31 August 2015

Reap the Whirlwind: What's Behind the INC Revolt TAGALOG TRANSLATION



REAP THE WHIRLWIND:
WHAT’S BEHIND THE INC REVOLT?
By Rigoberto D. Tiglao
Manila Times, 30 August 2015

UMANI NG KAGULUHAN:
ANO ANG NASA LIKOD NG PAGPROTESTA NG INC?
Tagalog translation
By Pristine Truth


[Disclaimer: Ito po ay salin sa Tagalog ng artikulo ni Gg. Rigoberto D. Tiglao na nalathala sa Manila Times, 20 Agust 2015. Tinagalog namin ito para sa kapakanan ng mga hindi masyadong nakakaintindi ng Ingles, subalit patuloy po ito na pananaw at paninindigan ng orihinal na may akda, at hindi nangangahulugang paninindigan na rin ng THE IGLESIA NI CRISTO]


ANG kampo ng kandidato para sa presidente sa 2016 na si Manuel Roxas II ay pinagbantaan ang Iglesia Ni Cristo na gagawin sa kanila ang tulad ng ginawa kanila Napoles at Enrile kung hindi susuportahan ng relihiyong ito ang kanilang kandidato, o kaya ay maging neutral (walang susuportahan) sa eleksiyon sa susunod na taon, ayon sa isang malapit  sa ikalawang pinaka-malaking simbahan sa bansa.

[Nota: Si Mar Roxas ay Manuel Roxas II kaya may banggit ang may akda na Roxas 2nd, at si P-Noy ay Benigno Aquino III kaya may banggit din ang may akda na Aquino 3rd.]

Kung tatanggi ang Iglesia na tumulong sa ikalawang “pagtakbo” (sa presidential election)  ni Roxas, na sa katotohanan, ay tumanggi nga, tinantiya ng kaniyang kampo na ang pagsisiwalat ng mga akusasyon ukol sa malawakang katiwalian sa loob ng INC, at ang magkaron sa kaniya ng isang pagkakabaha-bahagi na pinangunahan ng biyuda ng dating Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC, ay magpapahina sa kapangyarihan nito  hanggang sa puntong ang kaniyang mga kaanib ay hindi na susunod sa pasiya ng namamahala (sa Iglesia) ukol sa pagkakaisahan sa halalan sa pagka-pangulo sa 2016.  

Ang kaso ng illegal detention laban sa halos buong liderato ng INC, maliban kay Eduardo Manalo, ay isang hindi naitagong mabuti na pananakot na silang lahat ay ipakukulong kung hindi sila susunod sa utos ni Roxas.

Kaya hindi kataka-taka na ang INC ay nasa isang paghihimagsik na hindi kailanman nakita sa kaniyang 101 taong pag-iral. Ito ay isang desperadong pagkilos sa bahagi ng mga gumagawa ng istratehiya para kay Roxas sapagkat ipinakikita ng lahat ng surveys na siya ay tiyak na matatalo sa halalang 2016, na gaya ng konklusyon mismo ni Pangulong Aquino.

Inaakala nila na kung pagkakaisahan ng INC na suportahan si Roxas, na tinatayang may 1.4 milyon, o hingit pa sa kalahati ng bilang ng kaniyang mga kaanib, ay makapagbibigay ng pag-asang manalo, kahit man lang makapagbigay ng tabing para maitago ang pandaraya.

Subalit sa kabila ng matinding panunuyo ni Roxas, ang liderato ng INC ay nagpadala ng pahayag na hindi nila masusuportahan ang kaniyang kandidatura sa 2016. Ito ay sapagkat nararamdaman ng INC na si Roxas ay hindi kasiya-siya sa dalawang posisyong hinawakan niya sa kabinete ng administrasyong Aquino – na kaniyang sinuportahan noong 2010 – na hindi natupad ang kaniyang mga pangako. Partikular pang ipinahayag ng INC ang kabiguan ng gobyerno na magbigay hustisya sa Special Action Force commandos na minasaker sa Mamasapano, na ang dalawa sa kanila ay mga kaanib sa INC.

Subalit, sina Aquino at Roxas, ay parang nagbaril sa sarili dahil sa lubhang minaliit ang kapangyarihan ng INC na magpakilos ng libu-libong tao sa kalsada upang magsagawa ng paglusob laban sa pamahalaang Aquino.

