Pages

19 August 2015

Tunay na gumagawa lamang ng kuwento ang mga kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
part 17

“TOO DETAILED TO BE TRUE”
A HISTORIOGRAPHER’S
POINT-OF-VIEW


 NAALALA ko noong kasalukuyang tinatapos ko ang aking master’s degree, nagkaroon kami ng project na paggawa ng isang research report sa isang event sa Philippine History. May isa akong kaklase na pinagbuhusan ang kaniyang project ng buong kaya at pinaganda ng husto na ginawa niyang “detalyadong-detalyado” ang “salaysay” ng nasabing “historical event.” Nang magpasa na kami ng project, narinig ko ang komento ng aming professor sa project ng aking kaklase na “Hindi ito history kundi fiction.” Magalang namin siyang tinanong kung bakit niya nasabing ang project ay “hindi history kundi fiction”? Ang tanong niya sa kaklase ko ay “Buhay ka na ba noong panahon ng mga Kastila?” Ang sagot niya ay “No ma’am.” Tinanong niya uli, “Eyewitness ka ba sa pangyayaring ito o naroon ka mismo?” Siempre ang sagot niya ay “Hindi po ma’am.” Tinanong pa niya na “Na-interview mo ba iyong mismong taong involve o naroon?” “Hindi po ma’am” ang sagot niya. “Kung eyewitness ka o kausap mo iyong mismong mga taong naroon o iyong mga taong ikinukuwento mo (primary source ika nga) hindi kataka-taka na detalyadong-detalyado ang sinulat mo na pati ang expression ng mga mukha nila ay maisusulat mo. Subalit, kung hindi ka naman eyewitness o hindi naman ang mga taong involve mismo ang nakapanayam mo, ngunit “napaka-detalyado” ng isinulat mo ay magkakaroon ng “pagdududa” sa accuracy ng isinulat mo. Tandaan mo na ang isinusulat mo ay isang tunay na pangyayari at hindi isang nobela, hindi isang fiction. Kung di naman “eyewitness” account subalit “detalyadong-detalyado” na pati gestures at expression ng mukha ay dini-describe mo ay lalabas na parang nobela, “fiction” o kuwentong-kuwento lang ang sinulat mo at hindi isang accurate narration of real events. It’s too detailed to be true!”

Tama siya. Ang sabi ng aming professor, “You are writing a history and not a nobel, not a fiction. A real event and not a created event. Because you are not an eyewitness or the details are not from a ‘primary source’ or an eyewitness account then it’s too detailed to be true.” Hindi natin sinasabi na “agad-agad” ay hindi na totoo ang sinasabing “pangyayari” subalit ang pagiging “too detailed” gayong di naman eyewitness ang nagsusulat ay nagbibigay sa mga mambabasa ng malaking pag-aalinlangan (doubt) sa naturang “salaysay.” Hindi ito lamang ang indikasyon para masabing “gawa-gawa” lamang ang isang kuwento, ang dagdag pa na magagamit natin ay ang pagsisiyasat rito sa pamamagitan ng “pangunahing prinsipyo” ng tinatawag na “historiography.”

Para sa kaalaman ng marami, ang “accuracy” ng isang “kuwento” ay masusukat natin sa pamamagitan ng “basic questions” ng historiography. Ang historiography ay iba sa history. Ang historiography ay ang “history of history” o “critical analysis of history.” Kabilang sa “basic questions” ng historiography sa pagsukat ng kawastuhan ng isang “salaysay” ay: (1) May kalakip bang patotoo at gaano katibay ang patotoo?; (2) Sa ano ba maiuuri ang pinagkunan ng impormasyon (primary ba o secondary sources lamang)?; at (3) Sino ba ang may akda, ano ang kaniyang background, at ano ang kaniyang motibo o layunin?

Samakatuwid, sa pamamagitan ng mga impormasyon ito ay matitiyak natin ngayon kung ang salaysay ng mga kumakalaban sa Pamamahala (“fallen angels”) ay totoo ba o kasinungalingan lamang.


ANG MGA ”KUWENTO” NG MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA UKOL SA KUNG PAPAANO RAW NAGALIT ANG KA ERDY NOON KAY KA EDUARDO AT KA BABYLYN

Kumuha tayo ng isa sa mga pinalalaganap nilang “kuwento” at suriin natin sa pamamagitan ng prinsipyo ng “historiography” kung tunay nga na ang kanilang mga “salaysay” na ito ay “totoong pangyayari” gaya ng kanilang inaangkin.

