Pages

27 August 2015

Explaining Iglesia Ni Cristo Vigil at DOJ (Department of Justice) Building



THE IGLESIA NI CRISTO
facebook.com/TheIglesiaNiCristo
theiglesianicristo.blogspot.com

SI SAMSON AT SI DE-LEILA:
Isang Paglilinaw sa Ginawa
ng Iglesia Ni Cristo na
“Pagkilos” sa harap ng DOJ
(Department of Justice)



ANG isa sa katanungan ng marami, lalo na ng mga hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo, ay bakit daw gumawa ng ganitong “pagkilos” ang Iglesia Ni Cristo na tinututulan ang “aksiyon” na ginagawa ng Department of Justice (DOJ) na pinangungunahan ni Sec. Leila De Lima laban sa Sanggunian ng Iglesia? Ang isa sa pangunahing ipinakikipaglaban ng Iglesia Ni Cristo ay ang kaniyang karapatan, ang tinatawag na “religious freedom.” Ukol sa “religious freedom” ay ganito ang isinasaad ng isang desisyon ng Supreme Court ng Pilipinas:


THE PHILIPPINE SUPREME COURT
ON RELIGIOUS FREEDOM

“The case at bar takes us to a MOST DIFFICULT AREA OF CONSTITUTIONAL LAW WHERE MAN STANDS ACCOUNTABLE TO AN AUTHORITY HIGHER THAN THE STATE. To be held on balance are the states interest and the respondents religious freedom. In this highly sensitive area of law, the task of balancing between authority and liberty is most delicate because to the person invoking religious freedom, the consequences of the case are not only temporal. The task is not made easier by the American origin of our religion clauses and the wealth of U.S. jurisprudence on these clauses for in the United States, there is probably no more intensely controverted area of constitutional interpretation than the religion clauses. The U.S. Supreme Court itself has acknowledged that in this constitutional area, there is considerable internal inconsistency in the opinions of the Court. As stated by a professor of law, (i)t is by now notorious that legal doctrines and judicial decisions in the area of religious freedom are in serious disarray. In perhaps no other area of constitutional law have confusion and inconsistency achieved such undisputed sovereignty. Nevertheless, this thicket is the only path to take to conquer the mountain of a legal problem the case at bar presents. Both the penetrating and panoramic view this climb would provide will largely chart the course of religious freedom in Philippine jurisdiction. That the religious freedom question arose in an administrative case involving only one person does not alter the paramount importance of the question for THE CONSTITUTION COMMANDS THE POSITIVE PROTECTION BY GOVERNMENT OF RELIGIOUS FREEDOM -NOT ONLY FOR A MINORITY, HOWEVER SMALL- NOT ONLY FOR A MAJORITY, HOWEVER LARGE- BUT FOR EACH OF US.”
[Estrada Vs Escritor, Philippine Supreme Court Decision, A.M. No. P-02-1651. August 4, 2003]

Wala pong hangarin ang Iglesia Ni Cristo na ipakita na higit siyang mataas kaysa sa estado, kundi iginigiit lamang ang kaniyang KALAYAAN (“religious freedom”) at KARAPATAN na ipagtanggol ang sarili laban sa anumang panggigipit at pagsikil sa karapatan lalo na ng gobyerno o nasa gobyerno.

Upang ganap na maunawaan ng lahat ang ukol sa ipinakikipaglaban ng Iglesia Ni Cristo, amin pong ipinakikiusap sa lahat na alamin po muna natin ang tunay na pangyayari.


SI SAMSON


Hindi sinasabi ng Iglesia Ni Cristo na hindi dapat makialam ang gobyerno sa Iglesia kahit pa may nalabag na batas. Subalit, sa “kaso” ba ni Jun Samson ay tunay bang may nalabag na batas? Tunay bang may naganap na “Illegal detention”?

Si Isaias (“Jun”) Samson, Jr. ay isang dating kabilang sa Sanggunian ng Iglesia Ni Cristo (Church Advisory Council). Siya ang nangangasiwa noon ng Foreign Department (Overseas Mission Department) ng Central Office. Subalit, siya ay na-demoted, nababa sa mataas na posisyon at naging “tagapangasiwa” na lamang ng babasahing PASUGO. Sa mga hindi nakaka-alam, di hamak po na mas mataas na posisyon ang head ng Foreign Department (na kabilang pa nga siya noon sa Sanggunian) kaysa “editor-in-chief” ng PASUGO (isang seksiyon lamang ng Evangelism Department ng Central Office).

