Pages

15 September 2015

Fabricated lamang pala ang mga "Ebidensiya" ni "Antonio Ebangelista"



 ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen Angels
part 24
 
NASA BLOG DAW NI “ANTONIO EBANGELISTA”
ANG MGA EBIDENSIYA NG KATIWALIAN
TOTOO KAYA?

#02
FABRICATED LANG NAMAN
PALA ANG KANIYANG 
MGA EBIDENSIYA 


Ang matibay na katibayan na “fabricated” o “gawa-gawa” lamang
ni Antonio Ebanghelista ang mga inilalathala niyang 
“Voice of the Brethren” 



Sa orihinal na "blog" ni "Antonio Ebangelsita" ay ipinagmamalaki nila na ang mga ebidensiya nila ay mula sa mga kapatid sa iba't ibang panig ng mundo.  Ang mismong "pahayag" o "testimonya" ng mga diumano'y mga kapatid ay ginagamit nilang ebidensiya para patunayan ang diumano'y katiwalian at anomalya raw ngayon sa Iglesia. Dahil dito, marami silang inilathala sa kanilang orihinal na "blog" na mga testimonya ng mga kapatid na tinawag nilang "Voice of the Brethren." Ito raw ang tinig, testimonya, patotoo - ang kanilang EBIDENSIYA sa nagaganap daw ngayon na katiwalian sa Iglesia. Ganito rin ang ginawa ng mga "alipores" ni "Antonio Ebangelista" gaya nina "Kelly Ong" at "Sher Lock" - ang paglalathala ng diumano'y mga "testimonya" o patotoo ng mga kapatid.

SUBALIT, ALAM BA NINYO NA SILA MISMO ANG "NAGBUKING" O "NAGBISTO" SA KANILANG SARILI NA "GAWA-GAWA O FABRICATED LAMANG NILA ANG MGA "EBIDENSIYA" NILANG ITO?

Sa isang  artikulong inilathala ni "Antonio Ebangelista" na may pamagat na “Voice of the Brethren: ‘I AM A.E.’” na inilathala niya sa kaniyang blog noong June 10,2015 ay muling may inilathala siyang “Sulat” daw sa kaniya ng isang diumano’y ministro na sumasang-ayon sa kaniyang “ginagawa.” Narito ang screenshot ng pasimula ng nasabing artikulo:

 Image 01

Dito po ay ipinakikita ng “sumulat” kay Antonio Ebanghelista na siya ay dumalo sa nakaraang Pangkalahatang Pulong ng mga ministro at manggagawa na pinangasiwaan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo (June 9, 2010). Anupa’t ipinakikita lamang dito na ang sumulat ay isang “ministro.”

Ganito  naman nagpakilala sa sarili ang “ministrong” ito na na diumano’y sumulat kay Antonio Ebanghelista:

 Image 02

Dito po ay tuwiran nang nagpakilala ang sumulat kay Antonio Ebangelista na siya'y isang ministro at nagsabi pa na kaisa raw ang kaniyang buong sambahayan at ang lahat ng ministro at manggagawa sa kanilang DISTRITO SA SOUTH sa pagpapanata sa gabi-gabi para raw sa “gawaing" ito ni Antonio Ebanghelista. Sinabi rin niya na “maka-AE” na ang lahat sa kanilang Distrito sa South maliban lamang sa Kalihim ng Distrito.

Ganito nagtapos ang nasabing sulat ng di umano’y “ministro” na sumulat kay Antonio Ebanghelista:

 Image 03

Bilang pagtatapos ay binanggit na ng nasabing “ministro” ang kaniyang pangalan. 
Ang kaniyang pagtatapos ay
“Ka Robert po (Distrito sa Norte)”


TEKA! TEKA! TEKA!

Ang sabi niya kanina ay:
Kaisa nyo po kami at ang aming buong sambahayan sa pagpapanata gabi-gabi para sa Gawaing ito. Sa totoo po Ka AE, lahat po ng Ministro at Manggagawa dito sa aming Distrito sa SOUTH ay Maka-AE na…

Nang ilagda niya ang kaniyang pangalan sa pagtatapos ng kaniyang sulat ay:
“– Ka Robert po (Distrito sa NORTE)

Isang araw na ganito ang pagkaka-post. Subalit, nang marami ang pumansin, agad niyang binago ang KANIYANG PAGKAKAMALING ITO.

Image 04


Nai-ayos man ni "Antonio Ebangelista" ang pagkakamali NIYANG ito, subalit na-sprint screen na ito ng mraming kapatid. Maliwanag na ITINULOT SILA NG DIYOS SA PAGKAKAMALI UPANG MABUNYAG ANG KANILANG PANDARAYA. SAMAKATUWID, MATIBAY PO ANG ATING KATUNAYAN NA FABRICATED LAMANG ANG “SULAT,” 'TESTIMONYA" AT EBIDENSIYA NA SINASABING NASA "BLOG" NI "ANTONIO EBANGELISTA. 





