Pages

10 March 2016

Paglapastangan ba sa ina ang pagtitiwalag ni Ka EVM kay Gng. Tenny? Kawalan ba ng pag-ibig?



Sagot sa mga Tanong, Paratang at Paninira
sa Iglesia Ni Cristo

Tanong:

“Bakit nilapastangan ni Ka Eduardo V. Manalo ang kaniyang ina sa pagtitiwalag sa kaniya? Hindi ba’t kawalan ito ng pagmamahal o pag-ibig na itiwalag niya ang kaniyang ina at mga kapatid?”




Sagot:

UTOS NG DIYOS ANG PAGTITIWALAG

Dapat na bigyan muna natin ng linaw, bakit may pagtitiwalag sa Iglesia Ni Cristo? Sino ba ang may utos ng pagtitiwalag sa Iglesia?
                                    
I Corinto 5:13 NPV
“Ang Dios ang hahatol sa mga nasa labas. ‘Itiwalag ninyo ang masama ninyong kasamahan.’”

Maliwanag na ipinag-utos ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng mga apostol kaya may pagtitiwalag sa Iglesia. Sa panahon pa lamang ng unang Iglesia ay mayroon nang pagtitiwalag. Kaya, kung ang pagtitiwalag ay “paglapastangan” ay lalabas na ang ipinag-utos ng Diyos ay isang “paglapastangan.”


DISIPLINA ANG PAGTITIWALAG

Hindi paglapastangan ang ipinag-utos ng Diyos sa Iglesia na pagtitiwalag” kundi ito’y isang uri ng “disiplina.” At ang pagdisiplina ay hindi paglapastangan sa taong dinidisiplina kundi pagtutuwid sa kaniyang ikabubuti:
                                        
Job 5:17 NPV
“Mapalad ang taong itinutuwid ng Dios; kaya huwag mong hamakin ang disiplina ng Makapangyarihan sa lahat.”

Ang pagsasabing “ang pagtitiwalag ay paglapastangan” ay isang uri ng paghamak sa disiplina ng Makapangyarihan sa lahat. Ang nilalayon ng disiplina” na ang “pagtitiwalag” ay isang uri ng pagdisiplina ay ang maituwid ang dinisiplina sa kaniyang maling gawa o sa paglihis ng daan:
                                                                                    
Kawikaan 15:10 NPV
“Mahigpit na disiplina ang naghihintay sa mga lumilihis ng daan, ang namumuhi sa pagtutuwid ay mamamatay.”

Kahit ang mga apostol ay nagpapatunay na ang pagtitiwalag bilang isang uri ng disiplina ay para magtuwid o magturo sa itinitiwalag o dinidisiplina:

I Timoteo 1:19-20
“Na ingatan mo ang pananampalataya at ang mabuting budhi; na nang ito'y itakuwil ng iba sa kanila ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya: Na sa mga ito'y si Himeneo at si Alejandro; na sila'y aking ibinigay kay Satanas, upang sila'y maturuang huwag mamusong.”
                                    
Ang “pagtitiwalag” bilang isang uri ng disiplina na ipinag-utos ng Diyos na isagawa sa loob ng Iglesia ay naglalayong maituwid ang lumilihis ng daan, subalit sa pagkamuhi sa disiplina” o sa pagtutuwid, ang sabi ng Biblia, “ang namumuhi sa pagtutuwid ay mamatay.” Ito ang dahilan kaya ang sabi ng Biblia sa mga umaayaw, namumuhi, hinahamak o minamasama ang “disiplina” gaya ng pagtitiwalag” ay HANGAL:

Kawikaan 12:1 NPV
“Ang umiibig sa disiplina ay umiibig sa kaalaman, ngunit ang namumuhi sa pagtutuwid ay hangal.”

Ang pagtitiwalag ay isang uri ng disiplina na ipinag-utos ng Diyos sa Iglesia – ang disiplina ba ay paglapastangan sa dinidisiplina? Ang pagtitiwalag bilang isang uri ng disiplina ay pagtutuwid o pagtuturo – ang pagtutuwid ba sa lumilihis ng landas ay paglapastangan sa itinutuwid? Ang pagtitiwalag ay isang uri ng “pagtuturo” sa gumagawa ng mali – ang tinuturuan ba upang umalis sa gawang mali ay paglapastangan sa tinuturuan? Kaya, maling-mali na ituring na “paglapastangan” ang pagtitiwalag.


