Pages

03 September 2015

Ang Tunay na Dahilan ng Paglabas sa Kalsada ng mga Kaanib sa Iglesia Ni Cristo noong Agosto, 2015



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen Angels
part 20

ANG DUMAAN SA TAMA AT LEGAL NA PROSESO ANG REKLAMO NI JUN SAMSON LABAN SA SANGGUNIAN ANG HINILING NG IGLESIA NI CRISTO



BATID nating lahat ang nangyari sa nakaraan na “sangkot” din ang mga "Fallen Angels," anupa’t sila pa nga (kasama ng kanilang mga kaalyado) ang puno’t dulo ng panggugulo sa Iglesia ni Cristo. Ang paglabas sa kalsada ng daang libong mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo upang iparinig ang kanilang mga hinaing ay may kinalaman sa reklamo na isinampa ni Jun Samson, isang tiwalag na ministro, laban sa pamunuan ng INC.

May nagtatanong sa amin ng ganito: “Bakit kailangan pa ninyong lumabas sa kalye at magprotesta? Bakit hindi na lamang ninyo hayaan na imbistigahan ang kaso na isinampa sa mga miembro ng Sanggunian ng INC? Bakit hindi na lamang harapin ang kaso?”


ANG MGA KATOTOHAN (“FACTS”) NA
DAPAT MUNANG ISAALANG-ALANG

Bago natin tuwirang sagutin ang mga katanungang ito ay atin munang tingnan ang mga sumusunod na “facts” (katotohanan):

(1) Hindi sinunod ng DOJ (lalo na ng Justice Secretary Leila De Lima) sa paghawak ng reklamo na isinampa ni Jun Samson laban sa pamunuan ng INC ang isinasaad ng batas na “tamang proseso” sa mga reklamo bago maisampa ang kaso sa korte.

Nakita na natin ang katotohanan na nilabag ni Justice Secretary De Lima ang isinasaad sa Section 2 ng Rule 112 ng THE REVISED RULES OF CRIMINAL PROCEDURE na ang magsasagawa ng preliminary investigation ay ang prosecutor, kaya ang reklamo ni Jun Samson ay dapat sa prosecutor's office dapat dumaan at hindi sa Justice Secretary office. HINDI BA’T ITO’Y PAKIKIALAM NG SECRETARY OF JUSTICE SA HINDI NAMAN PALA NIYA DAPAT PAKIALAMAN? Hindi ba’t dito pa lamang ay may anomalya na? Kung walang “hidden agenda” bakit “nakialam” at “personal pang nakialam” ang Secretary of Justice?


(2) Ang DOJ (sa pamumuno ni Justice Secretary Leila De Lima) na personal na umasikaso sa reklamo ni Jun Samson laban sa pamunuan ng INC ay kilala sa pagiging “Selective Justice”.

Kung sa DOJ nga naman na gaya nga ng ating nakita ay si Sec. De Lima pa ang personal na nag-asikaso, maaaring hindi na pagbatayan ang “merit” ng reklamo upang masampa sa korte ang reklamo ni Jun Samson, kundi magagawan ng paraan na “ma-shortcut” upang agad na maisampa ang kaso at magawan ng “warrant of arrest” ang mga pamunuan ng INC. Wala ba silang “hidden agenda” kaya nila “personal” pang pinakikialaman ang reklamo ni Jun Samson laban sa pamunuan ng INC upang tiyak na maisampa agad ang kaso sa korte at magawan ng “warrant of arest” ang Pamunuan ng INC?


(3) Bagamat may batas na isinasaad ukol sa “Separation of Church and State” ay personal pa rin na hinawakan at inasikaso ni Justice Secretary De Lima ang reklamo na isinampa ni Jun Samson laban sa pamunuan ng INC.

