AE…REMEMBER ME?
(HOW PRISTINE TRUTH PUT YOU IN BIG SHAME)
part 09
Mula noong Abril 1, 2016 ay
inire-repost po namin ang mga naging sagutan nina “Antonio Ebangelista” at
“Pristine Truth” noong 2015 upang ipaala-ala kay AE, at sa kaniyang mga
napapaniwala, at upang malaman ng madla na noon pa ay sinagot na si AE sa
kaniyang mga paratang laban sa Iglesia at KUNG PAPAANO SIYA NALAGAY SA MALAKING
KAHIHIYAN.
AE, REMEMBER
THIS
Naglathala noon si “Antonio Ebangelista” sa kaniyang
blog na may pamagat na “The Fort Victoria Anomaly”. Noon ay
paniwalang-paniwala ang mga “tagasunod” ni “AE” na ito raw ang “pinakamalakas”
nilang katibayan na may “anomalya” ngayon sa Iglesia. Subalit, nang ito ay
sagutin ni Pristine Truth noong June 10, 2015, ay “binitawan” na nila ito at
bahagyang-bahagya na lamang na kanilang mabanggit ngayon sapagkat nang tingnan
nating mabuti ang “ebidensiya” (ang “license to sell”) na si Antonio
Ebangelista rin ang naglabas sa kaniyang nasabing artikulo, ito rin mismo ang nagpatunay na
walang kinalaman ang Ka Eduardo at ang Sanggunian ukol sa pagtatayo nito at sa
“balak” na pagbebenta ng “high end” na condo na ito, kundi ang mga taong nasa
likod mismo ng “Antonio Ebangelista.”
_________________
FORT
VICTORIA ANOMALY?
First posted last 10 June 2015
BAGAMAT
marami na tayong
nasagot sa paratang ng mga Kumakalaban sa Pamamahala at isang
katotohanan na
wala silang anumang response sa lahat ng ating nailathalang sagot,
maliban sa
sagot po natin sa diumano’y Tax Evasion Case ng INC sa Japan, subalit
ang kanilang response dito ay lalo lang po na napatunayan na ang mga
kumakalaban sa Pamamahala ay
nagsisinungaling, at dahil po sa malaking kahihiyan ay gumawa uli ng
response,
subalit lalo lang po siyang nalugmok sa kahihiyan sa kaniyang ikatlong
artikulo
ukol sa diumano’y Tax Evasion Case ng INC sa Japan.
Talakayin po natin ngayon ang
sinasabi nilang “pinakamatibay daw nilang ebidensiya ukol sa pagkakaroon ng anomalya
sa Pananalapi ng Iglesia” na ito po ang tinawag nilang “Fort Victoria anomaly.”
ANG “FORT VICTORIA”
Ang Fort Victoria ay isang “exclusive
high-end Condominium na nasa 5th Avenue corner Rizal Drive, Global City, Taguig
City (Fort Bonifacio) na naka-pangalan sa Iglesia Ni Cristo. Gaano ito kalaki? Ang
Kumakalaban sa Pamamahala rin ang may pahayag na:
“Ang
INC ang nagmamay-ari ng buong FORT VICTORIA CONDOMINIUM na mayroong
ibinebentang High-End na 1,094 Residential Condo Units, 20 High End Commercial
Units, 1,179 Parking Spaces.” [Antonio Ebanghelista, “IGLESIA NI CRISTO + SAN
JOSE BUILDERS = FORT VICTORIA ANOMALY (HIGH-END CONDOMINIUM)” 14 May 2015]
Bakit raw ito anomalya? Una,
ang pagmamay-ari daw ng Iglesia Ni Cristo ng condiminium ay isa ng anomalya:
“Wala
ba talagang ANOMALYA kung ang nagmamay-ari ng isang Exclusive High-End
Condominium sa 5th Avenue corner Rizal Drive, Global City, Taguig City (Fort
Bonifacio) ay ang IGLESIA NI CRISTO. At ito ay naka-Joint Venture sa San Jose
Builders Inc.” [Antonio Ebanghelista, “IGLESIA NI CRISTO + SAN JOSE BUILDERS =
FORT VICTORIA ANOMALY (HIGH-END CONDOMINIUM)” 14 May 2015]
Ikalawa, isang anomlya daw na ang
religious institution na non-commercial at non-profit organization ay “makipag-joint
venture” sa isang commercial at profit-making company:
“Wala
nga ba talagang anomalya kapag ang isang Religious Institution na
non-commercial at non-profit organization ay makipag- JOINT VENTURE sa isang
COMMERCIAL and PROFIT-MAKING COMPANY gaya ng SAN JOSE BUILDERS?” [Antonio
Ebanghelista, “IGLESIA NI CRISTO + SAN JOSE BUILDERS = FORT VICTORIA ANOMALY
(HIGH-END CONDOMINIUM)” 14 May 2015]
Gumawa muna tayo ng paglilinaw sa dalawang isyu na ito: (1) May anomalya ba kung mag-ari ang Iglesia ng mga condo? at (2) Anomalya ba kung ang Iglesia ay makipagkontrata sa isang construction firm o profit-making company sa pagpapatayo ng isang gusali? Pagkatapos nito ay saka natin sagutin ang ukol sa "Fort Victoria anomaly".