SA MGA "FALLEN ANGELS,"
IYAN BA ANG SINASABI NINYONG "EBIDENSIYA"
SA BLOG NI "ANTONIO EBANGELISTA"?

PANDARAYA IYAN,
HINDI EBIDENSIYA!


7 comments:

  1. nagcomment ako sa FB wall ni Ginoong Antonio ng ganito:

    Madalas akong magbasa ng iyong blog Ginoong Antonio Ebangelista. Mga 5 hours mula ngayon nabasa ko na taga Distrito ng South ang nagpadala ng liham bakit naman napunta sya sa Distrito ng North? Alin po ba ang totoong sulat ng sumulat sa inyo?

    Bakit Ginoong Antonio tinanggal nyo ang tanong ko sa inyo? araw nyo po bang malaman ng mga kapatid na gumagawa lamang kayo ng kwento.

    ReplyDelete
  2. ANTONIO EBANGELISTA or MGA ANTONIO EBANGELISTA BAKIT DI NYO MASAGOT ITONG COMMENT NG ISANG KAPATID SA POST NINYO?

    "Cguro naman po malinaw ang tanung ko. KUNG SAKALI MAN NA MALINIS ANG HANAY NG SANGUNIAN SA GABINETE NG K EVM DAHIL SYA ANG ATING LIDER O TAGAPANGUNA (gagamit na ako ng ganung termino) MA BUBURA PAPO BA ANG DAMAGE NA KUMALAT SA INTERNET ? BAGAMAT ANG KA JS ATIBP . ANG TUWIRANG INAAKUSAHAN NYO PERO HANGANG SA NGAYON AY WALA KAYONG MATIBAY VALIDONG KATIBAYAN NA IPINAKIKITA. HINDI PO BAT ANG KATAWAN ANG NAPINSALA? TANUNG PO ULIT MAKATUWIRAN PO BA AT MAKA KRISTIANO ANG HAKBANG NA ITO? OK ANG PAGMAMATUWID NG NAGMAMALASAKIT DAW SA INC AY HINDI MAKAKARATING SA PAMAMAHALA KAYA SA S.MEDIA DINADAAN. NALIMUTAN NA ATA YUNG ARAL NA kung may usapin sa iglesia idudulog nyo pa ba sa mga d sumasampalAtaya? Naala2 ko yung texto ng ka erdy na ang sabi nyaEH KAPATID MAHIRAP MAKALAPIT DUN MADAMI KANG DADAANAN. ME RED TAPE ............ BAGAMAT HINDI TOTOO YUN ............ EH MGA KAPATID SA PANGINOONG DIOS KA PUMUNTA WALANG RED TAPE DUN.... paliwanag sa texto. SI AE NARIN ANG NAGSABI NA KAHIT NA ..
    nessesary evil .. MASYADO KASING PINAHIRAP ANG SITWASYON EH D BA PEDE PO NMANG GAWIN DERETSAHAN NA O ETO PO ANG MGA EVIDENCE NAMING VALIDO NA C KA GANITO PO AY GANUN . D HINDI NA NAPINSALA YUNG KATAWAN AT INILALAGAY SA KAHIHIYAN. ALIN ANG TUNAY NA PAGMAMALASAKIT? NAIINTINDIHAN KOPO KAYO KUNG HINDI KAYO SANG AYON SA SINABI KO
    ITO NA PO ANG HULING KOMENTO KO M"

    ReplyDelete
  3. Kahit ano pa panini ra ninyo sa sangguni an hindi yan buminta sa Amin dito mga Kapatid sa davao mahal namin si Kapatid EVM at buong katuwang ng tagapamahalang pangkalahatan

    ReplyDelete
  4. I also commented the same thing and even sent a message. They only blocked me. Whenever someone comments or rebuts on ther post or asks a questions that theu cannot asnwer po they will block you and put in ther comments that you make up stories or that you got paid by the Council.

    We hope and pray for blessing for those who continue to defend ther faith. God bless to all!

    ReplyDelete
  5. ANYWAY YOU SLICE IT, CRIME DOESN'T PAY. PROUD TO BE INC.

    ReplyDelete
  6. oh, these guys...the web of lies they weave!
    How can they get unstuck from the sticky web that is now wrapped around themselves!
    Such an irony! What they've done is blasphemy to the highest degree!

    So true that the devil can't be underestimated. Just as little as a pin head crack of doubt in ones heart can be used by the cunning devil to infuse poison to cause a faithful servant of God turn against Him!

    ReplyDelete
  7. Wala akong nabasa sa Biblia na napabuti ang buhay ng mga taong lumaban sa Pamamahala o sa lider na inilagay ng Dios.Goodluck na lang sa inyo fallen angels. Lalo ka na Yuson,mas sinungaling ka pa kay Satanas.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.