Malinaw ang sinasabi ng ating konstitusyon o saligang-batas na HINDI DAPAT MAKIALAM ANG ESTADO SA SIMBAHAN. At ginagarantiya rin ng saligang-batas ang kalayaan ng relihiyon o “religious freedom.” May mga “law expert” daw ang nagsasabi na ang isyung ito ay walang kinalaman sa “separation of church and state.” Ang PAKIKIALAM NG SECRETARY OF JUSTICE na personal pa niyang inaasikaso upang agad at tiyak na masampahan ng kaso ang mga pamunuan ng INC ay isang PAKIKIALAM NG ESTADO NA LUMALABAG SA ISINASAAD NG BATAS NA “SEPARATION OF CHURCH AND STATE. Kung talagang itinataguyod nila ang “separation” ng estado at simbahan, DAPAT LANG NA HUWAG SILANG MAKIALAM SA ANUMANG REKLAMO NA ISINASAMPA SA KORTE SA MGA LIDER NITO O SA IGLESIA MAN SA KABUUAN. Tandaan din na ang Malacanang (executive branch) at korte (judicial branch) ay magkahiwalay rin o independent din sa isa’t isa (may separation din ang executive at judicial branches). Kung hindi sila nakikialam ay hayaan nila ang “rule of law” ang mamayani at matupad. Ito ang tinutukoy at hinihiling ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa kanilang paglabas sa kalye, sa Padre Faura at sa EDSA, sa kanilang pagsigaw ng “Separtaion of Church and State” – huwag makialam ang executive branch (DOJ to be particular) sa reklamo na isinasampa ng sinuman laban sa INC, hayaang umusad ang reklamo sa tama at legal na proseso.


(4) hayag na may “malisya” ang personal na pag-asikaso ni Justice Secretary De Lima ang reklamo na isinampa ni Jun Samson laban sa pamunuan ng INC

Mayroon tayong “rule of law.” May tama at legal na proseso sa pagharap ng isang reklamo upang maisampa sa korte. Subalit, gaya ng ating nakita, pinakialaman ito ni Justice Secretary De Lima. Pansinin ito: Bakit HINDI nagpunta si Jun Samson sa Prosecutor’s Office kundi dumeretso siya agad sa DOJ? Mabuti sana kung ang nangyari ay nagpunta si Jun Samson sa Prosecutor’s Office, hindi siya pinansin o hindi sinunod ang tamang proseso, kaya siya nagtungo sa DOJ para humingi ng tulong. NGUNIT HINDI GANOON. Dumeretso siya sa DOJ at personal na inasikaso ni Justice De Lima ang kaniyang reklamo.  

Kaya, pag-isipan natin – kung padadaanin ba sa tama at legal na proseso ay papasa nga kaya ang reklamo ni Jun Samson laban sa pamunuan ng INC?

“The prosecution MUST ADEQUATELY ESTABLISH ACTUAL CONFINEMENT OR RESTRAINT OF THE VICTIM. In the case of People vs. Astorga<ref>People vs. Astorga, G.R. No. 110097, 22 December 1997</ref>, for instance, the Supreme Court ruled that the intention of the accused, as shown by the evidence, is to bring the victim against her will towards another place. THERE IS NO EVIDENCE OF ACTUAL CONFINEMENT OR RESTRICTION ON THE VICTIM. THERE WAS NO "LOCKUP." In the determination of the crime for which the accused should be held liable in those instances where his acts partake of the nature of variant offenses, his motive and specific intent in perpetrating the acts complained of are invaluable aids in arriving at a correct appreciation and accurate conclusion thereon.<ref>People vs. Puno, G.R. No. 97471, 17 February 1993</ref> In People vs. Puno,<ref>G.R. No. 97471, 17 February 1993</ref>, there is no showing whatsoever that appellants had any motive, nurtured prior to or at the time they committed the wrongful acts against complainant, other than the extortion of money from her under the compulsion of threats or intimidation.<ref>People vs. Puno, G.R. No. 97471, 17 February 1993</ref> With respect to the specific intent of appellants vis-a-vis the charge that they had kidnapped the victim, there must be indubitable proof that the actual intent of the malefactors was to deprive the offended party of her liberty, and not where such restraint of her freedom of action was merely an incident in the commission of another offense primarily intended by the offenders. As early as United States vs. Ancheta,<ref>1 Phil. 165 (1902), cited in People vs. Puno, G.R. No. 97471, 17 February 1993</ref> and consistently reiterated thereafter,<ref>People vs. Puno, G.R. No. 97471, 17 February 1993, citing People vs. Remalante, 92 Phil. 48 (1952); People vs. Guerrero, 103 Phil. 1136 (1958); People vs. Ong, et al., 62 SCRA 174 (1975); People vs. Ty Sui Wong, et al., 83 SCRA 125 (1978); People vs. Jimenez, et al., 105 SCRA 721 (1981)</ref> it has been held that the detention and/or forcible taking away of the victims by the accused, even for an appreciable period of time but for the primary and ultimate purpose of killing them, holds the offenders liable for taking their lives or such other offenses they committed in relation thereto, but THE INCIDENTAL DEPRIVATION OF THE VICTIMS' LIBERTY DOES NOT CONSTITUTE KIDNAPPING OR SERIOUS ILLEGAL DETENTION. The accused clearly had no intention whatsoever to kidnap or deprive the victim of her personal liberty.<ref>People vs. Puno, G.R. No. 97471, 17 February 1993</ref>
[http://www.wiki.lawcenter.ph/index.php?title=Kidnapping_and_serious_illegal_detention}

