Pages

28 August 2015

Ginagawa nga lamang ba ni De Lima ang kaniyang katungkulan?



Samson at De-Leila
Ika-2 bahagi


GINAGAWA NGA LAMANG
BA NI DE LIMA ANG
KANIYANG KATUNGKULAN?

SI DE LIMA, ANG MALACANANG
AT ANG MGA LAW EXPERTS



BAKIT daw nagsasagawa ng pagtutol ang Iglesia Ni Cristo sa naging “aksiyon” ni De Lima gayong ginagawa lamang daw niya ang kaniyang katungkulan? Siyasatin natin:


ANG SABI NI DE LIMA

Ukol sa kaniyang pagtutok sa kaso ni Jun Samson, ang sabi ni De Lima kahapon (August 28, 2015), “Ginagawa ko lang aking katungkulan.” Tandaan natin na si Leila De Lima ay ang Secretary of Justice, ang nangangasiwa sa Department of Justice (DOJ).


ANG PAGTATANGGOL NG MALACANANG

Ngayon (August 28, 2015) ay ipinagtanggol ng Malacanang si De Lima. Ang sabi ng Malacanang, “Ginagawa lamang niya ang kaniyang katungkulan.” Ngunit, tandaan natin na alam ng Malacanang na si De Lima ang kanilang appointed Secretary of Justice, ang nangangasiwa ng Department of Justice (DOJ).


ANG SABI NG MGA LAW EXPERTS

Subalit, hindi sila sinang-ayunan ng mga law experts (mga dalubhasa sa batas) na ganito ang sinasabi ng isa, “Ang kaso ay dapat isampa sa kung saan nangyari ang nasabing “krimen.” Kaya dapat ay sa Quezon City Prosecutor’s Office dapat ang kasong iyan. Totoong may mga kaso na maaaring sa DOJ, subalit ito ay mga kasong national ang scope, controversial, at mga karumal-dumal na krimen lamang gaya nga ng kaso ng Mamasapano na kung saan ay 44 SAF members ang napatay. Ang ipinagtataka ko ay bakit nasa DOJ ang kaso ni Isaias Samson, Jr. at personal pang inaasikaso ni De Lima samantalang ang sabi nga ay ‘ni isang lamok ay walang namatay.’”


ANG TOTOONG KATUNGKULAN NG DOJ

Totoong may mga kaso na maaaring DOJ ang tuwirang umasikaso, ngunit gaya nga ng sinasabi ng mga law experts, ito ang mga kaso na national level, kontrobersiyal at karimarimarim o karumaldumal. KAYA, SEC. LEILA DE LIMA, GINAGAWA MO LAMANG ANG IYONG KATUNGKULAN? BAKIT MAS PINAGTUUNAN MO NG PANSIN ANG “ALLEGED ILLEGAL DETENTION” NA “WALA NI ISANG LAMOK NA NAMATAY” KAYSA SA MALINAW NA “44 COUNTS OF MURDER” NG MAMASAPANO CASE! Nalimutan mo ata na hindi ka “district prosecutor” kundi DOJ secretary? Hindi iyan ang iyong katungkulan, iyan ay dapat sa fiscal o prosecutor, ang katungkulan mo na dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang Mamasapano case!

Obvious ang “motibo” mo!



No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.