Pages

20 August 2015

The Fort Victoria Anomaly



ANSWERING “FALLEN ANGELS” 
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
part 18

ANG KATOTOHANAN UKOL SA
“FORT VICTORIA ANOMALY”

ANG MGA TUNAY NA TIWALI AY HINDI TALAGA
MANANATILI SA LOOB NG IGLESIA



SA nakaraan ay naipakita natin kung gaano kalawak at kalaki ang “kapangyarihang” taglay ni Angel Manalo at damay na rin dito si Joy Yuson a.k.a. Kelly Ong yamang ipinagyayabang niya na siya raw ang finance and administrative coordinator ng kanilang tanggapan, ang tinatawag na GEMNET. Naipakita natin ang isa sa malaking anomalya ng grupo nina Angel – ang hindi nila pagsunod sa tuntunin ng Iglesia ukol sa pananalapi. Hindi sila sumusunod sa tamang proseso ng pananalapi sa Iglesia, bagkus gaya nga ng lumabas sa mismong “bibig” ng mga taong ito, basta na lang nila i-endorso at pagkatapos ay aasikasuhin na ang kanilang nais ipabili, na alam nating lahat ay hindi siyang tamang kalakaran sa pananalapi ng Iglesia. Bilang katunayan ay ganito ang pahayag ng pangunahing “alipores” ni Angel na si Joy Yuson:

“Alam ni Ka Caloy Ortiz na lahat ng mga supplier ng GEMNET ay dumadaan sa Purchasing Department. Pagkatapos ma-endorse ng GEMNET ang mga kailangang gamit ay sila ka Caloy Ortiz na ang kausap. Ang GEMNET ay naghihintay lamang at nagpa-follow-up ng deliveries ng mga gamit. Ang transaction sa mga ito ay kina ka Caloy Ortiz na bata ni Jun Santos. Ang mga legal documents ay dumadaan sa Legal Department na hawak ni Resty Lazaro na bata rin ni Jun Santos. Ang katotohanang ito ay bukas at alam ng lahat ng mga nag-oopisina sa Central at ng mga ministro sa buong mundo.” [“Pangalawang Liham ni Joy Yuson,” 11 Agosto 2015]

Narito ang full article ukol dito:
Answeting Fallen Angels part 9


Naipakita natin sa Answering Fallen Angels part 16 ang isa sa mga anomalya at katiwalian na kinasasangkutan nina Angel at Yuson – ang Ubando Radio Transmitter Tower Anomaly.

Narito ang full article ukol dito:
Answering Fallen Angels part 16


Subalit, hindi humahangga rito ang kanilang katiwalian. May isa pang ipinagyabang si Joy Yuson na saklaw daw ng kanilang tanggapan. Ganito ang kaniya mismong sinabi:

“Saklaw po ng operasyon ng aming tanggapan ang networking system ng Central Office, CCTV installations and monitoring system, House of Worship Sound and Video System installations, Technical and Administrative support ng mga Radio and Television Stations ng Iglesia sa buong mundo kalakip po rito ang mga programming at monitoring sa mga himpilan. Bukod po rito ay sAKLAW NG AMING TANGGAPAN ANG ILANG BAHAGI NG HOUSING DISTRIBUTION PARA SA AMING MGA KAWANi, ang Security Matters ng Iglesia at Central Office, beautification ng Central Office at mga pangunahing gusali ng Iglesia, logistical requirement ng iba't ibang departamento sa ilalim ng aming pangangasiwa. Ang aming tanggapan ay ang siyang systems support ng mga tanggapan at technical support ng buong Iglesia ni Cristo.” [“Unang Liham ni Joy Yuson,” Agosto 10, 2015]

Saklaw din daw ng kanilang tanggapan ang “housing distribution” ng kanilang mga kawani. Pansinin na ito man ay “anomalya” (“deviation from rules”) sapagkat labag sa kalakaran ng Iglesia. May talagang seksiyon ang Iglesia para rito, ang tinatawang na “Housing Section” na saklaw hindi ng GEMNET, kundi ng Finance Department. Ngunit ang sabi ni Yuson, sila ang nangangasiwa ng “housing distribution” ng mga kawani ng kanilang tanggapan? Itatanong marahil lalo na ng mga taga-Central, di ba wala naman pong “housing” na para lang sa mga kawani ng GEMNET? Anong “housing” ito na ang magdi-distribute ay sina Angel at Yuson at idi-distribute nila sa mga nasa tanggapan ng GEMNET (in other words ay sa kani-kanila rin)? Ito ang “FORT VICTORIA.”


