Pages

30 March 2016

SAGOT SA TANONG NA: "Itinitiwalag ang nagsisiwalat lang ng katiwalian?"



Sagot sa mga Tanong, Paratang at Paninira
sa Iglesia Ni Cristo
05


Tanong:

“Iba na ang Iglesia Ni Cristo ngayon sapagkat ang itinitiwalag ay ang mga nagsisiwalat lamang ng katiwalian at nagsasabi ng katotohanan. Kaya hindi makatarungan ang pagtitiwalag ngayon sa Iglesia.”

 
Sagot:
                

Sa tanong na ito ay pinalalabas na “matuwid”, “walang sala” at nagsisiwalat lamang daw ng katiwalian ang mga itiniwalag na kumakalaban ngayon sa Pamamahala ng Iglesia (karaniwang tinatawag ngayon ng marami na “Fallen Angels”) kaya hindi raw makatarungan ang pagtitiwalag sa kanila. Siyasatin natin ngayon kung may katotohanan nga ba ang sinasabi nilang ito.

Hindi natin ibig na talakayin ang “pagkatao” at ang dahilan ng pagkatiwalag ng mga “Fallen Angels”, subalit hindi natin ito maiiwasan dahil ang tunay na “dahilan” ng kanilang pagkatiwalag ang nagpapabulaan sa kanilang pag-aangkin na “wala na raw katarungan ang pagtitiwalag ngayon” at pinabubulaanan din ang sinasabi nilang kaya raw sila itiniwalag ay dahil sa pagbubunyag nila ng katiwalian at nagsasabi lang daw sila ng katotohanan. Tunghayan natin ang dahilan ng pagka-tiwalag ng mga PASIMUNO at NANGUNGUNA sa mga lumalaban ngayon sa Pamamahala, at bigyan din natin ng pansin ang “panahon” ng pagkatiwalag ng iba sa kanila.


Rovic Canono, a.k.a. “Sher Lock”


Hindi ba makatarungan ang pagtitiwalag sa kaniya? Si Rovic Canono ay MATAGAL NANG TIWALAG sa panahong buhay pa si Kapatid na Erano G. Manalo. Kaya, kung sasabihing hindi makatarungan ang pagtitiwalag sa kaniya, lalabas na hindi makatarungan ang Ka Erdy sapagkat si Rovic ay natiwalag sa panahon pa ni Ka Erdy.

Itiniwalag ba siya subalit siya’y “matuwid at walang sala”? Si Rovic Canono ay itiniwalag dahil sa imoralidad at sa pamumuhay na labag sa pagka-Cristiano. Ang totoo hanggang ngayon ay hindi siya maaaring ibalik sa Iglesia Ni Cristo sapagkat hanggang ngayon ay hiwalay siya sa kaniyang asawa at may kinakasama siyang ibang babae (nananatili sa kalagayang nakikiapid). Kaya, kung ang pag-uusapan ay si “Sher Lock” (“Rovic Canono”), hindi isang “kamalian” na siya’y itiwalag dahil isang katotohanan na nilabag niya ang aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia.

Itiniwalag dahil sa nagsisiwalat lamang ng katiwalian sa Iglesia? Kung siya ay natiwalag dahil sa panahon pa ni Ka Erdy at dahil sa pamumuhay ng labag sa pagka-Cristiano, tiwalag na siya bago pa ang kanilang “pagkilos” laban sa Pamamahala ng Iglesia, kaya si “Sher Lock” ay hinding-hindi natiwalag dahil sa “pagsisiwalat ng katiwalian o katotohanan.” Isa itong malaking kasinungalingan.

Bakit siya sumama kanila Angel at Marc Manalo? Banal ba at malinis ang kanilang layunin sa ginagawa nila ngayong paglaban sa Pamamahala at pagtulong daw sa “pamilya ng Ka Erdy”? Ang isa sa dahilan ng pagsama niya kanila Angel at Marc sa kilusang paglaban sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia ay sapagkat gusto ni Rovic Canono na mabalik sa Iglesia na hindi niya iniiwan ang kaniyang paglabag. Pinangakuan siya ng magkapatid na kapag sila’y nagtagumpay ay maibabalik siya sa talaan sa kabila ng pananatili niya sa paglabag o sa pakikiapid (pakikisama sa ibang babae).