Noong July, 2015, dahil sa matitibay na ebidensiya na siya ay sangkot sa “kilusan” na paghahasik ng pagkakabaha-bahagi sa Iglesia, siya ay sinuspinde. Dahil dito, sinabihan siya na manatili siya at ang kaniyang sambahayan sa kanilang tahanan habang sinisiyasat ang kaniyang kaso at hintayin ang pasiya ng Tagapamahalang Pangkalahatan ukol sa kaniya. Hindi na siya naghintay na matapos ang pagsisiyasat at makapagpasiya ang Pamamahala. Siya ay “tumakas.” Nagtago siya at ang kaniyang pamilya na nag-upload ng ilang video sa Youtube at nagpa-interview sa media. Nitong huli ay muli siyang lumitaw, kasama ang kaniyang mag-ina, at muling nagpa-inteview sa media. Pagkatapos ay “pumutok” ang balita na tinulungan siya ng DOJ na magsampa ng kaso na “illegal detention” laban sa mga miembro ng Sanggunian.

Kitang-kita naman ang pagsisinungaling ni Jun Samson na sila daw ng kaniyang pamilya ay “illegally detained”: (1) noong araw na sinuspinde na siya ng Pamunuan ng Iglesia Ni Cristo, noong gabi ay malaya siyang nagtungo sa tahanan ng kaniyang kasamahan sa opisina na si “Ka Celing” na nagsabing siya ay sinuspinde na at nakipagkuwentuhan pa si Jun sa kaniya; at (2) ang sinabi niya mismo na kaya daw sila “nakatakas” ay dahil daw sinabi niya sa guardia na siya at ang kaniyang asawa at anak ay sasamba ay nagpapakita nga na siya nga ay nagsisinungaling.

Sa hindi nakaka-alam, ang dako na kinaroronan ng tahanan ni Jun Samson ay wala sa loob ng Central Office complex at hindi katabing-katabi ng Templo Central kundi may humigit-kumulang isang kilometro ring lakarin (na babagtasin pa ang Tandang Sora Avenue at Commonwealth Avenue para marating ang Templo Central).  Kung totoo na siya ay “illegally detained,” bakit sila pinayagan ng guardia na lumabas ng compound at maglakad na walang escort o bantay para sumamba (magtungo sa Templo Central)?

Ang Iglesia ay may ipinatutupad na disiplina sa mga ministro. Ang pagsuspinde at ang pananatili sa tahanan habang sinisiyasat ang kaso at naghihintay ng pasiya ng Pamamahala ng Iglesia ay isang karaniwang kalakaran at hindi maituturing na “illegal detention.” Alangan namang ipagtabuyan agad-agad sa tinatahanan kung sinisiyasat pa ang kaso? Alam na alam iyan ng buong Iglesia na maghihintay ka muna sa iyong tahanan na suspindido sa iyong mga gampanin at pananagutan habang naghihintay na matapos ang pagsisiysat at makapaglapat ng pasiya ang Pamamahala sa kaniyang kaso.

Bilang dating kabilang sa Sanggunian at ministro, maraming nakitang ganitong sitwasyon noon si Jun Samson, ngunit hindi niya tinignan at isinigaw na “illegal detention.” Ngayon siya ang nagka-kaso ay sumisigaw siya ng “illegal detention.” Kaya dito ay kitang-kita natin ang “buktot” na layunin ni Samson sa pagsasampa ng kaso laban sa Sanggunian.


SI LEILA DE LIMA

Masyadong binigyan ni Sec. De Lima ng “special treatment” ang dating ministro na ngayon ay tiwalag na sa Iglesia Ni Cristo na si Jun Samson. Siya mismo ang gumagabay sa pagsasampa ng kaso ni Samson laban sa Sanggunian ng Iglesia Ni Cristo. Kapansin-pansin ang kaniyang pagiging “bias” sa isyung ito. Ang kaso ng “Mamasapano” kung saan ay 44 na mga miembro ng SAF ang napatay ay hindi nagbigay si De Lima ng “special treatment” dito na gaya ng ibinigay niya sa kaso ni Jun Samson kung saan ni “isang lamok ay walang namatay.”

Sabi ni De Lima ay ginagawa lamang daw niya ang kaniyang katungkulan. Ginagawa lamang ang katungkulan? MAS PINAGTUUNAN NI DE LIMA NG PANSIN ANG “ALLEGED ILLEGAL DETENTION” KAYSA SA MALINAW NA “44 COUNTS OF MURDER”!

