MAGKAROON NG “VENTURE” 
SA PROFIT-MAKING-COMPANY?

Kung pag-uusapan ay ang “venture” o ang pakikipagkontrata “perse” ng isang religious corporation o non-profit organization sa profit-making company ay HINDI RIN ANOMALYA o paglihis sa patakaran.

Halimbawa ang isang non-profit organization ay magpapatayo ng kaniyang pabahay o housing, hindi ba’t makikipagkontrata siya sa isang “kontratista” o “construction company”? Sa panahon ng Ka Erdy ay may mga “condo” na pagmamay-ari ng Iglesia na itinayo ng mga “kontratista” (profit-making company) tulad ng Hirise Condo sa Tandang Sora at Condo sa North Diversion. Noong araw nga na wala pa tayong sariling Construction and Engineering Department ay ipinatatayo natin ang mga kapilya sa pamamagitan ng mga “kontratista” tulad ng kapilya ng Washington at F. Manalo. Ang “New San Jose Builders” na gumawa ng “Fort Victoria” ay sub-contractor” din sa pagtatayo ng Philippine Arena.

May mailalabas ba ang mga kumakalaban sa Pamamahala ng batas ng Iglesia o ng gobierno man na nagsasabing bawal na pumasok sa konrata ang isang religious corporation o non-profit organization sa isang profit-making company para sabihing may anomalya na sa Iglesia? Kung mayroon po ay pakilabas naman po! Subalit, walang may matinong pag-iisip ang magsasabi o maniniwala na mayroong gayong batas.

Samakatuwid, walang anomalya o paglihis sa patakaran kung ang Iglesia Ni Cristo man ay pumasok sa kontrata sa isang kontratista o construction firm (na isang profit-making company) sapagkat walang batas ng Iglesia o ng gobierno man na nagbabawal nito.

Marahil ang ikakatuwiran nila ay “may mga pag-aaring condo ang Iglesia Ni Cristo subalit hindi high-end condo na gaya ng Fort Victoria” at “totoong walang nalalabag na batas na mag-ari ng condo ang Iglesia Ni Cristo at pumasok sa kontrata sa isang consruction firm (profit-making company) subalit hindi para gumawa ng condo at ibenta ang mga units sapagkat ito ay profit making na gayong ang INC ay non-profit organization.” ANG SAGOT DITO AY ANG KATOTOHANAN UKOL SA FORT VICTORIA.


ANG KATOTOHANAN UKOL SA “FORT VICTORIA”?

May larawan ng dokumento ng “license to sell” na inilathala sa artikulo ni Antonio Ebanghelista na kung saan ay nakalagay na ang project owner ng Fort Victoria ay ang Iglesia Ni Cristo. Pagkatapos ay isa namang dokumento na naglalaman ng kung sino-sino ang mga nakabili na ng units sa Fort Victoria. Pagkatapos nito ay ganito ang naging konklusyon ni Antonio Ebanghelista:

“Kilala nyo po ba ang mga pangalan na nakabili na ng mga mamahaling condo units na ito? Wala naman po sigurong mag-iisip na sila ay mga “dummies” para sa mga INC VIPs na gumagamit ng mga condo units na iyon? Hindi nyo rin siguro nakikilala yung isang pangalan dyan na pumakyaw ng napakaraming condo units na mas kilala sa tawag na JUNGAR na kilalang-kilalang Contractor ng INC at ng Sanggunian at nagkataon din siguro na nakuha nya ang karamihan sa mga construction projects ng INC? Para kanino kaya yung mga condo units na ipinangalan nya sa kaniya? Titirahan ba nyang lahat yan? Hindi rin po siguro totoo yung sinasabi ng mga nakausap naming staff doon na may sariling PRIVATE ELEVATOR ang Sanggunian at iba pang INC VIP Guests patungo sa kanilang HIGH-END CONDO UNITS? Wala pa nga bang ebidensya ng anomalya…?” [Antonio Ebanghelista, “IGLESIA NI CRISTO + SAN JOSE BUILDERS = FORT VICTORIA ANOMALY (HIGH-END CONDOMINIUM)” 14 May 2015]

Pansinin na ang pagtatayo at ang pagkuha ng “license to sell” ay ibinibintang nila sa Sangunian, at pinararatangan na sila ang may-ari ng mga condo units. ITO PO ANG KATOTOHANAN NA PILIT NILANG ITINAGO UPANG MAPALABAS LANG NA MAY KATIWALIAN NGAYON:

Acknowledgment: Salamat kay Antonio Ebanghelista at siya rin ang nag-provide ng dokumento ukol sa “license to sell” kung saan malinaw na naka-indicate ang “date” kung kailan nai-issue ito.