MAY ANOMALYA
BA SA PAGMAMAY-ARI
NG IGLESIA NG
MGA CONDO?
Ano ba ang isa sa kahulugan ng
tinatawag na anomalya o “anomaly”? Ganito ang ibinibigay na kahulugan ng
diksyunaryo:
“deviation
from the common rule : irregularity”
(http://www.merriam-webster.com/dictionary/anomaly)
Ang isang kahulugan ng
anomalya ay “iregularidad” o “paglihis sa karaniwang tuntunin o patakaran” (“deviation
from the common rule”).
Anomalya ba (o “paglihis sa
karaniwang tuntunin o patakaran”) ang pagmamay-ari ng Iglesia Ni Cristo ng “condo”?
Kung pagmamay-ari ng condo “perse” ay hindi ito paglihis sa sa karaniwang
patakaran ng Iglesia Ni Cristo. Mula pa sa panahon ni Kapatid na Eraño G.
Manalo at hanggang sa kasalukuyang Pamamahala ay nagpapatayo tayo at
nagmamay-ari ng “condo.” Nariyan ang Hirise Condo sa may Tandang Sora Avenue na
katabi ng New Era Elementary School, ang Pink Condo sa may Tandang Sora rin, ang
Quarry Condo, ang Green Condo, at mayroon pang condo sa Doña Faustina at
Sagana, at ang Cenral Condo sa may Central Avenue.
Tandaan na ang kahulugan ng “anomalya”
ay paglihis sa karaniwang tuntunin o patakaran. Isang “patakaran” pala ng
Iglesia ang pagpapatayo at pagbili ng mga “condo” para sa “housing” ng mga
kusang-loob na naglilingkod sa Iglesia. Wala ring “rules” sa Iglesia at maging sa
“batas” na nagbabawal sa Iglesia Ni Cristo o sa anumang religious corporation
at non-profit organization ang
pagmamay-ari ng “condo” lalo na't ito ay para sa "housing" ng mga kusang-loob (buluntaryo) na naglilingkod sa Iglesia.
Itanong natin sa mga
kumakalaban sa Pamamahala – May mailalabas ba kayo na batas ng Iglesia o ng
gobyerno na nagsasabing bawal sa Iglesia (sa anumang religious corporation at
non-profit organization) ang
pagmamay-ari ng “condo”? Sa baga’y wala namang may matinong pag-iisip na
magsasabi o maniniwala na may gayong batas.
HINDI
PALA IISA LAMANG ANG
CONDO NA PAGMAMAY-ARI NG IGLESIA, AT NOON PANG PANAHON NI KA ERDY AY
NAGMAMAY-ARI
NA ANG IGLESIA NG MGA CONDO PARA SA HOUSING NG MGA KUSANG-LOOB NA
NAGLILINGKOD SA IGLESIA, AT HINDI ANOMALYA ANG PAGMAMAY-ARI NG IGLESIA
NG
MGA CONDO SAPAGKAT WALA ITONG NILALABAG NA ANUMANG TUNTUNIN O BATAS NG
IGLESIA
MAN O NG GOBYERNO MAN.
MAY ANOMALYA
BA KUNG ANG NON-PROFIT
ORGANIZATION AY MAGKAROON NG “VENTURE”
SA PROFIT-MAKING-COMPANY?