Maaaring nakalimutan ng kampo ni Roxas na ang INC ay may isang popular na istasyon ng TV at istasyon ng radyo – isang makapangyarihan (mabisang) instrumento sa malawakang pulitikal na pagpapakilos at sa kudeta. Ang istasyon ng TV ng INC na NET 25 ay higit na propesyunal (maayos) na napatatakbo at higit na may malakas na TV signal kaysa sa NBN station ng pamahalaan na kalunos-lubos na ganap na inutil  sa pag-counter sa Net 25. Si Manalo na namamahala sa INC ay madaling kinilos ang mga pangunahing lider ng Iglesia na wala isa mang sumama sa maliit na grupo na humiwalay (sa Iglesia) na para bang nawala na lamang pagkatapos ng kanilang una at huling Youtube propaganda ilang linggo na ang nakaraan.

Ang sagot ng Katoliko laban sa aksiyong pulitikal ng INC ay hindi makatuwiran, sapagkat ang Iglesia Katolika ay walang pagkakaisa sa pagboto. Ginawa ni Roxas ang INC na kaniyang mortal na kaaway, na ang pananaw ay ang nanganganib ang kaniyang pag-iral. Mukhang gagawin ng INC ang pakikipagkasundo sa mga kandidato sa lokal na eleksiyon para lang matiyak ang bulto-bultong boto laban sa Yellow candidate (kandidato ng administrasyong Aquino).

Halos sa lahat ng pagkakataon ay nagkakaisa ang INC sa pagboto, marahil ay ito ang unang pagkakataon na magiging aktibo siya sa pagkampanya laban sa isang kandidato sa pagka-presidente.

Ayon sa Hosea 8:10: “They that sow the wind, shall reap the whirlwind.”

“Halos lahat ng mga pulitikal lider sa panahon pagkatapos ng digmaan (Ikalawang Digmaang Pandaigdig), maliban kay Cory Aquino, iginalang ang karapatan ng INC sa pagboto at binigyang-dangal bilang isang panrelihiyong organisasyon gaya ng kanilang ginawa sa mga prinsepe ng Iglesia Katolika,” sabi ng isang malapit sa INC. “Ang Presidente lamang at si Roxas ang may tapang na takutin at talagang kalabanin ito.”

Ang ibig sabihin lamang ng mga matatalino subalit walang pagkukunwaring mga lider ng INC nang sabihin nilang, “igalang ang paghihiwalay ng simbahan at estado” at ganito: Na hindi madidiktahan ng administrasyon kung sino ang pagkakaisahan ng INC na iboto. Ito ang isinisigaw ng kaniyang mga kaanib sa kalsada, pag-isipan ang kahulugan nito.

Sa ngayon ay nakatuon ang pag-atake ng INC kay Justice Secretary De Lima, gaya nga ng kanilang sinabi na mayroon silang konkretong katunayan ng kaniyang (De lima) partisipasyon sa plinanong pagsasampa ng mga kaso laban sa kanilang grupo.

Hindi pa nila hayagang ipinanawagan ang resignasyon ni Aquino, ito ay lalabag sa kanilang doktrina na maging masunurin sa legal na pamahalaan. Subalit ito’y isang pagkukunwari sa kanilang bahagi, sapagkat hindi rin naman nanawagan ang INC para sa pagpapatalsik kay Gloria Macapagal-Arroyo noong Abril ng 2001, kahit na ang kaniyang mga kaanib ay kabilang sa mga taong sumama sa tinatawag na EDSA tres uprising laban sa administrasyon.


HINDI SI AQUINO III KUNDI SI ROXAS II

Hindi alinman hayagang kinundena ng mga nagpo-protestang INC si Aquino, ang kaniyang mga lider ay naniniwala na ang Interior and Local Government Secretary na si Manuel Roxas II o ang mga gumagawa ng kaniyang istratehiya ang nag-isip ng plano na pagbantaan ang INC o kahit ang kanilang reputasyon.