Ang date issued ng “license to sell” ay March 13, 2009. Teka muna! Kung March 13, 2009 ang date issued ng “license to sell” samakatuwid ay nag-file ng “license to sell” nang mas maaga pa rito, at ang pagsisimula ng pagtatayo ng “Fort Victoria” ay mas maaga pa rito, at ang filing ng building permit ay mas maaga pa rito, kaya ang panukala sa pagtatayo nito ay mas maaga pa rito. Samakatuwid, more or less ay nagsimula ito ng 2006-2007.

Sa petsa pa lang na March, 2009 ay alam nating hindi pa si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan noon (Siya ay naging Tagapamahalang Pangkalahatan noong Setyembre 7, 2009) at sa panahong ito ay hindi si Ka Jun Santos ang head ng Finance Department noon. Opo! Ipinasiya noon ni Kapatid na Eraño G. Manalo na si Ka Jun Santos ang General Auditor na siyang nangangasiwa ng New Era University, New Era General Hospital at external affairs. May bukod na head noon ng Finance Department (hayaan na po nating huwag banggitin ang pangalan bilang respeto na po natin sa kaniyang dignidad lalo na’t nasa karapatan pa ang ating kapatid na ito). Kaya ang P-10 at mga processes ukol sa purchase, delivery, payment at iba pa ay hindi kay ka Jun Santos. Ganito ang naging sitwasyon hangang noong 2012. SAMAKATUWID, WALANG KINALAMAN SINA KA EDUARDO AT KA JUN SA PAGPAPATAYO NOON NG FORT VICTORIA.

Sino ang nasa likod ng pagtatayo ng Fort Victoria na isang executive high-end condo kung walang kinalaman sina Ka Eduardo at Ka Jun dito noon? SILA RING MGA NASA LIKOD NGAYON NI ANTONIO EBANGHELISTA. Isipin ninyong mabuti kung bakit nasa kanila ang “license to sell” at iba pang dokumento ukol dito? Sa ibang dokumento gaya ng “confidential report” daw na may kinakaharap na Tax Evasion Case ang INC sa Japan ay sinabi nilang galing sa isang P.D. Ganon din sa iba pang dokumento at impormasyon ay galing daw kay ganoon at kay ganito. Subalit, mapapansin na sa “mga dokumento” ukol sa Fort Victoria na kanilang inilabas ay wala silang sinabing ganoon.  Ang plano nila noon ay dito sila titira. Subalit, nang makita nilang hindi mangyayari ang binabalak nila sa panahon na si Ka Eduardo na ang Mamamahala sa Iglesia ay agad na inasikaso nila ang “license to sell.” Subalit, salamat sa Diyos at bago mangyari iyan ay nabunyag ang ukol sa Fort Victoria. At gaya nga nang alam natin, sunod-sunod na natiwalag at nawalan ng karapatan ang mga may pasimuno niyan.

Upang ma-compensate ang “halaga” (na mula sa abuloy ng mga kapatid) sa pagpapatayo ng high-end condo na ito ay ipinasiya na ituloy na ang pagbenta sa mga units nito upang maibalik sa Iglesia ang “halaga” na ipinagpagawa rito.

Ito ang isa sa mga malalaking pakinabang na nawala sa mga nasa likod ng mga kumakalaban sa Pamamahala kaya gayon na lamang ang kanilang galit at ngitngit upang pabagsakin ang Pamamahala ng Iglesia sa paraang ibunton ang sisi sa Sanggunian at pagkatapos ay palabasin na walang ginagawang hakbang ang Pamamahala ukol dito, sa gayon nga naman ay mayroon na silang maipakikita sa mga kapatid na “laban” sa Pamamahala.