ANO ANG “FORT VICTORIA”?

Ang Fort Victoria ay isang “exclusive high-end Condominium na nasa 5th Avenue corner Rizal Drive, Global City, Taguig City (Fort Bonifacio) na naka-pangalan sa Iglesia Ni Cristo. Gaano ito kalaki? Ang Fort Victoria at mayroong kabuuang 1,094 residential condo units, 20 high end commercial units, at 1,179 parking spaces.

 Image 01


ANG PARATANG NG MGA FALLEN ANGELS LABAN
SA PAMAMAHALA UKOL SA FORT VICTORIA

May larawan ng dokumento ng “license to sell” na inilathala sa artikulo noon ni “Antonio Ebanghelista” na kung saan ay nakalagay na ang project owner ng Fort Victoria ay ang Iglesia Ni Cristo. Ang larawang ito ng License to Sell” ay paulit-ulit din na pinopost hanggang ngayon nina “Kelly Ong” at mga kasamahan nila sa social media:

Image 02
 
Ngayon ay may ibinalita ang Rappler (isang “online tabloid”) na ang Fort Victoria ay ipinagbili na ng Iglesia sa halagang P 1 bilyon:
 
Image 03
 
Kaya ang konklusyon ng mga Fallen Angels ay “iyan daw ang ebidensiya na “nagnenegosyo” ngayon ang Iglesia:
 
Image 04
 
Ito ang isinisigaw ng grupo ni Angel Manalo at Joy Yuson na katibayan daw na may “corruption” at anomalya sa Iglesia ngayon, na tiwali ang “Sanggunian” ngayon. SUBALIT, ano ba talaga ang pinatutunayan ng “Fort Victoria anomaly”? Ano ba ang katotohanan sa “Fort Victoria anomaly”?


SINO ANG TUNAY NA NASA 
LIKOD NG FORT VICTORIA?

mapapansin na ang pinopost nilang larawan sa social media ay hindi ang buong dokumento kundi putol:

 Image 05
 
Nagkataon lang ba o talagang sinadya ng mga “Fallen Angels” na huwag ipakita ang buo at lahat ng mga dokumento ukol dito? Bakit hindi ang buong dokumento ang ipinakikita nila sa mga tao? Mayroon ba silang itinatago? Tingnan natin ang buong dokumento:

  Image 06
 
Napansin po ba ninyo ang kanilang itinatago? Ang itinatago nila ay ang DATE kung kailan na-issue ang “License to Sell.” Pansinin ninyo ang “date issued” ng “license to sell” na siyang PILIT NILANG ITINATAGO:

 Image 07
 
Ang “date issued” ng “license to sell” ay March 13, 2009. Teka muna! Kung March 13, 2009 ang “date issued” ng “license to sell” samakatuwid ay nag-file ng “license to sell” nang mas maaga pa rito, at ang pagsisimula ng pagtatayo ng “Fort Victoria” ay mas maaga pa rito, at ang filing ng building permit ay mas maaga pa rito, kaya ang panukala sa pagtatayo nito ay mas maaga pa rito.

Sa petsa pa lang na March, 2009 ay alam nating HINDI PA si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan noon. Si Ka Eduardo ay naging Tagapamahalang Pangkalahatan noong Setyembre 7, 2009. Sa panahon ding ito ay HINDI si Ka Jun Santos ang head ng Finance Department . Sa panahong ito ay may bukod na head  ang Finance Department (hayaan na po nating huwag banggitin ang pangalan bilang respeto na po natin sa kaniyang dignidad lalo na’t nasa karapatan pa ang naturang kapatid). SAMAKATUWID, WALANG KINALAMAN SINA KA EDUARDO SA PAGPAPATAYO NOON NG FORT VICTORIA.

