Pages

13 August 2015

Misinforming at Malicious Report ang Kanilang Ibinibigay upang Pasamain lang ang Iba



ANSWERING “FALLEN ANGELS” 
Punto-por-punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
part 13

NAGBIBIGAY SILA NG
MALISYOSONG ULAT UPANG MAGLIGAW AT PASAMAIN
LANG ANG IBA 


Ang Kasinungalingan nina Angel Manalo at Joy Yuson  ukol sa “Credit limit” ng credit card ng isa sa anak ni Ka EVM
 

ISA sa mga maruruming pamaaraan ng  “black propagand” ay  ang “misinformation” – nagbibigay ng “maling ulat” o maling impormasyon” at nagbibigay ng “malisya” upang iligaw ang mga tao at mapapaniwala sa kanilang “kasinungalingan.” Ganito ang malimit nating makita na ginagawa ng mga tinatawag nating “Fallen Angels” (ang grupo nina Angel Manalo at Joy Yuson). Marapat lamang na sagutin din natin ang mga malilisyosong ulat na ito” upag huwag madaya ang mga kapatid at mapapaniwala sa kanilang mga kasinungalingan.


“MILLION US DOLLARS DAW ANG CREDIT LIMIT
NI KA GEMMA”

Ayon kay Joy Yuson a.k.a. “Kelly Ong” ay isang milyon US Dollar daw ang “credit limit” ng credit card ni Ka Gemma Manalo-De Guzman, anak ni Kapatid na Eduardo V. Manalo:




 May pinost pa sila na “screenshot” ng “bill” na nilagyan nila ng mga "nota" upang talagang palabasin ang gusto nilang ipapaniwala sa kanilang mga mambabasa:



Pauli-ulit nilang pinost ang isyung ito sa social media at dinagdagan pa ang kanilang paratang na "isa lang daw ito sa napakaraming credit card" na hawak ni Ka Gemma. Mapapansin na ang layunin nila Angel Manalo at Joy Yuson ay mapapaniwala ang mga tao na ang mismong “anak ng kasalukuyang Tagapamahang Pangkalahatan ay “nilulustay” diumano ang “abuloy ng Iglesia.



PINABULAANAN NG ISANG KAPATID ANG
KANILANG SINABI

Subalit sa kaniya ring “post” na ito ay may mga kapatid na hindi makatiis na nagbigay ng paglilinaw at pinabulaanan ang kanilang “malicious post”:




Ang sabi ng kapatid, "Hindi po million usd. Million peso lang po kasi ph credit card to. Foreign currency transaction nya ang nasa kaliwa na 533k ntd converted into peso sa kanan na php 804k kasi 1ntd = 1.50 php. Ung pangalawa po ganon din..."

Alam ba ng kapatid ang sinasabi niyang ito? Ang sabi pa niya, "Sabi ko lang po alam ko kasi Im dealing with credit cards po. Para malinawan ang mga mambabasa."

Bakit hindi nakatiis ang kapatid na ito sa pagtutuwid ng ibig palabasin ng grupo nina Angel Manalo at Joy Yuson? Ang dagdag pa niya, "Yesterday pa ang pic na ito and a lot of people are being misled sa million usd ang credit limit."



BINURA NILA ANG “COMMENT” NA ITO
NG NATURANG KAPATID

Katunayang HINDI PAGPAPAHAYAG NG KATOTOOHAN ANG NILALAYON NILA KUNDI “MAGPASAMA” NG IBA UPANG MAPAPANIWALA ANG MGA TAO SA KANILANG KASINUNGALINGAN, binura nila ang “comment” na ito ng naturang kapatid sa post nilang ito sa kanilang FB page:



NAPATUNAYAN NA SILA AY 
NAGSINUNGALING

Obviously, BINURA nila ang "comment" ng kapatid na nagbibigay linaw na HINDI million US Dollars ang credit limit kundi Ph Peso lamang para  itago ang katotohanan at igiit ang kanilang kasinungalingan. Malaki ang pagkakaiba ng PhP sa USD dahil ang isang milyong USD ay 40-45 milyong piso ang katumbas. Kaya, pinipilit nina Angel Manalo at Joy Yuson na palabasing USD ang credit limit para ipakitang "napakalaking halaga" nito para "makayanan" ng mag-asawang Ka Jojo at Ka Gemma, lalabas nga naman na sa "ibang source" nila kinuha, na pinalalabas nga nila ay "niluustay ang abuloy ng Iglesia."

