Pages

21 August 2015

Ang Tunay na Dahilan Kaya Galit na Galit sina Angel sa Pagtatayo ng Philippine Arena



ANSWERING “FALLEN ANGELS” 
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
part 19




SAGOT SA KANILANG MGA PAGBATIKOS
SA PHILIPPINE ARENA
Unang Bahagi

ANG TUNAY NA DAHILAN
KAYA GALIT NA GALIT ANG MGA
FALLEN ANGELS SA PAGTATAYO
NG PHILIPPINE ARENA




NANG unang humarap sa media si Angel Manalo noong madaling-araw ng July 23, 2015 at nang tanungin siya kung bakit niya sinabi na may kurapsiyon o katiwalian sa Iglesia, ang kaniyang isinagot ay “Nagtataka nga ako kung bakit natayo iyang Philippine Arena…” Tinututulan ng mga kumakalaban ngayon sa Pamamahala ang pagtatayo ng Philippine Arena at kanila pa itong patuloy na binabatikos. Sagutin natin ngayon isa-isa ang “mga batikos” nila sa pagtatayo ng Philippine Arena:


(1) Tutol sila sa pagtatayo ng Philippine Arena sapagkat dapat daw ang pinagtutuunan lang ng pansin ay ang pagtatayo ng mga gusaling sambahan.

Minamasama at nagagalit ang grupo ng mga kumakalaban ngayon sa Pamamahala sa pagtatayo ng Philippine Arena na ang dahilan nila ay ang pagtatayo lamang daw ng mga kapilya ang dapat pagtuunan ng pansin.

SAGOT:

Kung masama na magtayo ng hindi naman gusaling sambahan dahil sa ang dapat pagtuunan lamang ng pansin ay ang pagtatayo ng kapilya, bakit nagpatayo si Kapatid na Erano G. Manalo ng Pavillion (dalawa pa ang itinayo sa loob ng Central Office complex, ang Small Pavilion at Big Pavillion), Tabernakulo (isang multi-purpose building), New Era University at New Era General Hospital? Kapilya po ba ang mga ito? Halimbawa lang po iyan at hindi po iyan lang ang mga gusaling ipinatayo ni Ka Erdy na “hindi kapilya.”

Kung susundan natin ang “argumento” ng mga kumakalaban sa Pamamahala ay lalabas na “masama ang ginawa ni Ka Erdy na pagpapatayo ng pavillion, Tabernakulo, New Era University at New Era General Hospital sapagkat ang dapat lang daw na pagtuunan ng pansin ay ang pagtatayo ng kapilya.

Ito ang kapansin-pansin: nang ipatayo ang Pavillion, Tabernakulo, New Era University at New Era General Hospital ay “nagalit” ba sila Angel at ang kanilang grupo samantalang tulad ng “Philippine Arena” ay hindi rin ito “kapilya”? Ang totoo ay kasama sila sa mga pumapalakpak noong inauguration ng mga gusaling ito.

SAMAKATUWID, hindi masama at walang mali sa pagpapatayo ng mga gusali na hindi “kapilya” o “gusaling sambahan” basta ito ay para sa kapakinabangan din ng Iglesia.


(2) Nang itayo raw ang Philippine Arena ay nawala ang “pokus” sa pagpapatayo ng mga kapilya sapagkat inubos daw ng Philippine Arena ang pondo ng Iglesia para sa pagpapatayo ng mga kapilya.