Bless Grace Hernandez, a.k.a. “Benito Affleck”


Ang pagtitiwalag ba sa kaniya ay hindi makatarungan? Itiniwalag ba siya subalit siya’y “matuwid at walang sala”? Itiniwalag dahil sa nagsisiwalat lamang ng katiwalian sa Iglesia? Si Bless Grace Hernandez ay matagal na ring tiwalag sa panahon pa ni Kapatid na Erano G. Manalo. Itiniwalag siya dahil sa mga ilegal na gawain, siya ay may mga kasong estafa at illegal recruitment. Hiwalay din siya sa asawa subalit may karelasyong iba. Kaya sa panahon ng Ka Erdy at hanggang ngayon ay hinding-hindi siya maaaring ibalik sa talaan dahil sa pananatili ng kaniyang paglabag. Kaya hindi maaaring angkinin na itiniwalag siya dahil nagsisiwalat lang siya ng katiwalian dahil matagal na bago pa siya bumangon sa social media bilang si “Benito Affleck” ay matagal na siyang tiwalag, at hindi niya maaangkin na itiniwalag siya kahit walang sala dahil isang katotohanan na itiniwalag siya dahil sa mga ilegal niyang gawain.

Bakit siya sumama kanila Angel at Marc sa paglaban sa Pamamahala ng Iglesia? Ang isa rin sa dahilan ng kaniyang pagsama ay ang pangako na mababalik siya sa talaan kapag sila’y nagtagumpay sa pag-agaw sa pamamahala sa Iglesia, at ang matulungan siya sa mga kinakaharap niyang kaso (estafa at illegal recruitment).


Lito Deluna Fruto


Ang pagtitiwalag ba sa kaniya ay hindi makatarungan? Itiniwalag ba siya subalit siya’y “matuwid at walang sala”? Itiniwalag dahil sa nagsisiwalat lamang ng katiwalian sa Iglesia?  Natiwalag si Lito Deluna Fruto bago pa man lumantad sina Angel at Marc sa paglaban sa kasalukuyang Pamamahala. Ayon sa sirkular ng pagkatiwalag sa kaniya na sila din ang nag-post sa social media, itiniwalag si Fruto dahil sa paglaban sa Pamamahala at sa GAWAING LABAG SA PAGKA-CRISTIANO. Isang bagay na hindi naman niya noon itinanggi.

Matagal na siyang tiwalag subalit patuloy pa rin niyang ginagawa ang pagkatiwalag sa kaniya, hindi lamang ang paglaban sa Pamamahala ng Iglesia, kundi maging ang PAMUMUHAY NG LABAG SA PAGKACRISTIANO. Noong Hulyo, 2015 ay dinampot ng mga pulis si Fruto dahil sa salang panghahalay sa isang estudiante sa Caloocan.


Ano ang dahilan ng kaniyang pagsama sa paglaban sa Pamamahala? “Grudge” dahil sa pagkakatiwalag sa kaniya. Ang natural namang reaksiyon ng isang tao ay kumampi sa kaaway o umaaway sa kinasamaan mo ng loob. At tulad nina Rovic, pinangakuan din na mababalik kahit pa nananatili sa “kasalanang” kanilang ikinatiwalag.


Joy Yuson, a.k.a. “Kelly Ong”

Itiniwalag dahil sa nagsisiwalat lang ng katiwalian? Bago pa man ang sinasabi nilang pagsisiwalat ng kamalian sa social media at ang paglantad nila Angel Manalo sa paglaban sa Pamamahala ay natiwalag na si Eliodoro “Joy” Yuson sa dahilang paglaban sa Pamamahala. Hindi siya natiwalag dahil sa sinasabi nilang “pagsisiwalat sa social media.” Bago pa man lumitaw si “Kelly Ong” sa social media (na hanggang ngayon ay todo tanggi pa rin na siya rito) ay tiwalag na si Joy Yuson. Kaya maling sabihin na natiwalag ang taong ito sa “pagsisiwalat daw ng katiwalian” (ang totoo ang kanilang isinisiwalat ay kasinungalingan).