Subalit, NAPATUNAYAN NA ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN ang sinabi nina Angel Manalo at Joy Yuson na “million US dollars” ang credit limit ng “credit card” na sinasabing ginamit ni Ka Gemma sapagkat lumalabas na ito ay Philippine Peso lamang



NAGPAPATUNAY BA ANG “CREDIT STATEMENT” NA ITO
NA TOTOO ANG KANILANG PARATANG NA “NILULUSTAY”
DAW ANG ABULOY NG IGLESIA?

Ang totoo ay isa lamang itong “malisyosong post” nina Angel Manalo at Joy Yuson a.k.a. “Kelly Ong” na naglalayong “magligaw” sapagkat WALA NAMAN SILANG NAIPAKITANG PATOTOO NA ANG IPINANGBABAYAD SA “CREDIT CARD” NA ITO Y MULA SA ABULOY NG IGLESIA.

Tandaan na ang sinasabi ng nagpaparatang na “ebidensiya” ay hindi maituturing na “ebidensiya” kung hindi maipapakita ang kaugnayan sa akusasyon at sa inaakusahan. Halimbawa, ang nag-aakusa ay naglabas ng “baril” at sinabi niya na iyon daw ay ebidensiya na ang inaakusahan ay ang pumatay sa biktima – subalit kung hindi maipapakita na ang “baril” na ito ay ang ginamit sa pagpatay sa biktima at hindi mapatutunayan na ang “baril na ito” ay “ginamit,” hindi naging pag-aari o hindi naging posesyon ng inaakusahan, at bagkus ay hindi kailanman nakita sa inaakusahan, ay hindi maibibilang ang “baril” na "ebidensiya" na nagpapatunay sa akusasyon.

Ganon din, kung ang “bill” na ito na nakapangalan kay Ka Gemma (kahit pa mapatunayang kaniya nga), subalit kung WALANG MAIBIBIGAY O MAIPAKIKITANG PATOTOO NA ANG IPINANGBAYAD DITO AY MULA SA ABULOY NG IGLESIA, WALA RING NAPATUNAYAN ANG “BILL” NA KANILANG IPINAKITA UKOL SA "KURAPSIYON" O "KATIWALIAN" NA KANILANG INAANGKIN, KUNDI NAGPAPAKITA LAMANG NA SI KA GEMMA AY NAGTUNGO SA TAIWAN AT GINAMIT ANG KANIYANG CREDIT CARD.

May nag-comment na kahit daw "peso" ay malaki pa rin. Hindi tulad ng US Dollars, ang "million peso" ay hindi kalakihan kumpara sa "million US dollars. Ipinakikita lang ng komentong ito na talagang ang nais lang nila'y magparatang, magbigay malisya at magpasama ng iba, at hindi ang magsabi ng katotohanan. Ang asawa ni Ka Gemma na si Ka Jojo ay isang Fil-Am na nakapagtapos ng college at master's degree sa US at ang kaniyang buong pamilya ay nasa US hanggang ngayon. Kailangan pa ba natin itong palawakin?



KONKLUSYON

Samakatuwid, obvious na NAGSISINUNGALING AT NAGLILIGAW lamang ang grupo nina Angel Manalo at Joy Yuson a.k.a. “Kelly Ong.” Kaya hindi maling sabihin na “tuso” tulad ng “ahas” ang grupo nina Angel Manalo at Joy Yuson. Ano lang pinatutunayan nito?

Juan 8:44
“Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin.  Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya.  Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.”



4 comments:

  1. kahit pa billion usd yan eh sa kanya naman yan ky ka gemma..ano naman mali don..amg mali ung lumaban ka sa pamamahala at ung siraan mo pa na ikaw naman ang my gawa..sa kasisira mo sa pamamahala ulo mo masisira promiz..hihi

    ReplyDelete
  2. The way I read it po, looks like the card was used for group transaction and I don't see anything wrong with it if tama po ako.
    The limit is set by the bank. If the bank recognizes the INC and respects our relationship our relationshio with the bank by giivng us/her this credit facilty, why is she being criticize for it. It is not her actual spend so what's wrong?
    Official naman iyong trip sa Taipei and if a card that is put under the name of a trusted member of the team what is wrong with it? I don't really get it why this is being used as a proof for corrruption. Dirty tactic ito... Tsk tsk...

    ReplyDelete
  3. Bitter ksi yang si Yuson dahil nawala Sa kanya Yung magandang buhay Ng nasa GemNet pa sila.

    ReplyDelete
  4. Buti po nilinw nyo rin ang ukol dito.. Kung hindi ay madame na naman ang madadaya nila.. Padami po ng padami ang mga ipinupukol nilang mga malisyosong usapin habang wla naman pong napatutuyan khit isa...

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.