PAGPAPAPATULOY ......
..... Lalong nagalit at nagdamdam si ka Babylyn dahil sa mga salitang narinig niya bilang pagsaway ng TAGAPAMAHALA sa pakikialam niya sa pamamalakad sa bayan ng Diyos. Nagsisisigaw ito sa galit sa harap ng Ka Eduardo dahil diumano ay hindi makatarungan ang mga ipinasiya ng TAGAPAMAHALA.
Ngunit bago pa siya lubusang magwala ay muling tumunog ang telepono. Muli ang mapagmahal na Kapatid na Cristina V. Manalo. Si Ka Eduardo ang sumagot at ang narinig lamang ni ka Babylyn sa Ka Eduardo ay: "Opo Mommy, Opo". Pagkatapos ay ibinaba na niyang muli ang telepono.
Halos pasigaw na nagtanong si ka Babylyn sa Ka Eduardo kung ano ang sabi. Ayaw magsalita ng Kapatid na Eduardo ngunit ayaw tumigil ni Ka Babylyn sa pagtatanong. Dahil dito, napilitan si Ka Eduardo na sabihin sa kaniya ang tagubilin ng TAGAPAMAHALA: "HUWAG NA HUWAG KA RAW IPAKIKITA SA TATAY, AYAW KA RAW NIYANG MAKITA".
Namutla si Ka Babylyn. Natahimik. Subalit saglit lamang ang gayong reaksiyon. Nagsisigaw siyang muli, inihagis ang ilang mga kagamitan at nagka basag-basag. Hindi nkayanan ng Ka Eduardo na panoorin ang gayong sitwasyon. Pinalaki sila ng KAPATID NA ERANO G. MANALO sa isang kapaligiran na puno ng kapayapaan at pagmamahalan. Napakabait ng Ka Eduardo. Isang taong payapa ang pag-iisip. Subalit nasasamantala ang kaniyang kabaitan ng mga taong alam ang kaniyang kahinaan.
(Sources: mga kasambahay ng Ka EVM, Mga close-in guards, driver, at mga pinagtitiwalaang utusan ni Ka Babylyn).

Suriin natin ang “salaysay” na ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga prinsipyo ng historiography”:


PAGSISIYASAT SA “SUPPORTING EVIDENCE”
O NAGPAPATOTOO SA “KUWENTO”

Mapapansin na ang kanilang “salaysay” ay walang kalakip na anumang “patotoo” o “ebidensiya” na susuporta sa katotohanan o “accuracy” ng kanilang “kuwento.” Walang konkretong “documentation.” Sa historiography, kapag ganito ang isang “salaysay” na lumalabas na “baseless” ay hinuhusgahan ito ng mga historiador bilang “mapag-aalinlanganan” (doubtful).


PAGSUSURI SA “SOURCE”

UNANG TANONG: Ang sumulat po ba ng salaysay na ito (si Joy Yuson a.k.a. “Kelly Ong”) ay naroon mismo o maituturing na isang “eyewitness” ng nasabing pangyayari? Hindi po. Siya mismo ang umamin na mayroon siyang ibang source.

IKALAWANG TANONG: Ang source ba ay ang mismong mga taong involved sa kuwento (na sina Ka Eduardo at Ka Babylyn)? Hindi po, sapagkat inamin din ng nagkukuwento na hindi sila Ka Eduardo at Ka Babylyn kundi “iba” ang kaniyang mga “sources.” Ang sabi niya ay ang “mga kasambahay ng Ka EVM, mga close-in guards, driver, at mga pinagtitiwalaang utusan ni Ka Babylyn.”

IKATLONG TANONG: Katanggap-tanggap ba na ang “mga kasambahay ng Ka EVM, mga close-in guards, driver, at mga pinagtitiwalaang utusan ni Ka Babylyn” ay naroon mismo sa silid na kasama sina Ka Eduardo at Ka Babylyn nang mangyari ang isinasalaysay na kuwento? Hindi po. Hindi rin napatunayan na sina Ka Eduardo at Ka Babylyn mismo ang nagkuwento sa mga sinasabi ni Joy Yuson na kaniyang “source.”

Sapagkat ang nagpost ng kuwento ay tiyak na wala roon sa silid nang mangyari ang sinasabing kuwento (si Joy Yuson a.k.a. “Kelly Ong”), at tiyak na wala rin ang “mga kasambahay ng Ka EVM, mga close-in guards, driver, at mga pinagtitiwalaang utusan ni Ka Babylyn” na sinasabi ni Kelly Ong na kaniyang “source,” at lalong tiyak na hindi si Ka Eduardo at Ka Babylyn ang pinagmulan ng kuwento, samakatuwid hindi maling sabihin na hindi “primary source” ang pinagmulan ng kuwento, kung magkagayon, hindi tiyak ang pinagmulan ng kuwento, kaya hindi mapagtitiwalaan ang nasabing kuwento, hindi siya maaangkin na “credible” at “accurate” kundi “tsismis” lamang.