SAGOT:

Malaking kasinungalingan ang pagsasabing nawala raw ang “pokus” sa pagpapatayo ng kapilya at naubos ang pondo sa pagpapatayo ng mga kapilya dahil sa pagpapatayo ng Philippine Arena. Sa panahong itinatayo ang Philippine Arena ay patuloy ang pagpapatayo ng mga kapilya:

2011 – 119 ang naipatayo (107 sa Pilipinas at 12 sa ibang bansa)
2012 – 139 ang naipatayo (123 sa Pilipinas at 16 sa ibang bansa)
2013 – 154 ang naipatayo (138 sa Pilipinas at 16 sa ibang bansa)
2014 – 168 ang naipatayo (81 kapilya, 79 brgy. chapels at 8 sa ibang bansa)

Pagkatapos ng pagpapatayo ng Philippine Arena (2014) ay nagpatuloy ang pagpapatayo ng mga kapilya sa buong Pilipinas at sa iba’t ibang dako ng mundo:

2015 – 293 ang naipatayo (mula Enero hanggang Hulyo lamang)

Ang kabuuang naipatayong kapilya mula 2011 at hanggang Agosto, 2015 lamang ay 873.

Samakatuwid, kung nagpatayo man ang kasalukuyang Namamahala sa Iglesia ng Philippine Arena at iba pang mga gusali na kailangan at ginagamit ngayon ng Iglesia, ay HINDI PA RIN IPINAGWAWALANG-BAHALA ANG PAGTATAYO NG MGA KAPILYA. Hindi din totoo na naubos ang pondo ng Iglesia sa papapatayo ng kapilya dahil sa pagpapatayo ng Philippine Arena sapagkat sa panahong itinatayo ang Philippine Arena ay kasabay na naipatatayo ang 873 kapilya. Ipinakikita lamang nito na may bukod na pondo na nakalaan sa pagpapatayo ng Philippine Arena at sa pondong nakalaan sa pagpapatayo ng mga kapilya, dahil kung hindi ay bakit sabay  na naipatayo ang Philippine Arena at ang 873 na mga gusaling sambahan o kapilya?


BAKIT NGA BA GALIT NA GALIT SINA ANGEL MANALO AT ANG KANIYANG MGA GRUPO NA KARAMIHAN AY MGA DATI NIYANG TAUHAN SA GEMNET?

Noong 2009 ay balitang-balita sa Central ang panukala ng magkapatid na Angel at Marc Manalo ukol sa pagtatayo ng isang malaking “communication network” na tatalo sa Globe, Smart at Sun. Bago pa pumutok ang balitang ito ay makikita na talagang may mga paghahanda silang ginagawa ukol dito. Kabilang ang pagbebenta nila ng NET25 sim card (hindi po kailanman naging “libre” ang Sim card na ito na gaya ng ipinagyayabang ni Joy Yuson – ang mga taga-Central ang makapagpapatotoo na ito ay ibinibenta). Maraming beses din na nagtutungo at nakikipagnegosasyon sina Angel at Marc sa mga Hapones ukol dito. Ganito ang pahayag dito ng walang iba siempre kundi ang kanilang “punong tagalaglag” na si Joy Yuson:

"26 times daw ako nagpunta sa Japan para bumili ng equipment 2 times lang po ito sa buong buhay ko kasama ang KA ANGEL at KA MARC. Hindi para bumili ng gamit kundi para makipag-partner ang GEMNET sa mga hapon para sa kanilang technology na ISDBT, isang makabagong approach sa tv broadcasting na ngayon ay nakuha na ng ABS CBN. Ang GEMNET TV po ang kauna-unahan sa DIGITAL TELEVISION sa ating bansa.
“Plano po sana namin na mahikayat ang mga hapon na bigyan ng libreng cellphones with TV receiver ang lahat ng mga kapatid sa buong mundo para lagi nilang napapanood ng libre ang ating mga TV STATIONS sa buong mundo.
“HINDI PO BA NOONG KAMI ANG NANGANGASIWA SA GEMNET AY LIBRE ANG NET 25 SIM?
“Ngayon ay ibinebenta nila ! Pumayag na po sana ang mga hapon sa partnership na ito nang walang gugugulin ang mga kapatid sa iglesia kahit isang kusing kundi babawi na lamang ang mga hapon sa content nito at sa mga advertisements.
ANG PLANONG ITO AY INIHINTO NG SANGGUNIAN DAHIL WALA SILANG KITA ! Kaya mula sa DIGITAL SET-UP ng ating mga TELEVISION STATIONS ay ibinalik nila sa ANALOG. Dito kumita sila ng malaki sapagkat muli na naman silang bumili ng mga kagamitan sa broadcasting para baguhin ang ating SYSTEM.” [Pangalawang Liham ni Joy Yuson, 11 Agosto 2015]