Sino ang tunay na nasa likod ng pagtatayo ng Fort Victoria na isang executive high-end condo? Ganito ng pahayag ni Joy Yuson, a.k.a. “Kelly Ong”:

“Ako po ang Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng Iglesia ni Cristo (GEMNET)…bahagi po ng aking pananagutan ang coordination sa mga financial matters ng opisina at ang mga bagay na pang administratibo kalakip ang mga special task mula sa Tagapamahalang Pangkalahatan na ipinagagawa sa amin sa pamamagitan ng dalawa nilang mga anak na siyang nangangasiwa sa aming tanggapan.
“Saklaw po ng operasyon ng aming tanggapan ang networking system ng Central Office, CCTV installations and monitoring system, House of Worship Sound and Video System installations, Technical and Administrative support ng mga Radio and Television Stations ng Iglesia sa buong mundo kalakip po rito ang mga programming at monitoring sa mga himpilan. Bukod po rito ay SAKLAW NG AMING TANGGAPAN ANG ILANG BAHAGI NG HOUSING DISTRIBUTION PARA SA AMING MGA KAWANI, ang Security Matters ng Iglesia at Central Office, beautification ng Central Office at mga pangunahing gusali ng Iglesia, logistical requirement ng iba't ibang departamento sa ilalim ng aming pangangasiwa. Ang aming tanggapan ay ang siyang systems support ng mga tanggapan at technical support ng buong Iglesia ni Cristo.” [“Unang Liham ni Joy Yuson,” Agosto 10, 2015]

Mukhang si “Kelly Ong” ay nag-“Kelly Wrong” na naman. Kapag nagsasalita ang taong ito ay patuloy na “nailalaglag” niya ang sarili at lalo na ang “amo” niyang si Angel. Pinatutunayan ng mga pahayag na ito ni Joy Yuson na sila ang “makapangyarihan” noon. Sabi pa ni Joy Yuson ay sila rin ang nangangasiwa noon ng “housing distritbution” ng mga KAWANI ng kanilang tanggapan. Kaya alam na po natin kung bakit ipinatayo ang Fort Victoria. Wow! Hindi sila kuntento sa “housing” sa Central (hindi sila kuntento sa Highrise Condo sa Tandang Sora, sa Quarry Condo, sa Dona Fautisna Condo at Sagana Condo na “housing” sa lahat ng naglilingkod sa Tanggapang Pangkalahatan). Sapagkat sila’y “astig” kaya ang gusto nila ay hindi basta-basta housing kundi isang “exclusive high-end condo.” Kaya nga ang tawag sa kanila noon ng mga taga-Central ay mga “astig” (“untouchables”).

Teka, bakit kailangan pang kumuha ng “lisence to sell” samantalang maaari naman silang tumira rito sapagkat gaya nga ng sinabi mismo ni Yuson ay sila ang nangangasiwa ng “housing distribution” ng kanilang mga kawani sa tanggapan?  

Napansin ba ninyo ang petsa ng pag-issue ng “license to sell”? March 13, 2009. Sa panahong ito ay “balitang-balita” na si Ka Erdy ay “bedridden” na. Alam nilang nalalapit nang ang Kapatid na Eduardo na ang magiging Tagpamahalang Pangkalahatan at ito ang kanilang IKINATATAKOT (may bukod tayong pagtalakay kung bakit “takot na takot” sila kapag ang Ka Eduardo na ang Tagapamahalang Pangkalahatan – abangan ang seryeng “The Story of the Fallen Angels Rebellion” na may pagtalakay ukol dito). Kaya, dali-dali na inasikaso ang “license to sell” para nga naman maging “legal” kung maipangalan ang “condo unit” sa bawat isa sa kanila. Kung nakapangalan na nga naman sa kanila ay ano pa ang magiging habol kung ang maging Tagapamahalang Pangkalahatan na ay ang kanilang KINATATAKUTAN.


NANG MAGING TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN SI KAPATID
NA EDUARDO V. MANALO NOONG SETYEMBRE 7, 2009

Salamat sa Panginoong Diyos at bago mangyari ang kanilang “balak” ay humalili na si Kapatid na Eduardo V. Manalo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan. Nabunyag ang ukol sa Fort Victoria. Napigil sila sa kanilang “binabalak.” At gaya nga nang alam natin, sunod-sunod nang naalis sa posisyon ang mga “Fallen Angels” sa iba’t ibang dahilan, at humantong pa sa kanilang   pagkatiwalag.


BAKIT IBINENTA NG KASALUKUYANG PAMAMAHALA
NG IGLESIA ANG FORT VICTORIA?

