Pages

08 July 2019

Bakit si Cristo ay tinawag na "Alpha at Omega"?


“ALPHA AT OMEGA”



Roberto Lipang ASK KO LANG PO SABI NG MGA PARESEYO KAY HESUS NA IPINAPANTAY NIYA ANG KANYANG SARILI SA DIYOS KALAPASTANGANAN ANG GINAGAWA NIYA SA AKLAT NG PAHAYAG SABI NI HESUS KAY JUAN "AKO ANG ALPHA AT ANG OMEGA" NA GANOON DIN ANG AMANG DIYOS KALAPASTANGANAN BA ANG SINABI NI HESUS KAY JUAN”

SAGOT:

Hindi ito paglapastangan sa Diyos sapagkat nang sabihin ni Cristo na Siya ang “alpha at omega” (una at huli) ay hindi ito nangangahulugang nakikipantay Siya sa Diyos sapagkat IBA ANG PAGKA-UNA AT HULI NI CRISTO SA PAGKA-UNA AT HULI NG DIYOS.


Hayaan natin Biblia ang magpaliwanag at huwag tayong magbigay ng anumang opinyon. Ang Diyos ay “una” sapagkat sa Kaniya nagmula ang lahat ng bagay (I Corinto 8:6), o Siya ang “Lumikha ng lahat ng bagay” (I Cor. 8:6 MB), at “huli” sapagkat Siya ang nagtakda ng Araw ng Pahuhukom (Gawa 17:31), na siyang araw ng katapusan ng mundo (Mat. 24:3). Samantalang ang Panginoong Jesucristo ang Kaniyang pagiging”una” (alpha) ay sapagkat Siya ang “panganay sa lahat ng mga nilalang” (Col 1:15). Pansinin na na ipinakita din sa Colosas 1:15 ang malaking kaibahan ng Diyos at ni Cristo: ang Diyos ang LUMALANG ng lahat ng bagay” samantalang si Cristo ang “panganay sa lahat ng NILALANG.” Di lamang iyan, tinawag din si Cristo na “panganay sa binuhay na mag-uli” (Col. 1:18), o “una sa binuhay na mag-uli (Col. 1:18 NPV). Bakit naman si Cristo ay “huli” (omega)?

“Sapagkat itinakda na niya ang araw ng paghuhukom sa sanlibutan at ito'y buong katarungan niyang gagawin sa pamamagitan ng kanyang hinirang.  Pinatunayan niya ito sa lahat, nang buhayin niyang muli ang taong iyon!” (Gawa 17:31 MB)

Napansin ba ninyo ang sinabi sa talata? Ang Diyos ang nagtakda ng Paghuhukom o ng katapusan ng sanlibutan at may gagamitin siyang kasangkapan sa pagsasagawa nito, ang Panginoong Jesucristo. Tinawag si Cristo sa talata na “hinirang” ng Diyos at pinatunayan ng talata na Siya ay tao, ang sabi ng talata, “nang buhayin niyang muli ang TAONG iyon!”

SAMAKATUWID, ang Diyos ang “una” sapagkat Siya ang lumikha ng lahat ng bagay, ang Manlalalang, samantalang si Cristo ay “una” sapagkat Siya ang “panganay sa mga nilalang,” “panganay sa mga binuhay na mag-uli” sa buhay na walang hanggan. Ang Diyos ay “huli” sapagkat Siya ang nagtakda ng Paghuhukom, ang katapusan ng sanlibutan, at si Cristo ay “huli” sapagkat Siya ang TAO na kakasangkapanin ng Diyos sa paghuhukom sa buong sanlibutan. ITO PO ANG SAGOT AT PALIWANAG NG BANAL NA KASULATAN.

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.