tag:blogger.com,1999:blog-6734836293362478255.post205450304288765481..comments2024-01-06T22:27:52.224-08:00Comments on THE IGLESIA NI CRISTO: SINO ANG NAGSISINUNGALING AT SINO ANG NAGSASABI NG TOTOO? More on Alleged Tax Evasion Case of INC in JapanPristine Truthhttp://www.blogger.com/profile/07125182175526475286noreply@blogger.comBlogger4125tag:blogger.com,1999:blog-6734836293362478255.post-26205650110652671022015-05-28T23:48:22.935-07:002015-05-28T23:48:22.935-07:00basta ako pantag ako sa aking pagka inc basta ako pantag ako sa aking pagka inc summerboyhttps://www.blogger.com/profile/17849149819754601289noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-6734836293362478255.post-27036978617020218072015-05-28T14:32:43.731-07:002015-05-28T14:32:43.731-07:00Isang pang punto, hindi malinaw kung ano ang pinup...Isang pang punto, hindi malinaw kung ano ang pinupunto ni Antonio Ebanghelista. Bakit? Sa tuwing gumagawa siya ng artikulo ay hindi niya matumbok ang gusto niyang tumbukin. Gumagamit at gumagawa siya ng ibang isyu para lituhin ang kaniyang mga mambabasa. Una, sinabi niyang may tax evasion case ang Iglesia Ni Cristo. Pangalawa, gumawa siya ng isyu tungkol sa income tax ng mga ministro sa ibang bansa. Panghuli, gumawa siya ng kuwento na may babayaran daw ang kapatid sa Japan para sa properties ng Iglesia. Hindi po ba ito sapat na dahilan para sabihing hindi makatotohanan ang ipinaparatang ni Antonio Ebanghelista? Hindi po ba sapat na dahilan ang paggawa at pagdagdag niya ng isyu para ilihis tayo sa katotohanan? Sinasabi niyang hindi siya lumalaban sa Tagapamahalang Pangkalahat, laban siya sa katiwalian ng mga nakapaligid sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Bakit ito ngayon ang tema ng mga kaaway? Dahil hindi nagtagumpay ang mga lumaban sa Sugo at sa Ka Erdy noong sila ay nabubuhay pa kaya ang tema naman ngayon ng mga kaaway ay may katiwalian daw sa mga nakapaligid sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Ginagamit pa ng mga kaaway ang mismong mga turo ng Sugo at ng Ka Erdy. Hindi ba't ang mga ititunuturong mga aral at salita ng Dios sa panahon ng Sugo at ng Ka Erdy ay siya ring itinuturo ng kasalukuyang Pamamahala - walang dagdag, walang bawas? Hindi ba't patuloy na pinagsisikapan ng Pamamahala na dalhin ang banal na Iglesia sa kasakdalan samantalang habang naglalakbay tayo sa katuwiran at kadiliman ay may mga alagad ng diablo na binabaluktot ang katotohanan? Walang ibang hangad ang Pamamahala kundi ang kabutihan para sa buong Iglesia at sa lahat ng mga hinirang ng Dios. Kung may kumakalaban man sa Iglesia, kung may katiwalian man sa loob ng Iglesia, hindi papayag ang Tagapamahalang Pangkalahatan na masira ang pagkakaisa at banal na layunin ng Iglesia. Hindi ba't hayag na hayag puro kasinungalingan ang inilalathala ni Antonio Ebanghelista at ginagamit pa ang mga salitang 'may tungkulin,' 'pangulong diakono,' 'ministro' upang kilalanin silang 'kakampi ng Tagapamahalang Pangkalahatan at mga kapatid'? Isang bagay na dapat nating maunawaan - ginagamit at pinapasok nila ang Iglesia Ni Cristo upang sirain ang pagkakaisa. Tingnan natin kung makatatagal sila sa kanilang ginagawa. Tingnan natin kung makapagtatagumpay sila. Ngayon pa lang, alam na natin ang sagot - magpapatuloy ang Iglesia na magniningning habang lumalapit ang Araw ng Paghuhukom. Ngayon pa lang alam na natin ang sagot - silang mga kaaway ang hindi maliligtas. Kailanman, walang pagsubok na pinagdaanan ng Iglesia Ni Cristo na hindi nito napagtagumpayan dahil ito ay TUNAY at ang Panginoong Dios ang Siyang totoong gumagabay.voicepointshttps://www.blogger.com/profile/09622204991928872038noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-6734836293362478255.post-39596537116151997262015-05-28T13:06:14.140-07:002015-05-28T13:06:14.140-07:00Ang