Pansinin na sa serious illegal detention ay kailangang sapat na mapatunayan ng taga-usig (prosecutor) ang ACTUAL CONFINEMENT OR RESTRAINT OF THE VICTIM. Sa sinasabing “actual confinement or restraint” ang tinutukoy ay “lock up.” At kung walang eidensiya ng “actual confinement or restraint,” kung walang ebidensiya ng “lock up,” ang sinasabi ng desisyon ng Supreme Court ay  “THERE IS NO EVIDENCE OF ACTUAL CONFINEMENT OR RESTRICTION ON THE VICTIM. THERE WAS NO "LOCKUP… THE INCIDENTAL DEPRIVATION OF THE VICTIMS' LIBERTY DOES NOT CONSTITUTE KIDNAPPING OR SERIOUS ILLEGAL DETENTION.”

Sa kaso ni Jun Samson, siya mismo ang nagpabulaan na may “actual confinement or restraint, o LOCK UP.” Una, nang araw na siya ay suspindehin, sa kinagabihan ay nagtungo siya sa bahay ng kaniyang ka-opisina at kaibigan na si Ka Celing na ibinalita niya na siya’y sinuspinde na at nakipagkuwentuhan pa sa kaniya; (2) bago ang sinasabi niyang “pagtakas” ay may lumipas pa na araw ng pagsamba (at sila’y nakasamba); at (3) siya mismo ang may sabi na sa araw na “tumakas” siya kasama ang kaniyang pamilya ay nagpa-alam siya sa guwardiya (security guard) sa gate na sasamba lang sila. Tandaan ang sinasabi ng desisyon ng Supreme Court, “THERE IS NO EVIDENCE OF ACTUAL CONFINEMENT OR RESTRICTION ON THE VICTIM. THERE WAS NO "LOCKUP… THE INCIDENTAL DEPRIVATION OF THE VICTIMS' LIBERTY DOES NOT CONSTITUTE KIDNAPPING OR SERIOUS ILLEGAL DETENTION.”

Samakatuwid, ngayon ay alam na natin kung bakit ayaw nilang dumaan ang kaniyang reklamo sa tama at legal na proseso na isinasaad ng batas. HINDI PAPASA ANG REKLAMO NI JUN SAMSON LABAN SA PAMUNUAN NG INC. Kaya, sa halip na tama at legal na proseso, ang ginawa ni Jun Samson ay dumeretso sa DOJ. Ginawa naman ni Sec. De Lima ay personal na inasikaso upang maisampa agad sa korte ang kaso laban sa pamunuan ng INC at siempre para magawan agad ng “warrant of arrest” na isang kaso na hindi maaaring makapagpiyansa.

Sa panig ni Jun Samson ay obvious naman ang “buktot niyang hangarin kung bakit gusto niyang masampahan ng kaso ang pamunuan ng INC at makulong – alam nating nais niya manira sa Iglesia bagamat kunwari ay mahal na mahal daw niya ang Iglesia.