Ito pala ang maitim nilang layunin! Hindi kasi nila maaaring daanin sa aral o doktrina. Tayo ang buhay na saksi na walang ginawang pagbabago ang kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia sa itinuro ng Sugo, ng Kapatid na Felix Y. Manalo. Hindi rin nila mapupulaan ang Kapatid na Eduardo sa pagtupad ng tungkulin dahil tayong lahat ang buhay na saksi sa kaniyang debosyon at convicion sa pagtupad ng kaniyang pananagutan. Hindi rin nila mapipintasan si Kapatid na Eduardo V. Manalo sa moral o sa pamumuhay sapagkat tayong lahat ang makapagpapatotoo na siya ay tunay na huwaran sa maunlad na espirituwal na pamumuhay. Kung magkagayon, papaano mapapabagsak ang Pamamahala sa Iglesia upang mailagay ang gusto nilang mapuwesto na mamahala sa Iglesia? Hindi mapupulaan sa aral, sa pagtupad at sa pamumuhay, dadaanin nila ngayon sa pagpapasama sa Sanggunian. Babatuhin nila ang Sanggunian ng sari-saring akusasyon o paratang at pagkatapos ay ibubunton sa Pamamahala ang sisi na siya daw ay misinformed, na hindi daw kumikilos, na hindi daw umaaksiyon, na hindi daw sumasagot, na hindi na nakikialam. Hindi ba’t ganitong-ganito na ngayon ang kinahuhulugan ng kanilang mga sinasabi? Pagkatapos ay ano ang plano nila? Ang pagpapabagsak na sa Pamamahala ng Iglesia upang maipuwesto ang kanilang nais na mailuklok. Subalit hindi ito mangyayari sapagkat ang kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia ang may kahalalan at ang Panginoong Diyos ang naglagay. Hindi ang tao kundi ang Diyos ang naglalagay sa Pamamahala ng Iglesia. Kaya tiyak na hindi sila magtatagumpay sapagkat ganito ang pangako ng Diyos sa Pamamahala ng Iglesia:

Isaias 41:9-13 Abriol
Ikaw ang aking lingkod, hinirang kita at hindi kita itinakwil. Huwag kang matakot at ako’y sumasaiyo; huwag kang manlupaypay sapagkat ako ang iyong Diyos. Pinalalakas kita, tinutulungan kita, at inaalalayan sa aking kamay na mapagtagumpay. Mabibigo at mapapahiya ang lahat ng mga umusig sa iyo. Mauuwi sa wala at  lilipulin ang magsisilaban sa iyo. Hahanapin mo ang magsisipaglaban sa iyo ngunit di mo sila matatagpuan; mauuwi sa wala at magiging walang kakabu-kabuluhan ang nagsisipaghamak sa iyo. Sapagkat akong Panginoong iyong Diyos ang siyang humahawak sa iyong kanang kamay; at sinasabi ko sa iyo: Huwag kang matakot, tutulungan kita.

Kaya pala ang “lider” nila ay nagkukunwaring nagmamalasakit sa Pamamahala dahil alam nilang kapag tuwirang ang Pamamahala ang binato nila ng akusasyon ay hindi sila magtatagumapay dahil tiyak na magagalit ang mga kapatid sa kanila. Ganito sila nandadaya, na ang “lider” nila ay nagkukunwaring nagmamalasakit sa Pamamahala, subalit ang mga kasamahan niya ay nagsasalita naman ng laban sa Pamamahala. Ang tawag dito ay “black propaganda.” Subalit, anuman ang kanilang masamang balak laban sa Pamamahala ay tiyak na hindi sila magtatagumpay sapagkat ang pangako ng Diyos sa Kaniyang Sugo sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia na nagsasabing “Ikaw ang aking lingkod, hinirang kita at hindi kita itinakwil. Huwag kang matakot at ako’y sumasaiyo; huwag kang manlupaypay sapagkat ako ang iyong Diyos. Pinalalakas kita, tinutulungan kita, at inaalalayan sa aking kamay na mapagtagumpay.” At  may pasiya na rin ang Panginoong Diyos sa mga kumakalaban sa Pamamahala, ang sabi ng Diyos “Mabibigo at mapapahiya ang lahat ng mga umusig sa iyo. Mauuwi sa wala at  lilipulin ang magsisilaban sa iyo. Hahanapin mo ang magsisipaglaban sa iyo ngunit di mo sila matatagpuan; mauuwi sa wala at magiging walang kakabu-kabuluhan ang nagsisipaghamak sa iyo.”

MGA KAPATID, ANG MALAKING KATANUNGAN PARA SA LAHAT AY:

Higit pa ba ninyo paniniwalaan ang isang taong hindi ninyo kilala at ni ayaw magpakilala sa pagsasabing may katiwalian daw sa Iglesia ngayon KAYSA sa minamahal nating Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Edurado V. Manalo na nagsasabing “walang katiwalian sa Iglesia”?

ANG ISA PANG TANONG PARA SA LAHAT NG MGA KAPATID AY:

Maniniwala at kakampi ba kayo sa mga taong hindi ninyo kilala at ni ayaw magpakilala AT lalaban sa Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, na sa simula’t simula pa’y ibinigay na ang buhay at malaki na ang nagawa para sa ating kapakanan at kaligtasan?