HINDI KAWALAN NG PAG-IBIG BAGKUS
KAHAYAGAN NG MALAKING PAG-IBIG

Kung pagtitiwalag ay disiplina at pagtutuwid, maling sabihin na kawalan ito ng pag-ibig. Sa Biblia ang pagpapataw ng disiplina ay kahayagan ng pagmamahal, at ang hindi nagdidisiplina ang hindi nagmamahal:

Proverbs 13:24 Living Bible
“If you refuse to discipline your son, it proves you don't love him; for if you love him, you will be prompt to punish him.”

Maging sa Bagong Tipan ay ito ang pinatutunayan – ang pagdisiplina ay pagmamahal:

Hebreo 12:6 NIV
“Because the Lord disciplines those he loves, and he punishes everyone he accepts as a son.”

Ang pagtitiwalag ay isang displina na naglalayong magtuwid. Kaya huwag isipin na ang itiniwalag ay wala nang pagkakataon na manumbalik sa Iglesia. Ito ay isang paraan ng Diyos upang ipaunawa sa itiniwalag na dapat niyang iwan ang “pagkakasala” na kaniyang nagawa at kung magbabago at magbabalik-loob ay buong pusong tatanggaping muli. Sina Gng. Tenny, Angel, Marc at Lottie ay may pagkakataong magbalik-loob at hindi ipinipinid ang “pinto” para sa kanila.

Kaya, maituturing din na paghamak sa disiplina ang pagsasabing “ang pagtitiwalag ay kawalan ng pag-ibig.”


MAGITING NA TINUPAD ANG TUNGKULIN
AT SINUNOD ANG UTOS NG DIYOS

Sa panig ni Kapatid na Eduardo V. Manalo, hindi lamang siya isang “anak” kundi siya ay Namamahala sa Iglesia. Ang tungkulin sa Diyos ay higit na dapat na mamayani kaysa sa relasyon sa kamag-anak. Ganito ang sinasabi ng panginoong Jesucristo ukol dito:
                                                         
Mateo 10:37-38 NPV
“Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa pag-ibig sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin, gayon din ang umiibig nang higit sa kanyang anak kaysa akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus sa pagsunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.”

Naging magiting lamang ang Kapatid na Eduardo V. Manalo sa pagtupad ng kaniyang tungkulin bilang Namamahala sa buong Iglesia sa pagpapataw ng disiplina kahit sa kaniyang mga kamag-anak (sa kaniyang ina at mga kapatid).

Nakapagtataka sa mga minamasama ang ginawang pagtitiwalag o pagpapataw ng disipilina ni Kapatid na Eduardo V. Manalo kahit sa kaniyang mga kamag-anak sapagkat batid nila ang pagdisiplina kahit sa mga kamag-anak ay ISANG MAGITING NA PAGTUPAD NG TUNGKULIN. Batid nila ang katotohanang ito kaya nahahayag lang na hindi malinis ang kanilang kalooban sa “pagpuna” sa ginawa ng Kapatid na Eduardo V. Manalo – na ang talagang kanilang layunin at habol lamang ay pasamain ang Namamahala sa Iglesia.
                                                
Kaya, sa mga nakababatid ng katotohanan at may malinis na kalooban, ang ginawa ng Kapatid na Eduardo V. Manalo ay hindi “paglapastangan” kundi ISANG MAGITING NA PAGTUPAD NG TUNGKULIN, MAGITING NA PAGPAPATUPAD NG KALOOBAN NG DIYOS.


THE IGLESIA NI CRISTO
facebook.com/TheIglesiaNiCristo   ***   theiglesianicristo.blogspot.com
“Sagot sa mga Tanong, Paratang at Paninira
sa Iglesia Ni Cristo”
PART 002

2 comments:

  1. opo pagtutuwid nga. pagpapaytupad ng tuntunin na ipinaiiral sa Iglesia. sinoman na di magpapasakop sa pamamahala ay dapat na alisin sa iglesia.

    ReplyDelete
  2. Naging magiting lamang ang Kapatid na Eduardo V. Manalo sa pagtupad ng kaniyang tungkulin bilang Namamahala sa buong Iglesia sa pagpapataw ng disiplina kahit sa kaniyang mga kamag-anak (sa kaniyang ina at mga kapatid).

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.