Pages

05 August 2015

Angel Manalo A Cry for Help or A Cry for Sympathy


ANSWERING “FALLEN ANGELS”
part 5



ANG KATOTOHANAN UKOL SA
“CONTROVERSIAL YOUTUBE VIDEO” NI ANGEL MANALO



Tunay bang nanganganib ang kanilang buhay at sila’y hinostage gaya ng inaangkin nila?

   




NOONG hatinggabi ng July 22, 2015 ay ini-upload sa Youtube ang isang video kung saan ay nagsalita si Angel Manalo na humihingi ng tulong sapagkat ang kanila raw buhay ay nasa panganib. May kalakip itong “audio” ni Ka Tenny (Cristina V. Manalo) na humihingi ng tulong para sa kaniyang mga anak na sinasabi ring nasa panganib ang kanilang buhay. Dahil sa “controversial youtube video” na ito ay dumagsa  kinaumagahan (July 23, 2015) ang “media” (mga reporters) sa tapat ng compound nina Angel Manalo sa Tandang Sora Avenue, Quezon City.




BAGO ANG PAG-UPLOAD NG CONTROVERSIAL VIDEO
SA YOUTUBE NOONG JULY 22, 2015 

May plano talaga ang grupo nina Angel Manalo at Lottie Manalo-Hemedez na magkaroon ng “rally” sa Central upang magawa ang kanilang balak na pabagsakin ang kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia. Sinimulan nila ito sa pamamagitan ng paggamit ng social media na nagsagawa sila ng “propaganda” na mayroon daw katiwalian na nagaganap ngayon sa Iglesia. Sinabayan pa nila ito ng pagkuha ng simpatiya ng mga kapatid sa pagpapalaganap na “inaapi” raw at inuusig ang “pamilya ng Ka Erdy.” Subalit, ang lahat ng kanilang akusasyon ay sinagot din sa social media pangunahin na sa THE IGLESIA NI CRISTO page at blog.

Hanggang sa “nahuli” na ang tuwirang nasa likod ni “Antonio Ebangelista” ang “fictitious person” na ginagamit nila sa pagsisiwalat sa social media ng inaangkin nilang “katiwalian.” Dahil dito, isinagawa na nila ang kanilang matagal ng “balak” na magsagawa ng “rally” na kilusin ang mga kapatid sa Iglesia upang mag-aklas laban sa kasalukuyang Pamamahala. Sinimulan nila ito sa pagpapalaganap ng “black propaganda” na diumano’y “nanganganib” ang buhay ng “pamilya ni Ka Erdy” (isang “black propaganda” na “appeal to emotion” o ang “panggagamit” sa damdamin ng mga tao). Hanggang sa inilathala nila sa social media na “pinutulan na ng tubig” ang pamilya ng Ka Erdy kaya nanawagan sila sa mga kapatid na magtungo sa bahay nina Angel Manalo para daw sila proteksiyunan. Noong July 21 ay nanawagan sila na magtungo na raw ang mga kapatid sa compound nina Angel Manalo upang diumano’y mag-“vigil.” 








Subalit, walang dumating na mga kapatid kundi sila-sila rin lang naman. Kinabukasan (Kuly 22, 2015) ay lalo nilang pinaigting ang kampanya na magtungo ang mga kapatid upang mag-"vigil" sa tapat ng compound nina Angel Manalo sa Tandang Sora. Wala pa ring dumarating.Kaya pagdating ng hapon ay lalo nilang pina-igting ang pananawagan sa mga kapatid na magtungo sa compound nina Angel Manalo, subalit wala pa ring dumarating.




Lumalalim na ang gabi ay wala pa ring nagtutungo. Kaya, bilang “desperate move” ay ini-upload na nila ang “controversial video” sa Youtube nang maghahatinggabi ng July 22. Talagang planado ang lahat. Ang pag-upload ng “video” na ito sa Youtube ay ang lumalabas na kanilang “plan B” kung sakaling wala talagang kapatid na dumating. Kitang-kita na “planado” ang lahat sapagkat pagka-upload na pagka-upload ng “controversial video” na ito ay agad-agad na makikita na naka-post sa lahat ng FB pages at accounts ng kanilang mga kasabwat.


A.M., JULY 23, 2015

Dahil sa pag-upload sa controversial video, kinaumagahan ay dumagsa sa tapat ng compound nina Angel Manalo sa Tandang Sora Avenue ang “media” (mga reporters), subalit mas marami pa ang media na dumating kaysa mga kapatid (ang inaasahan nila ay dadagsa ang mga kapatid subalit hindi pa rin iyon ang nangyari). Kaya, sa harap ng media (dahil alam nilang makukunan ng media at maire-report ito sa radyo at tv) ay gumawa sila ng isang drama. Sa tapat ng bintana ay may tumayo na nagsabit ng “note” (pirasong papel)  na nagsasabing “Tulong, hostage kami.” Pagkatapos ay may tumayo uli sa may bintana na nagtapat ng “flashlight” at pinatay-sindi ito – ang kahulugan nito ay  “S.O.S.” o paghingi ng saklolo. Gaya ng inaasahan nila, naging “flash report” o “breaking news” ito sa mga national televisions at mga radyo.