Nabalita ngayon na ang Fort Victoria ay naibenta na. Tandaan natin, ang pagbebenta ng “properties” ng Iglesia ay hindi isang “katiwalian” o “anomalya” sapagkat:

(1) MAY LEGAL NA KARAPATAN O MAY VALIDO NA KAPANGYARIHAN ANG PAMAMAHALA NG IGLESIA SA PAGBEBENTA NG MGA PROPERTIES NG IGLESIA. Ang katibayan nito ay ang isinasaad sa atin ng batas:

“Section 164. Such corporations shall have the right to purchase, hold, mortgage, or sell real estate for its church...” (The Corporation Law of the Philippines, Section 164.)

(2) LEGAL ANG PROSESO AT MAKATUWIRAN ANG DAHILAN NG PAGBEBENTA.

Aanhin ng Iglesia ang isang “exclusive high-end condo”? Tandaan na ito’y natayo na hindi pa si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan noon, kaya noong siya na ay naging Tagapamahala ng Iglesia ay “inabot” lamang niya ito. HINDI ITO KAILANGAN NG IGLESIA SUBALIT ABULOY NG IGLESIA ANG IPINANTAYO RITO AT KAGAGAWAN ITO NG MGA SUMISIGAW NGAYON NA “MAY KATIWALIAN” DAW (iyon pala ang isinisigaw nilang katiwalian ay sila rin ang may gawa o pakana). KAYA, upang ma-compensate ang “halaga” (na mula sa abuloy ng mga kapatid) sa pagpapatayo ng high-end condo na ito ay ipinasiya na ituloy na ang pagbenta dito upang maibalik sa Iglesia ang “halaga” na ipinagpagawa rito.


KATIBAYAN BA NA MAY UTANG ANG IGLESIA
SA PAGBEBENTA NG FORT VICTORIA?

(1) HINDI SAPAGKAT IBINENTA ANG FORT VICTORIA AY MAY UTANG NA ANG IGLESIA.

Pansinin na noong simulang itayo ang Philippine Arena hanggang sa ito’y matapos ay patuloy na nakapagtatayo ang Iglesia Ni Cristo ng mga gusaling sambahan:

2011 – 119 na kapilya ang naipatayo
2012 – 139 na kapilya ang naipatayo
2013 – 154 ang kapilyang naipatayo
2014 – 168 ang kapilyang naipatayo

At nang sumunod na taon (2015) mula nang matapos ang Philippine Arena, sa buwan pa lang ng Hulyo ng taong ito ay 293 na ang naitatayong kapilya. Kaya, isang kasinungalingan ang pagsasabing ang Iglesia ay bangkarote na o may malaking utang.

(2) KAHAYAGAN ITO NG MASINOP NA PANGANGASIWA NG PAMAMAHALA SA PANANALAPI NG IGLESIA.

Kung pananatilihin pa ang Fort Victoria (na ang pagkakatayo ay ang mga kumakalaban din sa Pamamahala ang may pakana) ay “gugugol” lang ng malaki ang Iglesia sa pagpapanatili nito (tiyak na malaki ang gugol sa security, maintenance at upkeep ng exclusive high-end condo na ito, at maging sa taxes na babayaran taon-taon). Kung pananatilihin ang Fort Victoria ay saan kukunin ang “gugol” dito? Sa abuloy ng Iglesia? TIYAK NA SASANG-AYON ANG LAHAT NA TAMA LANG NA IBENTA ANG FORT VICTORIA.


KONKLUSYON

Sila na nagbibintang ngayon sa Pamamahala ng Iglesia ay sila pala talaga ang nasa likod ng kanilang ipinaparatang. Ganiyan “karumi” ang mga taong iyan. Kaya pala ngitngit na ngitngit at galit na galit sila sa pagkakabenta ng Fort Victoria ay sapagkat nanghihinayang sila sa kanilang “pinagpaguran” – maliwanag kasi na sila rin ang may “pakana” ng pagkakatayo nito.

Ang pagbebenta ng kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia ng Fort Victoria ay tama lang at makatuwiran upang ma-compensate o mabawi ng Iglesia ang ginugol sa pagpapatayo nito yamang sa abuloy ng Iglesia kinuha ng mga tiwaling natiwalag ang pagpapatayo nito.



2 comments:

  1. sa DIYOS at sa pamamahala

    ReplyDelete
  2. I nihayag ng Dios ang makamundong hangarin ng grupo ni ANGEL.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.