“Matuwid at walang sala”? Noon pa man ay may mga ulat na siya ng katiwalian sa GEMNET na lalong nahayag noong siya’y naalis dito. Involve siya sa Ubando Radio Transmitter Tower Anomaly bilang siyang may hawak daw ng “financial matters” ng GEMNET gaya ng kaniya mismong pahayag:


“Ako po ang Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng Iglesia ni Cristo (GEMNET)…bahagi po ng aking pananagutan ang coordination sa mga financial matters ng opisina at ang mga bagay na pang administratibo kalakip ang mga special task mula sa Tagapamahalang Pangkalahatan na ipinagagawa sa amin sa pamamagitan ng dalawa nilang mga anak na siyang nangangasiwa sa aming tanggapan.”

Kung bakit hindi sila “napatulan” sa katiwaliang ito ay dahil sa pagtatakipan, dahil na rin sa magkapatid na Angel at Marc. Bakit siya sumama kanila Angel at Marc sa paglaban sa kasalukuyang Namamahala sa Iglesia? Si Yuson din ang nagpatotoo mismo sa kaniyang  sarili na siya ay “bata” na noon pang 1995 ng magkapatid na Angel at Marc Manalo:

“Ako po ang Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng Iglesia ni Cristo (GEMNET). Nagsimula po ako sa aking tungkulin noong 1989 sa ilalim ng Pangangasiwa ng Kapatid na Felix Nathaniel V. Manalo at Kapatid na Marco Erano V. Manalo, mga anak ng namayapang Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Erano G. Manalo.”

ANG KATAPATAN NIYA AY SA TAO AT HINDI SA DIYOS. Isa pang dahilan ng kaniyang pagsama sa paglaban sa Pamamahala ay upang mabawi ang malaking kapangyarihan at pakinabang na nawala sa kaniya lalo na sa pagka-alis sa “puwesto” ng kaniyang mga “amo”:

“Ako po ang Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng Iglesia ni Cristo (GEMNET)…bahagi po ng aking pananagutan ang coordination sa mga financial matters ng opisina at ang mga bagay na pang administratibo kalakip ang mga special task mula sa Tagapamahalang Pangkalahatan na ipinagagawa sa amin sa pamamagitan ng dalawa nilang mga anak na siyang nangangasiwa sa aming tanggapan.
“Saklaw po ng operasyon ng aming tanggapan ang networking system ng Central Office, CCTV installations and monitoring system, House of Worship Sound and Video System installations, Technical and Administrative support ng mga Radio and Television Stations ng Iglesia sa buong mundo kalakip po rito ang mga programming at monitoring sa mga himpilan. Bukod po rito ay saklaw ng aming Tanggapan ang ilang bahagi ng housing distribution para sa aming mga kawani, ang Security Matters ng Iglesia at Central Office, beautification ng Central Office at mga pangunahing gusali ng Iglesia, logistical requirement ng iba't ibang departamento sa ilalim ng aming pangangasiwa. Ang aming tanggapan ay ang siyang systems support ng mga tanggapan at technical support ng buong Iglesia ni Cristo.
“Ang GEMNET din po ang nasa likod ng mga malalaking program presentations and television shows ng iglesia sa mga malalaking okasyon nito.
Maging ang mga communication equipment na ginagamit ng iglesia ay nagmumula po sa mga research ng aming tanggapan.”

Hindi kataka-taka na siya’y lumaban dahil sa nawala sa kaniya na malaking kapangyarihan at pakinabang, at hindi kataka-taka na patuloy siyang lumaban sa Pamamahala sa pag-asa na kapag muling napuwesto ang kaniyang mga “amo” ay mababalik din siya sa “puwesto.” Kaya, hindi maling sabihin na “sa laman at hindi sa kabanalan ang kaniyang layunin.”