MANINDIGAN PO TAYONG LAHAT SA PANIG NG PAMAMAHALA AT HUWAG PADAYA SA MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA

Lagi po nating ipanalangin sa Diyos na ingatan at laging ipagtanggol ang Kapatid na Eduardo V. Manalo at ang kaniyang mga kinakatuwang sa pamamahala sa Iglesia. Ipanalangin din po natin na sana’y maliwanagan na at bumalikwas ang mga nalihis at nahulog sa maling kaisipan.

11 comments:

  1. Thank you for defending the side of Church Administration...

    Godbless you more!

    ReplyDelete
  2. May nais lang po akong gustong ipaliwanag ng grupo ni Antonio Ebanghelista. Ano po ba talaga ang terminong gusto ninyong gamitin? Ang JOINT VENTURE po ba o SUBCONTRACTOR? Kung iyang dalawang salitang yan ang nais ninyong gamitin, PAREHO PO SILANG HINDI IPINAGBABAWAL. Bawal batas na nagsasabing bawal pumasok sa isang 'agreement' ang isang religious organization. Maging ang gobyerno at ang mga GOCCs in their governmental and/or proprietary functions ay maaaring pumasok sa isang kasunduan. Kung may batas man na magbabawal na pasukin ng isang religious organization ang isang kasunduan sa isang kompanya, tiyak po na pasasakop ang Iglesia Ni Cristo. Subalit tiyak ko po na kailanman ay may batas na lulutang na ganyan dahil kailan ba naging bahagi ng katiwalian/kasamaan/kalikuan ang pagpasok sa gayong kontrata. At wala rin pong kinalaman ang petsa. Bakit? Kung natapos ang condo noong March 2009 o nagPRE-SELL sila noong March 2009, hindi pa po ang Ka EVM ang Tagapamahalang Pangkalahatan noon at hindi pa po si Ka Jun ang nangangasiwa sa Finance Dept noon. Samakatuwid, hindi po bago sa Iglesia Ni Cristo ang magpatayo ng condo at mga katulad nito. Kitang-kita po natin mula po sa panahon ng Sugo, panahon ng Ka Erdy at ng kasalukuyang Pamamahala kung paano nila sinisinop ang pananalapi ng Iglesia Ni Cristo upang matugunan ang pangangailangan ng bawat lokal at hindi lang ng mga maytungkulin at mga kapatid kundi maging ang ating mga kababayan na wala pa sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ERRATA: "Walang batas na nagsasabing bawal pumasok sa isang 'agreement' ang isang religious organization."

      "...kailanman ay walang batas na lulutang na ganyan dahil kailan ba naging bahagi ng katiwalian/kasamaan/kalikuan ang pagpasok sa gayong kontrata?"