Kung pag-uusapan ay ang “venture”
o ang pakikipagkontrata “perse” ng isang religious corporation o non-profit
organization sa profit-making company ay HINDI RIN ANOMALYA o paglihis sa
patakaran.
Halimbawa
ang isang non-profit
organization ay magpapatayo ng kaniyang pabahay o housing, hindi ba’t
maaari namang makikipagkontrata siya sa isang “kontratista” o
“construction company” at wala itong nalalabag na tuntunin ng Iglesia o
batas ng gobyerno?
Sa panahon ng Ka Erdy ay may mga “condo” na pagmamay-ari ng Iglesia na itinayo ng mga “kontratista” (profit-making company) tulad ng Hirise Condo sa Tandang Sora at Condo sa North Diversion. Noong araw nga na wala pa tayong sariling Construction and Engineering Department ay ipinatatayo natin ang mga kapilya sa pamamagitan ng mga “kontratista” tulad ng kapilya ng Washington at F. Manalo. Ang
Sa panahon ng Ka Erdy ay may mga “condo” na pagmamay-ari ng Iglesia na itinayo ng mga “kontratista” (profit-making company) tulad ng Hirise Condo sa Tandang Sora at Condo sa North Diversion. Noong araw nga na wala pa tayong sariling Construction and Engineering Department ay ipinatatayo natin ang mga kapilya sa pamamagitan ng mga “kontratista” tulad ng kapilya ng Washington at F. Manalo. Ang
May mailalabas ba ang mga
kumakalaban sa Pamamahala ng tuntunin ng Iglesia o ng batas ng gobyerno na nagsasabing
bawal na pumasok sa konrata ang isang religious corporation o non-profit
organization sa isang profit-making company para sabihing may anomalya na sa
Iglesia?
Kung mayroon po ay pakilabas naman po! Subalit, walang may matinong pag-iisip ang magsasabi o maniniwala na mayroong gayong tuntunin o batas.
Kung mayroon po ay pakilabas naman po! Subalit, walang may matinong pag-iisip ang magsasabi o maniniwala na mayroong gayong tuntunin o batas.
Samakatuwid, walang anomalya o
paglihis sa patakaran kung ang Iglesia Ni Cristo man ay pumasok sa kontrata sa
isang kontratista o construction firm (na isang profit-making company) sapagkat
walang batas ng Iglesia o ng gobierno man na nagbabawal nito.
ANG
KATOTOHANAN UKOL SA “FORT VICTORIA”?
Marahil
ang ikakatuwiran nila
ay “may mga pag-aaring condo ang Iglesia Ni Cristo subalit hindi
high-end condo
na gaya ng Fort Victoria” at “totoong walang nalalabag na batas na
mag-ari ng
condo ang Iglesia Ni Cristo at pumasok sa kontrata sa isang consruction
firm
(profit-making company), subalit ang "Fort Victoria" ay isang
"anomalya".Alamin natin ngayon ang katotohanan ukol sa "Fort Victoria":
May larawan ng dokumento ng “license
to sell” na inilathala sa artikulo ni Antonio Ebangelista na kung saan ay
nakalagay na ang project owner ng Fort Victoria ay ang Iglesia Ni Cristo. Pagkatapos
ay isa namang dokumento na naglalaman ng kung sino-sino ang mga nakabili na ng
units sa Fort Victoria. Pagkatapos nito ay ganito ang naging konklusyon ni
Antonio Ebangelista:
“Kilala
nyo po ba ang mga pangalan na nakabili na ng mga mamahaling condo units na ito?
Wala naman po sigurong mag-iisip na sila ay mga “dummies” para sa mga INC VIPs
na gumagamit ng mga condo units na iyon? Hindi nyo rin siguro nakikilala yung
isang pangalan dyan na pumakyaw ng napakaraming condo units na mas kilala sa
tawag na JUNGAR na kilalang-kilalang Contractor ng INC at ng Sanggunian at
nagkataon din siguro na nakuha nya ang karamihan sa mga construction projects
ng INC? Para kanino kaya yung mga condo units na ipinangalan nya sa kaniya?