Isang pinagmulan ng impormasyon ang nag-angkin na si Cristina (“Tenny”) Manalo, biyuda ng namayapang Erano Manalo na namahala sa Iglesia hanggang 2009, ay mabuting kaibigan ni Judith Araneta-Roxas, ang ina ni Roxas (Manuel Roxas II). Si Gng. Manalo, kasama ang kaniyang anak na si Felix Nathaniel “Angel,” ang nag-post noong kalagitnaan ng Hulyo ng taong ito sa Youtube na humihingi ng tulong, nag-aangkin na ang kanilang buhay ay nanganganib at na sila’y hostage (illegally detained) dahil sa pagsisiwalat ng mga alegasyon ukol sa katiwalian ng hiyarkiya ng INC, na ngayon ay pinangungunahan ng kaniyang pinakamatandang anak na si Eduardo.

Ang mabilis na pagpapapunta ng mga pulis at mga ahente ng Commission on Human Rights (CHR) sa compound ni Angel ay pinaniniwalaan ng INC na isang pagkilos ayon sa utos ni Roxas, yamang siya ang puno ng Philippine National Police, at yamang ang kaniyang factotum Liberal Party director general na si Chito Gascon ang umupong chairman ng CHR nito lamang Hunyo.

Ang nag-udyok sa INC para lumabas laban sa gobyerno ay ang pagsasampa ng kaso ni Isaiah (sic) Samson, dating editor ng kaniyang pahayagang Pasugo, ng kasong illegal detention laban sa walong ministro na bumubuo sa pinakamataas na pampangasiwaang konsilyo ng INC (Sanggunian).

“Ito ay tulad ng pagsasampa ng mga kasong kriminal, hindi makapagpipiyansa, laban sa buong executive committee ng Liberal Party,” pahayag ng aking pinagmulan ng impormasyon. “Sa palagay mo ay may tapang si Samson o pondo upang labanan ang INC?” “mayroong sumusuporta sa kaniya (may nasa likod niya), gaya ng may sumusuporta (nasa likod) ni Benhur Luy, na ang itinuro ay halos mga lider ng oposisyon lamang bilang sangkot sa pork-barrel scam.” “Sina Gng. Manalo at Angel, sa kabilang dako, ay mukhang nawala pagkatapos ng kanilang Youtube episode.”  

Si Justice Secretary De Lima mismo ang personal na tumanggap ng reklamo, at gumawa pa ng media event mula rito. Kaniya na sanang ipupurside ito sa pamamagitan ng personal na pagpili ng mga fiscal (prosecutors) na hahawak ng kaso sa isang trial court hanggang nilusob siya ng INC sa kaniyang opisina sa Padre Faura.


ANG THREE YELLOW TACTICS

Ang pagkilos laban sa INC ay mayroon ng lahat ng tatlong yellow tactics (taktika ng administrasyong Aquino) na ginamit ni Aquino laban sa hinihinalang kaaway sa mga nakaraang taon. Ito ang mga sumusunod:

Una, pagsasampa ng kasong illegal detention, upang agad na maipakulong. Ang kasong illegal detention – na walang piyansa – laban kay Janet Napoles ang nagsilbing opening salvo (pasimula) para sa kampanya sa pork-barrel scam ng National Bureau of Investigation ni De Lima na nang malaon ay naging dahilan ng pakakakulong ng tatlong makapangyarihang oposisyong senador. Kasong illegal detention din kaya nakulong si Napoles, na dahil din ito ay nahatulan siya ng 40 taong pagkakulong – hindi ang kasong plunder laban sa kaniya. Kinasuhan din ng illegal detention ang (business) tycoon na si Roberto Ongpin ng kaniyang dating employee – na inaakala ng mga operatibo ni Aquino ay magagawa nilang puwersahin na magsalita laban sa dating presidente Arroyo at ng kaniyang asawa.
   
Ikalawa, gawan sila ng imahe bilang corrut (tiwali). Ang tatlong oposisyong senador ay nakulong pagkatapos na sila’y gawan ng imahe bilang mga malaking tiwali (big-time grafters), at ang media na ginamit nila noon ay siya ring ginagamit ngayon laban sa INC, na sila Manalo at ang kaniyang mga katuwang (Sanggunian) ay nagnanakaw ng ganito at ng ganiyan, na ang lider ng INC ay may isang mansiyon sa Forbes park na nagkakahalaga ng milyon-milyon, na ang kanilang foundations sa ibang bansa ay ninanakaw na ang lahat.