Ang sabi ni Joy Yuson ay noon daw sila ang nangangasiwa sa GEMNET ay libre daw ang NET25 sim. Hindi po ito totoo sapagkat mga taga-Central mismo ang nagpapatotoo na ibinebenta ang NET25 sim noong panahong sila ang nasa GEMNET. Noong 2004 (sila po ang nangangasiwa pa noon sa GEMNET ng panahong ito ay limang NET25 sim ang nabili ko mula sa isang empleyada sa GEMNET na bawat isa ay nagkakahalaga ng 40 pesos. Inialok pa iyan sa akin kaya ako bumili). [Pero baka nga talagang dapat ay “libre” pero sa realidad ay ibinebenta nila Joy Yuson? Hmmm]

Kasinungalingan din ang sinabi niya na “Ngayon ay ibinebenta nila!” Kasinungalingan sapagkat NGAYON AY WALA NA PO ANG NET25 SIM. Kung dito ay nagsisinungaling siya, kaya, hindi  kataka-taka na ang kaniyang “salaysay” na ating sinipi ay may lakip na “pagsisinungaling.”

Pinatunayan ni Joy Yuson na sila ay nagpupunta sa Japan at nakikipag-usap sa mga Hapones noon  kasama ang KA ANGEL at KA MARC. Hindi para bumili ng gamit kundi para makipag-partner ang GEMNET sa mga hapon para sa kanilang technology na ISDBT…” Iyan lang ba ang dahilan ng kanilang pakikipagnegosasyon at nais na pakikipag-partner sa mga Hapones? Ang sabi pa niya, “Plano po sana namin na mahikayat ang mga hapon na bigyan ng libreng cellphones with TV receiver ang lahat ng mga kapatid sa buong mundo para lagi nilang napapanood ng libre ang ating mga TV STATIONS sa buong mundo.” DITO AY KITANG-KITA NATIN ANG KANILANG PLANO NA PAGTATAYO NG ISANG TELECOMMUNICATION NETWORK NA TULAD NG GLOBE, SMART AT SUN, AT ANG TOTOO ANG PLANO NILA AY HIGIT PANG MAS MALAKI KAYSA SA MGA EXISTING COMMERCIAL TELECOMMUNICATION NETWORKS.

Naging matunog ang balitang ito na pagtatayo ng malaking telecommunication network sa Central, sa buong Metro Manila at maging sa kapulungan ng mga ministro sa buong mundo, kaya hindi nila maitatanggi ang ukol sa bagay na ito. KAPANSIN-PANSIN NA ANG PINAPANUKALA NILA AY ISANG COMMERCIAL TELECOMMUNICATION NETWORK, SUBALIT KUNG PARATANGAN NILA ANG PAMAMAHALA AT ANG SANGGUNIAN NGAYON NA NAGNENEGOSYO RAW AY GAYON-GAYON NA LAMANG (NGUNIT NAPATUNAYAN NATIN NA PAGPAPARATANG LAMANG ITO AT WALANG KATOTOHANAN).

Ang grupo pala ni Angel Manalo ang may panukala noon na magtayo ng pinakamalaking commercial telecommunication network sa Pilipinas (sila pala talaga ang nagnanais na papasukin ang Iglesia sa pagnenegosyo). Di ba sinabi ni Yuson na “Plano po sana namin na mahikayat ang mga hapon na bigyan ng libreng cellphones with TV receiver ang lahat ng mga kapatid sa buong mundo.” Mamimigay ng libreng cellphone? Sinong may matinong pag-iisip ang mapapaniwala mo Yuson sa pahayag mong iyan? Samakatuwid, totoo na may panukala silang magtayo ng pinakamalaking commercial telecommunication network sa Pilipinas, ang kasinungalingan ay ang sinasabi ni Joy Yuson na ito raw at magiging “libre.”