Titirahan ba nyang lahat yan? Hindi rin po siguro totoo yung sinasabi ng mga
nakausap naming staff doon na may sariling PRIVATE ELEVATOR ang Sanggunian at
iba pang INC VIP Guests patungo sa kanilang HIGH-END CONDO UNITS? Wala pa nga
bang ebidensya ng anomalya…?” [Antonio Ebanghelista, “IGLESIA NI CRISTO + SAN
JOSE BUILDERS = FORT VICTORIA ANOMALY (HIGH-END CONDOMINIUM)” 14 May 2015]
Pansinin na ang pagtatayo at
ang pagkuha ng “license to sell” ay ibinibintang nila sa Sangunian, at
pinararatangan na sila ang may-ari ng mga condo units. ITO PO ANG KATOTOHANAN
NA PILIT NILANG ITINAGO UPANG MAPALABAS LANG NA MAY KATIWALIAN NGAYON:
Acknowledgment:
Salamat kay Antonio Ebangelista at siya rin ang nag-provide ng dokumento ukol
sa “license to sell” kung saan malinaw na naka-indicate ang “date” kung kailan
nai-issue ito.
Ang date issued ng “license to
sell” ay March 13, 2009. Teka muna!
Kung March 13, 2009 ang date issued ng “license to sell” samakatuwid ay
nag-file ng “license to sell” nang mas maaga pa rito, at ang pagsisimula ng
pagtatayo ng “Fort Victoria” ay mas maaga pa rito, at ang filing ng building
permit ay mas maaga pa rito, kaya ang panukala sa pagtatayo nito ay mas maaga
pa rito.
Sa
petsa pa lang na March,
2009 ay alam nating hindi pa si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang
Tagapamahalang
Pangkalahatan noon (Siya ay naging Tagapamahalang Pangkalahatan noong
Setyembre 7, 2009) at sa panahong ito ay may ibang katuwang na
nangangasiwa sa
Finance Department noon. Opo! Ipinasiya noon ni Kapatid na Eraño G.
Manalo na
si Ka Jun Santos ang General Auditor na siyang nangangasiwa ng New Era
University, New Era General Hospital at external affairs. May bukod na
nangangasiwa
noon ng Finance Department (hayaan na po nating huwag banggitin ang
pangalan
bilang respeto na po natin sa kaniyang dignidad lalo na’t nasa karapatan
pa ang
ating kapatid na ito). Kaya ang P-10 at mga processes ukol sa purchase,
delivery, payment at iba pa ay hindi kay ka Jun Santos. Ganito ang
naging
sitwasyon hangang noong 2012. SAMAKATUWID, WALANG KINALAMAN SINA KA
EDUARDO AT KA
JUN SA PAGPAPATAYO NOON NG FORT VICTORIA.
Sino ang nasa likod ng
pagtatayo ng Fort Victoria na isang executive high-end condo kung walang
kinalaman sina Ka Eduardo at Ka Jun dito noon? SILA RING MGA NASA LIKOD NGAYON
NI "ANTONIO EBANGELISTA." Isipin ninyong mabuti kung bakit nasa kanila ang “license
to sell” at iba pang dokumento ukol dito? Sa ibang dokumento gaya ng “confidential
report” daw na may kinakaharap na Tax Evasion Case ang INC sa Japan ay sinabi
nilang galing sa isang P.D. Ganon din sa iba pang dokumento at impormasyon ay
galing daw kay ganoon at kay ganito. Subalit, mapapansin na sa “mga dokumento”
ukol sa Fort Victoria na kanilang inilabas ay wala silang sinabing ganoon.
Nang makita nilang hindi mangyayari ang kanilang "gusto" o binabalak kapag si si Ka Eduardo na ang Mamamahala sa Iglesia ay agad na inasikaso nila ang “license to sell” (March, 2009). Subalit, salamat sa Diyos at bago mangyari iyan ay nabunyag ang ukol sa Fort Victoria. At gaya nga nang alam natin, sunod-sunod na natiwalag at nawalan ng karapatan ang mga may pasimuno niyan.
Nang makita nilang hindi mangyayari ang kanilang "gusto" o binabalak kapag si si Ka Eduardo na ang Mamamahala sa Iglesia ay agad na inasikaso nila ang “license to sell” (March, 2009). Subalit, salamat sa Diyos at bago mangyari iyan ay nabunyag ang ukol sa Fort Victoria. At gaya nga nang alam natin, sunod-sunod na natiwalag at nawalan ng karapatan ang mga may pasimuno niyan.