Tandaan na balitang-balita na kakandidato siya sa pagka-Senador sa darating na 2016 eleksiyon. Subalit, naging “batik” sa kaniya ang kaso ng “SAF 44 massacre” sapagkat pagkalipas ng ilang buwan ay wala ni isa mang nakasuhan sa malagim na krimen na nagbunga ng pagkamatay ng 44 na magigiting na mga alagad ng batas. Dagdag pa ang maraming mga mabibigat na kaso na hindi pa rin nabibigyan ng hustisya. Kapansin-pansin din na idineklara na ni Pangulong P-Noy na ang kanilang “pambato” sa 2016 presidential election ay si Sec. Mar Roxas. Subalit, si Mar ang “pinaka-kulelat” sa mga survey.

Nang pumutok ang paghihimagsik ng mga “Fallen Angels” noong Hulyo, 2015, inakala nila na hihingi ng tulong sa kanila ang Iglesia. Subalit, sila’y nabigo. Ang paghingi sana ng tulong ng Iglesia ang “pag-asa” nila para maisiguro ang pagsuporta ng Iglesia kay Mar Roxas sa 2016 election. Kilalang-kilala kasi ang Iglesia Ni Cristo na ganap na nagkakaisa sa pagboto.

Ang “Fallen Angels rebellion” naman kasi ay nababatid ng buong Iglesia sa pasimula pa lamang ay ganap na mabibigo sapagkat pinangungunahan ng mga “tiwalag” (ang mga kapatid ay hindi sumusunod sa mga tiwalag) at nais lamang maghasik ng pagkakabahabahagi (matibay kasi ang aral ng Iglesia ukol sa ganap na pagkakaisa kaya laban ang lahat sa anuman o sinuman na maghahasik ng pagkakabahabahagi o sisira sa kaisahan ng Iglesia). Gaya ng ating nakita, sa kabila na sinakyan ng media ang isyung ito ay “bigong-bigo” ang mga “Fallen Angels.” Bigong-bigo rin ang malacanang na lalapit at hihingi ng tulong sa kanila ang Iglesia.

Sa pamamagitan nga naman ng pagsasampa ng kaso laban sa Sanggunian ay “baka” humingi na ng tulong ang Iglesia sa Malacanang, at kung hindi man ay iniisip nilang “masisira” ang Iglesia, sa ganon ay hindi pakikinabangan ng mga karibal na kandidato sa 2016 election. Subalit, dito man ay mabibigo sila. Hindi hihingi ng tulong sa kanila ang Iglesia at lalong hindi nila masisira ang Iglesia. Sa nakikita natin ngayon na “vigil” sa harap ng DOJ ay SOLIDONG-SOLIDO PA RIN ANG KAISAHAN (“UNITY”) NG BUONG IGLESIA. Marahil ay naniwala sila sa “mga tiwalag” na diumano’y “hati” na ang Iglesia, na “marami” nang kakampi ang mga Fallen Angels. Hindi ba nila nakita na 15 lang nagtungo sa “vigil” ng mga Fallen Angels noong Hulyo, 2015?

ANG BUONG IGLESIA NI CRISTO AY SOLIDO PA RIN
AT GANAP PARING NAGKAKAISA!

Sa mga pulitiko na nasa likod ng pakikipagsabwatan sa mga tiwalag upang magsampa ng kaso laban sa Iglesia at sa kanilang mga kaalyado sa pulitika, sa palagay ba ninyo sa ginagawa ninyong ito ay makukuha pa ninyo ang suporta ng Iglesia sa darating na eleksiyon? WRONG MOVE mga pulitiko. BUONG-BUO PA RIN ANG KAISAHAN NG IGLESIA NI CRISTO.

Sa mga tiwalag na patuloy na naghahangad na masira ang Pamamahala ng Iglesia, sa palagay ba ninyo kung makasuhan at makulong pa ang Sanggunian ay makukuha na ninyo ang simpatya ng mga kapatid at kakampi na kami sa inyo? Iniisip ba ninyo na dahil sa pagsampa ng kaso sa Sanggunian ay napatunayan ninyo na sila ang masama at kayo ang mabuti? WRONG MOVE mga Fallen Angels (mga tiwalag). Noong Hulyo, 2015 ay nakadama ng awa at lungkot ang mga kapatid dahil sa inyo, SUBALIT SA GINAWA NINYONG ITO AY MALINAW NA IPINAKITA NINYO ANG INYONG “BUKTOT” NA HANGARIN AT ANG TUNAY NINYONG KULAY ANG HANGAD NINYO AY MASIRA ANG IGLESIA AT ANG PAMAMAHALA NG KAPATID NA EDUARDO V. MANALO. PAGKATAPOS NG PANGYAYARING ITO, TIYAK NA TIYAK NA GANAP NANG WALANG MANINIWALA SA INYO.