P.M., JULY 23, 2015

Taliwas sa inaasahan ng grupo nina Angel Manalo, dumating ang mga pulis upang rumesponde at umasiste kung sakali ngang sila’y hostage o nanganganib ang kanilang buhay. Dumating ang mga pulis, subalit hindi nila pinapasok at kinausap. Gamit ang “megaphone” ay nanawagan ang mga pulis na naroon sila para sumaklolo at tumulong. Tandaan na nasa paligid ang maraming media kaya imposible na gagawa ang mga pulis ng “masama” laban sa kanila na gaya ng kanilang inaangkin na ipino-post nila sa social media habang naroon ang mga pulis sa labas ng kanilang compound at nananawagan. Hindi nila pinatuloy at kinausap ang mga pulis.




Midnight, JULY 23, 2015

Nang maghahating-gabi ay dumating si General Joel Pagdilao ng QC police department. Dumating din si Kapatid na Edwil Zabala, ang spokesman ng Iglesia Ni Cristo. Binigyang-diin ni Ka Edwil sa harap ng media na walang “kontrol” ang Iglesia Ni Cristo sa gate ng compound at sa compound mismo. Sapagkat ang “compound” ay property (isang private property) ng Iglesia kaya nagpahayag si Ka Edwil na binibigyan ng permiso ang mga pulis, lalo na si Gen. Pagdilao na pumasok sa compound. Sumasaksi ang lahat ng media na naroon, hindi gumawa ng puwersahang pagpasok (force entry) ang mga pulis, sa halip ay kumatok si Gen. Pagdilao at buong tiyaga na hinintay na pagbuksan siya ng gate. Dumating si Angel Manalo at nakipag-usap kay Gen. Pagdilao na nasa kabila siya ng gate na nakasara pa rin at nakikipag-usap sa pamamagitan lang ng maliit na butas sa gate. Hindi rin niya pinapasok si Gen. Pagdilao subalit inamin na hindi sila hostage o walang hostage taking na nagaganap at HINDI SILA NANGANGANIB.  


Dumating din si Mayor Herbert Bautista ng Quezon City. Sinubukan din niyang pumasok at makipag-usap, subalit hindi rin siya pinapasok bagkus ay nakipag-usap din si Angel sa pamamagitan ng maliit na butas sa gate. Sinasabing si mayor Bautista ay pinapasok pagkalipas ng ilang oras.


Pagkatapos nito ay nagkonklusyon sina Gen. Pagdilao at Mayor Herbert na walang hostage na nangyari, walang panganib sa kanilang buhay at maayos ang kalagayan nina Angel Manalo at ng kanilang mga kasama sa loob ng compound.



Napahiya at nag-alala na baka umalis na ang media at magreport ng negatibo sa kanila, nang bandang alas 4 ng umaga (July 24 na noon) ay lumabas si Angel Manalo at nagpa-press con.

Nang tanungin siya ng isang reporter na bakit niya sinabing nanganganib ang kanilang buhay at sila’y hostage ay tumanggi siya na sinasabing “Wala po akong sinasabing ganoon.” Nang sabihin ng mga reporter na “Iyon ang nakasulat na inilagay ninyo sa bintana” ay sumagot siyang “MAY BATA LANG PO NA NAGBIBIRO.” Napabulalas ang mga reporter na “MASAMANG BIRO IYAN.”

ANG KATOTOHANAN

Ano ang ating napatunayan sa pangyayaring ito?

(1) Wala naman talagang “panganib sa buhay” nina Angel Manalo at ng kaniyang mga kasama at isang pagsisinungaling ang sinabi nilang sila’y “hostage” kaya humihingi ng tulong.

(2)  Ini-upload ang “controversial video” sa Youtube upang galitin lamang ang mga kapatid at mahikayat silang mag-aklas sa kasalukuyang Pamamahala.

(3) Ang habol nila’y sariling kapakanan at hindi pagmamalasakit sa Iglesia, sapagkat kung nagmamahal sila sa Iglesia ay bakit sila nag-upload ng “video” na magbubunga ng pagkakabaha-bahagi sa Iglesia?

(4) HINDI SIMPLENG BAGAY LANG ANG GINAWA NILANG ITO. Ang totoo ay isang kaso ito kung tutuusin, sabi nga ng mga reporters ay “MASAMANG BIRO IYAN.” Lalong-lalo na sa panig ng mga kapatid ay seryosong bagay ito sapagkat nag-uudyok ito sa mga kapatid na maghimagsik laban sa Pamamahala kung sila’y mapapaniwala na mahuhulog sila sa paglabag sa utos ng Diyos na magpasakpp at gumalang sa Pamamahala:

Hebreo 13:17
“Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan."

Hindi rin isang maliit na bagay ang paghahasik ng pagkakabaha-bahagi sa Iglesia, Ganito ang sinasabi ng Biblia sa gagawa nito:

Roma 16:17-18
Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila. Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.

 

ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-punto na pagsagot sa mga 
Kumakalaban sa Pamamahala

Part 1

Part 2

Part 3
 


 Part 4




Part 5
ANG KATOTOHANAN UKOL SA "CONTROVERSIAL YOUTUBE VIDEO NI ANGEL MANALO

1 comment:

  1. Twas a cry for sympathy...parang batang papansin. :)

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.