mga paratang ni Antonio Ebanghelista ay hindi ...Ang mga paratang ni Antonio Ebanghelista ay hindi makatotohanan dahil unang-una hindi niya inilathala ang tunay na eksena. Ang unang punto ko, tama po, TAX EXEMPT ang lahat nga mga religiuos organizations sa Japan. Walang buwis na kokolektahin. Kung meron man, yon ay ang mga bagay na walang kinalaman sa isang relihiyon. Pangalawa, hindi po malaking isyu ang paglipat ng mga titulo sa Iglesia Ni Cristo mula sa mga kapatid natin. Ang mga inilathala ni Antonio Ebanghelista ay pagbaluktot sa katotohanan upang galitan ang mga kapatid at akayin sila upang kumampi sa kanila at upang ihiya ang Iglesia at ang Pamamahala NGUNIT HINDI SILA NAGTAGUMPAY dahil sa nasa bawat isang kapatid pa rin ang matibay na pananampalataya GALING SA DIOS - isang bagay na wala sa kanila. Bakit ko po nasabing pagbaluktot sa katotohanan? Hindi po tax penalties o surcharges ang babayaran ng Iglesia o ng mga kapatid. Wala po kakaharaping tax evasion ang Iglesia Ni Cristo. Sinisinop ng Pamamahala ang pananalapi ng Iglesia ng MABUTI (at sa Iglesia Ni Cristo lamang ito makikita, wala ito sa ibang relihiyon) at hindi nila hinahayaan na may bagay na pipinsala sa ating paglilingkod sa Dios. Binabaluktot ang katotohanan. Bakit? Ang property taxes at transfer tax ay hindi isang malaking bagay o isyu. Marahil ay hindi alam ni Antonio Ebanghelista ang property at transfer taxes kaya GINAWA NIYANG TAX EVASION CASE ang isyu. Inuulit ko po. Walang tax evasion case ang kakaharapin ng Iglesia o ng sinuman. Magbabayad lamang po ang Iglesia ng property tax na nakapangalan sa mga kapatid at transfer tax upang mailipat ang titulo sa Iglesia Ni Cristo. Sana po ay mapansin ninyo na gumagawa lamang ng kuwento at inililihis tayo ni Antonio Ebanghelista sa katotohanan. Malinaw na tisod ang Antonio Ebanghelista ukol sa pananalapi sa loob ng Iglesia. Bakit? Puro paninira at paggawa ng kuwento ang kanilang inilalathala - walang kabuluhan at ebidensya. Inuulit ko po, HINDI KAILANMAN KAYANG AGAWIN AT AKAYIN NG DIABLO SA KADILIMAN ANG MAY MATATAG NA PANANAMPALATAYA SA DIOS ANG ISANG TUNAY NA KAANIB SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO. Silang mga kumakalaban sa bayan ng Dios ay silang nilayuan ng banal na Espiritu Santo, silang itinakwil ng pag-ibig ng Dios, silang mga sangang bulok, silang mga bahagi ng katawan na kailangang tanggalin upang hindi kumalat ang sakit, silang walang pananampalataya, silang walang matibay na saligan at pundasyon. Salamat sa Dios, nasa atin pa rin ang TUNAY na pananampalataya MULA SA KANIYA, nasa loob pa tayo ng TUNAY na Iglesia Ni Cristo, kakampi natin ang TUNAY na Tagapamahalang Pangkalahatan. voicepointshttps://www.blogger.com/profile/09622204991928872038noreply@blogger.comtag:blogger.com,1999:blog-6734836293362478255.post-53526873166900011952015-05-28T09:42:00.629-07:002015-05-28T09:42:00.629-07:00Maraming maraming salamat po kapatid at binibigyan...Maraming maraming salamat po kapatid at binibigyang linaw po ninyo lahat ng mga pagpapalabong ginagawa ng mga taong kumakalaban at pawang sinisiraan ang Iglesiya at ang pamamahala. Sana po ay huwag kayong magsawang magbigay pa ng mas maraming artikulo hindi lamang sa mga isyu patungkol sa sinasabi niyang tax evasion case kundi maging sa iba pa niyang pahayag sa kaniyang pahayagan. Sana rin po ay magkaroon ng english translation ang lahat ng inyong mga artikulo upang mas lalong mapalawak ang abot ng inyong blogsite at maituwid ang iba pa nating kapatid na banyaga na nagawang tisurin ng mga kumakalaban sa Iglesiya. Maraming salamat po.Anonymoushttps://www.blogger.com/profile/07604581154440824337noreply@blogger.com