THE IGLESIA NI CRISTO
facebook.com/TheIglesiaNiCristo
theiglesianicristo.blogspot.com


16 comments:

  1. Ang Iglesia ay patuloy na magkakaisa.

    ReplyDelete
  2. Mula sa Distrito ng Palawan North, Mabuhay Ang Iglesia Ni Cristo.

    ReplyDelete
  3. Yung salaysay po ni Mang Samson na nagpaalam siyang sumamba kaya siya nakatakas ay isang malaking KATUNAYANG hindi siya ILLEGALLY DETAINED noong panahong sinisiyasat sya. At ang patuloy niyang pagkilos ngayon laban sa pamamahala (o sa Iglesia sa kabuuan) ay KATUNAYAN DIN NG KANIYANG PAGIGING MALAYA at malayo sa panganib.

    ReplyDelete
  4. Buhay ko man ay hilingin, aking ibibigay..........


    #akoayIglesiaNiCristohanggangwakas

    ReplyDelete
  5. Sa ginagawa ng mga namumuno sa gobyerno at pakikipagsabwatan sa mga itiniwalag sa Iglesia ay mararamdaman nila ang napakalaking kamalian na ginawa nila. Ginalaw nila ang mga napakaraming mga nanahimik na kapatid at itinulak nila upang lumabas sa kalye at gamitin at ipaglaban ang karapatan bilang mga mamamayan at mga kaanib sa INC. Hindi kami papayag sa gusto ng sinuman na ang INC ay gipitin o wasakin

    ReplyDelete
  6. Ngayon naunawaan ko na ang tungkol kay isIas samson salamat po.un na kang po partisipasyon ng ka tenny ang di ko maunwaan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ngupload po kc cla ng video sa utube.at cnsabi nsa panganib cla.smantala nsa abroad po c ka tenny dat time.gumagawa po ng labag sa inc c angel manalo.ang gusto po kc nla mangyari cla ang mamahala sa inc.mga pansarili interes po.hnd po pwd un dhil ang inc hnd family institution kundi relihiyon.d tulad po s politika.tnx

      Delete
  7. Mahal daw nila ang iglesia eh bakit iglesia ang kinakalaban nila.kaya lumalabas lamang na may interest silang pakialaman ang pamamahala sa loob ng iglesia

    ReplyDelete
  8. Ako'y Iglesia Ni Cristo hanggang wakas. Magpakatatag po tayo mga kapatid
    kapatid.

    ReplyDelete
  9. Talagang ang Ama ay mabuti..ihahayag nya ang mga taong nasa loob na pero may masamang hangarin. #iamsolidinc #iamproudinc

    ReplyDelete
  10. Nakakita ang kaaway ng taong magagamit pra wasakin ang Iglesia ngunit ang Diyos ay napakabuti. Talagang ihahayag nya ang mga taong may masamang hangarin kahit pa sinasabi nilang sila ay concern sa kapakanan ng Iglesia. Nangyayari na ang sinabi sa bible na marami ang tinawag ngunit kakaunti ang maliligtas. I am a proud INC member hanggang wakas. Patnubayan tayo ng Ama na makapanatili hanggang wakas.

    ReplyDelete
  11. Laban Lang mga kapatid :)
    Iglesia Ni Cristo po tayo kahit anong mangyari.

    ReplyDelete
  12. Sabi ni ka Erdy noong mga panahon nya," humanay na kayo kung saan kayo hahanay sa pagpapakabuti? o sa pagpapakasama? kung piliin mo ang pagpapakabuti, ay humanay ka sa mga maliligtas. kung hahanay ka sa mga maliligtas ay sumunod ka sa lahat ng mga kautusan na itinuturo ng banal na kasulatan sa loob ng Iglesia , wala kang pipiliin kahit isa". Kaya ako at ang aking Sambahayan dito kami sa maliligtas at lubusang susunod kahit ano ang mangyari, at kahit ano man ang dumating sa aming buhay.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.