Upang ma-compensate ang “halaga”
(na mula sa abuloy ng mga kapatid) sa pagpapatayo ng high-end condo na ito ay
ipinasiya na ituloy na ang pagbenta sa mga units nito upang maibalik sa Iglesia
ang “halaga” na ipinagpagawa rito.
Ito ang isa sa mga malalaking
pakinabang na nawala sa mga nasa likod ng mga kumakalaban sa Pamamahala kaya gayon
na lamang ang kanilang galit at ngitngit upang pabagsakin ang Pamamahala ng
Iglesia sa paraang ibunton ang sisi sa Sanggunian at pagkatapos ay palabasin na
walang ginagawang hakbang ang Pamamahala ukol dito, sa gayon nga naman ay
mayroon na silang maipakikita sa mga kapatid na “laban” sa Pamamahala.
Ito pala ang maitim nilang
layunin! Hindi kasi nila maaaring daanin sa aral o doktrina. Tayo ang buhay na
saksi na walang ginawang pagbabago ang kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia sa
itinuro ng Sugo, ng Kapatid na Felix Y. Manalo. Hindi rin nila mapupulaan ang
Kapatid na Eduardo sa pagtupad ng tungkulin dahil tayong lahat ang buhay na
saksi sa kaniyang debosyon at convicion sa pagtupad ng kaniyang pananagutan.
Hindi rin nila mapipintasan si Kapatid na Eduardo V. Manalo sa moral o sa
pamumuhay sapagkat tayong lahat ang makapagpapatotoo na siya ay tunay na
huwaran sa maunlad na espirituwal na pamumuhay.
Kung magkagayon, papaano mapapabagsak ang Pamamahala sa Iglesia upang mailagay ang gusto nilang mapuwesto na mamahala sa Iglesia? Hindi mapupulaan sa aral, sa pagtupad at sa pamumuhay, dadaanin nila ngayon sa pagpapasama sa Sanggunian. Babatuhin nila ang Sanggunian ng sari-saring akusasyon o paratang at pagkatapos ay ibubunton sa Pamamahala ang sisi na siya raw ay misinformed, na hindi raw kumikilos, na hindi raw umaaksiyon, na hindi raw sumasagot, na hindi na nakikialam. Hindi ba’t ganitong-ganito na ngayon ang kinahuhulugan ng kanilang mga sinasabi? Pagkatapos ay ano ang plano nila? Ang pagpapabagsak sa Pamamahala ng Iglesia upang maipuwesto ang kanilang nais na mailuklok. Subalit hindi ito mangyayari sapagkat ang kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia ang may kahalalan at ang Panginoong Diyos ang naglagay. Hindi ang tao kundi ang Diyos ang naglalagay sa Pamamahala ng Iglesia. Kaya tiyak na hindi sila magtatagumpay sapagkat ganito ang pangako ng Diyos sa Pamamahala ng Iglesia:
Kung magkagayon, papaano mapapabagsak ang Pamamahala sa Iglesia upang mailagay ang gusto nilang mapuwesto na mamahala sa Iglesia? Hindi mapupulaan sa aral, sa pagtupad at sa pamumuhay, dadaanin nila ngayon sa pagpapasama sa Sanggunian. Babatuhin nila ang Sanggunian ng sari-saring akusasyon o paratang at pagkatapos ay ibubunton sa Pamamahala ang sisi na siya raw ay misinformed, na hindi raw kumikilos, na hindi raw umaaksiyon, na hindi raw sumasagot, na hindi na nakikialam. Hindi ba’t ganitong-ganito na ngayon ang kinahuhulugan ng kanilang mga sinasabi? Pagkatapos ay ano ang plano nila? Ang pagpapabagsak sa Pamamahala ng Iglesia upang maipuwesto ang kanilang nais na mailuklok. Subalit hindi ito mangyayari sapagkat ang kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia ang may kahalalan at ang Panginoong Diyos ang naglagay. Hindi ang tao kundi ang Diyos ang naglalagay sa Pamamahala ng Iglesia. Kaya tiyak na hindi sila magtatagumpay sapagkat ganito ang pangako ng Diyos sa Pamamahala ng Iglesia:
Isaias 41:9-13 Abriol
Ikaw
ang aking lingkod, hinirang kita at hindi kita itinakwil. Huwag kang matakot at
ako’y sumasaiyo; huwag kang manlupaypay sapagkat ako ang iyong Diyos.