Pansinin na noong nasa “kapangyarihan” at “posisyon” pa ang grupo ng “Fallen Angels” ay nagpapanukala sila na magtayo ang Iglesia ng isang malaking commercial telecommunication network sa Pilipinas na isang komersiyo o negosyo!

Nagawa nilang magkaroon ng “bond” (nakalaang “pondo”) para sa pagtatayo ng telecommunication company na ito na kanilang pinapanukala (hindi ito isang maliit na halaga lamang) mula sa kabang-yaman ng Iglesia. Subalit bakit may mga preparation na silang nagawa gaya ng pakikipagnegosasyon sa makakapartner nilang mga Hapones, nakapaglaan ng “bond” o “pondo” na gagamitin dito, ngunit HINDI ITO NATULOY?

Noong Agosto 31, 2009 ay pumanaw ang ating mahal na Kapatid na Erano G. Manalo. Noong Setyembre 7, 2009 ay umupo si Kapatid na Eduardo V. Manalo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan. Tinutulan ni Ka Eduardo ang panukala nina Angel at Marc na pagtatayo ng malaking commercial telecommunication network sapagkat malaking halaga ang magagamit dito subalit hindi naman ito priority lalo na’t kung pag-uusapan ay ang kapakanan ng Iglesia at may kinalaman sa mga gawain at aktibidad ng Iglesia.

Dahil sa nasa “pananaw” na ng Ka Eduardo ang magiging selebrasyon sa ika-100 taong anibersaryo ng Iglesia (tandaan na noong 2009 ay nagsagawa tayo ng selebrasyon ng ika-95 anibersaryo ng Iglesia sa 14 na dako sa buong Pilipinas at ang Iglesia ay patuloy na lumalaki) kaya nakita ang pangangailangan ng isang “malaking dako” kung saan maisasagawa natin ang ika-100 anibersaryo ng Iglesia at ang iba pang mga malalaking aktibidad sa hinaharap. KAYA HIGIT NA PINAGTUUNAN NG PANSIN NI KA EDUARDO ANG PAGTUPAD SA PINANUKALA NOON NG KA ERDY NA MAGKAROON NG ISANG MAAYOS AT MALAKING DAKO KUNG SAAN MAISASAGAWA NG IGLESIA ANG KANIYANG MALALAKING AKTIBIDAD.

Dahil dito, ang “bond” (nakalaang “pondo”) para sana sa pagtatayo ng isang malaking commercial telecommunication network ay inilaan na lamang sa pagtatayo ng Philippine Arena. KAYA ITO ANG ISA SA MGA PANGUNAHING DAHILAN NG PAGSAMA NG LOOB AT GALIT NG MAGKAPATID NA ANGEL AT MARC SA KANILANG KUYA NA SI KA EDUARDO. Kaya pala nakapagbulalas si Angel ng “Nagtataka nga ako kung bakit natayo iyang Philippine Arena…”Isang pahayag na puno ng pait, sama ng loob, galit, paninibugho at inggit.



5 comments:

  1. Mabuti pa ang converted na mga kapatid tulad namin..nakauna pa sa kahalagahan ng pagkakaisa.Itong grupo nh fallen angel hindi inisip ang paghihirap ng lolo nila sa iglesia para lang maitaguyod sa tulong ng Dios..gustong iligaw ang iglesia para lang sarili nilang hangarin.

    ReplyDelete
  2. DAPAT sa MGA MODERN JUDAS ESCARIOTES na MGA FALLEN DEMONS na IYAN, ITAPON sa KALAWAKAN at IPAKAIN sa MGA ALIENS.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.