(5) Nahayag sa atin sa mga pangyayari sa nakaraan na ginamit at nagagamit ng Malacanang sa PANGGIGIPIT ang “selective justice,” ang pag-shortcut sa pagsampa ng mga kaso, ang pakikialam ng DOJ lalo na ng kalihim ng katarungan.

Natatandaan natin ang ginawa sa tatlong Senador ng ating bansa. Hayag ang pagiging “selective justice.” Ang reklamo nga ng isang senador na nakulong ay bakit silang tatlo lamang ang pinagdidiskitahan. Ang tatlong Senador ay iniugnay kay Napoles. Napansin ba ninyo na ang ginamit na kaso laban kay Napoles ay “serious illegal detention” din. Samakatuwid, hindi na natin kailangan i-elaborate pa, alam na natin ang kanilang pamamaraan – “selective justice” at ang pagsampa ng kaso ay gamitin din sa panggigipit at nagagamit nila laban sa kanilang kalaban. Kaugnay nito ay ganito ang naging obserbasyon ng isang mamamahayag:

“The camp of 2016 presidential candidate Manuel Roxas 2nd had threatened the Iglesia Ni Cristo with a “Napoles”-and-“Enrile”-type of operations if the religious group does not support his candidacy, or if it does not at least stand neutral in next year’s polls, according to sources close to the second biggest Christian church in the country.” [Reap the Whirlwind” by Rigoberto D. Tiglao, The Manila Times Online]

Alin daw iyong ibinanta ng kampo ng administrasyon na gagawin sa INC na gaya ng kanilang ginawa kanila Napoles at Enrile? Ganito pa ang paliwanag ni G. Tiglao:

“The attack against the INC has all of three distinctive yellow tactics used by Aquino against his perceived enemies in the past five years. These are as follows:
“First, file illegal detention charges, to put them immediately in jail. It was the illegal detention charge – which is non-bailable – against Janet Napoles that served as the opening salvo for de Lima’s National Bureau of Investigation’s campaign on the pork-barrel scam that eventually put three once powerful opposition senators to jail. It was the illegal detention charge that put Napoles in jail, and for which she was convicted for 40 years – not the plunder cases against her. Tycoon Roberto Ongpin – who the Aquino operatives thought they could force to spill the beans against former president Arroyo and her husband – was charged with illegal detention filed by a former employee.” [Ibid.]


SA PANIG NG IGLESIA NI CRISTO

Base po sa mga katotohanang (“facts”) ito ay ito po ang nakikita ng Iglesia Ni Cristo sa ginawang “aksiyon” ng DOJ lalo na ni Justice Secretary De Lima sa personal na pag-asikaso at pagbibigay ng special treatment sa reklamo na isinampa ni Jun Samson laban sa pamunuan ng INC:

Walang maaasahang “katarungan” o “hustisya” ang Iglesia Ni Cristo sa paghawak ng DOJ ng reklamo ni Jun Samson laban sa pamunuan ng INC. Walang maaasahang “fair treatment” ang INC mula sa DOJ at maging sa Malacanang. Ito ang dahilan ng paglabas sa kalye ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo para ilabas ang kanilang hinaing.

Kaya, sa pagsigaw ng Iglesia Ni Cristo ng “Separation of Church and State” ay humiling lamang ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na HUWAG MAKIALAM ang estado, lalo na ang Executive branch ng gobyerno, ang tinatawag nating Malacanang, sa paghawak ng reklamo ni Jun Samson laban sa pamunuan ng INC. Gaya ng ating hayag na nakita, gagamitin lang kasi nila ang “reklamong” ito sa panggigipit laban sa pamunuan ng INC.

Sa pagsigaw ng Iglesia Ni Cristo ng “Maraming isyu ang dapat unahin ng DOJ gaya ng kaso ng SAF44” ay ang hinihiling lamang ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na ang asikasuhin ng DOJ ay ang TALAGANG TRABAHO nila at hindi nila dapat pakialaman ang TRABAHO NG IBA. Ang asikasuhin nila ay ang malalaking kaso na trabaho talaga nilang asikasuhin at HAYAANG ang reklamo ni Jun Samson ay dumaan sa tamang proseso, sa Prosecutor’s Office HINDI sa Justice Secretary Office.