      Delete
  3. Hinahamon po ng mga kapatid na lumantad at humarap ang grupo ni Antonio Ebanghelista. Bakit po namin kayo paniniwalaan? Bakit po namin paniniwalaan ang mga ebidensiyang inilalabas ninyo na hindi naman authentic? Bakit po namin paniniwalaan ang mga pamimintang ninyo na wala namang sapat na ebidensiya? Bakit po namin paniniwalaan ang mga pilit ninyong binabaluktot na isyu? Kayo po mismo ang gumagawa ng sarili ninyong konklusyon at opinyon bagama't alam naman po ninyo ang katotohanan. Pilit niyo pong binabaluktot ang katotohanan upang galitin ang mga kapatid. Sa palagay niyo po ba sa ginagawa ninyon iyan ay napapatatag ninyo ang Iglesia Ni Cristo? Sa palagay niyo po ba sa ginagawa ninyong iyan ay napapatibay ang pananampalataya ng mga kapatid? Sa palagay niyo po ba ay natutulungan niyo ang mga nagsusuri sa Iglesia Ni Cristo na mahanap nila ang katotohanan? Isang malaking HINDI dahil pansariling interes ang iniisip ninyo. Para saan? Para palitan ang Pamamahala? Sa palagay niyo po ba sa ginagawa ninyong iyan ang kumakampi ang Dios sa inyo? Ang Panginoong Dios po ang naglagay ng Pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Hindi ito kayang palitan ng tao lamang. Hindi ito kayang pabagsakin ng tao lamang. Bakit pilit ninyong isinasangkot ang Sanggunian sa mga isyung ginagawa ninyo? Dahil sa pansariling interes? Dahil may mga bagay na hindi ipinagkatiwala at ibinigay sa inyo? O dahil gusto talaga ninyong siraan ang Pamamahala sa pamamagitan ng hindi direktang pag-atake sa Tagapamahalang Pangkalahatan? Kung sa tingin po ninyo na makukuha niyo po ang loob ng mga kapatid sa pamamagitan ng social media, nagkakamali po kayo. Mas lalo naming napatutunayan na nasa panig ninyo ang baluktot na katotohanan. Tama bang gumamit ng pangalan hindi naman sa kanila para siraan ang Iglesia Ni Cristo? Tama bang gumamit ng pangalan ng maytungkulin sa loob ng Iglesia Ni Cristo para masabing konkreto ang kanilang ebidensiya? Tama bang gumamit ng pangalan ng isang kapatid at magpanggap na isang kapatid para lang may masabing may kumakampi sa kanila? Alam po namin na gumagawa lamang kayo ng ibang accounts sa social media at nagpapanggap na mga kapatid para linlangin ang mga kapatid at sabihing may kumakampi sa inyo ngunit sa totoo lang ay wala dahil kayo-kayo rin lang iyan at iba't ibang pangalan ng accounts lang ang ginagamit. Kailanman, hindi kayo magtatagumpay sa inyong mga plano. Ang Iglesia Ni Cristo ay matatag at matibay. Ang Dios ay nasa panig ng Kaniyang bayan. Huwag po ninyong ihalintulad ang bayan ng Dios sa ibang relihiyon na may nakatagong yaman ang mga tagapangaral nito at ginagamit ang handog ng kanilang mga kaanib para sa kanila kaya HINDI SILA LUMALAGO AT HINDI SILA NAGTATAGUMPAY AT HINDI SILA NAKAKAPANATILI. Diyan po naiiba ang Iglesia Ni Cristo, walang dungis at kapintasan, puro paratang lang ngunit hindi naman napapatunayan. Ganyan ang mga kumakalaban sa Iglesia Ni Cristo - puro paratang ngunit walang sapat na ebidensiya, puro konklusyon at opinyon na hindi naman makatotohanan.

    ReplyDelete
  4. ingget lang po yang mga yan dahil di sila nakakapagtayo o nakakabili ng mga gusaling sambahan ang mga sanlibutan. tanong ko lang po kung talagang may Diyos kayong mga taga sanlibutan bakit di po magawa ng Diyos nyo na makabili o makapag patayo po ng gusaling sambahan ang mga sanlibutan??.. ang sagot po kasi dyan kami pong Iglesia Ni Cristo ay may totoo at nag iisang Diyos na ginagamit po ang aming taga-pamahala para gabayan po kami..subukan nyo pong makinig sa mga leksyon ng Iglesia Ni Cristo sapagkat ito lang po ang totoong pag mamay-ari ng Diyos. AT GUSTO DIN PO NAMIN KAYONG MALIGTAS..

    ReplyDelete
  5. ano naman kaya ang palusot na gagawin ni ANTONIO EBANGELISTA AT NG MGA KAMPON NITO?

    Ngayon pa lang ay may unit na kayo na mas higit pa sa dami ng nasa FORT VICTORIA.. at ito ay sa IMPIERNO!

    ReplyDelete
  6. tama ka iceman1998, poot na poot sila A.e. kawawa grupo nila dahil sa poot nila, wala na at pag-ibig at humility sa puso nila.

    ReplyDelete
  7. tama ka iceman1998, poot na poot na grupo ni A.e. dahil sa self self self, bat sila nagkaganun? wala na yata pag-ibig at humility sa puso nila, kwawa sila pg nagkataon..

    ReplyDelete
  8. Hindi nman mangmang ang mga kapatid para hindi mahalata ang masamang plano nila e..hintayin nlang natin na lumabas ang buong katotohanan.

    ReplyDelete
  9. Salamat sa pag tatanggol po ninyo sa ating Pamamahala.asahan po ninyo na hindi mangmang ang mga kapatid para hindi mahalata ang masama nilang layunin..ang ating Diyos ay buhay at hindi mag tatagal ay lilitaw din ang totoo..

    ReplyDelete
  10. Si EA ang basehan ng mga taga media upang lalong masira ang Iglesia..
    Pinapalabas na kaanib sa Iglesia..Ganitong kaanib ay itinitiwalag.Baka naman siya ay tiwalag na kagaya ng mga ex ministers na iniinterview.ngawa ng ngawa sa media.IIyak iyak mahal daw nila ang Iglesia pero ang namumutawi sa bunganga nila ay labag namn,..Gawa na lang sila ng sariling samahan para magawa nila ang hangarin nila na hindi nagawa ng sila ay na sa kawan pa.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.