PAGSISIYASAT SA “CONTENT”

Maikakategorya ba ang salaysay na “napaka-detalyado”? Opo. Nasa loob sila ng kanilang bahay, detalyado ang mga salitang ginamit, pati “pagbaba” ng telepono, pati “tono” at “lakas” ng tinig ng mga nasa kuwento, pati ang expression ng mukha (namutla), at detalyadong-detalyado ang reaksiyon. Ngunit, napatunayan na hindi “primay source” ang pinagmulan ng “kuwento.”

Kung hindi eyewitness si Joy Yuson na nagsalaysay, hindi ang mismong tauhan na nasa kuwento ang nagsalaysay, at ang sinasabi ni Yuson na kaniyang “source” ay wala rin sa mismong pangyayari, at “napaka-detalyado ng kiwento” – ang “kuwentong ito ni Jou Yuson ay TOO GOOD TO BE TRUE.”

Samakatuwid, dalawang bagay lang ang maaaring maging kahulugan nito: (1) nagsisinungaling ang nagsasalaysay (si Joy Yuson) na ang “kuwento” ay mula sa sinasabi niyang “mga kasambahay ng Ka EVM, mga close-in guards, driver, at mga pinagtitiwalaang utusan ni Ka Babylyn”; o (2) nagsisinungaling ang “mga kasambahay ng Ka EVM, mga close-in guards, driver, at mga pinagtitiwalaang utusan ni Ka Babylyn”. Subalit, alin man sa dalawa ay lumalabas pa rin na kasinungalingan lang talaga ang “kuwento” na pinost ni Joy Yuson sa kaniyang FB page.


MAYROON BANG BAGKO- COLLABORATE 
SA KANILANG "KUWENTO"?

Nagtanong kami sa matatagal nang kasambahay at guardia sa tahanan nina Ka Eduardo at Ka Babylyn ukol sa “kuwentong” ito. Ang sagot nila ay “wala kami kailanman narinig na ganiyang kuwento, ngayon nga lang namin narinig iyan.” Hindi na natin binanggit dito ang kanilang pangalan dahil alam naman natin ang ginagawa ng mga kumakalaban sa Pamamahala na pag-atake sa katauhan ng mga “hindi pumapabor” sa kanila.


ANG NAGSALAYSAY

Ang nagbigay ng kuwentong ito ay si Joy Yuson. Siya ay “bata” nina Angel at Marc Manalo noon pang 1989. Obvious na ang may akda ng “kuwento” ay lubhang nakakiling sa partido nina Angel at “kalabang-kalaban” ng partido nina Ka Babylyn. Kaya masasabi na obvious din na ang layunin ay “manira” ng kanilang “kalaban” (gumawa ng “character assassination” sa kanilang mga itinuturing na “kaaway”).


KONKLUSYON


SAMAKATUWID, walang “patotoo”; walang “documentation”; walang “supporting evidence”; walang collaboration; hindi primary sources ang pinagkunan ng impormasyon; “too detailed to be true” – KAYA ANG SALAYSAY AY HINDI ISANG HISTORY KUNDI MAITUTURING NA ISA LAMANG “TSISMIS” (RUMOR). Maliwanag na ang motibo ng nagkukuwento (sina Joy Yuson a.k.a. “Kelly Ong”) ay pasamain ang mga tauhang “involved” sa kuwento, isang “character assassination,” isang “black propaganda” lamang laban sa sambahayan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo, at dahil dito’y isa ring paninira laban kay Kapatid na Eduardo V. Manalo mismo.

Ang paggawa ng mga “kuwento” upang manira lamang ay katunayang hindi na sila sa Diyos bagkus ay mga bulaang guro na dahil sa kasakiman ay pagsasamantalahan ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga kinathang kuwento:

II Pedro 2:1-3 NPV
“Kung paanong sa gitna ng mga tao'y nagkaroon ng mga bulaang propeta, lilitaw din sa gitna ninyo ang mga bulaang guro. Lihim silang magpapasok ng mga kabulaanang makasisira sa inyong pananampalataya. Itatanggi nila pati ang Kataastaasang Panginoon na tumubos sa kanila, kaya ito ang mabilis na pupuksa sa kanila. Marami ang susunod sa nakahihiya nilang pamamaraan at pati na ang katotohanan ay malalapastangan. Dahil sa kanilang kasakiman, PAGSASAMANTALAHAN KAYO NG MGA BULAANG GURONG ITO SA PAMAMAGITAN NG KANILANG MGA KINATHANG KUWENTO. Matagal nang handa ang hatol sa kanila at ang pupuksa sa kanila'y hindi natutulog.



No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.