Sina Angel at Tenny Manalo

Ang pagtitiwalag ba sa kanila ay hindi makatarungan? Itiniwalag ba sila subalit sila’y “matuwid at walang sala”? Itiniwalag dahil sa nagsisiwalat lamang ng katiwalian sa Iglesia? ANG MISMONG VIDEO NA INI UPLOAD NILA NOONG HULY, 2015 ANG MATIBAY NA EBIDENSIYA NA KARAPAT-DAPAT LAMANG SILANG ITIWALAG. Ang video na kanilang ini-upload ay nagpapatunay lamang na sila ay nagsinungaling at nanlilinlang sa mga kapatid upang himukin na kumilos laban sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia. Natalakay na natin ito nang una pa.

Hindi ba’t isang pagsisinungaling at panlilinlang ang sinabi nina Angel at Tenny na MAY SAMPUNG MINISTRO NA DINUKOT?

Hindi  ba’t isang pagsisinungaling at panlilinlang ang sinabi nina Angel at Tenny na “nanganganib ang kanilang buhay”?

Hindi ba’t isang panlilinlang ang pag-aangkin na si Tenny ay nasa No. 36 Tandang Sora ng panahong iyon at nanganganib daw ang kaniyang buhay samantalang ngayon ay napatunayan natin ang totoo ay matagal na pala siyang nasa Amerika at wala siya sa No.36 Tandang Sora ng panahong iyon?

Hindi ba’t isang malaking kasinungalingan at panlilinlang (na hayag pa nga ikinainis ng mga media people) ang pagsasabing “sila’y hostage”?


Konklusyon

Malinaw na ang mga pasimuno at nangunguna ngayon sa paglaban sa Pamamahala ay hindi totoo na walang sala at hindi makatarungan ang pagtitiwalag sa kanila. Malinaw na isang patuloy na pagsisinungaling at panlilinlang ang pagsasabing itiniwalag sila dahil sa lamang daw sa pagsisiwalat sa diumano’y katiwalian ngayon. SALAMAT SA PANGINOONG DIYOS AT ANG NAKARARAMI SA MGA KAANIB SA IGLESIA AY HINDI NADALA NG KANILANG PANLILINLANG. Sa mga napapaniwala ng mga tiwalag na kumakalaban ngayon sa Pamamahala, patuloy ba kayong magbubulag-bulagan at papapaniwalain ang inyong mga sarili sa panlilinlang at kasinungalingan na sila’y hindi makatarungang itiniwalag at wala silang sala?


THE IGLESIA NI CRISTO
Facebook.com/TheIglesiaNiCristo     theiglesianicristo.blogspot.com
Sagot sa Tanong, Pagtuligsa at Paninira sa Iglesia Ni Cristo
PART 005


3 comments:

  1. Ang kasalukuyang napakaraming tagumpay ng Iglesia ngayon ang nagsasabing Walang katiwalian sa Iglesia, sapagkat itiniwalag na ang talagang mga gumagawa ng katiwalian.

    ReplyDelete
  2. Kung may katiwalian bakit tuloy tuloy ang tagumpay ng Iglesia isa lang ang ibig sabihin nito ang Iglesia at ang Pamamahala ay pinapatnubayan ng Diyos kaya yung katiwalian na sinasabi ng mga FA nasa isip nyo lang yun na mga kinapal na walang bait.

    ReplyDelete
  3. Malinaw na isang patuloy na pagsisinungaling at panlilinlang ang pagsasabing itiniwalag sila dahil sa lamang daw sa pagsisiwalat sa diumano’y katiwalian ngayon. SALAMAT SA PANGINOONG DIYOS AT ANG NAKARARAMI SA MGA KAANIB SA IGLESIA AY HINDI NADALA NG KANILANG PANLILINLANG. Sa mga napapaniwala ng mga tiwalag na kumakalaban ngayon sa Pamamahala, patuloy ba kayong magbubulag-bulagan at papapaniwalain ang inyong mga sarili sa panlilinlang at kasinungalingan na sila’y hindi makatarungang itiniwalag at wala silang sala?

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.