Sa pagsigaw ng Iglesia Ni Cristo na “Huwag makialam ang DOJ” ay hindi ang ibig sabihin ay huwag nang imbistigahan ang reklamo ni Jun Samson laban sa pamunuan ng INC, kundi HINDI ANG DOJ ang dapat na umasikaso niyan. Huwag nilang pakialaman iyan dahil kilala nga sila sa “selective justice,” sa pag-shortcut ng pagsampa ng kaso, at sa paggamit ng ganitong mga kaso para sa panggigipit.

SAMAKATUWID, ang stand ng Iglesia Ni Cristo ay PADAANIN ANG REKLAMO NA ISINAMPA NI JUN SAMSON LABAN SA PAMUNUAN NG INC SA TAMA AT LEGAL NA PROSESO, SA RULE OF LAW, DUMAAN SA OPISINA NG PROSECUTOR’S OFFICE, HINDI ITO DAPAT PAKIALAMAN NG DOJ LALO NA NG JUSTICE SECRETARY SAPAGKAT (1) MAY SEPARATION ANG CHURCH AND STATE; (2) MAY RULE OF LAW O LEGAL NA PROSESO; AT (3) MAY NAKIKITANG “HIDDEN AGENDA” SA PAKIKIALAM NG DOJ.

Gaya nga ng atin ngayong nakita, natapos ang pagprotesta ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, nagsiuwian na ang mga kapatid matapos ang “pagpapaliwanagan” ng pamunuan ng INC at ng Malacanang, AT ANG NABABALITA NGAYON AY DADAAN NA SA TAMA AT LEGAL NA PROSESO, HINDI NA MAKIKIALAM ANG DOJ AT MALACANANG, BAGKUS ANG PROSECUTOR’S OFFICE NA ANG HAHAWAK NG PRELIMINARY INVESTIGATION NG REKLAMO NA ISINAMPA NI JUN SAMSON LABAN SA PAMUNAUN NG INC. Samakatuwid, ito talaga ang hinihingi ng INC, ang dumaan sa tama at legal na proseso ang reklamo ni Jun Samson at ang iba pang babangong reklamo laban sa pamunuan ng INC o sa INC sa kabuuan.


MUKHANG BALISA SI JUN SAMSON SA PAGDAAN SA TAMA
AT LEGAL NA PRSOSESO NG KANIYANG REKLAMO

Sa nababalitang ito na dadaan na sa tama at legal na proseso ang reklamo ni Jun Samson laban sa pamunuan ng INC at hindi na makikialam ang DOJ o Malacanang man, makikita ang “pagkabalisa” ng kampo ni Jun Samson. Ang tanong ngayon ay bakit mukhang balisang-balisa at takot na takot ang kampo ni Jun Samson na dumaan sa tama at legal na proseso ang reklamo na kaniyang isinampa? Bakit kitang-kita natin ang kanilang pag-panic sa pagkatanto na dadaan ito sa “preliminary investigation” ng prosecutor’s office na hindi na makikialam ang kanilang mga kaalyado? Sapagkat alam niya ang totoo ukol sa kaniyang isinampang reklamo na HINDI ITO PAPASA SA TAMA AT LEGAL NA PROSESO KAYA SA SIMULA PA LAMANG AY HININGI NA NIYA ANG PAKIKIALAM NG DOJ PARA ITO MAISAMPANG KASO.       


SAGOT SA MGA ITINANONG NG IBA

“Bakit kailangan pa ninyong lumabas sa kalye at magprotesta?

Sapagkat ang nakikialam ay ang gobyerno (isang sangay ng gobyerno to be exact) na ginagamit ang kanilang kapangyarihan o impluwensiya, at kitang-kita ang kanilang hindi pagsunod sa rule of law, nais na pag-shortcut para lang maisampa agad ang kaso at makapagpalabas ng “warrant of arrest” laban sa mga pamunuan ng INC na ang nakikitang dahilan maging ng mga nagmamasid ay upang gipitin ang pamunuan ng INC na may kinalaman sa darating na eleksiyon sa susunod na taon (2016). Tandaan din na kilala si Justice Secretary De Lima sa tahasang HINDI PAGSUNOD O TAHASANG PAGSUWAY SA PASIYA NG SUPREME COURT. Natatandaan ba ninyo ang ginawa niyang tahasang pagsuway sa TRO ng Supreme Court ukol sa travel ban ni Pangulong Gloria Arroyo? Tandaan din na ang paglabas upang iparinig ang hinaing ng mga mamayan ay isang proseso ng demokrasya na ginawa ng maraming grupo (kasama na ang grupo mismo ni Pangulong Aquino).