Pinalalakas kita, tinutulungan kita, at inaalalayan sa aking kamay na mapagtagumpay.
Mabibigo at mapapahiya ang lahat ng mga umusig sa iyo. Mauuwi sa wala at lilipulin ang magsisilaban sa iyo. Hahanapin
mo ang magsisipaglaban sa iyo ngunit di mo sila matatagpuan; mauuwi sa wala at
magiging walang kakabu-kabuluhan ang nagsisipaghamak sa iyo. Sapagkat akong
Panginoong iyong Diyos ang siyang humahawak sa iyong kanang kamay; at sinasabi
ko sa iyo: Huwag kang matakot, tutulungan kita.
Kaya pala ang “lider” nila ay nagkukunwaring
nagmamalasakit sa Pamamahala dahil alam nilang kapag tuwirang ang Pamamahala
ang binato nila ng akusasyon ay hindi sila magtatagumapay dahil tiyak na
magagalit ang mga kapatid sa kanila. Ganito sila nandadaya, na ang “lider” nila
ay nagkukunwaring nagmamalasakit sa Pamamahala, subalit ang mga kasamahan niya
ay nagsasalita naman ng laban sa Pamamahala. Ang tawag dito ay “black
propaganda.” Subalit, anuman ang kanilang masamang balak laban sa Pamamahala ay
tiyak na hindi sila magtatagumpay sapagkat ang pangako ng Diyos sa Kaniyang
Sugo na nagsasabing “Ikaw ang aking
lingkod, hinirang kita at hindi kita itinakwil. Huwag kang matakot at ako’y
sumasaiyo; huwag kang manlupaypay sapagkat ako ang iyong Diyos. Pinalalakas
kita, tinutulungan kita, at inaalalayan sa aking kamay na mapagtagumpay” ay TINUPAD NG DIYOS HANGGANG SA KASALUKUYANG NAMAMAHALA SA IGLESIA, kay Kapatid na Eduardo V. Manalo. At may pasiya na rin ang Panginoong Diyos sa mga
kumakalaban sa Pamamahala, ang sabi ng Diyos “Mabibigo at mapapahiya ang lahat
ng mga umusig sa iyo. Mauuwi sa wala at
lilipulin ang magsisilaban sa iyo. Hahanapin mo ang magsisipaglaban sa
iyo ngunit di mo sila matatagpuan; mauuwi sa wala at magiging walang kakabu-kabuluhan
ang nagsisipaghamak sa iyo.”
MGA KAPATID, ANG
MALAKING KATANUNGAN PARA SA LAHAT AY:
Higit pa ba ninyo paniniwalaan ang isang
taong hindi ninyo kilala at ni ayaw magpakilala sa pagsasabing may katiwalian
daw sa Iglesia ngayon KAYSA sa minamahal nating Tagapamahalang Pangkalahatan,
ang Kapatid na Edurado V. Manalo na nagsasabing “walang katiwalian sa Iglesia”?
ANG ISA PANG
TANONG PARA SA LAHAT NG MGA KAPATID AY:
Maniniwala at kakampi ba kayo sa mga
taong hindi ninyo kilala at ni ayaw magpakilala AT sasama sa paglaban sa Tagapamahalang
Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, na sa simula’t simula pa’y
ibinigay na ang buhay at malaki na ang nagawa para sa ating kapakanan at
kaligtasan?
MANINDIGAN PO
TAYONG LAHAT SA PANIG NG PAMAMAHALA AT HUWAG PADAYA SA MGA KUMAKALABAN SA
PAMAMAHALA
Lagi po nating
ipanalangin sa Diyos na ingatan at laging ipagtanggol ang Kapatid na Eduardo V.
Manalo at ang kaniyang mga kinakatuwang sa pamamahala sa Iglesia. Ipanalangin
din po natin na sana’y maliwanagan na at bumalikwas ang mga nalihis at nahulog
sa maling kaisipan.
PRISTINE TRUTH
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.