Ikatlo, pakilusin ang kanilang mga alipores sa social media (yellow social media), at ang ABS-CBN, lalo na. Ang nauna ay ang kaparehong “netizens” at mga trolls na nagpapanggap na netizens, na abalang-abala sa pagpapasama kay Binay, at ngayon ay inutusang pasamain si Manalo at ang “panatikong” INC. Kilala ninyo sila – i-check ninyo ang kanilang FB accounts, na ang ipino-post lamang ay pawang mga masasamang kritisismo (vitriol) laban sa kanilang target. Panuorin ninyo ang mga pagbabalita ng ABS-CBN sa demonstrasyon ng INC, na inuulit ang sinabi ni Roxas na ang demonstrasyon ng INC ay lumilikha ng matinding traffic sa EDSA. Hindi higit sa kakayahan ng kampo nina Aquino at Roxas na palalain ang traffic  upang lumikha ng masasamang pananalita laban sa INC.      

Isang online-only paper (research sa online lamang) – ang parehong outfit  na nagsimula ng kampanya sa character assassination laban kay Corona para sa kaniyang impeachment trial sa pamamagitan ng pag-akusa, pawang kasinungalingan, na kaniyang gawa-gawa lang ang Ph.D. mula sa UST – na bigla na lamang ay nagkaroon ng malalim na serye na imbestigasyon sa mga gawain at foundations ng INC sa ibang bansa. Ito ay nangangailangan ng hindi bababa sa isa o dalawang buwan ng pagsasaliksik sa masikretong iglesia na napakaliit ng mga impormasyon na pinost sa internet.   

Winasak nina Aquino at Roxas ang institusyon ng Korte Suprema at ng kongreso, at pinanatiling nakakulong ang isang dating presidente sa pamamagitan ng napakahinang ebidensiya.

Kaya inakala nila na kasing dali lamang gaya ng paglalakad sa parke na wasakin ang isang maliit na sekta ng relihiyon, na hindi man lamang pinanganlan sa Konstitusyon.
Sila sa halip ay umani ng kaguluhan.


POSTSCRIPT

Nang tatapusin ko na sana ang column na ito at ipadala sa email sa aking mga editors, binuksan ko ang aking Facebook account at nakita ang isang nakapagbibigay-liwanag na post ng aking matagal ng kaibigan, ang beteranong journalist na si Manny Mogato, na nasa field at kinakapanayam ang mga nagdedemostrasyong INC sa EDSA.

Si Manny ay tiyak na hindi pro-INC, at ang kaniyang saradong Katolikong pag-iisip ay nag-udyok pa sa kaniya na ipunto sa kaniyang post na ang INC “ay hindi naniniwala sa pagiging-Diyos ni Cristo Jesus,” na para bang binababalaan ang kaniyang mga mambabasa na ang mga taong ito ay mga erehe.

Magkagayunman, ang pahayag na kaniyang nakuha sa mga nagdedemonstrasyon, na kaniyang pinost sa kaniyang FB, ay nagpatibay sa aking mga ipinupunto na iniharap sa unahan, bagamat si Manny ay nagpakita ng paghanga sa mga ito:

 “Ibinoto pa naman namin siya nung 2010, ngayon gusto niyang pagwatak-watakin ang INC.”
“Hindi kami naniniwalang si de Lima lang yan, mayroon pang mas makapangyarihan na nasa likod ng kaso ni Isaiah Samson sa mga taga-pangasiwa namin. Ginamit lang ang DOJ”
“Bakit wala pang nakakasuhan sa Mamasapano, samantalang bago lang itong kaso ni Samson? May short-cut atang nangyayari.”

At bilang pinaka-ipinupunto ng artikulong ito:

“Gusto nilang masira ang aming pagkakaisa para masabi nilang natalo ang sinuportahan namin sa election, kasi hindi na kami solid. Gusto nilang pilitin kami na suportahan ang manok nila.” (They want to wreck our unity, so they could later claim the candidate we supported lost because we were no longer a solid bloc. They are forcing us to support their candidate [Roxas, in the 2016 presidential elections.)

Kabaliktaran ng inaangkin ng Yellow horde (ang grupo ni Aquino), ang mga nagdedemonstrasyon na INC ay tiyak na alam nila ang dahilan kung bakit sila nasa EDSA, at kung ano ang kanilang ipinaglalaban.

tiglao.manilatimes@gmail.com
FB: Bobi Tiglao


No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)