Pages

11 July 2016

SAGOT SA TANONG: Bakit natin natitiyak na si Ka EVM ang "legal successor" ni Ka Erdy bilang TP?



Sagot sa mga Tanong, Paratang at Paninira
sa Iglesia Ni Cristo
PART 14

SI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ANG
“LEGAL SUCESSOR” (“LEGAL NA KAHALILI”)



TANONG:

“Sino ang tunay na 'legal successor' ni KAPATID NA ERANO G. MANALO bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO? May matibay bang basehan ang pagtutol ng mga tiwalag ngayon na kumakalaban sa PAMAMAHALA NG IGLESIA na si KAPATID NA DUARDO V. MANALO ang legal na kahalili ni KA ERDY bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN? Bakit natin natitiyak na si K EDUARDO ang tunay na 'legal successor' ni KA ERDY bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN?”


SAGOT:

Tinatanggap ng buong IGLESIA NI CRISTO na si KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ang tunay at legal na kahalili ni KAPATID NA ERANO G. MANALO bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN at tanging ang mga tiwalag ngayon na kumakalaban sa PAMAMAHALA NG IGLESIA ang tumututol dito at bumangon lamang sila upang ito’y tutulan noon lamang 2015, anim na taon mula nang humalili si KA EDUARDO kay KA ERDY.

Alamin muna natin ang kahulugan ng terminong “legal successor.” Kapag sinabi nating “legal successor” ay ganito ang pakahulugan na ibinibigay ng talatinigan (diksiyunaryo):

legal successor (ˈliːɡəl səkˈsɛsə)
Definitions
noun
1.    a person or thing that legally follows, esp a person who succeeds another in an office     The legal successor in the royal line of Wessex, when Edward the Confessor died childless, was Edmund Ironside's grandson Edgar Atheling.,     The US argues that under the terms of the non-proliferation treaty, only Russia, as the legal successor to the Soviet Union, has the right to be a nuclear weapons state.

Nang pumanaw si KAPATID NA FELIX Y. MANALO noong Abril 12, 1963 na ipinagluksa ng buong IGLESIA, sino ang “legal successor” niya bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO? Ang KAPATID NA ERAÑO G. MANALO. Noong humalili si KAPATID NA ERANO G. MANALO kay KAPATID NA FELIX Y. MANALO bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN noong Abril 23, 1963 (ang araw na inilibing ang labi ni KAPATID NA FELIX Y. MANALO) ay kinilala at mula noon ay ipinagdiriwang na ang petsang Abril 23 bilang anibersaryo ng pagiging TAGAPAMAHALANG PANGKAHALATAN ni KAPATID NA ERAÑO G. MANALO.

Nang pumanaw ang KAPATID NA ERANO G. MANALO noong Agosto 31, 2009 na ipinagluksa rin ng buong Iglesia, sino ang “legal successor” niya (ang legal na humaliling TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN lay KA ERDY)? Hindi matututulan na si KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ang humalili kay KA ERDY bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ng IGLESIA NI CRISTO noong Setyembre 7, 2009 (ang petsa rin ng paglilibing sa labi ni KAPATID NA ERAÑO G. MANALO). Mula noong 2009 ay ipinagdiriwang na ng buong IGLESIA ang petsang Setyembre 7 bilang aibersaryo ng pagiging TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN  ni KA EDUARDO.

Nang humalili si KA EDUARDO bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ay siya noon ang PANGALAWANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN at siya rin ang nahalal noong 1994 bilang ang hahalili na TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN sa pagpanaw ni KA ERDY. Tunay na kahit ang pag-usapan ay legalidad ay si KA EDUARDO ang lehitimong “legal successor”.

Pansinin din natin ang katotohanan na maluwag at mapayapang tinanggap ng buong Iglesia ang paghalili ni KAPATID NA EDUARDO V. MANALO bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Siya ang kinilala ng lahat bilang “legal successor” ng KA ERDY.  

Ang totoo ay MAGING ANG MGA TIWALAG NGAYON NA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA NG IGLESIA AY NOONG HINDI PA SILA NATITIWALAG (O SA LOOB NG ANIM NA TAON, 2009-2015) AY TINATANGGAP AT KINIKILALA NILA SI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO BILANG ANG LEHITIMONG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NG IGLESIA NI CRISTO.

Sa “SULAT” ito na may lagda mismo nina Angel at Marc ay MALIWANAG na tinatawag at kinikilala nila noon ang KAPATID NA EDUARDO V. MANALO bilang ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NG IGLESIA NI CRISTO:
 
Image 01

Noong nasa IGLESIA pa sila at nasa karapatan ay hindi nila kinukuwestiyon at tinututulan ang karapatan ni KAPATID NA EDUARDO V. MANALO, bagkus ay tinatanggap nila at kinikilala na ang KA EDUARDO ang lehitimong TAGAPAMAHALANG PANGKALATAN ng IGLESIA NI CRISTO.

Ang dapat bigyan ng malaking pansin sapagkat nagbibigay ng malaking pag-aalinlangan sa “layunin” ng mga tiwalag ngayon sa pagkuwestiyon sa legalidad at pagiging lehitimong TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ng KA EDUARDO ay ang katotohanan na noon lamang 2015 (anim na taon mula nang mamatay ang KAPATID NA ERANO G. MANALO at humalili sa kaniya ang KA EDUARDO bilang TP) at noon lamang NATIWALAG “sila” nang lumabas mula sa kampo nila ang pagtutol sa pagiging TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ni KA EDUARDO. Kaya, tunay na kaduda-duda ang kanilang “layunin” sa pagkuwestiyon sa karapatan ng KA EDUARDO.


KONKLUSYON

Matibay ang katunayan na si KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ang “legal successor” ni KAPATID NA ERANO G. MANALO bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Siya ang nahalal noong 1994 bilang hahalili kay KA ERDY na TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN; siya ang naging PANGALAWANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ni KA ERDY noong siya ay nabubuhay pa; pinatutunayan ng kasaysayan na si KA EDUARDO ang humalili kay KA ERDY nang pumanaw ang huli noong 2009; si KA EDUARDO ang tumupad ng tungkuling TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN pagpanaw ng KA ERDY; at TANGGAP NG BUONG IGLESIA at kinikilala ng LAHAT (maging ng mga tiwalag ngayon noong sila’y nasa karapatan pa) na si KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ang “legal successor” ni KAPATID NA ERANO G. MANALO bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NG IGLESIA NI CRISTO.

Sa kabilang dako, walang maipakitang “konkretong katibayan” ang mga nagsasabing hindi si KA EDUARDO ang “legal successor” bagkus ay mga “kuwento” lang na mula rin sa mga tiwalag. Tunay pang kaduda-duda ang kanilang “layunin” dahil noong nasa karapatan pa ay kinikilala nila ang karapatan ng KA EDURADO, ngunit nang matiwalag na ay saka lamang “kinuwestiyon” ang legalidad ng paghalili ni KA EDUARDO bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, anim na taon pa mula nang pumanaw ang KA ERDY at humalili si KA EDUARDO bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.


THE IGLESIA NI CRISTO
Facebook.com/TheIglesiaNiCristo     theiglesianicristo.blogspot.com

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.