Sa isang demokratikong bansa, may karapatan ang bawat mamamayan na magpahayag ng kaniyang hinaing laban sa pamahalaan kaya nga ang ating bansa ay may EDSA 1 at EDSA 2. Tuwing Mayo 1 ng bawat taon ay may masasaksihan tayong ganitong paglabas sa kalye at pagsigaw ng hinaing ng mga militanteng grupo. Ang karapatang ito ay taglay din ng bawat kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Sa pamamagitan ng paggamit ng karapatang ito at sa paglabas sa kalye ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay NABUNYAG ANG “ANOMALYA” SA PAGMAMADALI NA MASAMPAHAN NG KASO ANG MGA PAMUNUAN NG INC.

“Bakit hindi na lamang ninyo hayaan na imbistigahan ang kaso na isinampa sa mga miembro ng Sanggunian ng INC? Bakit hindi na lamang harapin ang kaso?”

Ang paglabas ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa kalsada ay hindi upang huwag sampahan ng kaso ang mga pamunuan ng Iglesia Ni Cristo, at hindi rin dahil sa ayaw ng mga pamunuan ng INC na harapin ang kaso. Walang gayong layunin, walang sinasabing ganito ang INC. BAGKUS ANG NAIS NAMIN AY HARAPIN ANG REKLAMO O KASO SA TAMA AT LEGAL NA PARAAN, ANG MASUNOD ANG BATAS, ANG MASUNOD ANG RULE OF LAW. Ang maalis ang “katiwalian” o “anomalya” gaya ng pag-shortcut sa pagsampa ng kaso. Ang huwag magamit ang “reklamong” ito sa panggigipit at pakikialam ng gobyerno sa Iglesia Ni Cristo. Anupa’t, ang nais ng INC ay umusad ang anumang reklamo laban sa pamunuan nito sa tama at legal na proseso lamang. TAMA AT LEGAL NA PROSESO ANG HINIHINGI NAMIN.

Katunayang ito nga ang nais at hinihingi ng Iglesia Ni Cristo, sa aktuwal na pangyayari, ngayong natapos na ang paglabas ng mga kaanib sa INC sa kalsada ay balitang-balita na dadaan na sa “prelimnary investigation” sa Prosecutor’s Office ang reklamo na isinampa ni Jun Samson laban sa pamunuan ng INC.

Ito po ang gusto namin at hinihiling – ang haharapin ng pamunuan ng INC ang kaso na dumaan sa tama at legal na proseso. IYON NGA LANG, ito po pinaka-kaiwas-iwasan ng kampo ni Jun Samson sapagkat alam niyang kung ang kaniyang reklamo ay dadaan sa tama at legal na paraan ay hindi ito papasa. Ano ang isinampa niyang reklamo? Illegal detention daw. Ano ang sabi niya? “Nakatakas kami nang sabihin ko sa guwardiya na sasamba kami.” Ano ang sabi sa pasiya ng Supreme Court ukol sa illegal detention? “THERE IS NO EVIDENCE OF ACTUAL CONFINEMENT OR RESTRICTION ON THE VICTIM. THERE WAS NO "LOCKUP… THE INCIDENTAL DEPRIVATION OF THE VICTIMS' LIBERTY DOES NOT CONSTITUTE KIDNAPPING OR SERIOUS ILLEGAL DETENTION.”  


NGAYON, ALAM NA ALAM NA NATIN ANG TOTOO!

2 comments:

  1. Salamat po sa klarong paliwanag po na ito. I am one with EVM!

    ReplyDelete
  2. Itong pagdaan sa legal at tamang proseso ng kasong sinampa ni jun samson laban sa INC ang magandang abangan Sumusubaybay po ako

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.